Chereads / SOON TO BE DELETED 3 / Chapter 19 - ♥♡ CHAPTER 18 ♡♥

Chapter 19 - ♥♡ CHAPTER 18 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang ulit nararamdaman ang ganito. Habang naglalakad ako at papalapit sa secret room. Kumuyom ang mga kamay ko at nag-umpisang manghina ang mga tuhod ko.

The time...it's already 2:37 am.

What can I do? Sinunod ko lang naman lahat ng nakasulat doon sa letter. First and foremost, wala akong dapat pagsabihan tungkol dito. Second, ako lang dapat mag-isa ang pumunta ng walang nakakaalam. I must be so absurd right now, knowing those news about students entering the secret room na hindi na nakakalabas but why can't I stop myself from going into that kind of place? Nakakatawa lang isipin na alam ko ng delikado pero itutuloy ko pa rin. Maybe because I badly want to be with my friends and to save them.

After how many minutes of surpassing the darkness of this scary hallway, I am now standing infront of the secret room. Trully, behind this door, hindi ko alam kung ano ba talagang dadatnan ko but I am well prepared if something bad happens. Besides, hindi na ako ganon kahina katulad ng dati. Just because of those people who made me feel weak and useless, they simply thought me how to fight.

"Sometimes, our weakness can also be our strengths" I whispered while looking at the door.

It took me a long time para unawain ang mga katagang 'yan, but someday you will fully realized it. Kapag narealize muna 'yon, you will just draw that smile on your face unexpectedly. Inobserbahan ko ang pintuan dahil gawa ito sa bakal just like the game room, there's no door knob and it's fully sealed so how am I supposed to enter? They were not really planning to let anyone enter this room, that's why I'm also thrilled.

Dahan-dahan kong hinawakan ang pintuan ngunit bago ko pa man magawa 'yon, kusa ng bumukas ang mga sealed nito kaya napahakbang ako paatras dahil sa gulat pero hindi rin naman nagtagal 'yon dahil pinakalma ko rin ang sarili ko. There's no time for me to be scared. Hinawakan ko na lang ang pintuan at itinulak 'yon. Pagkapasok ko sa loob, wala akong makita dahil madilim pero nag-umpisa pa rin akong maglakad habang inoobserbahan ang paligid. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan kaya napatingin ako doon at muling tumingin sa harapan ko.

Muli kong inobserbahan ang paligid ng unti-unting magliwanag. Ngunit hindi mga puting ilaw ang sumalubong sa akin, kundi mga kulay pulang ilaw na nanggagaling sa apat na sulok ng kwartong 'yon. Unti-unting umilaw ang mga ito at wala akong ibang makitang gamit kundi isang bookshelf lang. May lamesa sa harapan ko at may natanaw akong isang swivel chair. May nakaupo doon ngunit nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko siya makilala.

Ilang segundo ang lumipas pero tahimik lang ang buong kwarto hanggang sa marinig kong magsalita ito, "I've been waiting for you, Bliss Syden Fuentes" saad nito at base sa boses niya, alam kong babae siya. Is she the SSC president? Kung oo, I would gladly love to meet her.

"You're the supreme student council president, am I right?" tanong ko dito at humakbang ako ng tatlong beses papalapit sa kanya kaya ngayon nasa harapan na ako ng lamesa niya, na naging dahilan para humarap siya sa akin pero hindi ko pa rin nakita ang mukha niya dahil naka-maskara siya. Just a plain white mask kung saan nakakatakot ang ngiti ng maskarang 'yon pero halatang may itinatago.

"Nice to meet you, Ms. Fuentes. Well, you're right. Let me introduce myself formally to you" tumayo ito at nagkibit-balikat pero kahit na kulay pula ang mga ilaw. Nakakaagaw pansin ang suot niyang singsing na kulay ginto. The symbol of her ring is an eagle. A gold eagle.

She even offered her hand kaya napatingin ako doon bago siya nagsalita, "I'm Fortune Beatrice Rosenheim, the student council president. I'm glad we've finally met, Ms. Fuentes" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay hinawakan ko na rin ang kamay niya at nagsalita, "Looks like you know me so well, Ms. President" saad ko dito at ngumiti ako. Isang ngiti kasabay ng masamang pagtingin sa kanya.

"Please, have a seat" saad nito pagkatapos makipag-kamay sa akin kaya sabay kaming umupo. 

"Of course. Who would dare not to know the Viper King's queen" saad nito at hindi ko mabasa ang itsura niya dahil nakamaskara siya kaya nagsalubong ang kilay ko. In this kind of situation, I wouldn't know if she's an enemy or a friend?

"Please, make yourself comfortable. Feels like you're too uncomfortable here in my place" saad nito kaya tinignan ko ang paligid at huminga ng malalim.

"Kind of. It's just..." patuloy pa rin ako sa pagtingin sa paligid habang sinasabi 'yon, "The atmosphere here is just heavy" saad ko sa kanya. Hindi mainit, hindi rin malamig ang temperatura ng kwarto.

"I see. Later on, your body will going to adapt the changes when it comes to my surroundings" saad nito na inilagay ang dalawa niyang kamay sa lamesa kaya muli akong napatingin sa singsing siya at sa may bookshelf. There's really something wrong about this place.

"As you can see, there's only one way for your friends to be saved and I assume that you're aware of the reason kung bakit kita pinapunta dito. It's because you want to transfer your friends from other building into this building, right? Of course, I would know because my secretary Amber told me about it" saad niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga bang matutulungan mo ako?" tanong ko.

"I can do anything you want but there are certain conditions to be followed, Bliss Syden" saad nito na ipinagtaka ko but I have no other choice.

"Still confused? Then, I'll show you why this room is called as secret room" nakita ko na lang ang mga daliri nito na may pinindot sa gilid ng lamesa niya. Napatingin ako sa may book shelf ng tumunog ito at gumalaw. Bumukas ito na parang isang pintuan at nakita kong may nakatagong pintuan sa likod nito.

"Secret room because it has a secret door. As you all know, there's no way for you to escape this building. Kapag tumalon ka, there are spikes na nakaabong sa'yo sa ground floor. Even though tumalon ka sa second floor, mamamatay ka pa rin kahit mababa lang because of those spikes. All other doors are also kept locked and sealed. This door is the only way for you to enter and get out of this building safely"

"So, d-do you mean- "

"Yes, kapag binuksan mo ang pintuan na 'yan, makakalabas ka na sa building na 'to. There is this rumor saying, na lahat ng pumapasok dito sa secret room, hindi na nakakalabas? That's true dahil katulad mo, students in this building demand something from me. Gusto nilang magpalipat ng building dahil ayaw nila dito. They are afraid of Blood Rebel's group and the council officers kaya gusto nilang magpalipat. Kaya once na pumasok sila dito, hindi na sila lalabas sa pintuan na 'yan..." itinuro niya ang pintuan na pinasukan ko kanina kaya napatingin ako doon, "Ending? Pinagbibigyan ko sila at pinapalabas sa pintuan na 'to but I cannot guarantee their safety. Marami na ring nakalabas sa building na 'to and they are just outside, palakad-lakad at hinihintay na dumating ang tulong" saad nito na tinignan naman ang pintuan na nasa likod ng bookshelf kaya tinignan ko yon.

So totoong hindi na lumalabas lahat ng nakakapasok dito dahil pinapalabas sila sa isa pang tagong pintuan just because 'yon ang gusto nila at pinagbibigyan sila ng council?  Pinagbibigyan sila sa kahilingan nilang lumabas na mula sa building na 'to.

"Then, do I have to get out of this building para mailigtas ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanya kaya natawa siya at 'yon ang ipinagtaka ko.

"No, I won't allow you to go out.  I'm just explaining facts" sagot niya.

"What? Then paano ko sila maililigtas- "

"I will be going to save them just as you wish. Dadalhin ko sila sa'yo ng maayos at buhay" saad niya na ipinagtaka ko naman.

"Why are you doing this? Tell me, kakampi ka ba ng mga estudyante o kalaban?" tanong ko na ikinatahimik namin ng ilang segundo.

"Who knows?" sagot nito sa akin, "Marunong akong tumupad sa usapan, but just like what I've said earlier, I can do anything you want but there are certain conditions to be followed"

"Anong kondisyon?" I must be ready for this.

"Xyrone Grover and Felicity are the two siblings na usap-usapan sa tatlong building ngayon, the rumors about those two siblings did not yet reach the Highest supreme territory building, but soon those rumors will spread out here in our building because of your request" pahayag nito kaya mas nakakakapagtaka.

"Once na mailipat ko dito ang mga kaibigan mo, for sure ikwekwento nila sa inyo ang balita about those two siblings" dagdag pa niya.

"Ano ba ang balitang 'yon?" tanong ko. At sino sila?

"I can't tell you. Wait for your friends to tell you the whole story. A story which is false accusation" saad nito na ikinainis ko.

"Are you saying na ikakalat nila sa building na 'to ang isang maling istorya?"

"No, Bliss Syden. I'm just saying, lahat ng ikwekwento nila sa'yo ay mali. Even them, hindi nila alam na mali ang pinaniniwalaan nila. Lahat ng students na nakakaalam sa istorya ng dalawang 'yon, are all victims of fake news and we can't blame them kung naniniwala silang lahat"

"So, why are you bringing up this matter if it doesn't have to do with me?" tanong ko kaya natawa siya.

"Kailangan ba lahat ng bagay, it matters to you? I'm telling you this because this is my condition in exchange of saving your friends. I want you to oppose everything that they will say about Xyrone Grover and Felicity. Once everyone hear their story, they will plan to find and kill those two and it must not happen"

"How am I supposed to stop them from killing those two?" I guess I should just listen to her even once kahit na wala pa rin akong tiwala sa kanya.

"Do something"

"What? Wait! Yan bang dalawang 'yan, nandito sa building na 'to?" I dont even know kung bakit plaplanuhin na patayin yung dalawang 'yon, I think I just need to wait para marinig ang istorya. A wrong story.

"Soon, they will be here"

"Alam mong fake news so it means you know the whole story, alam mo kung sino ang dalawang 'yon na tinutukoy mo, marami kang alam pero bakit hindi ka gumawa ng paraan. Bakit kailangan mo pa ng isang katulad ko?"

"I'm just helping you and giving you this opportunity to survive" saad niya kaya natawa ako.

"Knowing that the whole student council members are taking commands under Mr. Wilford, sasabihin mo gusto mo kaming tulungan? As if you would do something like that, baka nga ipinadala kayo dito para patayin kaming lahat, am I right?" sarcastic kong sabi sa kanya pero hindi ko pa rin magawang malaman ang reaksyon niya dahil sa maskara nito, "Kaya ba takot na takot kang ipakita ang sarili mo sa lahat ng estudyante at hindi mo matanggal 'yang maskara mo..." inilagay ko ang kamay ko sa baba ko na parang nag-iisip habang sarcastic na nakatingin sa kanya, "Ms. President?" tanong ko.

"You're quite clever, Ms. Fuentes. We can't predict what will happen next. Take this opportunity kung gusto niyo pang mabuhay at makaligtas because sa susunod na magkita tayo, I might finally be able, to kill all of you at once" saad nito kaya mas lalo pang lumapad ang ngiti ko. Tama nga ang hinala ko. So how should I believe all the things she said?

"Well then, thank you for inviting me here..." tumayo ako at seryoso siyang tinignan at nakatingin din naman siya sa akin, "Ms. Fortune Beatrice" saad ko at tinalikuran ko na siya. Nag-umpisa na akong maglakad hanggang sa makapunta ako sa tapat ng pintuang pinasukan ko kanina.

"Remember my condition, do something and stop everyone from killing Xyrone Grover and Felicity. Marunong akong sumunod sa usapan, and I hope you'd do the same too, Bliss Syden" saad nito habang nakatalikod ako sa kanya. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bumukas ang pintuan kaya lumabas na ako.

Xyrone Grover and Felicity? Who are they? Paano ko pipigilan ang lahat na patayin sila kung hindi ko naman sila kilala?

To be continued...