Chapter 3 - CHAPTER THREE

PAMILYAR KAY Clara ang daan na tinatahak nila ni Cole. Napatingin siya sa kaibigan. Nakatingin din pala ito at may isang ngiti sa labi nito.

"They miss you," anito.

"Maganda itong pambawi mo pero saka na ako matutuwa kapag nakita ko na talaga." Pinataray niya ang boses.

Ayaw niyang ipakita sa kaibigan na masaya siya sa ginawa nito. Nang makapasok sila sa malaking gate at tinahak ng driver ang malawak na pathway ay lalong nilukob ng saya ang puso niya. Huminto sa isang malaking mansyon ang kotse. Unang lumabas si Cole para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong makalabas. Ito ang mansyon ng Saavadra at alam niyang hindi madalas ang mga ito doon. Hindi niya alam kung anong trip ng ama ni Cole dahil hindi talaga doon dumutoy ang pamilya Saavadra dito sa Manila. May bahay ang mga ito sa isang kilalang subdivision din pero hindi kasing laki nito. Doon sila madalas ni Cole kapag weekend maliban sa park. Ginagamit lang ang mansyon kapag may mga importanting event o party ang Saavadra.

Pinakatitigan niya ang lugar. Iyon ang panglimang beses niya sa lugar na iyon pero wala siyang nakikitang pagbabae. Maganda pa rin ang lugar. Maraming bulaklak sa gilid ng bahay. Iyong mahabang pathway ng sasakyan ay maraming bulaklak na nakalagay. Mahilig sa bulaklak si Tita Ivy kaya di na rin nakakagulat. May fountain sa gitna ng pathway kung saan umiikot ang mga sasakyan. Nakita niya sa gilid ang tatlong kotse ng pamilya Saavadra. Ang alam niya ay walang pinsan si Cole. Nalaman niyang walang pamilya si Tito Carl habang si Tita Ivy ay tinakwil ng pamilya nito noong nagpakasal kay Tito Carl. Kaya walang itinuturing na pinsan ang kaibigan. Nag-iisang anak din ito. Hindi na kasi pwedeng mabuntis si Tita dahil mapanganip dito.

"Let's go." Inilahad ni Cole ang kamay.

Gusto niyang irapan ang kaibigan pero pinigilan niya ang sarili. Ngumiti siya dito at tinanggap ang kamay nito. Magkahawak kamay silang pumasok ng mansyon. Isang katulong ang nagbukas sa kanila ng pinto bago pa sila makalapit at kumatok.

"Magandang umaga, Senoirito Cole." Magalang na bati ng katulong.

"Magandang umaga din, Celine. Sina mommy?" tanong ni Cole ng makapasok sila sa loob ng mansyon.

"Nasa outside patio po sila, Seniorito."

"Salamat." Humarap sa kanya si Cole. "Tara."

Tumungo siya sa kaibigan. Naglakad sila papunta sa isang side ng mansyon kung saan may daan papunta sa swimming pool kung nasaan naman ang patio. Sumalubong sa kanila ang malawak na pool at sa side noon ay ang patio. Nabuhay ang saya sa puso niya ng makita ang dalawang taong nakaupo sa puting sofa. Nag-uusap ang mga ito. Nakangiting lumapit sila ni Cole sa mga ito. Malapit na sila ni Cole ng mapansin sila ng dalawang taong iyon. Tumayo si Tita Ivy at agad siyang silang sinalubong.

"Clara, hija." Niyakap siya ng mahigpit ni Tita Ivy.

Gumanti din siya ng yakap dito. Ilang buwan na ba niyang hindi nakikita ang mga ito. Nakikita lang naman niya ang mga ito kapag sinasama siya ni Cole sa bahay ng mga ito. Kumawala si Tita Ivy sa pagkakayakap sa kanya at sinipat ang suot niya. May ngiting naglalaro sa labi nito.

"Kinidnap ka na naman ng anak ko, ano?"

Alam niya kung anong ibig nitong sabihin. Halata kasing pangbahay ang suot niya tapos hindi pa maayos ang pagkakatali niya sa buhok. Hidni na niya iyon naayos kanina sa loob ng sasakyan dahil sa presensya ng kaibigan. Kapag inayos niya kasi ang buhok niya ay siguradong guguluhin lang nito.

"Mommy…" reklamo ni Cole na ikinatawa nilang dalawa ni Tita.

"Yes po, Tita. May kasalanan kasi itong anak niyo sa akin." Pagsusumbong niya.

"I wonder what it is." Tinaasan ng kilay ni Tita si Cole.

"I didn't do anything that can harm Clara. Kilala mo ako mom." Sagot ni Cole. Siya naman ang hinarap nito. "Sombungera ka talaga kay mommy."

Dinilaan niya lang ang kaibigan. Sumimangot si Cole na ikinatawa niya lalo.

"Hi Clara. How's the beautiful best friend of my son?"

Napatingin silang lahat ng magsalita si Tito Carl mula sa likuran ni Tita Ivy. May ngiti sa labi nito. Hinarap niya ang matanda na kamukha ni Cole.

"Hi Tito Carl. I'm fine and still the most beautiful girl you know." Bati niya.

Tumawa ang dalawang matanda dahil sa sinabi niya kahit si Cole ay napangiti niya. Hinawakan ni Tita Ivy ang kanyang kamay.

"Halika at magmeryenda. Maraming kang utang na kwento sa akin dahil ilang buwan din tayong hindi nagkita." Iginiya siya ni Tita papunta sa mahabang sofa.

"Kasalan naman po kasi ng anak niyo kung bakit may utang ako sa inyo." Patuloy niyang pagmamaktol.

Sumunod naman sa kanila ang mag-ama. Umupo si Tito Carl sa pang-isahang sofa habang si Cole naman ay sa tabi niya. Inirapan niya ang kaibigan na siyang ikinangiti ni Tita Ivy.

"How's your study, hija? Aasahan na naman ba namin ang achievement mo ngayong April."

"Okay naman po, Tita. Matalino po itong dalaga niyo."

"Alam ko naman na kayang-kaya mo, Hija. Hindi ka naman magpapahuli sa anak kong ito." Magiliw na sabi ni Tita Ivy.

Tita Ivy is soft spoken person. Mabait ito sa lahat kahit sa mga katulong. Wala siyang masabi sa ugali nito. She even do charity that people doesn't know. Tahimik lang kasi kung gumalaw si Tita dahil ang sabi nito ay hindi naman daw kailangan pamandalakan ang ganoong mga bagay. She always do everything in silent. Kahit nga ang yaman ng mga Saavadra ay hindi pinagmamalaki ng mga ito. Kahit na pangatlo sa pinakamayamang pamilya ng pamilya ang mga ito ay hindi nila pinapakita sa mga tao iyon. They wear simple thing. Kahit iyong mga simpleng bagay na ginagawa ng ibang tao ay ginagawa din nila. Tita Ivy even go to the grocery store to buy their needs. Tito Carl also spotted washing his car. Hindi nila inaasa sa mga katulong lahat ng bagay at isa iyon sa mga namana ni Cole sa magulang. He maybe born with a golden spoon but he never acted as one.

Simple pa rin ang kaibigan niya sa kabila ng karangyaan sa buhay. Hindi lang ito kumakain ng mga pagkain na sa tingin nito ay unheatly. Masyadong conciouse doon ang kaibigan. Ma-ingat ito sa sarili dahil na rin sa nag-iisa itong anak. At dahil magkaibigan sila at laging magkasama, na-adapt na niya ang ilang bagay na naka-ugalian nito.

Nagkwentuhan pa sila ng kung ano-anu hanggang sa nagpaalam ang mga magulang ng binata. Si Tito Carl na may kailangan gawin sa library habang si Tita ay maghahanda ng meryenda para sa kanila ni Cole. Naiwan silang dalawa ng kanyang best friend sa patio. Nakasandal na siya sa sofa at ganoon din ang kaibigan. Nasa likuran niya ang isang braso nito.

"Bati na ba tayo, Clara?" tanong ni Cole.

Napalingon siya sa kaibigan. "Pag-iisipan ko."

Sumimangot si Cole. Napangiti siya dahil sa inasta ng kaibigan. Bakit ba ang cute nito kapag umaasta ng ganoon? She likes this kind of side of Cole. Sa kanya lang kasi nito pinapakita iyon. Isiniksik niya ang sarili sa binata at isinandal ang katawan dito. Nasa pagitan naman ng leeg at ulo nito ang kanyang mukha. Napangiti siya ng maamoy ang perfume na gamit nito. It's CK One and it's her favorite perfume of Cole. Iyon ang laging ginagamit ng binata simula ng sabihin niyang gusto niya ang amoy noon. Those things Cole did for her makes her feels so special.

"May dapat pa ba akong gawin para mapatawad mo ako?" May lungkot na tanong ni Cole.

Gusto niyang tumawa ng mahina. Alam niya kasing hindi naman talaga kita malungkot ng mga sandaling iyon. Kilala niya ang kaibigan. Sa ilang taon na pagkakaibigan nilang dalawa. Alam nila kung kailan talaga malungkot ang isa't-isa. Their friendship is beyond anyone. Masyado nila iyong pinapahalagan dalawa ni Cole.

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at pinaglaruan ang daliri nito. Gumalaw ang braso ni Cole na nasa likuran niya at inilagay iyon sa kanyang balikat. Ngayon ay naka-akbay na ito sa kanya. Mas hinatak ni Cole ang katawan niya dito. Magkadikit na silang pareho. Tumama na nga ang labi niya sa leeg nito dahil sa ginawa. Nararamdaman din niya ang init na nagmumula sa katawan ng kaibigan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Instead of pulling away and get mad at her friends. Napangiti pa siya. She feels more comfortable at their position. Wala siyang nadama na kahit anong pagkailang kaya hindi niya sinusuway ang kaibigan. She loves being near with Cole like that.

"Can you give me some of your time, Cole? Alam ko naman na marami kang responsibility sa school pero sana naman ay masingit mo ako. I feel so neglete. Kahit text o tawag, hindi mo ginawa. Kapag hindi ako ang unang magtext o tumawag, hindi mo ako maalala. I feel so alone. Please! Don't do it again?" nagtatampo niyang kumpesal sa kaibigan.

"I'm sorry, Clara." Hinalikan ni Cole ang tuktok ng kanyang ulo. "I won't do it again. I won't neglect you anymore. Just don't get mad at me. Babawi ako sa iyo."

"Pangako?" she give her pink-swear finger.

Naramdaman niyang pinagsalikop ni Cole ang daliri nila. "Promise."

Napangiti siya. Humarap siya sa kaibigan at niyakap ito. Gumanti naman si Cole ng mas mahigpit na yakap. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ng kaibigan. Narinig niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Para naman siyang dinuduyan sa kanyang narinig. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang mga sandaling kasama niya ng ganito si Cole. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa dumating ang meryendang ginawa ni Tita Ivy. Nagluto ng palitaw at maja-blangka si Tita na may kasamang mango juice. Iyon ang gusto niya sa ina ni Cole, simple lang ang meryendang hinahanda nito para sa kanila. Talagang pagkain pinoy ang lagi nitong hinahain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Cole na maglumangoy. Buti na lang talaga at may gamit pangbabae doon. Gustong-gusto kasi ni Tita Ivy na magkaroon ng anak na babae kaya bumibili ito at sa kanya pinapasuot. Tinuturing siya nitong parang totoong anak. Nakasuot siya ng rush guard habang si Cole ay swimming trunks. Cole loves swimming. Iyon ang napiling sports ng kaibigan niya. Maganda ang build ni Cole na talagang nakapagpapatulala sa kanya. If she is a writer, Cole will be her perfect hero. Nasa lalaki na yata ang lahat. Ang tanging kapintasan lang sa kaibigan ay ang pagiging tahimik at aloof nito sa ibang tao.

Matagal bago niya ka-usapin ang isang tao. Noong unang pagkikita nila, elementary days, magkasama sila sa school activity ay sobrang bilang ang lumalabas sa bibig nito kahit anong daldal niya dito ay hindi talaga ito nagsasalita. Kung hindi lang ito active pagdating sa pagsagot sa guro nila ay iisipin niyang pepe ito. Pangalawang school activity nila ay kinibo na siya nito na siyang ikinagulat niya. Iyon na din ang naging simula ng pagkakaibigan nila.

"Pagod ka na ba?" tanong ni Cole na siyang nagpagising sa naglalakbay niyang isipan.

Nakatayo na ang kaibigan sa gitna ng pool ng tumingin siya dito. Tumungo siya bilang sagot. Umahon naman si Cole at umupo sa tabi niya. Nasa tubig ang mga paa nilang dalawa ni Cole.

"Masaya ka ba ngayon, Clara?" biglang tanong ng kaibigan.

Napatingin siya dito. "Oo naman. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Inaalala ko lang iyong nangyari noong isang araw sa school. Baka kasi iyon ang mas nagpapasaya sa iyo?"

Nagsalubong ang kilay niya. "What are you talking about?" Hindi niya alam ang sinasabi ng kaibigan. May nakikita siyang lungkot sa mukha nito.

Hindi sinagot ng kaibigan ang tanong niya. Kinuha lang nito ang kamay niya. "Do you like someone, Clara?"

Natigilan siya sa tanong ng kaibigan. Bumilis din ang tibok ng kanyang puso. Bigla yatang nagtanong ng ganoon ang kaibigan. Kinagat niya ang ilalim na bahagi ng kanyang labi. Anong sasabihin niya dito?

"O-oo naman." Nahihiyang sagot niya. Ito kasi ang nasa isipan niya habang sinasabi iyon.

She likes Cole. Gusto niya ito dahil ito ang ideal guy niya pero natatakot siyang nawala kung anong meron sila. Natatakot siya na mawala sa kanya ang kaibigan kapag nalaman nitong may gusto siya dito.

"Sino? Si Kurt ba?" napansin niya na umiba ang tuno ng boses ni Cole.

"Ha! Sinong Kurt?"

Umangat ng tingin ni Cole at sinalubong ang kanyang mga mata. "Kurt Adam Lopez. Hindi ba at nag-confess siya sa iyo?"

Nanlaki ang mga mata niya. Nalaman na din pala ng kaibigan ang nangyari. Nakarating na din pala dito ang ginawang eksena ni Kurt sa school.

"Hindi ko gusto si Kurt, Cole. Bakit naman ako magkakagusto sa isang tulad niya?" natatawa niyang tanong.

Pinagmasdan ni Cole ang kanyang mga mata. Inaalam nito kung totoo ba ang sagot niya. Nang masigurado ng kaibigan ay ngumiti ito.

"That's good to hear, Clara. Tandaan mo, Kurt is not good for you. Sasaktan ka lang niya."

Ngumiti na din siya sa kaibigan. "I know that sir. Kilala ko naman siya kaya hindi ako magpapahulog sa isang tulad niya. Wag ka ng mag-alala."

"Promise?" si Cole naman ngayon ang unang naglahad ng dulong bahagi ng daliri.

Mahina siyang natawa sa kaibigan. "Promise." Tinanggap niya ang pinky promise nito.

"I hold on to that, Clara." Anito habang nakatitig sa kanyang mga mata.

MABILIS na nakita ni Marie si Kurt sa soccer field ng puntahan niya ito. Isang paraan lang ang naisip niya para tigilan siya nito. At iyon ay ang sabayan ang laro nito. Sisiguraduhin niya na ito ang magiging talo sa larong sinimulan nito. Tutuparin niya ang pangako sa kaibigan. Kailangan niya lang talaga despitasahin sa buhay niya si Kurt. Hindi naman niya kasi pinapangarap na mapansin ng isang tulad nito. Masaya naman kasi siya sa buhay niya at ayaw niyang kumuha ng bato na ipupukpuk sa ulo. Sigurado naman kasi na sasakit lang ang ulo niya sa isang tulad ni Kurt.

Unang nakapansin sa kanya ay ang kaibigan nito. Tinuro siya ng isang ka-teammate ni Kurt kaya agad na napatingin ang lalaki sa kanya. May ngiti na sumilay sa labi ni Kurt nang makita siyang naglalakad sa soccer field. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan at lumapit sa kanya.

Pinatili naman niya ang walang emosyong mukha. Nais niyang ipakita rito na walang epekto sa kanya ang magandang ngiti nito ngunit ang totoo ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Iyong tibok na kagaya ng kay Lincoln kapag nasa malapit ito. Kaya nga ayaw niyang mapalapit sa lalaking ito. Ginugulo nito ang kanyang isipan.

"Hi babe. May kailangan ka ba?" hindi maitago ang saya ng binata.

"Pwede ba kita makausap?"

"Oo naman. Saan mo gustong mag-usap tayo?"

"Kahit dito na." tumingin siya sa mga kaibigan nito. Hindi naman yata sila maririnig ng mga ito.

"Okay." Umupo ito sa damuhan. Sumunod naman siya rito. "Anong pag-uusapan natin? Payag kana bang maging girlfriend ko?"

Muntik na siyang masanib ng sariling laway dahil sa tanong nito. Anong pinagsasabi nito? Ang bilis naman yata nito mag-isip. Well, ano bang aasahan niya sa isang tulad nito. Sa kagaya nitong mabilisan ang lahat. She clears her throat. Para kasing may bumara doon dahil sa tanong ng lalaki. Nais niyang batukan ito dahil sa pagiging pranka. Hindi talaga maitago ang pagiging playboy ng isang tulad nito. Ganito ba ito sa ibang babae at sa mga naging nobya?

"Gusto kitang makausap tungkol sa sinasabi mong nais mo akong ligawan."

Ngumiti si Kurt at nagningning ang mga mata. "Kung ganoon--"

"Hindi pa kita sinasagot." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Nakita niya na nag-iba ang kislap ng mga mata nito. Mukhang na disappoint ito sa narinig.

"Kung ganoon ay anong tungkol sa pangliligaw ko?" agad naman nakabawi ang binata.

Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "I will give you a week to court me. Kapag hindi nagbago ang nararamdaman ko sa loob ng isang linggo ay titigilan mo na ako."

Kitang-kita sa mukha ni Kurt ang pagkagulat sa sinabi niya. Mukhang hindi iyon ang inaasahan nito mula sa kanya. Isang linggo. Alam niyang imposibleng mahalin o magkagusto siya kay Kurt sa loob ng isang linggo. Walang babaeng mahuhulog ang loob sa isang lalaki ng ganoon kabilis, lalo pa at alam niya kung anong klasing lalaki si Kurt. Tingnan lang natin kung hindi umatras si Kurt sa hamon niya. Nagbubunyi ang kalooban niya dahil alam niyang hindi ito papayag sa kondisyong binigay niya. Nasisigurado niyang ayaw nitong tinatapakan ang ego kaya iiwas agad ito sa posibling kahihiyan.

Ngunit natigilan siya ng makitang ngumiti si Kurt. Bumalik ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Para bang aliw na aliw ito sa sinabi niya. Bigla itong lumapit sa kanya na ikinagulat niya. Isang hibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Mabilis niyang inilayo ang sarili dito.

"Are you sure about your condition, Marie?"

Tumungo siya bilang sagot. Umayos ng upo si Kirt at hinawakan siya sa kanyang baba.

"I won't back out, babe. I will make sure you fall to me hard. Magiging girlfriend din kita, Marie." Puno ng tiwalang sa sariling sabi ni Kurt bago siya hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ng binata. Kurt just kiss her on cheek and he didn't back out. Susubukan nitong paibigin siya sa loob ng isang linggo. Now! She is scared for herself. Kaya niya bang panindigan ang sinabi na hindi niya type ang binata. Kaya niya kayang labanan ang nagsisimulang damdamin sa lalaki dahil ngayon palang ay napapansin na niya ang pagbabago ng kanyang puso. Mukhang mali na hinamon niya ito.