Chapter 20 - Chapter Eighteen

Pa-miss

"Miss mo na, no?"

Tamad niyang nilingon ang kaibigang si Cyril, dahil nahuli na naman siya nitong nakatunganga sa station niya. Dalawang linggo na magbuhat nang magresign si Benjie at hindi pa siya sanay na hindi niya kasama ang binata. Nakangiti ito sa kanya at alam nitong si Benjie na naman ang naiisip niya. Nang nakita nito ang reaksyon niya ay inabot nito ang kanyang buhok at ginulo iyon. "Huwag ka nang sumimangot dyan. Miss ka na rin no'n."

"Sana nga, talagang miss niya na ako." Bumuntong hininga siya.

"Alam mo, para kang nawalan ng boyfriend nung nag resign siya," ani naman ni Jaycee. Kagaya ni Cyril ay nakakaloko ring ngumiti ito sa kanya, tila handa nang mang-asar.

Wag naman sana akong pagtulungan ng dalawang ito! "Teka, kayo na ba talaga?"

Sabi ko na nga ba, e, mag-uumpisa na naman siya. "Hindi, a. Saan mo naman napulot 'yan?"

"Yung totoo?"

"Hindi nga."

"Well.. wala nga namang pagkakaiba kung nawala man dito si Benjie o hindi," pagpapatuloy pa nito. "Para naman kasing kayo na kung umasta."

"Correction, Jayce. Close lang kami ni Benjie."

Galing sa pagkakangiti nito kanina ay tuluyan na itong tumawa. "Close daw.. Ewan ko sa'yo, Loui!"

"Jayce.. Wag mo nang intrigahin si Loui." Si Cyril naman ngayon. "Baka naman kasi nagaantay lang ng magandang timing."

"Ooookaaaay. Basta ako, pupusta talaga akong sila na ni Benjie. Wanna bet, Cy?"

"I'd bet na hindi pa sila."

Tumaas naman ang kilay niya sa ginagawa ng mga kaibigan. "Sige, pagpustahan n'yo ang lovelife ko."

Lalo namang lumapad pa ang pagkakangiti ng mga ito sa kanya ngunit tumahimik na lang siya. Bahala nga kayo dyan, bahala kayong magisip kung ano talaga kami ni Benjie.

Ngunit sa kabila ng pangaasar ng mga ito sa kanya ay nahiling na lang niya na sana, ay totoong nobyo niya ang binata. Ayaw niya ring tanungin ito sa kung ano talaga ang estado nila. For her, asking him what they truly mean to each other would only complicate things, which is the least she wanted to happen. Perhaps she'll just have to be content with what they have right now - and things would unfold at the right moment.

Nakakamiss ka pala. Sana makita kita.

"Uy, Loui, iyong boyfriend mo, nandito."

"Huh?" ang bilis naman, Lord. Kakasabi ko lang na miss ko na siya at gusto ko siyang makita, nandyan kaagad? "Nandito siya?"

"E, sino ba iyong nakikita ng apat na mata kong palapit rito?" anito habang nakatingin sa sino mang naglalakad papunta sa direksyon nila. "Ayun, o."

Hindi man siya nakasagot ngunit tumayo naman siya para tingnan ang itinuturo nito. Nang natanaw na niya ang pamilyar na bultong iyon ay nagsimula na ang tila rigodon sa bilis ng tibok ng puso niya, gaya ng lagi niyang nararamdaman kapag nariyan ang binata.

"Ayan na pala siya, e." ani Gene na abot tainga na ang ngiti habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Ayaw mo kasing maniwala."

Nakalapit na sa kanila si Benjie at nagtama kaagad ang paningin nilang dalawa. She felt like that her heart was racing when she looked at those pitch black irises. As if that wasn't enough, he smiled at her and reached those eyes - that made her heart jump at the sight. Oh boy.

"Bakit ka pala nandito, Benjie?" pang uusisa ni Gene.

"Magpapa clearance lang po sana," sagot naman nito, ngunit hindi nito inaalis ang pagkakatingin sa kanya.

"Magpapa-clearance." Ngayon ay tumingin sa kanya si Gene, at lalong lumaki ang ngiti nito sa kanilang dalawa. "Parang alam ko kung ano pa yung iba pang rason kung bakit ka nandito."

Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha sa pang aasar nito sa kanila ni Benjie. At habang siya ay nahihiya, ang binata nama'y ngumiti rin kay Gene na tila ba tuwang tuwa sa ginagawa nito.

"In fairness, ang sweet ni Benjie, ha. Anyways, I'll leave you two here alone. Wala ka na bang itatanong, Loui?"

"Wala na, coach. Okay na po."

Naririnig pa nila itong pakanta-kanta habang naglalakad palayo sa kanila. When Euly finally reached the other side of the bay, leaving them alone - Benjie finally sat down beside her. She was again looking at those eyes - and seeing that he adores her in them made her heart jump.

"Hi...Kamusta ka na?"

Hindi niya alam kung paano niya nagawang makapagsalita gayong nagkandabuhol buhol ang nasa loob niya.

"Okay naman..." Eto, miss na miss ka na. Dalawang linggo kitang hindi nakita, e. "Kamusta yung application mo sa bank? Nagpunta ka na ba?"

"Oo, nung isang araw lang. Nag aantay na lang ako ng schedule for the interview."

"Ah. I see."

Ilang segundo muli silang nanahimik - hanggang sa nagsalita muli ito. "Samahan mo akong magpa clearance mamaya?" anito na tila batang naglalambing.

"Sure. Anong oras ba?"

"Mamaya, pag lunch mo. Kung okay lang sa'yo?"

Of course! You don't have to ask me cause I'll do it for you. Gladly. "Oo, ba."

"Thank you, Loui." Nakangiting sabi nito at inilapit lalo ang silya nito sa kanya. "I missed you."

She smiled, unable to contain her happiness when she heard that he missed her. "I missed you, too."

Lunch na at hindi siya sumabay sa mga kaibigan dahil sinamahan niya si Benjie na magpa-clearance. Nasa locker room na sila para kunin ang kanilang mga gamit dahil mabilis lang ding natapos ang binata - nang tumunog ang cellphone nito.

"Phone mo, tumutunog."

Dinukot nito ang phone sa bulsa at pinindot ang screen para masagot ang tawag. He wordlessly handed her his phone.

["Hello,"]

"Hello, Iris, si Loui to."

["Oh, bakit ikaw ang sumasagot ng phone ni Benjie?"]

"Iniabot niya sa akin, e."

["Naks. Girlfriend lang ang peg."] Anito. Nahihimigan niya sa tono nito ang pang aasar. ["Anyway, nasaan kayo? Hinahanap kayo ni Russel. Lalo ka na."]

Siya naman ay natawa at kinilig sa sinabi nito. Girlfriend lang ang peg. How I wish. "Sinamahan ko lang na magpa-clearance ang isang ito. Pero tapos na kaya papunta kami dyan. Sige na, ibababa ko na ito. Hintayin nyo na lang kami."

["Okay. Bilisan nyo. Malapit na mag time."]

"Okay, bye."

Iyon lang at ibinaba na ng kaibigan ang linya, kaya naman bumaling siya sa binata. "Lika na sa pantry, nandoon sila at hinihintay tayo."

"Tara."

Pagdating nila roon ay tampulan na naman sila ng pang aasar ng barkada, palibhasa ay nakita na naman silang magkasama.

"Uyy.. Ang sweet naman. Hindi halatang na-miss niyo ang isa't-isa, ah?" ani Jaycee.

"Ayan, Loui. Hindi ka na malulungkot kasi nakita mo na siya."

Tumingin naman ang binata sa kanya na waring nagtatanong. "Totoo ba 'yon?"

Hindi na siya nakasagot at tumango na lang. She knew then that her cheeks was again painted red - when she admitted that she was sad when he wasn't around. Suddenly, she felt his warm hand intertwined with hers.

"Sorry, babawi ako."

Kung gaano kaingay ang mga kaibigan ay tila dumoble pa iyon. Sila na nga ang pinagtitinginan ng mga tao sa pantry at hanggang sa makauwi si Benjie ay hindi pa rin natapos-tapos ang pang aasar sa kanila ng binata.

Me:

Kamusta ka na? Naistorbo ba kita?

Benjie M. :

ayos naman ako, hindi mo ako naistorbo. :) kaninang 5am pa nga ako gising, kasi interview ko ngayon sa bank...kakaba.

Napangiti siya sa reply ng binata. Alam kong kaya mo yan, Benjie. Matalino ka naman kasi.

Me:

Kaya mo yan! You can do it, sigurado ako.

Benjie M.:

thank you, Loui, nandyan ka lagi para i-cheer ako. Kakaba talaga e. Initial interview muna before exam :)

Me:

Siyempre, I-cheer kita! Ako ang number one fan mo, e. Naniniwala ako sayo, mawawala yang kaba mo. Nasa office ka na nila ngayon?

Benjie M.:

eto dito na ako. 8:30 ang start. sana makapasa :)

Me:

Ikaw pa ba? Kayang kaya mo yan. Claim it, para sayo talaga yan. You'll get the job, believe me.

Benjie M.:

thank you, my cheerleader. galing mo talaga magpalakas ng loob. text kita mamaya, turn ko na.

Me:

Okay. :)

Halos maihi siya sa kilig nang tawagin siya nitong "my cheerleader." Hay, Benjie. Bakit ganon? Ang galing mo ring pakiligin ako?

Matapos ang dalawang oras ay nakatanggap muli siya ng text mula sa binata. Dali dali niyang binuksan ang text at binasa ito.

Benjie M.:

my cheerleader, final interview ko na :) i passed the initial interview and exam.

Me:

Sabi sa yo, e! Kayang kaya mo! :)

So nasaang branch ka ngayon? Sa main?

Benjie M.:

salamat. ;) oo, sa main nila. nagtatawag na nga uli e. baka matawag ako tas makita kong natutulog. xD

Me:

Talaga? Hahahahaha

Lumipas ang ilang minuto bago siya nakatanggap ng sagot mula sa binata.

Benjie M.:

nakatulog ako. natulog na dw ako hahahahahaha

Nanlaki ang mata niya at tuluyan nang nawala ang antok niya sa sagot nito. "Nakatulog pa siya sa lagay na yon?"

Me:

Hindi nga? Seryoso ka? Paano yan?

Benjie M.:

oo. natawag na dw ako. pano kaya to... hahaha

Me:

Hala? As in napa idlip ka?

Benjie M.:

oo promise. xD

ok na loui. interview na ako with the officer mamaya. :)

Me:

Hay, salamat. Akala ko hindi ka tatawagin uli e.

Benjie M.:

akala ko nga rin e.

ok na po, my cheerleader. they'll just text me nalang kung kelan ako mg start :)

Me:

See? I told you, papasa ka! Ang galing mo talaga! I'm happy and proud for you. Way to go, Benjie!

Benjie M.:

Thank u my cheerleader. si iris kinukulit ako mgapply sa call center sa moa hehe. ayoko na talaga mag call center e.

Me:

You're always welcome. Hayaan mo, ako na magsasabi kay iris na wag ka nang ayain. Isa pa, nandyan ka na, o? Naipasa mo na at nagaantay ka na lang kung kailan ka magsisimula. Sabi ko sa yo, di ba? Hindi ako magsasawang suportahan ka kung saan ka masaya.

Benjie M.:

alam mo my cheerleader, ang swerte ko sayo, binigay ka sakin. sana hindi ka magsawang suportahan ako. rest assured that i'll be always here for u too. promise ha? hindi mawawala yung communication natin kahit hindi na tayo magkasama sa work. :)

Me:

Of course! Bakit naman mawawala. Pangako yan, ganito lang tayo lagi.

Magtitipa pa sana siya ng message uli para rito nang tumunog uli ang cellphone niya.

Benjie M.:

i miss you my cheerleader.

He misses me!!!!!!

Kamuntikan na siyang mapasigaw sa kilig nang nakita niya ang text ng binata. Napatakip na lang siya ng bibig para impit na tumili dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi siya nagtipa ng reply, bagkus hinanap niya ang number nito sa contact list niya.

Nanginginig man ang mga kamay, dini-al niya ang number nito. Agad naman niyang narinig ang boses ng binata sa kabilang linya.

["Yes, my cheerleader?"]

"I miss you."

["I miss you more, my cheerleader."]