Chereads / Finding You Again (Working Girls Series Book 1) / Chapter 26 - Chapter Twenty Four

Chapter 26 - Chapter Twenty Four

Chance to Love Again

Mabilis na lumipas ang araw magmula nang ipanganak niya si Theo, at naging abala siya sa pag aalaga sa anak.

Being a single mom is not that easy, she was all aware of that. She would have to be a mother and a father to Theo – and that means providing for her son and at the same time to give her all her love and attention to the young boy who needs her. Mahirap man, she never regret having Theo – because when her son came into her life, it gave her a whole different meaning. Lahat ng ginagawa niya ay para dito – at may mas rason siya para magpursigi dahil gusto niya itong mabigyan ng magandang buhay.

Ngunit abala man sa trabaho ay siya rin ang nag aalaga sa anak. Gusto niyang nasusubaybayan ang paglaki ni Theo.

"M-m...mamm..."

"Ma-ma." Hindi na niya mapigilan ang kanyang ngiti dahil narinig na niyang bigkasin ng anak ang unang salita nito. "Ma-ma."

"Mam...ma," ulit ni Theo. Ngayong umabot ang ngiti nito sa mga mata ay napagtanto niyang habang tumatagal ay lalong nadedepina na kamukha nito si Benjie. Napabuntong hininga siya, kalakip ng panghihinayang na sana'y nakikita ni Benjie ang paglaki ni Theo.

Ngunit alam niyang napakaimposible na malaman ni Benjie ang tungkol sa anak nila, dahil nakiusap din siya kina Iris na ilihim ang tungkol dito. Na ipinagpapasalamat naman niya dahil inirerespeto naman ng mga kaibigan ang kanyang naging desisyon.

""Hi, baby..." naputol ang pagmumuni-muni niya nang nakita nito si Jason na ngayon ay papalapit sa kanila. He became a permanent fixture in her house since she gave birth to Theo, at lagi rin itong nakabisita at nagaalaga sa anak niya. Ang nagiging kapalit lamang nito ay ang walang awat nitong pagpapalipad-hangin sa kanya, na kanya namang tinatanggihan.

"Pap...papppp!"  narinig niyang sabi ni Theo at inaabot na ito ng bata dahil nais magpakarga, at kinuha naman ito ni Jason mula sa kanya.

"Pap....pappppp..." ulit nito, kaya napasinghap siya. Gulat man sa itinawag ng anak sa kaibigan ay napatingin siya rito at nanghihingi ng paumanhin.

"Sorry if he called you that," aniya.

"Soon, he'll be able to say it properly," nakangiting sagot sa kanya ng binata habang karga at nilalaro si Theo. Gustong gusto nito na inaangat kaya dinig na dinig ang tawa nito sa loob ng silid. "That's fine, though."

"Paano ka naman? People would think that he's your son, kahit naman hindi. Paano ka magkaka-girlfriend sa lagay na iyan?"

"I told you that I don't want someone else, haven't I? I'm willing to be Theo's dad if you'll let me."

Hindi siya nakasagot kaagad sa sinabi nito, ngunit nang makabawi ay napabuntong hininga siya. Here we go again. "I hope you won't be offended when I ask you this, but why me? Marami naman diyan, single at walang anak."

Ngayon ay seryoso na ang tingin nito sa kanya. "Since when did I care about you having a child, Loui? I told you a few times already, I am more than willing to be a father for Theo. Just give me a chance. Give me my chance, Loui."

"I don't know, Jason. What I know is I'm not ready yet. What matters for me now is Theo and nothing else."

Nakita niya pa ang saglit na pagdaan ng lungkot sa mga kulay-tsokolateng mga mata nito, na kaagad din namang nawala. Pagkatapos ay nakakaunawang tumango ito. "I understand. But I'd be willing to wait until the day that you fall in love with me."

Napailling siya. "I can't promise you anything. I want you to be happy and not to be tied to someone like me."

"My decision isn't going to change." Ngayon ay nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. "Still pushing your point, Louisse? It's not going to work."

"Stubborn man." Napairap siya. "Have it your way."

Lumipas pa ang ilang mga taon, at nagsimula nang pumasok sa kindergarten si Theo. Naging maayos naman ang mga unang araw niya sa eskwela, hanggang sa isang araw ay may itinanong si Theo tungkol sa kanyang ama.

"Mama, where's my Papa? Why he's not here with us?"

Hindi siya agad nakasagot, at tila ba may naghahabulan sa lakas ng dagungdong ng kanyang puso. Hindi niya inaasahang itatanong ito sa kanya ng anak, at alam niya ring sa lahat ng tanong ay ito ang pinakamahirap sagutin. Yumukod siya at pumantay rito - dahilan para mapatitig siya sa itim na itim ng mga mata nito – ay hindi niya mapigilang maramdaman na tila ba si Benjie ang kausap niya ng mga sandaling iyon.

"Does he not love us, Mama?"

"Mahal tayo ng Papa mo, anak..." I'm so sorry, Theo...kasalanan ng Mama kung bakit hindi natin siya kasama ngayon. Mas pinili ni Mama na pakawalan ang Papa dahil ayaw niyang hadlangan siya sa pangarap niya.

"Then where is he?"

"Anak, listen to Mama, ha? Papa's not here with us because he needs to work for the future," aniya kay Theo ngunit nababasag ang boses niya sa ginagawa niyang pagsisinungaling sa anak niya. Dear Lord, paano ko po ba ipapaliwanag sa anak ko ang tungkol sa Papa niya, sa paraang maiintindihan niya? Nagsisimula na siyang maghanap ng kalinga ng isang ama.

"When will I see him then, Mama?" tanong uli nito na halos ikadurog ng puso niya nang nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ay nakita niya si Benjie - noong araw na sinabihan niya ito na pakawalan ang isa't isa.

"I...I don't know, baby boy. But...but don't worry, Mama will be here, okay? Mama won't leave you."

"Mama...I want my Papa." ngayon ay nagsimula nang umiyak ang kanyang anak, kaya naman niyakap na niya ito.

"Hush, baby. Mama will always be here for you, okay?" aniya rito habang yakap ito at sinusubukang patahanin. Ang makita ang anak na nasasaktan dahil sa hindi niya maibigay ang kumpletong pamilyang hinahanap nito ay tila patalim na humihiwa sa kanyang puso.

Pasensya ka na kay Mama, ha? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang tungkol sa Papa mo. Kung paano ko ipapaliwanag na hindi natin siya kasama at  kung bakit hindi tayo buo.

"When are you planning to tell him the truth?" ani ng isang boses sa bandang likuran niya kaya napalingon siya kaagad sa nagmamay-ari ng boses na iyon. Idinikit niya ang hintuturo sa labi, para sensyasan ito na ibaba ang tono ng boses dahil natutulog na si Theo. Ayaw niyang magising ito na ito ang pinaguusapan nila ni Jason. Maingat na bumaba siya mula sa kama ng anak at kinumutan ito, saka sumenyas kay Jason na lumabas sila ng kwarto ni Theo, para makapagusap.

"I don't know where to start, alright? Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa anak ko ang tungkol sa tatay niya. Hindi ko alam kung paano ipapaintindi sa kanya na hindi kami pwedeng makasama ni Benjie."

Sa pagkakataong iyon ay tumulo na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan, kaya naman lumapit na sa kanya ang binata at niyakap siya. "It hurts me so much to see my baby boy crying because I can't give him a complete family he deserves. If I can do anything just to shield my baby to feel that pain, I would. Pero hindi ko magawa."

"You can still give him a complete family, Loui. Give me my chance and I'll be a father for him. Be my girl."

"Ano?" nagulat siya mula sa narinig mula sa binata kaya naman hinarap niyang muli ito. Sa mga mata nito ay hindi nawala kailanman ang determinasyon na ligawan siya, kahit pa makailang beses na niyang tinanggihan ito. "You don't stop, do you?"

"I won't if its for you."

Napahinga siya ng malalim. This is for Theo's sake. Para magkaroon na siya ng kumpletong magulang. "It's a yes, then."

"Really?"

Tumango siya. Pinilit niyang makapa ang saya ngunit wala siyang maramdaman. Ngunit naisip na lamang niya na para ito sa anak niya.

"Yes."

Lumapit ito sa kanya, at ang magkabilang pisngi niya ay hinawakan nito. Unti-unti, lumapit na ito at dinampian siya ng magaang halik sa labi. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya sa simpleng kilos nito. Siguro ay matutunan ko rin siyang mahalin.

Napatingin siya sa cellphone na tumunog sa ibabaw ng desk niya, kaya tiningnan niya sa screen ang notification para sa isang message.

Honey:

Meet me at the park before you go home.

Kumunot ang noo niya mula sa nakita dito. Bakit naman kaya? Nagtipa siya ng sagot para sa nobyo.

Me :

Why? Is there something you need to tell me?

Honey :

You'll find out soon enough. I'll wait for you there.

Me :

Okay, then. See u later.

Nang dumating ang oras sa kanilang usapan ay nagpunta nga siya sa parke kung saan ito naghihintay. Puno ng dekorasyon sa paligid ng mga bulaklak, kaya naman nagulat siya ng husto sa nakita. Inakay siya nito sa paboritong upuan nila, at ilang saglit pa ay lumuhod na ito sa harap niya.

"We first met here before," anito sa nanginginig na boses, at halata ang kaba na pinagususumikapan nitong pigilan at hindi ipahalata sa kanya. "I don't know, but at the moment I laid my eyes on you, I was captivated. As time goes by, you kept me amazed - and made me admire and love you. I am ready to be amazed, admire and love you even more if you'll let me stay beside you for the rest of your life."

This is my chance to love again, and give myself a shot of happiness that I deserve. Masasabi niyang mahal na rin niya ang binata kaya naman tumango na siya sa tanong nito.

"Yes, Jason. I will be your wife."

Hindi na rin mailarawan sa mukha nito ang saya, kaya naman niyakap na siya nito. Lumapit ang mukha nito sa kanya, at ilang saglit pa ay dumampi na ang labi nito sa kanyang mga labi. "You just made me the happiest man on the planet."

Tumango siya, saka nito isinuot sa kanyang palasingsingan ang isang diamond ring. Ngunit hindi pa pala tapos ang surpresa nito sa kanya - na nagpakabog ng dibdib niya.

"Let's get back home to Manila."