Finding You Again
Dali dali na siyang umalis sa lugar na iyon at hindi na niya nagawang magpaalam pa sa mga kaibigan. Ayaw niyang maabutan na magising siya ni Benjie dahil alam niyang pipigilan siya nitong umalis - at siguradong hindi na niya kaya pang tumanggi dahil inamin niya na mahal niya pa rin ito. Alam niyang hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili pagkatapos ng nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Ngunit hindi dapat - dahil masasaktan niya si Jason. Masasaktan niya ang taong naging dahilan kung bakit siya naging masaya sa mga nagdaang taon. At ngayon ito ang isusukli niya rito? Pumailanlang ang tunog ng kanyang cellphone at sinilip niya kung sino iyon.
Honey calling...
Accept Decline
Nang nakita niya ang pangalan ng fiancee na rumehistro sa screen ng phone niya ay tinatagan niya ang sarili para hindi siya umiyak. Guilt crept to her system and it made her angrier with herself for what she's done. She gulped repeatedly to swallow the lump that is forming in her throat, and knew that she was close to tears upon hearing his voice.
"He-Hello?"
["Where are you? I'll pick you up.']
"I'm going home, hon. I...I just fell asleep sa bahay ni Iris...You know her, right?"
["Yeah, pero ba't di ka umuwi? I've been worried sick about you. Ni sina Mama hindi ka ma-contact."]
Gustong gusto na niyang ibaba ang tawag nito ngunit hindi niya magawa. Lalo lamang siyang nilalamon ng guilt na nararamdaman niya dahil sa nagawang pagkakamali sa lalaking pakakasalan.
"I'm sorry, hon. I'm sorry hindi na mauulit." I'm really sorry.
["Nasaan ka ba talaga? Susunduin kita."]
"No need, hon. Really. Pauwi na ako, malapit na. I'm sorry for making you worry. I'm driving. I'll be home in a bit."
["Are you sure you're okay?"]
Tumango siya kahit hindi nito nakikita, tila kinukumbinsi ang sarili na ayos lang siya ngunit kabaliktaran noon ang nararamdaman niya.
"Yes. I'm okay. Don't worry about me. I've just had too much to drink kaya nakatulog ako roon."
Liar!
["Drive safely, honey. I love you."]
Natigilan siya at hindi nakasagot. Dati naman ay madali niyang nasasabing mahal niya ito. Ngunit bakit ngayon ay kay hirap?
Ilang segundo pa ang lumipas nang magsalita ito sa kabilang linya.
["Are you still there, Thea?"]
"Yeah...I-I love you, too."
Gamit ang nanginginig na mga kamay ay ibinaba na niya ang tawag, at ang mga luhang kanina pa niya pinipigil ay tuluyan nang bumagsak.
"I'm sorry, Jason....I'm sorry."
Humahagulgol na siya. Nasasaktan siya dahil alam niyang mahal niya pa rin si Benjie, ngunit ikakasal na siya kay Jason. Nasasaktan siya dahil sa pagkakasalang nagawa niya rito. Nasasaktan siya dahil si Jason ang dahilan kung bakit siya naging masaya sa mga taong nagdaan nang wala si Benjie sa buhay niya.
Hilam man ang kanyang mga mata ay pinilit niyang kumalma. Hindi nagtagal ay nakauwi siya, at naroon si Jason, na naghihintay sa kanya. Nakita niya roon ang pag-aalala na alam niyang para sa kanya, kaya naman lalo pa siyang nakaramdam ng guilt. Naghalo halo na ang lahat ang nararamdaman niya ngunit pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.
Sinalubong niya ng yakap si Jason, na ipinagtaka nito. "I am so sorry for making you worry," aniya. "Hindi na ako mawawala sa iyo."
"You were gone for a few hours, that's why I'm worried about you."
"I know..."
"Are you sure you're okay?" tanong nito sa kanya at inangat ang kanyang mukha, dahilan para mapatitig sa mga mata nito. Mataman itong nakatingin sa kanya, tila ba sinusubukan na basahin ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Lahat na ng lakas ng loob niya sa katawan ay inipon niya, para lamang hindi ito mahalata ng lalaking nasa harap niya. Kahit pa nagkakagulo na ang loob niya.
"Yeah," tumango siya, at ngumiti na tila maging ang sarili niya ay kinukumbinsing ayos lang siya. Ngumiti ito sa kanya - at hinapit siya palapit at hinalikan ang noo niya.
"I love you, My future wife."
"I love you...too."
Nagtagal pa ang yakap nito sa kanya, hanggang sa bitawan siya nito. "I'll see you tomorrow." Tumango siya at inihatid niya ito sa pinto. Nang nawala na ito sa kanyang paningin ay nanghihina siyang napasandal sa dingding.
"Mukhang kailangan mo ng kausap." narinig niyang sabi ng kanyang ina. Patakbo niyang sinalubong ito ng yakap, at kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Kahit paano ay panandaliang nawala ang pagkakagulo ng isip at puso niya nang naramdaman ang yakap nito. Hinayaan siyang umiyak nito, at hindi rin ito nagtanong. Nang kumalma siya ay iginiya siya nito sa veranda, at naupo sila roon.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" bungad sa kanya ng ina, para maging gatilyo iyon ng pagkakagulo na naman ng nararamdaman niya. Ngayon ay ginagap niya ang palad nito, na tila ba nanghihingi ng lakas sa mga sasabihin niya rito.
"Mahal ko pa rin si Benjie, Ma." Aniya. "Akala ko, nakalimutan ko na siya, pero mali ako. Akala ko sapat na iyong anim na taong hindi ko siya nakita para mapatunayan ko sa sarili kong tapos na para sa akin ang lahat."
Nakatingin ito sa kanya, at nakita niya roon ang paguunawa. "Alam kong mahal mo pa rin si Benjie, anak. Maiintindihan rin namin ng Papa mo kung sakali man na umatras ka sa kasal niyo ni Jason."
Umiling siya mula sa narinig sa ina. "My decision isn't going to change, Ma. I'm still going to marry him. Ayos na po ang lahat. Mabubuo na po ang pamilyang hinahangad ng anak ko. Maayos na po ang magiging buhay ko, ayoko nang guluhin yon just because I've seen him again. Sa gagawin kong ito, sana mapatawad na namin ang mga sarili namin. Itatama ko ang lahat, Ma. Para na rin sa ikakatatahimik namin."
"Hindi ko pinagdududahan ang pagmamahal ni Jason kay Theo. Alam kong mahal niya ang anak mo, kahit hindi niya pa ito kadugo. Pero hindi ba deserve ng anak mo ang makilala kung sino ba talaga ang ama niya? Sabik sa ama si Theo, anak. Hahanapin at hahanapin niya kung sino ang tatay niya."
"Sisikapin kong maipaliwanag ng maayos sa kanya ang lahat, Ma. I can't hide this truth forever that Benjie is his father. Sana lamang ay maintindihan ako ng anak ko, pero hindi rin ako magdaramdam kung sakaling magtampo siya sa akin. Kung bakit inilihim ko itong lahat mula sa kanya."
Umiling ito, at isang tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Sigurado akong mauunawaan ka ni Theo, anak. Matalino ang apo ko. At huwag mong kalilimutan na nandito lang kami para sa iyo." Tumango siya at niyakap uli ang ina.
"Lola," narinig niya ang boses ng anak na palapit sa kanila. "Is Mama here yet?"
"Here, sweetheart, Mama's here." Aniya at nilapitan ang anak. "I'm sorry that I made you wait."
Pinagmasdan niya ang mukha ng anak, at napatitig siya sa itim na itim na mga matang iyon. Hindi niya mapigilang maramdaman na tila ba si Benjie ang kaharap niya ng mga sandaling iyon. Anak, patawarin mo si Mama dahil hindi ko pa masabi sa iyo ang tungkol sa Papa mo, ha? Pero hinahanap ka na rin niya, anak. Miss na miss ka na rin niya. Mahal na mahal ka ng Papa mo.
Nanatili ang mga mata sa kanya nito, ngunit naramdaman niyang dumampi ang maliliit na palad nito sa kanyang mukha, para pahirin ang mga luhang hindi niya namalayang naglandas na sa kanyang pisngi. Her little boy's actions mimicked his father in every way, kaya lalo lamang niyang naalala si Benjie.
"It's okay, Mama, so don't cry na." Anito at pinatakan ng halik ang tungki ng kanyang ilong, upang subukang patahanin siya. "I love you, Mama."
"I love you too, Theo. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal."
Tanghali na kinabukasan nang sinundo siya ni Jason sa kanilang bahay para sa kanilang church rehearsal. Nagtungo sila sa simbahan kung saan ito gaganapin. Walang tao sa paligid niyon, at sila lamang dalawa ni Jason ang naroon kaya pumasok sila sa loob ng simbahan. Walang sinuman ang kumikibo sa kanila at patuloy lamang silang naglalakad hanggang sa makarating sila sa tapat ng altar. Nanatili pa ang ilang segundo ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa, bago ito nagsalita.
"Gustong gusto kitang pakasalan sa lugar na ito, Loui." anito, saka bumuntong hininga at ginagap ang palad niya. Nagtatakang tumingin siya rito, ngunit tumambad sa kanya ang malungkot nitong mukha. Nakita rin na tila pinipigilan lamang nito ang mga luha para bumagsak.
"What's with the tears, hon? Pakakasalan kita. Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi na kita iiwan?"
"I know your happiness isn't really with me," anito habang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. "I want you to be happy that's why I'm setting you free."
Gulat na napatingin siya rito. "Wh...what?"
"Pinapakawalan na kita...I can't let you to be miserable for the rest of your life."
"Pero paano...Paano ang kasal natin? Ayos na ang lahat para doon...And I can learn to love you, too."
Umiling ito. "We'll just hurt each other, kahit hindi sinasadya kung itutuloy natin ang pagpakasal. I won't let the woman I love to be unhappy just because she chose to marry me."
"I..." naumid na ang dila niya at hindi niya alam kung anong sasabihin. Hihingi ba siya ng patawad o magpapasalamat? Hinigpitan niya rin ang hawak sa kamay ng binata, at tiningala niya ito. "I am so sorry, Jason. Patawarin mo ako kung hindi kita nagawang mahalin ng buong buo."
"I know...I know you also tried very hard, too. You even said yes when I asked you to marry me. Kahit pa ramdam ko na iba ang nandyan." Anito na itinuro ang dibdib. "I hoped that someday, it will be me that's inside your heart."
Hindi na siya nakasagot at tuluyan nang pumatak ang kanyang mga luha sa halong emosyong pilit naguumalpas sa kanyang puso. Nasasaktan siya dahil naging napakaunfair niya kay Jason sa nagdaang mga taon, at sa pagaantay nito sa kanya na masuklian ang pag ibig nito.
"But I have accepted that some things are really not going to change. Because I wasn't able to replace him there, and I know that I should give him back to you. Kasi alam kong doon ka talaga magiging masaya."
Ngayon ay naramdaman niya ang mga palad nito na nakahawak sa mukha niya, dahilan para mapatingala siya rito. Kumikislap na rin ang mga mata nito sa mga luhang naroon, ngunit pinipilit lamang nitong tatagan ang sarili.
"Just promise me one thing. Promise me that you'll be happy, okay? Promise me that this won't be wasted."
"I...promise, Jason. Maraming salamat sa lahat...Hindi ko ito makakalimutan."
Tumango lamang ito, at dumampi ang labi nito sa kanyang noo. Mariin ang halik na iginawad nito sa kanya, na tila doon ipinararamdam ang pagmamahal sa kanya. At alam niya rin na ang halik na iyon, ay tanda ng pamamaalam ng binata sa kanya.
"Don't cry now, stay here." Pabulong na anas nito. Nagsimula itong maglakad palayo sa kanya, palayo sa lahat ng mga bagay na para sa kanila.
Hanggang sa huli, ang kaligayahan ko pa rin ang inisip mo, Jason. Habang buhay kitang pasasalamatan dahil nagawa mo akong palayain, kahit pa kapalit nito ay ang sakit na idudulot nito sa iyo. Patawarin mo rin sana ako, dahil hindi ko nagawang ibigay sayo ang puso ko ng buong buo.
I pray that you find someone that will love you with all of her, with no doubts and hesitations. I pray that you find her soon, your paths will cross and make you realize that she is the one for you. And I pray that you'll be happy, because that's what you really deserve. Ang mahalin ka nang higit pa sa kaya mong ibigay.
Nanlalabo na ang kanyang mga mata habang tinatanaw ang binata na unti unti nang nawawala sa kanyang paningin. Nanatili siya sa kinatatayuan, hanggang sa bumilis ang tibok ng kanyang puso sa pamilyar na pigura na ngayon ay papalapit sa kanya. Sa bilis at lakas nito ay alam na niya kung sino ang tanging tao na nakagagawa nito sa kanya.
The man that she loved, she loves and she would love. Ang tunay na naging tanging laman ng puso niya sa loob ng anim na taon. Ang ama ng anak niya. Ngayong nasa harap na niya ito ay hindi siya makapaniwala sa nakikita. Just like her, his eyes were moist with unshed tears and held her hands - touching his face.
"I am so sorry that it took me so long to find you," anito, habang hindi binibitwan ang mga kamay niya. "Patawarin mo ako dahil ang tagal kong narealize na ang makasama kayong dalawa ng anak ko ang gusto kong gawin sa buhay ko. Pero nandito na ako, Loui. Hinding hindi na ako mawawala sa iyo. Hinding hindi na ako mawawala sa inyo ni Theo. Babawiin ko lahat ng panahong nawala sa ating tatlo."
"Napatawad na kita, Benjie. Matagal na. Akala ko nga ay nakalimutan na rin kita rito," aniya at itinuro ang dibdib. "Pero nagkamali ako. Hindi pa pala. At hindi ko rin akalaing mahahanap ko rin ang daan pabalik sa'yo."
"Hahanapin pa rin kita at hindi ako susuko, Loui. Gaya ng hindi mo pagsuko sa akin. At kung nakalimutan mo na ako, hindi ako magsasawang ipaalala ko sa iyo na mahal kita, na mahal ko kayo ni Theo. I won't get tired because this lifetime without you and our son will be worthless."
Ngayon ay lumapit na sa kanya ang mga magulang, kasama si Theo, dahilan pa para lalo pang bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Hindi niya ito alintana, bagkus ay umupo siya sa harap ng anak. Worry was etched on his little face, na tulad sa kanyang ama.
"Mama, why are you crying? Are you okay?"
Tumango siya, habang tuloy pa rin sa pag iyak ngunit nagawa na niyang ngumiti. "Mama's okay, baby. I have something to tell you." Lumingon siyang muli sa kanyang harap at nakitang nakaluhod na rin si Benjie sa tabi nito, naghihintay ng kanyang sasabihin. Seeing them now together makes her heart ache with happiness.
"Anak, you're looking for your Papa, di ba? Anak...this is Papa..."
Lumapit na sa kanya ang mga magulang, kasama si Theo, dahilan pa para lalo pang bumuhos ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Pumantay siya sa anak, at hinawakan ang mga kamay nito. Ngayon ay nakatingin siya sa mukha nito, na kaparis ng sa kanyang ama. Hindi mapagkakailang anak ni Benjie si Theo dahil parehong pareho ang itsura ng dalawa. Ang makita ang dalawang ito sa kanyang harapan na magkasama ay hindi niya halos mapaniwalaan.
Ang mga nagtatakang mga mata ngayon ni Theo ay napunta na kay Benjie. "You're my Papa po?"
"Sorry, anak, ang tagal kong nawala sa inyo ng Mama mo." Nakita niya na pinagmasdan ni Benjie ang anak at kitang kita sa mukha nito ang saya nang mahagkan nito si Theo. Pagkatapos nitong mapagmasdan si Theo ay niyakap niya ito ng mahigpit, na tila takot na takot na itong mawala sa paningin nito ang bata. Nanginginig na rin ang boses nito, tila pinipigil lamang na umiyak, ngunit nakita niya ang takas na luha na dumaloy mula sa mga mata nito.
"I have been waiting for you, Papa," ani Theo at yumakap na rin ito pabalik kay Benjie. "Promise po, hindi na kayo aalis? You won't leave me and Mama alone po?"
Tumango ito, at pinahid ang mga luha sa mga mata. "Hindi na, baby. Hindi na ako aalis. Hindi ko na kayo iiwan. I promise, I will make up for the lost years. Babawiin ni Papa ang mga taon na nagiisa ang Mama mo sa pagpapalaki sa iyo. From now on, I will take care of you. I love you anak. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo."
Nanatili siyang nakatingin sa kanyang mag ama. Nagtama ang mga paningin nila ni Benjie, kaya naman binuhat nito si Theo at lumapit sa kanya. His arm pulled her in, squishing her in for a tight hug. Pinagpapasalamat ko pa ring dumating ka sa buhay ko, kasi ng dahil sayo, naging buo ako. Naging buo ako dahil sa anak natin. And I know, that unexpectedly, that I have been, I will and I will be falling in love with you again. And whatever choice I make, it is still you. It is going to be you.
"Salamat dahil dumating ka sa buhay ko, Loui. Salamat dahil inilabas mo si Theo sa mundong ito. Salamat, dahil ikaw ang ibinigay Niya sa akin." Inilapit nito ang mga labi nito sa mga labi niya, at pinatakan ng mariing halik sa mga labi. "I am nothing but thankful that I found you again. And I will be yours, always."