She's My Home
Author's Note :
This chapter is from Benjie's Point-of-View, and his side of the story. Sa lahat ng sumubaybay, salamat po! Thank you for reading this until the end.
Sabi nila, kung kayo talaga ang nakatadhana para sa isa't-isa, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin ang landas niyong dalawa. Dati, hindi ako naniniwala sa mga salitang iyon. But this proved me wrong - because everytime I stare at the love of my life, I am always reminded that fate is how we found our way to each other. Na kahit na marami nang nangyari, ang pag-ibig ang daan namin para mahanap ang isa't isa.
Hindi niya maalis ang paningin sa asawa na ngayon ay hawak ang kamay niya. Parang kailan lang - na ang tadhana mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala silang dalawa.
"Nay, aalis po muna ako."
Lumingon ang ina sa kanya mula sa tinutuping damit nito. "Saan ka naman pupunta?"
"Maghahanap po muna ako ng trabaho, 'Nay. Wala pa po kasing balita yung sa bank, e. Sayang po iyong araw."
"Sige, mag iingat ka. Good luck sa iyo, anak."
Sa paghahanap niya ay napapadpad siya sa mall na iyon nang may mapansin siyang kumpol ng tao sa isang booth. May mga taong may hawak ng application form, at pinapa-fillup-an ito sa mga nakakausap. Mukhang job fair.
Kuryoso siyang lumapit sa kumpol ng mga taong iyon nang may lalaking lumapit sa kanya. "Excuse me, naghahanap ka ba ng work?"
"Ah...Oo. Bakit?"
"Gusto mong subukan mag apply dito sa amin?" anito na ambang iabot ang isang application form sa kanya. "Hiring kami ngayon at kailangan namin ng bagong agents."
Dumako ang paningin niya sa booth kung saan galing ang kausap niyang lalaki, at nabasa niya ang pangalan ng kumpanya. Global Solutions? Call center na naman? Umalis na nga ako sa dati na call center na pinapasukan ko, tapos ngayon, babalik ako uli?
"Ah, sige po, next time na lang."
Ngumiti sa kanya ang kausap, tila susubukan siyang kumbinsihin na tumuloy sa pag-a-apply. "Subukan mo na, saglit lang naman ang process namin. Tutal sinabi mo na naghahanap ka ng trabaho, tamang tama ito para sa iyo." Kinuha nito ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang form, kaya napilitan siyang tanggapin iyon.
Sige na, Benjie, wala ka pa sa posisyon para mamili. Mabuti sana kung tumawag na sa iyo ang bank para doon sa gusto mo, pero wala pa rin hanggang ngayon. Baka abutin pa ng ilang buwan at paano ka makakatulong sa family mo kung wala kang trabaho?
"May call center experience ka na ba?" tanong nito sa kanya, kaya naman nahihiyang tumango siya rito. "Ah, opo. Sa katunayan po, galing ako dyan sa 6th floor. Nangapit floor lang."
Muli ay ngumiti ito sa kanya, na para bang sinasabing ayos lang iyon. Dahil doon ay nawala ng kaunti ang pagkailang niya. "Mabuti at may call center experience ka na. Halika roon sa booth, fill up-an mo na iyan at sumunod ka sa akin."
"Salamat po."
Nagtuloy tuloy ang process ng application niya, hanggang umabot na siya sa final interview. Naghihintay na siya na tawagin at ang kasabayan niya sa interview na kapwa niya aplikante, ay inaaya na siyang umuwi. Ayaw pa sana niyang sumama rito ngunit dahil sa pagod ay nakumbinsi siya nito.
Sana, tumawag na ang bank, sa isip isip niya. Naputol ang kanyang pagmumuni muni sa tunog ng kanyang cellphone. Pagtingin niya sa kanyang screen ay tawag sa isang unknown number ang natanggap niya.
+63917...
Accept Reject
Sino naman kaya ito? "Hello?"
["Hello, Good morning...I am looking for Benjamin Gonzales."]
"Yes, speaking."
["This is Jeff from Global Solutions Recruitment. You were scheduled yesterday for a Final Interview but you're not able to complete the application process. May I know what's the reason?"]
Tinawagan pa talaga nila ako? "I am sorry, Sir, but I need to go home due to an emergency.
["I see. Well, are you free for an interview tonight?"]
Nagulat siya sa sinabi nito. Bibigyan pa nila ako ng chance kahit na inindyan ko sila kagabi? Totoo ba?
["Hello, are you still there?"]
"I'm sorry, but yes, Sir. I'm available tonight for an interview." Naku, Benjie. Trabaho na ang lumalapit sa iyo, tanggapin mo na yan.
["I'm glad it's settled. Be here at 8pm."]
"Yes, sir. Thank you so much."
Ibinaba na ng kausap ang telepono, at hindi pa rin niya mapaniwalaang bibigyan pa rin siya ng pagkakataon kahit na umalis siya roon kahapon. Kinagabihan ay nagtungo nga siya sa opisinang iyon, at nakuha niya rin ang trabaho. Siguro nga ay para sa akin talaga ito.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang mga bagong makakasama niya, habang panaka-nakang sumasagot sa mga tinatanong ng mga ito sa kanya. Nagpakilala na sila kanina, at inoobserbahan ang mga ugali ng mga kasama nang napadako ang kanyang mga mata sa isang babaeng tahimik na nakaupo sa tabi ni Daddy Robert. Tulad niya ay tahimik ito at hindi masyadong kumikibo, maliban na lamang kapag may tinatanong ang katabi rito. Tila ito man ay inoobserbahan ang mga tao sa paligid. Nagtagal pa ang kanyang mga mata sa mukha nito habang pinagmamasdan pa rin ang dalaga na ngayon ay nanatiling walang kibo. Bilugan ang mga kulay kapeng mga mata nito, maliit na ilong, at mapulang mga labi.
Maganda siya, pero mukhang masungit at parang laging mukhang seryoso. Pakiramdam niya nga lamang ay isa ito sa tila mahihirapan na makasundo sa batch nila. Tumingin ito sa direksyon niya, dahilan para magtama ang kanilang mga paningin. Dahilan para kumabog ang puso niya.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya! Isang ngiti ang iginawad niya rito para maitago ang paghahabulan sa dibdib niya. Isang tipid na ngiti ang isinukli sa kanya nito, na ikinagulat niya. Hindi naman pala siya suplada, mukha lang. Hindi niya alam kung bakit hindi niya maialis ang tingin sa dalaga, kahit pa nahuli na siya nito kanina pa. Pumasok ito sa clinic sa tapat ng pantry nila, at tiningnan ang ipinagawa rito ng Nurse na kausap. Paglabas nito ay nakasimangot ito, kaya hindi niya napigilang magtanong.
"O, anong pinagawa sa 'yo sa loob?"
"Ewan ko ba doon. Pinataas nya lang yung kamay ko, ayaw naman akong bigyan ng gamot."
"Nakita ko nga. Bakit daw?"
"Hindi ko nga alam, e. Sabi, baka gutom lang daw. Ang hirap pa naman kapag sumusumpong 'to. Ang sakit sa ulo."
Sa pagdaan ng mga araw ay madalas silang magkasama ng dalaga, at habang tumatagal ay nakikita niya ang maraming pagkakapareho nila. Magmula sa responsibilidad sa pamilya, sa mga bagay na parehong hilig nila, mga simpleng bagay - na lalong nagpalapit sa kanya kay Loui. Ngunit hindi lamang siya ang nakakapansin sa pagkakalapit nilang dalawa, maging ang mga kasama nila ay nagumpisa na rin silang tuksuhin sa isa't isa. Gaya na lamang ngayon.
"Loui, bababa ka?" Tanong niya sa dalagang ngayon ay nakasubsob sa harap ng computer monitor nito. Nag-angat ito ng ulo at tumingin sa kanya.
"Ikaw ba? Tinatamad ako e."
"Dito na lang tayo?" aniya. "Tinatamad din ako, e. Wala naman tayong gagawin sa baba.
"Oo nga."
"Uyy. Magpapaiwan kayong dalawa dito? Kailangan nyo ba ng privacy?" ani Daddy Robert. Narinig pala nito ang pinaguusapan nila.
"Hala. Hindi po,"
Napalingon siya sa dalaga at nakita niyang namumula ang pisngi nito. She was blushing and speechless. Ilang segundo ang makalipas nang makabawi ito sa naging reaksyon sa panunudyo sa kanila ni Daddy.
"Dad, hindi naman po kami pwede." anito. "May sarili naman po kasi kaming priorities."
Tila ba may kumurot sa puso niya nang marinig ang sinabi ng dalaga na hindi sila pwede. Tila pinatay na kaagad nito ang pag-asa para sa kanilang dalawa. Ngunit naramdaman man niya iyon ay pinili niyang hindi ito ipahalata sa dalaga. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba dapat ay balewala lang ito sa akin?
Benjie, hindi iyan dapat. Ate lang ang tingin mo sa kanya, hindi ba?
Pinilit niyang kalmahin ang sarili at alisin sa isip ang nararamdaman patungkol sa dalaga. Hindi ito dapat, paulit ulit na usal niya. Hindi siya kumibong muli hanggang sa mawala ang isiping iyon na gumugulo sa kanyang puso.
Dumaan pa ang mga araw ay mas lumalalim ang kung ano mang nararamdaman niya para sa dalaga. Pinipilit niya sa kanyang sarili na pagkakaibigan at ang pagiging isang nakatatandang kapatid lamang ang rason kung bakit ganoon siya kalapit rito. Ngunit darating pala ang araw na hindi na niya kayang itanggi pa ang dahilan ng pagkakagulo ng kanyang puso kapag kasama niya ito.
Face it, Benjie. Gusto mo na siya, hindi ba?
Tumingin siya sa babaeng ngayon ay nakangiti sa kanya habang pinag-uusapan nila ang mga kapatid niya. Walang duda, gusto kita, Loui. Pero hindi pwede dahil iiwan rin kita para sa pangarap ko. Kaya hangga't maari ay kailangan kitang iwasan, hangga't maaga pa. Hangga't kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko para sa iyo. Para hindi na kita lalo pang masaktan.
Kaya naman noong gabi na iyon ay napagdesisyonan niyang iwasan ang dalaga. Dumaan ang mga araw hanggang sa dumaan ang dalawang linggong hindi sila nag iimikan nito. Parang hangin lamang siya kung ituring nito, at alam niya sa kanyang sarili na nahihirapan na rin siya.
Hindi ko na kaya, gusto ko nang makipagbati sa kanya. Nahihirapan akong ganito kaming dalawa.
"Nagmumukmok ka na naman diyan," ani Daddy Robert nang napansin nitong nakaupo siya sa isang gilid at walang kasama. Umupo ito sa tabi niya at napansin kung nasaan ang mga mata niya - na nakatingin sa dalagang kasama ng kanilang barkada. Sumunod ang mga mata nito at agad nitong natukoy kung sino ang tinitingan niya sa kumpol ng mga taong iyon. "Huhulaan ko, gusto mo nang makipagbati sa kanya, ano?"
"Nahihirapan din po, ako, Dad." sagot niya rito. "Hindi ko pala kaya na hindi siya pansinin. Ang bigat-bigat sa dibdib."
"Alam mo, Benjie, sayang kayong dalawa ni Loui." anito at tumingin sa kanya, waring naninimbang sa magiging reaksyon niya. Nang hindi siya nakasagot ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Ramdam kong gusto na rin niyang makipag-usap sa iyo. Maaring nauunahan siya ng hiya, dahil baka hindi mo lamang siya pansinin. Maari ring nasaktan mo siya, kaya hindi ka rin niya magawang kausapin."
"Alam ko po, nasaktan ko siya. Pero kailangan ko po itong gawin."
"Para sa pangarap mo, hindi ba, Benjie? Mas natatakot kang lalo mo siyang masaktan kung sakaling maging kayo at dumating sa puntong iiwan mo siya, ganoon ba?"
Hindi siya nakasagot. Hindi niya inaasahang tuluyang makikita ng kaibigan ang totoong dahilan sa pag-iwas niya sa dalaga. Isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa kanya. "Pareho kayong nasasaktan at nahihirapan sa pag-iwas niyo sa isa't isa. Hayaan niyong ang panahon ang magdikta sa nararamdaman niyong dalawa." Tinapik siya nito sa balikat, bago ibinalik ang tingin nito sa kina Loui. "Huwag kang mag-aalala, tutulungan kita na makausap mo siya."
"Salamat po, Daddy."
"Walang anuman."
Ilang araw ang lumipas at dumating rin ang pagkakataon nilang dalawa para mag-usap. Hindi niya mailarawan ang kaba sa kanyang dibdib habang ipinagdadasal na sana maging maayos na sila, at bumalik sa dati ang lahat. He desperately wanted her to be by his side again.
"Why did you avoid me?" tanong nito sa kanya.
Dahil natatakot akong aminin ako sa sarili ko na gusto na rin kita. Kaya pinipigilan ko kahit nahihirapan ako. Nahihirapan akong isipin na masasaktan kita kapag dumating ang panahong iiwan kita. "I'm sorry kung kinailangan kong iwasan ka. Alam kong nasaktan kita sa ginawa kong iyon."
"You're right, I was hurt. But I really wanted to know the reason why you did that."
"Sinabi ko sayo na ayokong maging kaibigan kita, hindi ba?" Nahirapan akong pigilan ang puso ko para sa nararamdaman ko para sa yo, Loui. Akala ko ay magagawa ko iyon sa pag-iwas ko, pero hindi pala. "Akala ko, kaya kong tiisin ka. Pero na-realize ko, hindi pala...Hindi ko kayang mawala ka."
"I like you..." narinig niyang sabi ng dalaga habang yakap siya nito, na dahilan para tumibok ng malakas ang kanyang puso. Ngayon ay mas sigurado nga akong gusto rin kita dahil ganito ang nararamdaman ko kapag kasama ka. "I hope you heard me."
Narinig ka ng puso ko, Loui. Hindi maawat ang puso niya sa saya nang malaman niya na pareho sila ng nararamdaman para sa isa't isa. Hinalikan niya ang dalaga sa ituktok ng ulo nito, hanggang sa bumaba ang mga labi niya sa noo nito. Now he met her eyes, those eyes that never failed to be the window of her soul. He stared back at her - and knew at that moment that he had already fallen for this girl. "Sigurado akong narinig kita...Because I think I'm starting to like you too."
Naging masaya sa kanila ang mga araw na nagdaan - at sa bawat araw na lumipas ay lumalalim ang pagtingin niya sa dalaga. Hindi na niya nagawa pang rendahan ang kanyang puso at pakiramdam niya ay nahulog na siya sa balong hindi na niya kaya pang ahunan pa. At kung may panahong gusto niyang pahabain, ito ay ang mga pagkakataong kasama niya si Loui.
Sa gitna ng tahimik na paligid, gusto niyang sabihin sa dalaga kung ano ang nararamdaman niya para rito. Kinuha niya ang kamay nito, at isinuot niya rito ang bracelet na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan. Hindi mapigilang kumabog ang puso niya habang nakatingin sa mga mata ng dalagang nasa harap niya.
"I'm thankful that God gave me a special gift and that was you. You inspired me to be a better person."
When he looked at her eyes, she can see those unshed tears - that he knows that were those of happiness. Because he knew that's what shows on his eyes too. Dahil sa mga sandaling iyon ay sigurado siya sa kung ano ang nararamdaman niya para rito.
Mahal kita, hindi bilang isang kaibigan.
Mahal kita, hindi bilang isang nakakatandang kapatid.
Mahal kita, sa totoong kahulugan ng salita. Mahal kita bilang isang babaeng makakasama ko habang buhay.
"Didn't you know that you were the same for me too?"
Nakita niya ang pagkislap ng luha sa mga mata ng dalaga, kaya naman inabot niya ang pisngi nito at pinahiran iyon. "Uy, huwag kang umiyak." Nangiti siya dahil alam niyang pareho sila ng nararamdaman ng mga sandaling iyon.
"Wala ito," ani ng dalaga, umiiling. "Masaya lang ako."
"Thank you for making me happy, too."
Lumapit siya rito, hinalikan ang ituktok ng ulo ng dalaga at niyakap nito. "Mahal kita," bulong niya, habang yakap niya ang dalaga.
Ngunit may katapusan pa rin pala ang lahat - at dumating ito isang araw ng Enero ng taong iyon, habang katatapos lamang ng serve niya sa simbahan. Pinapunta siya ng kanilang kura paroko sa opisinang iyon para kausapin.
"Alam kong pangarap mo ito noon pa man, Benjie. Pero handa ka na ba na pumasok sa seminaryo?" tanong sa kanya nito. Ito kasi ang nag-aayos ng papeles para masimulan ang pag-aaral niya sa seminaryo.
Accepting it means leaving her. Leaving the girl he love with all of their memories. Leaving her behind. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Ang dumating ang araw na iiwan niya ang babaeng pinakamamahal para sa pangarap niya.
Gusto niya itong makita. Ang nakangiti nitong mukha - ang mga mata nitong nagpapakita na mahal siya nito. Ang marinig ang boses nito, kasama ang mga alaalang babaunin niya sa mga panahong tinutupad niya ang kanyang pagpapari. Gusto niyang makita ang babaeng naging pangarap niya sa loob ng maikling panahon. He wanted to say goodbye to her, but that disappeared when he saw her walking towards him. He smiled, even if he was falling apart deep inside. He didn't want to show her that his heart was breaking. He wanted her to remember - that being with her was one of the happiest moments of his life.
"Thanks for always being my angel." He rested his head on top of hers, pinipilit supilin ang mga luhang kanina pang nagbabantang tumulo mula sa kanyang mga mata. Patawarin mo ako, Loui. Patawarin mo ako kung masasaktan na naman kita sa pag-alis ko. Kung maibabalik ko ang panahon, gusto kong ibalik ang mga panahong hindi mo ako kilala. Nang sa ganoon, maiwasan nating makilala ang isa't isa. Nang sa ganoon ay hindi kita masasaktan.
Dahil ang makita kitang masaktan at alam kong ako ang dahilan nito ay ikinadudurog ng puso ko.
"Hindi ako magsasawang gawin ang mga bagay na ito para sa iyo, Benjie." She heard him say when he tried hard to blink back his tears, para lang hindi ito makita ni Loui. She looked up and met his eyes - and he saw that there's sadness in them. Tila ba may itinatago rin sa kanya ang dalaga na ayaw nitong makita niya kaya yumuko ito kaagad. "Wag mong kalilimutan ang birthday ko, ha? Nandoon ka dapat."
I'm sorry. "Oo naman."
"Promise?"
Napalunok siya sa ginagawa niyang pagsisinungaling dito. Patawarin mo ako dahil hindi ko na naman matutupad ang pangako ko sa yo. "Promise."
Unti-unti niyang dinistansya ang sarili mula sa dalaga, hanggang sa nawala ng tuluyan ang komunikasyon nila. Mahirap man gawin ay pinandigan niya ito, para sa kanilang dalawa. Ayaw na niyang lalo pang masaktan niya ito. Kung maari lamang na hilingin na magmahal ito ng iba, para hilumin ang sugat na nilikha niya.
Ngunit tunay nga yata silang pinaglalaruan ng tadhana nang magkita silang muli sa simbahang iyon. He was again faced the woman that he still loves. He can still see the pain in her eyes when he told her that he was to enter the seminary, and she answered her that she was also set to leave for Canada.
Kaya pumayag na siya na makipagkita sa mga kabarkada dahil gusto niyang makita ang dalaga para makapagpaalam rito.
Noong gabing iyon, nagdesisyon na akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Kahit pa ilang buwan na lang, papasok na rin ako sa seminaryo. Gusto kong sa kahit sa huling pagkakataon, malaman niyang mahal ko siya.
Kahit pa ang tagal kong pinigil iyon. Kahit pa ilang beses kong sinubukan na alisin iyon sa sistema ko, her love always finds a way to my heart. But what did I not expect that love should be selfless and can let go...even if it hurts.
Ang makitang lumuha ito sa harap niya ay naging daan para mawala ang kontrol niya sa sarili. Alam na alam niyang siya ang dahilan ng mga luhang iyon - at nasasaktan siya para sa babaeng mahal niya. Kaya sa huling pagkakataon ay pinaramdam niya rito kung gaano niya ito kamahal.
Handa na sana niyang bitawan ang pangarap niyang iyon - ngunit nilinaw sa kanya nito na piliin niya ang pangarap niya. She had clearly told him that she had already let go, and had let go of the hope for the two of them. Kung kaya't paano pa niya ipaglalaban ang babaeng binitawan na siya?
Months passed, and it was the night before he leaves for Cebu. Hindi niya alam kung bakit, ngunit hindi siya makatulog ng gabing iyon. Hindi niya magawang dalawin ng antok, kahit pa pinipilit na niya ang kanyang sarili dahil sa maaga ang kanyang flight kinabukasan.
Bumangon siya mula sa kinahihigaan, at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na sana siya sa kuwarto upang subukang matulog na, ngunit nadaanan niya ang mga magulang na nasa sala, na gising pa. Napalingon ang Nanay niya sa kanyang direksyon, kaya nilapitan niya ang mga ito.
"Gising ka pa pala," anito. "Maaga pa ang flight mo bukas."
"Hindi po ako makatulog, e."
"Bakit? Excited ka ba para bukas?"
Hindi ko alam, Nay. Nag aalinlangan ako sa desisyon ko na magtuloy. Hindi ba dapat ay sigurado ako, dahil matagal ko nang pangarap ito? "Siguro nga po, Nay. Baka excited lang ako kaya ako nagkakaganito."
Napatingin siya sa kanyang ina, dahilan para magtama ang paningin nila. Tila ba naninimbang at sa paraan ng pagtingin nito sa kanya ay binabasa ang talagang nasa isip niya. Ilang segundo rin ang nagdaan, bago ito muling nagsalita.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?"
Nag aatubili man ang kanyang puso, nagawa niya pa ring sagutin ang tanong ng kanyang ina. "Sigurado na po ako, Nay. Matagal ko na itong hinintay, at ngayon pa ba ako aatras kung kailan matutupad ko na ito?"
"Pwede ka pa rin namang umatras kung gusto mo. Hindi ka namin pipigilan, anak." Ginagap nito ang palad niya. "Pero kung desidido ka na talaga, nandito lang kami para sa iyo."
"Salamat, Nay, Tay." Aniya at kapagkuway tumayo na sa kanyang kinauupuan. "Matutulog na po ako."
"Sige. Matutulog na rin kami ng Tatay mo pagkatapos nito."
Pumasok na siya sa kuwarto, at nahiga sa kama. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinusubukang matulog nang bumalik ang kanyang agam-agam tungkol sa pag-alis niya kinabukasan.
Hindi ba dapat ay masaya ako? Hindi ba dapat ay hindi ko nararamdaman ito?
Hindi ba dahil kay Loui, Benjie? Kaya ngayon ay nagdadalawang isip ka nang ipagpatuloy ang pangarap mo?
Tila ba may sumipa sa kanyang puso nang maalala ang dalaga nang huling beses silang magkita nito. Nakita niya ang mga mata nito na punong puno ng sakit dahil mas pinili nito na palayain siya para sa pangarap niya.
Pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata, isa-isa. Ang makita ang sakit mula sa mga mata ng babaeng mahal niya ay dumagdag sa paghihirap ng kanyang loob. Nangungulila siya para rito, ngunit ano nga ba ang magagawa niya? Nagsakripisyo na ang dalaga, at sasayangin pa ba niya ang ginawa nito para sa kanya?
Mahal kita, Loui. Alam kong gusto mong matupad ko ang pangarap ko, kaya isinuko mo ako. Kaya para sa iyo, tutuparin ko, kahit nasasaktan din ako. Tinatanggap ko na hanggang dito na lang ang lahat para sa ating dalawa.
Pero may isa lang akong hiling - na sana, sa kasunod na buhay ko, pagtagpuin tayong muli ng tadhana. At sa pagkakataong iyon, hihilingin ko sa Kanya, na ikaw ang makasama ko, hanggang sa pagtanda. Na ikaw ang maging aking panghabang buhay, dahil ikaw ang tahanan ko.
Ipinikit niya ang kanyang mga matang walang tigil sa pagdaloy ng mga luha. Tila ba sa tahimik niyang pagluha na lamang niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung kailan siya huminto ngunit pinahid niya ang kanyang luha sa kanyang mata at nakaramdam ng pagod, dahilan para makatulog siya.
Isang batang lalaki na kamukhang-kamukha niya. Nakatawa ito ng malapad, ngunit nang lalapitan niya ito ay lumalayo ito ng lumalayo. Lumalakas ang dagungdong sa kanyang dibdib habang hinahabol ito, ngunit hindi niya ito maabot. Kahit pa binilisan niya ang pagtakbo ay hindi niya ito magawang abutan.
"Papa..." narinig niyang tawag sa kanya ng bata. "Papa..."
Habol niya ito, hanggang sa tuluyang mawala ito sa kanyang paningin. Ang kanina'y kaba ay napalitan ng lungkot at sakit. Tila ba pinagpira-piraso ang kanyang puso at ang makakabuo lamang niyon ay ang batang nakita niya.
"Kuya...Kuya....gising na." Naramdaman niya ngayon ang pagyugyog sa kanya ng kapatid, dahilan para magmulat siya ng kanyang mga mata. He was greeted by his sister's eyes, wondering what happened to him - to see his tear-streaked face while he was sleeping. "Umiiyak ka kanina habang nananaginip ka. Anong nangyari?"
"Wala...wala ito, Hanna." Aniya habang pinapahiran ang kanyang basang pisngi, at tipid na ngumiti sa kapatid. "Huwag mong intindihin si Kuya."
"Sigurado ka?" Naroon pa rin ang pagtataka sa mukha nito. "Okay ka lang ba talaga, Kuya?"
Tumango siya. "Oo. Ayos lang ako. Sige na, sabihin mo kina Nanay na gising na ako at mag aayos lang ako ng sarili. Baka ma-late ako sa flight ko." Lumapit sa kanya ang kapatid at niyakap siya nito.
"Mami-miss ka namin. Basta, uuwi ka rito kapag bakasyon mo sa seminaryo, ha?"
"Oo naman, Hanna. Magpapakabait ka habang wala ako, ha?"
Tumango ito at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Hihintayin ka nila sa ibaba."
Naligo na siya at nagbihis, at hindi nagtagal ay narating nila ang Airport. Hinatid siya ng mga magulang, at nagpaalam sa pamilyang pansamantala niya munang iiwan para sa kanyang pangarap.
Araw ay mabilis na lumipas, hanggang sa naging linggo, at mga buwan. Hanggang sa ang mga buwan ay naging taon. Lumipas na pala ang tatlong taon niya sa seminaryo, at ngayon ay halos nasa huling taon na siya sa kanyang pag aaral sa loob nito. Ngunit bago siya tumuntong sa pinakahuling yugto ay palalabasin muna sila sa seminaryo. This is for them to decide if this is their calling. He was set to go out the following week, giving him the time to think as well.
"Sabi ko na, dito kita makikita." Aniya ng kaibigan niya nang nakita siya nito sa lugar na iyon. Doon siya pumupunta kapag gusto niyang makapag isip isip. Ngunit may isa pang dahilan kaya siya nagpupunta sa lugar na iyon - kapag naiisip niya si Loui.
"Iniisip mo na naman siya, ano?" tanong nito sa kanya. Alam na niyang kilala na talaga siya ng kaibigan dahil alam na nito kung bakit siya naroon nang mga sandaling iyon. "Bakit hindi mo siya kausapin kapag nakalabas tayo? Malay mo, mapanatag ang loob mo kung makakausap mo siya."
Umiling siya sa sinabi ng kaibigan. "Wala siya rito sa Pilipinas, Greg. Umalis siya papuntang Canada, kasabay ng pagpasok ko rito."
"Pero mahal mo pa rin siya, hindi ba?"
"Hindi naman nawala iyon, kahit tatlong taon na ang nakalipas." Itinuro niya ang dibdib. "Siya pa rin ang nandito."
"Malalim nga ang nararamdaman niyo para sa isa't isa." Tumingin muli ito sa kanya at nangingiting tinapik ang balikat niya. "Payong kaibigan lang. Alam kong gusto mo na ito noon pa man, pero timbangin mo ang lahat ng bagay. Tanungin mo ang puso mo at humingi ka ng gabay sa Kanya kung ano talaga ang plano niya sa buhay mo. Doon lang mawawala ang agam-agam na iyan, Benjie, at doon ka lang din matatahimik," makahulugang sabi nito sa kanya. Tumango siya at tumayo na para bumalik na sa quarters nila. Tumatak sa isip niya ang sinabi ng kaibigan, as if his words suddenly made sense.
"Oo nga pala. Kaya nga pala kita pinuntahan rito ay dahil sa pinapatawag ka ni Rector sa opisina niya."
"Ganoon ba? Sige, pupunta na ako doon. Salamat."
Isang linggo na mula nang makalabas siya sa seminaryo nang nakatanggap siya ng tawag mula sa mag-asawang Iris at Russel. Nakikipagkita ang mga ito sa kanya, na kaagad naman niyang pinaunlakan. Gusto niya ring makibalita sa mga ito, at mangumusta sa tatlong taong lumipas. Ngunit hindi niya inaasahan, na sa pagkikitang iyon ng mga dating kaibigan ay mababago ang takbo ng buhay niya.
"Sit down, Benjie. We have to tell you something important." ani ni Russel sa kanya.
"Kamusta na kayo? Its been three years..." aniya habang nakangiti, tila pinagagaan ang paligid sa pangangamusta sa mag-asawang kaibigan. Nakita niyang hinawakan ni Iris ang kamay ng asawa, na tila doon kumukuha ng lakas sa kung ano man ang sasabihin nito sa kanya.
"You and Loui..." anito habang hawak pa rin ang kamay ni Russel. "Have a two year old son..."
Tila ba pansamantala siyang nablanko nang narinig niya ang sinabi ng kaibigan. Realization dawned on him that he has now a family of his own!
"May anak kayo ni Loui...She gave birth to a baby boy two years ago."
Gulat pa rin siya ngunit nararamdaman niyang umiinit na ang sulok ng kanyang mga mata sa pinaghalo halong emosyon. Gulat, dahil sa kaalamang may anak na siya, pananabik dahil sa gusto niyang makasama ang kanyang mag-ina. Relief also came to his system because he finally knew at that moment, what he really wanted to do in his life.
To finally realize that he is really not meant to be alone, but to build a family with her.
"Nasaan ang mag-ina ko?"
"Loui is in Canada. Doon na rin niya ipinanganak si Theo."
Iniabot sa kanya ni Russel ang cellphone nito, habang pinapanood ang reaksyon niya. "Those are Theo's pictures, from pregnancy til now. Thought you want to see it."
Nanginginig man ang mga kamay, tinanggap niya mula dito ang cellphone at nakita niya ang isang file folder. Nanlalabo man ang mga mata ay binuksan niya iyon, at bumungad sa kanya ang mga pictures ni Loui. Mula sa pagbubuntis nito, hanggang sa ipanganak nito si Theo, his first few days, his first month, until now.
Naguunahan ang mga luha niya sa sabay sabay na emosyong nadarama niya. His heart hurt upon seeing his baby boy for the first time, he can't describe what he's feeling when he saw a little version of himself. His heart hurt from longing for him and his mother. His heart hurt knowing that this little boy, needs a father. And the mother of his child, needed a husband.
Magmula noon ay ipinangako niya sa sariling magsisikap siya ng mabuti para masundan niya ang kanyang mag-ina sa Canada. Sa tulong na rin ng mag-asawang Russel at Iris ay naasikaso niya ang mga papeles papunta roon, para makita si Loui at si Theo.
Ngunit hindi naging mabait sa kanya ang tadhana nang hindi niya makita roon ang kanyang mag-ina, dahil nakalipat na raw ito ng bahay. Nanlulumo siyang umuwi ng Pilipinas dahil hindi man lamang niya nakita ang dalawang taong kukumpleto ng kanyang buhay.
Kaharap ang tahimik na paligid sa parte ng simbahang iyon, dumagsa ang alaala nila ni Loui sa isip niya. Parang kahapon lamang ay narito siya sa lugar na iyon, kasama ang babaeng tanging nakapagpatibok sa puso niya. Ang babaeng hanggang ngayon, ay laman ng panaginip at pangarap niya.
Napatingala siya sa langit. Lord, may chance pa ba na makita ko ang mag-ina ko? Nangungulila na po ako sa kanila. Gusto ko na po silang makasama. Gustong-gusto ko nang mabuo ang pamilya ko.
Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa para makita si Loui at Theo. Pero ayaw niyang sumuko, at alam niyang darating din ang araw na makikita niya ang mga ito. Handa siyang maghintay, matupad lamang ang pangarap niyang makasama ang kanyang mag-ina.
Napalingon siya sa parke ng simbahan, at tila may sumipa sa kanyang dibdib sa bilis ng tibok ng puso niya. Nakita niya roon ang isang bata na tila nawawala at pawis na pawis na nag-iikot sa lugar na iyon.
Lumapit siya rito, at lalong lumakas ang kabang nararamdaman niya nang mas nakita niya ang hitsura nito. Kamukhang-kamukha niya ang batang nasa harap niya ngayon!
Theo, anak, ikaw na ba iyan? Ikaw na ba ang hinahanap ko?
Umupo siya sa harap nito, at pinagmasdan ng maigi ang hitsura nito. Seeing this little boy that resembled him so much was beyond his belief. His heart ached with happiness that this boy, is his lost son - the one that he longed for the past six years.
"Little boy, why are you alone? Where's your Mama?" Tanong niya rito, kahit hindi na mapigil ang pagkabasag ng kanyang boses at nangingilid na ang kanyang mga luha sa pinipigil na emosyon.
"I'm lost, po..."
Ako rin, anak, nawawala rin ako sa loob ng anim na taong pangungulila sa iyo. Pero ngayon, alam ko na tapos na ang dahilan kung bakit ako nawawala dahil nakita na kita. Because now, I already found my way home - and my home is your Mom and you.
"Don't worry, I will help you."
"But my Mama said not to talk to strangers, po." Anito habang matamang nakatingin sa kanya. "Why are you crying po?"
Lumapat ang mga maliliit nitong kamay sa kanyang pisngi, upang pahirin ang mga luhang pumatak na roon. He held those little hands that was on his face and felt the warmth in them.
"I'm only happy, baby boy," because I've already found you.
"I also saw my Mama cry once, so I wiped my tears and she stopped crying, and I hope you, too."
Tumango siya habang kinakalma ang sarili sa samo't saring emosyong naroon. Tumingin siyang muli rito at nakitang pinagmamasdan siya nito. "We look alike po."
That's because I am your father, Theo. "Yes, we do. What's your name? I'd like to know what your name is."
"Baby!" Ani ng isang dalagita na ngayon ay natatarantang lumapit sa kanila. "Kanina pa kita hinahanap, malalagot ako sa Mommy mo kapag nalaman niyang naiwala kita."
"Nakita ko siya," aniya, kaya naman napatingin sa kanya ang dalagita. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang mga mata nito sa kanilang dalawa ni Theo - at makita ang malaking pagkakahawig ng kanilang mga itsura. Ilan pang sandali bago ito nakabawi at muling nagsalita.
"Kayo po pala ang ang nakakita sa kanya, Sir. Salamat po. Kung hindi ko po siya nakita dito, malalagot po talaga ako kay Ate." Bumaling naman ito sa bata. "Anong sasabihin mo kay Sir, baby?"
"Thank you, po."
"Miss, anong pangalan niya?"
"Theo po, Sir." Hindi maalis ang tingin sa kanya ng dalagita at kapagkuwa'y bumaling itong muli sa bata. "Let's go na, baby. Hinahanap ka na ng Mommy mo."
"Can I hug her, Miss?" Aniya saka umupong muli at niyakap ng buong higpit ang kanyang anak. I promise that this won't be the last time that we'll see each other, anak. Babawiin kita, anak. Babawiin ko pati ang Mama mo.
Matapos niyang bitawan ang kanyang anak at umalis na ito kasama ang Yaya nito. Susundan na sana niya ang dalawa nang nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unregistered number.
+ 63918...
Answer Decline
"Hello?"
["Is this Benjamin Gonzales?"]
Sino naman kaya ito? "Speaking."
["Dr. Jason Sayers, Mr. Gonzales. I believe that we have something in common."]
Bigla ang pag-ahon ng kaba sa kanyang dibdib, pagkarinig sa pangalan ng tumatawag. Wait, isn't that...["I'm Louisse's fiancee. We need to talk about her."]
Sabi ko na nga ba! Kaya pala pamilyar ang pangalan. "When and where?"
Ibinigay nito ang address kung saan sila magkikita para mag-usap. Nakarating naman siya kaagad roon at nakitang naghihintay ang lalaking pakakasalan ni Loui.
Tumayo ito mula sa kinauupuan nang makalapit na siya. Tumingin ito sa kanya na tila nanantiya - ngunit inabot nito ang kamay niya upang makipagkamay. "Benjamin Gonzales."
"Jason Sayers." He said, returning his handshake. "You're Theo's Dad."
"Yes."
"I'm not surprised. The resemblance is uncanny." Itinuro nito ang upuan sa harap. "Please sit down, Mr. Gonzales."
"I think you told me that you want to talk about Loui, Dr. Sayers. I'm telling you that I want to get her and my son back."
"Not so fast, Gonzales. Akala mo ba ganoon kadali iyon? That's six years - six long years na iniwan mo ang mag-ina mo."
"That's the choice we both have to make, Sayers! Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat. Had I known it sooner, iniwan ko lahat iyon para kay Loui at kay Theo. I suffered, too! Anim na taon din akong nag antay at nangulila sa kanila. At gagawin ko ang lahat para lang makuha ko silang dalawa."
"I won't give her up unless she tells me so. I love her so much that I want to spend the rest of my life with her."
"Then I won't stop at nothing till she takes me back again. I'll do whatever it takes - even if I had to beg for my chance, because I love her."
Tumango ito, puno rin ang determinasyon sa mga mata. Ngunit hindi siya magpapatalo. Not when the chance to be with his family again is at stake. Ngayon pa ba siya susuko?
"Fine, then. I just wanted you to know that I won't simply give her up to you without a fight. You must win her back, Gonzales. Win her from me."
Now, he was once again faced with the woman he loved after all these years. Ang babaeng tanging naging laman ng puso niya, at ang ina ng kanyang anak.
"How have you been?"
"As you can see," anito habang nakatingin sa kanya. "I've been well. In fact, I'm getting married. Ikaw?"
Hindi niya mapigilang mag-igting ang kanyang panga nang nakita ang engagement ring sa kamay nito. Tila ba ipinaalala sa kanya na matatali na ito sa iba. Ngunit masakit man sa kanya ay pinigil niya ang nararamdaman at huwag itong ipahalata sa babaeng nasa harap niya.
"I'm good...So, it's true. Congratulations."
"Thanks."
Nanatili siyang tahimik na nagmamasid sa ikinikilos nito. Maging ito man ay walang kibo at tila ba naghihintay lang kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.
"Congratulations!"
Narinig na naman niya ang pagbati na iyon sa kay Loui, dahil ikakakasal na nga ito. Tila ba inaasar pa siya ng pagkakataon na hindi na sila maari pa. Ngunit nakikita niya rin itong napapasulyap sa kanya, kaya nabubuhay rin ang katiting na pag-asang pinanghahawakan niya.
"CR lang ako." Narinig nitong paalam kay Russel, at hindi naalis ang kanyang mga mata rito - hanggang nawala na ito sa kanyang paningin. Ngayon ay bumaling si Russel sa kanya, at ngumiti na tila ba nang aasar.
"Matunaw iyong si Loui sa katitingin mo, Benjie. Hindi mo na maialis ang mga mata mo sa kanya magmula nang dumating tayo rito."
"I want to talk to her." Aniya. "Kung kinakailangan kong lumuhod sa harap niya para lang makuha ko siya uli, gagawin ko. I want her back, Kuya Russel. I want my family back."
"Russel, hon. Hayaan mo na silang dalawa nila Loui." Sabi naman ni Iris at bumaling sa kanya. "See how she steals glances at you, Benjie? Ramdam kong mayroon pa rin siyang pagmamahal sa iyo."
"Let's go, hon, iwan na natin sila rito." Ani Russel sa asawa.
"Huwag na kayong umuwi, doon na kayo sa guest room matulog." Aniya habang inaabot ang baso na nasa gitna ng center table at nilagok ang natitirang laman niyon. Kakailanganin niya iyon para mawala ang kaba na unti-unting kumakain sa kanyang puso.
"We'll go to the guest room, then."
Ilang sandali pa ay nakita na niyang bumalik na si Loui sa sala, at nilibot ang paningin na tila ba hinahanap ang mga taong naroon kanina, nang nakitang siya na lamang ang natitira. Nag angat siya ng paningin, dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Nakita niya roon ang halo-halong lungkot, saya at panghihinayang. At ang pagkuyom ng kamay nito, palatandaan na nagpipigil din ito ng sariling damdamin. Gaya niya.
"I-I...I have to go."
"Huwag ka nang magdrive pauwi. Ihahatid na kita sa inyo. Mabuti't pinapayagan ka ng fiancee mo na umalis ka nang wala siya? Does he have any idea that you might see me here?"
"Why do you care about me and Jason, Benjie? Don't act as if you have the right to question me. I have to go home."
Is this your way of hurting me, Loui? Ito ba ang paraan mo para parusahan mo ako sa mga panahong wala ako sa tabi niyo ng anak ko? Go on, then. Parusahan mo ako sa kasalanan ko sayo.
Hinaklit niya ang kamay nito, at naramdaman niya ang pamilyar na elektrisidad sa simpleng pagdadaiti ng balat nilang dalawa. Kahit pa anim na taon na ang nakakaraan.
"Let me go,"
"No, I want us to talk,"
"Talk? Ano pang kailangan nating pag-usapan, Benjie? No need. Maayos na ang lahat sa buhay ko. Kung ano man ang sa atin noon ay tapos na iyon. That was over, six years ago!"
"Iyon ang akala mo, Loui. Hindi ako papayag. Not until I give our son a complete family he deserves."
"P..paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko?"
"Anak ko rin si Theo, Loui! Bakit mo nilihim sa akin ito?" Hindi na niya mapigilang maghinanakit rito kapag naalala niya ang pagkakawalay niya sa kanyang anak. He badly wanted to make up for the lost years. "My child was deprived of a father. Hindi ko man lang siya naalagaan. Bakit mo ipinagkait sa akin ang maging ama sa anak ko?"
"Dahil alam ko na iba ang pangarap mo! At ayokong pagdating ng panahon ay isumbat mo sa amin ng anak mo kung bakit hindi mo iyon natupad! Mali nga siguro ako, na hinayaan kong lumaki si Theo ng walang nakikilalang ama. Pero maitatama ko na ngayon dahil magkakaroon na siya ng isang normal na pamilya."
Hindi ako papayag! "Nagkakamali ka sa iniisip mong papayag ako na iba ang maging ama ni Theo. Because that won't happen."
"Hindi na kita mahal-"
Ang marinig niya ang mga salitang iyon mula rito ay dahilan para mapugto ang pasensyang pinanghahawakan niya, kaya naman hinalikan niya ito. Na tila ang halik niya ang makakapukaw ng damdamin na alam niyang naroon pa rin sa puso nito.
"Look at me and tell me that you don't love me."
"Hindi...hindi na kita mahal."
No! Please...tell me na mahal mo pa rin ako. Alam ko, mahal mo pa rin ako. I will do everything just for you to tell me that you still love me. Gagawin ko ang lahat para lang makabawi sayo at sa anak natin. Babawiin ko ang ilang taong nawala sa atin. And I'm doing this because I love you so much. I love you so much that this lifetime will be worthless without you and our son. I will be your everything, Loui. I will be your husband. I will be the best father to our son. I will be your home.
"Ngayon mo sabihin sa akin...na hindi mo na ako mahal.."
"Oo...mahal pa rin kita, Benjie. Pero hindi na pwede dahil ikakasal na ako."
Dumampi ang mga kamay niya sa pisngi nito, para pahirin ang takas na luha na dumaloy mula sa mga mata nito. "I hate to see the woman I love crying because it hurts me, too. Mahal na mahal kita, Loui. Hanggang ngayon, ikaw pa rin."
"I missed you, Benjie." Aniya nang pakawalan nito ang mga labi niya.
"I missed you, too." Anito. "If you knew how much I longed for you for the last six years."
When he stared at those eyes, he knew how much he needed her. He needed her so much that this lifetime will be worthless without her and Theo. Gagawin niya ang lahat ng makakaya niya, mabawi niya lamang ang kanyang mag-ina.
Ngunit hindi pala naging sapat ang pag-amin na mahal pa rin nila ang isa't isa para makumbinsi niya ito na bumalik sa kanya. Dahil iniwan pa rin siya nito at pinili na ituloy ang kasal sa fiancee nito.
Humabol siya sa simbahan - at luluhod na sana siya sa harap nito para magmakaawa, nang napagsino ang papalapit sa kanya.
"I've already let her go," ani Jason na nagbabanta nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Na-realize kong hindi talaga siya magiging masaya kapag lalong ipinilit ang sarili ko sa kanya."
Hindi pa rin siya nakakapagsalita nang tinapik siya nito sa balikat. "I didn't do it because I wanted to give way to you, man. I did it because I wanted her to be truly happy. Mahal ka pa rin niya, Gonzales. Mahal ka pa rin ni Loui. Now, don't you make your woman wait any longer. Puntahan mo na siya."
Hindi na siya nakasagot at tinungo na ang babaeng nagaantay na sa kanya sa gitna ng altar. Naroon ito at lalo nang umiyak nang nakita siya.
Now, he can see his future. His life's meaning. His very reason for living. Nang nakita niya ring muli ang anak niya at magkakasama na silang tatlo ay napahinga siya ng maluwag.
Finally, I'm home.
"Benjie," ani ng asawa habang mahigpit nitong hawak ang kamay niya. "Huwag mo akong iiwan."
Nakita niya ang sakit sa mukha nito habang naglalabor ito, ngunit pilit lamang na nagpapatag. Tila ba doble ang nararanasan niyang sakit nang nakita ang hirap sa itsura nito, mailabas lamang ang anak nila. Ginawaran niya ito ng magaang halik sa noo, na tila ang halik na iyon ay mapawi kahit kaunti ang nararamdaman nito.
"I'll be here, Love. I won't leave you." Aniya at bumaling sa Nurse na naroon. "Can I stay here with my wife?"
"Okay lang, Sir." Bumaling naman ito sa Doctor na kararating lang. "Doc, 10cm na po si Mrs. Gonzales, ready na po siya manganak."
"Mrs. Gonzales, your baby is almost out. I need you to push at the count of three, okay?"
"Narinig mo iyon, Loui? Lalabas na raw ang baby natin. You can do it, Love." Bulong niya sa asawa. Tumango ito sa kanya. Halos madurog ang mga kamay niya sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya, ngunit hindi niya ito alintana. Kung maari ngang siya na lamang ang makaramdam ng sakit at hirap sa panganganak ay gagawin niya.
"One, two, three, push!"
He saw that she gave all of her strength for their baby to come out, and moments later, a piercing cry filled the room. Tears filled his eyes when he saw the girl that he know that he will love all his life, just like how he loved her mother. His heart was aching with happiness and love when he held her in his arms for the first time.
Napalingon siya sa babaeng una niyang minahal, na ngayon ay nakangiti sa kanya kahit na pagod pa ito sa pagluwal ng kanilang pangalawang anak.
"Ang ganda-ganda niya." Narinig niyang sabi nito, habang pinagmamasdan ang bagong silang na sanggol na nasa mga braso pa rin niya.
"Oo, kamukhang-kamukha mo siya, Loui." Aniya habang nakatitig sa mga mata nito. "Mahal na mahal kita, Louisse Althea Gonzales. Thank you for bringing our children into this world."
"Mahal din kita, Benjie. Mahal kita nang higit pa sa inaakala mo."
"I promise to stay by your side for the rest of our lives, my wife. Hindi ako magsasawang ipakita at iparamdam sa iyo ang mga salitang binitawan ko sa harap ng altar. I will be your partner in everything, at magiging kasangga mo ako sa lahat ng bagay, Love. I won't ever get tired of doing this for you until the end of my life. You are my one and only, Loui. You are my home."
She came into my life to realize that I was not supposed to be alone all my life, but to spend my days growing old to be with her. Her selfless love has taught me, na ang pagmamahal, laging mapagbigay. Hindi nagdadamot. Laging nagtitiis. Her love has fully taught me how to sacrifice, to wait, to endure. To endure of all of those hardships at malagpasan iyon, habang nananatili ang pagmamahal na para sa kanya.
To love her is to be with her in the simplest of moments, and through the hardest of times.