Chereads / Finding You Again (Working Girls Series Book 1) / Chapter 27 - Chapter Twenty Five

Chapter 27 - Chapter Twenty Five

Back Home

Ninoy Aquino International Airport, 8:15 pm

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 8:15 pm Philippine Standard Time and the temperature is 28 degrees Celsius.

For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. At this time, you may use your cellular phones if you wish.

Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.

If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.

On behalf of American Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening!

I'm really back, ani niya sa sarili, at naramdaman niya uli ang pamilyar na init ng Manila. Ang tagal kong hindi nakabalik dito. It has been six years since I last set foot here. Masaya siya na makikita niya ang kanyang buong pamilya at excited din siya na makita ng mga magulang at kapatid ang anak niya. Ngunit, hindi niya maiiwasan na kabahan - lalo na sa isiping maari niyang makita ang ama ng anak niya. And she knew that she wasn't ready yet, much more so to tell Benjie about Theo. And not when her fiance Jason that is now with her.

Thoughts about the possibility of seeing Benjie now she's back in the Philippines made her a little nervous. As if reading her thoughts and felt her uneasiness, he held her hand and intertwined his fingers with her. The warmth of his hands melted the chill that had started to seep within herself.

"You okay, honey?" he said when he looked at her.

"Yeah. Just a little tense, maybe."

"Why? You know, I should be the one that's nervous, not you."

"Well, I guess because it's been six years. But no need to. They're nice - they're not going to eat you."

"They are your parents. Not mine. And it's the first time I'm meeting them."

"Don't worry. You're going to do just fine, and I'm sure they love you - because you love me."

"Phew! That eased the load off my chest. But I love you, too."

She smiled and forgot about what she had been feeling a few minutes earlier and was replaced by excitement to see her family. When it was time to get off the plane, she rose up from her seat. Theo woke up, too.

"Mama..."

"Hi sweetie, we're here. We'll get to meet your Lola and Lolo."

"Lola and Lolo?"

"Yes, sweetie. They are so excited to see you."

Pagdating nila sa Arrival Area ay hinanap niya kaagad ang pamilyar na mukha ng kanyang pamilya. Nakita sila agad ng mga ito at lumapit na kaagad silang tatlo sa mga magulang at kapatid na naghihintay sa kanila. Agad din silang sinalubong ng yakap ng mga ito. This is what it feels like. I'm so glad to be back home.

"Na miss ko kayo, Ma, Pa," anya, pagkatapos yakapin ang mga magulang. Lumapit naman ang kapatid at ang hipag niya, na bitbit din ang halos isang taon niyang pamangkin sa mag asawa. "Jay! Jelaine! Kamusta? Ito na 'yong pamangkin ko?"

"Oo, ate."

"Ito na ba ang apo ko?" ani ng kanyang ina nang makita ang anak niya na hawak sa kamay. Lumebel siya sa paningin ng anak, saka iniharap ito sa mga magulang at kapatid. "Sweetie, this is your Lolo, Lola, your Tito Jay and your Tita Jelaine. Say hi to them,"

"Hi, Lolo, Lola, Tito and Tita," ani Theo at nag-mano ito. Bakas naman ang tuwa sa mukha ng pamilya nang ginawa ito ng anak.

"Ang gwapo naman ng apo ko!" ani Mama niya at niyakap ang apo. "I'm your Lola."

Saka naman niya ipinakilala si Jason sa mga magulang niya at kapatid, at malugod namang tinanggap ng mga ito ang lalaking pakakasalan niya. Nagkaroon ng mini reunion sa airport at natuwa siya na pagkatapos ng ilang taon ay nakasama na rin niya ang pamilya.

Nakalimutan na rin niya ang kaba na nararamdaman sa posibilidad na magkita sila ni Benjie, dahil natuon na ang kanyang pansin sa pamilyang nanabik sa pagbabalik niya sa Pilipinas.

"Let's go, I have something to show you," ani Jason sa kanya isang hapon habang inaayos nila ang kanilang mga papeles para sa kanilang kasal.

"Where are we going?" tanong niya rito, ngunit hindi siya sinagot ng nobyo at ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya.

"You'll find out later," anito. "Come on, you'll be spoiling the surprise if I tell you right now,"

Nagpatianod na lamang siya sa nobyo, at maya maya ay nakarating sila sa simbahan. Laking gulat niya kung saan siya dinala nito, at kumabog ang puso niya sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Bakit dito pa? Hindi niya alam kung talagang nananadya ang tadhana sa nangyayari - na ipaalala sa kanya ang nakaraan nila ni Benjie habang kasama niya si Jason. Ngunit nagkakagulo man ang kanyang puso ay pinilit niyang kumalma para lang hindi ito makita ng nobyo.

"Are you okay, honey?" tanong ni Jason sa kanya nang napansin nito ang hindi niya pagkibo. She smiled at him, and she felt his hands intertwined with hers. She held his hands tight, hoping to ease the coldness that had begun to seep within herself.

"Y-yeah..I'm fine, honey."

"Are you sure?" nananantiyang tanong nito. Nagtama ang mga paningin nila, na tila ba binabasa ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Huwag sana niyang makita ang talagang nararamdaman ko tungkol sa pagpunta namin sa lugar na ito, piping dalangin niya.

"I'm sure."

"Let's go inside, then."

Pumasok na sila sa loob ng simbahan, at dumagsa ang mga alaala nila sa lugar na iyon kasama si Benjie. Tila ba kahapon lang nangyari ang lahat, dahil malinaw na malinaw pa ito sa kanyang isipan, at hindi rin mapigilan ang pag-usbong ng kirot sa kanyang puso sa mga alaala kung paano niya minahal ang lalaking minsan ay pinangarap niyang makasama.

Parang kailan lang, hiniling kong ikasal sa simbahang ito. Ngayong halos magiging totoo ang hiling ko ay iba naman ang tutupad nito.

Tigilan mo na ang pagiisip kay Benjie, Loui! Ikakasal ka na sa iba! Kung ano man ang meron sa inyo dati ni Benjie ay tapos na iyon, anim na taon na ang nakakaraan.

Nagtatalo ang isip at puso niya. Nagagalit siya sa sarili, dahil ayaw niyang naiisip niya ang ganitong bagay, lalo pa at kasama niya ang lalaking pakakasalan niya. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Jason! Paulit ulit niyang pinapaalala sa sarili na mali ang nararamdaman niya.

"Are you sure you're fine? You don't seem to be, though."

Umiling siya para ipakitang ayos lang siya kahit pa nagkakagulo pa ang sistema niya. Tila maging ang sarili niya ay gusto niyang kumbinsihin na hindi na niya mahal si Benjie - ngunit bakit kay hirap para sa puso niya ang tanggapin iyon?

"Mama..." narinig niyang tawag sa kanya ni Theo para mawala panandali sa kanyang mga iniisip tungkol kay Benjie. Nakita niya ang anak na papalapit sa kanya.

"Baby.." aniya nang nakalapit na sa kanya ito at napansing pawis na pawis kaya naman bumaling ito sa Yaya na kasama. "Saan kayo galing at bakit pawis si Theo, Yolly?"

"Naglaro po yan sa park kanina, Ate,"

"Ah, ganoon ba?" Yumukod siya at lumebel kay Theo. "Did you have fun?"

"Yes, Mama."

Pinunasan niya ang likod nito at napansin ang isang panyo sa likod ni Theo, na wala naman kanina. Napansin niya ang mga letra na nakaburda sa dulo nito.

B.G.

Umahon na naman ang kaba sa dibdib niya nang makita ang mga initial na iyon.

Wala akong ibang kilala na may initials na ganito, kundi si Benjie lang! "Yolly, kilala mo ba kung sino ang naglagay sa likod ni Theo nitong panyo?"

"Iyong lalaki po, Ate. Alam nyo po ba? Kamukhang-kamukha ni baby yung lalaki kanina. Para po silang pinagbiyak na bunga. Akala ko nga po, iyon po ang Daddy ni baby e."

Tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig mula sa narinig niyang sinabi na kasama ng anak niya kanina. Kasabay noon ay ang pag-ahon ng matinding kaba sa kanyang dibdib sa posibilidad na may idea na si Benjie na may anak sila.

Ngayon, gusto niyang malaman at kumpirmahin ang mga tanong na bumabagabag sa isip niya, kaya naman dinial niya ang cellphone ni Iris dahil alam niyang kahit paano ay may maisasagot ito sa kanya.

"Hello,"

["Uy, Kumare! Napatawag ka? Kamusta?"]

"Okay naman ako. How's the kids at si Kuya Russell?"

["They're fine. Oy, yung inaanak ko, hindi ko pa nakikita magmula nang umuwi kayo dito sa Pilipinas. Kailan ba kayo dumating dito?"]

"Mga 2 months ago? Hey, may tanong pala ako sa'yo..."

["Sure, ano iyon? Fire away."]

"Did...Did Benjie got out of the seminary, Iris?''

Saglit na natahimik ang kabilang linya bago niya na narinig muli ang boses ng kaibigan. ["Yes, Loui. He went out of the seminary three years ago."]

Para siyang binagsakan ng bomba sa pagkumpirma nito sa iniisip niya. Sana nga lang talaga ay ibang tao iyong kanina at hindi pa nagkita ang mag-ama!

["Loui, nandyan ka pa ba?"] narinig niyang tanong ni Iris na nagpabalik sa kanyang diwa, at kasabay noon ay ang pag-ahon muli ng kaba sa dibdib niya.

"Sorry.. But I have another question. Have you...have you already told him about Theo?"

["No. Wala pa kaming sinasabi kay Benjie tungkol sa anak niyo, Loui. We thought that it isn't our story to tell. At nangako ako sa iyo, di ba?'']

Ngayon ay napahinga na siya ng maluwag. "Salamat, girl."

["Wait...what's with the questions? May nangyari ba kanina, Loui?"]

Umiling siya, kahit pa hindi nakikita ito ng kausap. "W-wala..Everything's okay, no need to worry."

["Are you sure?"]

"Yes..''

["Naghanda pala kami ng party for you..Don't worry... Benjie's not there."]

"How so?"

["I just didn't tell him na nakauwi na kami. I told Russel to do the same kapag nagtanong si Benjie sa kanya."]

But she knew for a fact that she would have to tell him about Theo. She wouldn't able to hide him forever, and the truth that Benjie is Theo's father. Eventually, but not now. Not now when everything is falling into place.

["Nandyan ka pa ba?"]

"Oh, sorry. Nandito pa ako. Thanks for the bridal shower, by the way. What time and where?"

["Mga 8 siguro? Sa condo na lang namin dito sa Makati. I'll text you the address."]

Nagusap pa sila ng ilan pang minuto bago nito ibinaba ang linya. Maya maya ay nagtext ito sa kanya, para sa address ng condo kung saan gaganapin ang party nila.

Iris :

Unit 1002, 10th flr, Eton Parkview Greenbelt. 8pm, ha. Aantayin ka namin ng buong barkada.

She typed in her reply.

Me :

Yes, I'll be there. See you tomorrow.

Wala pang alas otso ay dumating na siya sa address ng condo. Pinindot niya ang buzzer sa numero ng unit ng mag asawa, pero kasabay noon ay ang pagbalik ng kabang nararamdaman niya mula pa kahapon.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa party na to, pero baka magtampo na naman sila kung hindi ako pupunta. This is my party, anyway.

Pinindot niyang muli ang doorbell sa unit ni Iris ngunit walang nagbubukas ng pinto. Naisip niya tuloy na kung mali siya ng unit number na napuntahan kaya tiningnan niya uli ang text message na galing sa kaibigan.

Unit 1002, 10th Flr Eton Parkplace Greenbelt. Tama naman ang number ng unit kung nasaan ako ngayon pero bakit walang nagbubukas ng pinto?

Kinuha niya ang cellphone sa bag at idinial ang numero ni Iris nang biglang nagbukas ang pinto sa harap niya. Iris greeted her with a warm smile and enveloped her in a hug.

"Congratulations, girl. We're happy for you."

She hugged her friend back, finally forgotten what happened way back months ago. "Thanks, girl. Hindi ko rin mapaniwalaan ito. I never thought I'll get married."

"Let's get inside. They're waiting for you."

Pumasok na sila sa loob ng unit, kasunod ni Iris. Pinagmasdan niya ang loob ng unit at sa unang tingin ay hindi niya naisip na isang pamilya ang nakatira dito. The interiors are decorated minimally, and between the shades of white, gray and brown. It more looked like a bachelor's pad than a family home, but then maybe Russel and Iris wanted their home to be decorated simply.

"Nice place."

Nakangiting bumaling ito sa kanya. "Thanks. Well, alam mo naman ang taste ni Russel. He wanted it simple. I wanted it, too."

Nakita naman niya ang mga kaibigan na nagkumpol sa mesa sa terrace ng bahay. Lumapit siya roon.

"Hi, Loui! Congratulations!" ani ng mga kaibigan at sumilay uli ang ngiti sa mga labi niya. Seeing them again after a few years made her forget the nervousness she felt a few minutes ago.

"Welcome back!"

Isa-isang tumayo ang mga ito at lumapit sa kanya, at niyakap siya. She hugged all of them back and undoubtedly missed them so much. After six years, nothing much has changed. She sat down and started to catch up with them.

"Nga pala, asan si Russel at ang mga bata, Kumare? Di ko nakita."

"Ah. Nasa Laguna ang mga bata, na kina Nanay at Tatay, dahil may party tayo ngayon. Si Russel na ang naghatid sa kanila, pero pabalik na 'yon. Kanina pa sila umalis, e."

"Kaya pala wala dito."

"Grabe, Loui. Lalo kang gumanda sa Canada," ani Alain. "Hiyang ka roon?"

"Hindi naman," she smiled. "Nothing's changed much, ganoon pa rin ako."

"Ay, pahumble pa ang lola mo. Saka level up ka na, foreigner ang fiancé mo. Nasaan nga pala? Bakit hindi mo isinama?"

Umiling siya. "Filipino din si Jason, Jayce. At hindi na rin siya sumama because he said that this is my reunion with my friends and he wanted me to go alone."

"Naks, supportive."

"I'm lucky to have him."

The doorbell rang, and Iris stood up from her seat. She headed towards the front door. "Wait, that must be Russel. You guys continue to catch up."

A few moments later, Iris appeared with Russel in tow. She heard footsteps approaching and turned towards the sound. She then smiled when she saw Russel and she stood to greet her old friend, but her smile faded when she saw the person that wasn't supposed to be here.

Ang taong minahal niya anim na taon na ang nakakaraan, at ang ama ng kanyang anak.