Chereads / Finding You Again (Working Girls Series Book 1) / Chapter 25 - Chapter Twenty Three

Chapter 25 - Chapter Twenty Three

Carrying his child

Vancouver, Canada

March 2013

Tunog ng alarm ang nagpagising sa kanya. Eyes half open, she sleepily reached her phone on her side table and looked at the time.

6:30am.

Just in time. Tamad na bumangon siya at bigat na bigat siya sa katawan sa nakalipas na mga araw. Iniisip niyang dahil lamang sa pagod ito at puyat kaya siya nagkakaganito, nang biglang umalon ang kanyang sikmura. Patakbo niyang tinungo ang banyo para magsuka, at gusto niyang ilabas ang lahat ng laman ng sikmura niya.

Nanghihina siyang napaupo sa sahig matapos niyang sumuka. Napaharap muli siya sa toilet bowl nang maramdaman niya na nasusuka na naman siya. Nang matapos ay hinang hina siya ngunit pinilit niyang tumayo, at pinagmasdan ang kanyang repleksyon sa salamin.

Ano bang nangyayari sa akin?

Namumutla siya, at kitang kita ang eyebags sa ilalim ng kanyang mga mata. Madalas din siyang mapagod, at kaunting lakad lang ay sumusuko ang katawan niya. Bagay na hindi naman nangyayari sa kanya noon.

Iniisip pa rin niya ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon ay bigla namang umikot ang kanyang paningin. Madalas din siyang mahilo nitong nakaraang araw – kaya naman kinuha niya kaagad ang isang menthol balm sa cabinet na nasa harap niya. Ilang amoy sa balm na hawak niya ay napawi na ang hilo niya. Ibinalik na niya ang balm sa cabinet nang nahagip ng paningin niya ang napkin na naroon. She then remembered that she had already missed her monthly period, kaya naman umahon ang kaba sa dibdib niya.

Hindi kaya?

She pressed her hand on her still flat belly, now wondering if she now has a growing life inside her. A baby. Our child.

"Loui?" narinig niyang tawag sa kanya, at kasabay noon ay ang mahinang katok sa kanyang pinto. Dahilan para maputol ang kanyang pagmumuni-muni.

"Tita?"

"Sasabay ka ba sa amin ng Tito Greg mo papunta sa trabaho?"

Tumango siya. "Sige po. Gagayak lang po ako, Tita."

"Alright, we'll be waiting for you downstairs."

"Yes po."

Umalis na ito sa harap niya at isinara naman niya ang pinto. Mabilis siyang gumayak at nalimutan na niya ang kanyang iniisip. Pauwi na siya galling trabaho nang sumumpong na naman ang kanyang hilo. Umiikot na ang kanyang paningin – kaya naman dumaan na siya sa pharmacy para bumili ng gamot, para maibsan ang nararamdaman niya. Habang nakapila siya ay lalong lumalala ang nararamdaman. Tila ba siya ay idinuduyan at anumang oras ay bubuwal siya. Hinilot niya ang kanyang sentido, ngunit hindi ito maibsan at tila lalo pang lumala. Napapikit siya.

"Miss, are you okay?" isang boses ang narinig niya sa kanyang likuran. Napalingon siya.

"I-I'm okay..." aniya saka tumango sa lalaking kausap.

"I think you're not..You're pale – Miss!" anito. Iyon na lang ang kanyang narinig, bago tuluyan siyang kinain ng dilim.

Nagising siya at inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Tumambad sa kanya ang puting mga dingding, at nanuot sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Saka nya lamang napagtantong nasa ospital siya.

Oh, right. I fainted that's why I'm here.

Patayo na sana siya para sabihing ayos na ang kanyang pakiramdam nang bumukas ang kurtina sa kanyang tabi. Bumungad sa kanya ang isang lalaki – at naalala niyang ito ang kausap niya bago siya nawalan ng malay-tao kanina. Malaya niyang napagmasdan ang mukha nito – magmula sa maarko ngunit makapal nitong kilay, matangos na ilong, at kulay tsokolateng mga mata. Gwapo ito at mukhang mahal ang ngiti – ngunit nawala rin naman ang impresyong iyon nang isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa kanya. Napansin niya ring may suot itong coat, at ang stethoscope ay nakasabit na sa leeg nito. May hawak rin itong clipboard.

"I see that you're awake. How are you feeling now?"

"I feel better. Thanks for saving me back there." Sagot niya rito. "I don't know what could've happened to me if you weren't there."

"Helping people is part of my profession," anito na nakangiti pa rin. "Dr. Jason Sayers, at your service. And you're Louisse Arevalo, right?"

Nangunot naman ang noo niya dahil nalaman nito ang pangalan niya kahit hindi pa niya sinasabi rito. Ngunit tila nabasa naman kaagad nito ang nasa isip niya. "I saw your ID's when I brought you here."

"I see." Inilahad niya ang kamay. "Thank you, Dr. Sayers."

Iniabot naman din nito ang kamay. "Well then, Ms. Arevalo, you better take care of yourself from now on since it isn't just you alone."

Napatda siya at tila nabingi mula sa narinig niya sa Doctor. "What...what did you say, Doc?"

"I take it that you're not aware yet," pagpapatuloy nito at may inabot sa kanyang piraso ng papel. Wala sa loob niyang inabot iyon, ngunit kasabay noon ay ang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Hindi pa niya ito nababasa nang muli itong nagsalita. "Congratulations, you are 8 weeks pregnant."

Para siyang binagsakan ng bomba sa sinabi nito. Buntis siya!

Hindi siya makapaniwala.

"You must be feeling shocked and surprised. Your blood test results confirmed that you're 8 weeks along. I'll be also referring you to a Ob-gynecologist so your condition will be monitored and you'll be given the right vitamins."

Tila hangin na lang ang mga sinasabi nito at wala na rin siyang maintindihan. Tango na lamang ang nagagawa niya at ang tanging naiisip na lamang niya ngayon ay may buhay na sa loob ng sinapupunan niya - at iyon ang anak nila ni Benjie.

Wala siya sa sariling naglakad palabas ng lugar na iyon at nanghihinang napaupo siya sa bangkong nakita niya. You are 8 weeks pregnant. Ilang beses na umulit sa utak niya ang mga katagang iyon - at naging gatilyo para pumatak ang luha niya. Hindi pa talagang pumapasok sa isip niya na magkakaanak na siya - at iyon ang bunga ang minsang nangyari sa kanila ni Benjie ng reunion nila.

Iyong gabing iyon...Iyong gabing ibinigay ko sa kanya ang sarili ko para magpaalam ng tuluyan ay nabuo naman ang anak naming tanging magiging alaala ko sa kanya.

Napahaplos siyang muli sa tiyan niya, pinipilit na damhin ang buhay na nasa loob niyon. Paano kaya kung nangyari ito at kasama ko siya? Magiging masaya kaya siya na magiging tatay na siya? Pero alam kong hindi na mangyayari iyon dahil hindi naman niya alam na ganito ang mangyayari.

Halo-halo na ang nararamdaman niya. Masaya siya, ngunit sa kabila rin noon ay ang lungkot at panghihinayang. Lungkot - dahil alam niya na hindi niya maibibigay sa anak niya ang isang kumpletong pamilya - at panghihinayang, dahil hindi makikilala ng anak niya ang kanyang ama. Dahilan para ang mga patak ng luhang iyon ay maging hagulgol - at wala na rin siyang pakialam kung sino man ang makakita sa kanya.

Anak, pasensya ka na kay Mama, ha? Ngayon pa lang, gusto ko nang sabihin sa iyo na hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya. Hindi natin pwedeng makasama ang Papa mo dahil iba ang pangarap niya. Pero huwag kang mag-alala. Hinding-hindi ko ipaparanas sa iyo na may kulang sa pagkatao mo. Gagawin kong maging ina at ama para sa iyo. Ikaw ang magiging mundo ko, anak. Ngayon pa lang ay mahal na mahal na kita.

"Crying won't solve your problem,"  ani ng isang boses sa tabi niya. Hilam man ang kanyang mga mata sa luha ay nilingon niya kung sino ang nagsalita. Nakilala niyang ito ang doctor kanina sa ospital!

Nagmamadaling pinunasan niya ang kanyang mga luha nang iniabot sa kanya nito ang isang panyo. Nanatiling nakatitig siya sa nakalahad na kamay nito - at nang hindi pa rin niya ito kinukuha ay ito na mismo ang naglagay ng panyo roon.

"Wipe your tears, I've had seen enough people cry for today," anito, habang nakatingin pa rin sa kanya. Walang kibong tinanggap niya at ipinunas sa luha niya ang ibinigay nito. Nang tuyo na ang luha niya ay saka lamang nito ibinaling ang tingin sa paligid. "It seemed like you weren't happy when you found out that you're pregnant."

Napatingin na naman siya rito. Para sa isang lalaki, may pagka-usisero siya. Ngayon ay nakatingin din ito sa kanya at waring nag aantay ng susunod niyang sasabihin. Ngunit nanatili siyang walang kibo kaya nagsalita na naman ito. "Are you a Filipino? You look like one."

Tumango siya. "Yeah..."

"I see. Filipino din ako. Half nga lang." pagpapatuloy pa nito. "Mukhang ang laki ng problema mo."  Hindi nito inalis ang mga mata nito sa kanya, determinadong malaman kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak. His hazel brown eyes is like convincing her to tell him her story, and he looked like he's ready for what she's about to say.

Bumuntong hininga siya, para magkuwento at dahil mukhang wala namang balak umalis ang lalaki sa tabi niya. She broke their eye contact, and looked away.

"Sabi nila, mas mabuting magkwento ka sa hindi mo kilala dahil hindi ka nila huhusgahan." Hinintay niya ang ilang segundo para marinig ang sasabihin nito, ngunit nanatili itong walang kibo. "Nalulungkot ako dahil hindi ko mabibigyan ang anak ko ng isang kumpletong pamilya. Hindi ko masabi sa magiging tatay ng baby ko, na magkakaanak na kami, dahil ayokong hadlangan siya sa pangarap niya."

"Karapatan niyang malaman dahil siya ang ama ng batang iyan. Hindi sa nakikialam ako, pero bakit ayaw mong sabihin sa kanya na buntis ka?"

"May pangarap siyang magpari. Nasa seminaryo na siya ngayon. At ang nangyari sa amin, sa akin, ang tungkol sa anak namin...hindi na niya kailangan pang malaman."

Lumingon siya rito at nakita muli itong nag-aantay ng sunod niyang sasabihin. Nang napansin nito na wala na siyang balak na dugtungan ang kwento niya ay saka lang ito muling nagsalita.

"What if your child will ask you about his father? What would you tell him? Kung hanapin niya kung sino at nasaan iyon at kung bakit hindi ninyo kasama? Hindi ba parang ang unfair para sa anak mo?"

Umiling siya. "I...I don't know. All I know is I will give all of me to this baby. Lahat ng pagmamahal ko. Iyong pagmamahal na hindi niya hahanapin ang isang ama."

Lumipas ang mga araw at ipinaalam na rin niya sa mga magulang ang kalagayan niya. Nagtampo man ang mga ito sa umpisa, di nagtagal ay natanggap din nila ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ang mga kaibigan niya ring si Iris at Carlene lamang din ang pinagsabihan niya tungkol dito - at nirerespeto rin ng mga ito ang desisyon na wala nang iba pang makakaalam na dinadala niya ang anak ni Benjie.

Para sa kanya ay tuloy lang ang buhay - ang pagkakaiba lamang ay may magiging kasama na siya kapag lumabas na ang kanyang baby. She smiled at the fact that there's a growing baby inside her. Hers and Benjie's child. Hawak pa rin niya ang tiyan nang biglang may sumipa sa loob nito. Nagulat siya at pinakinggan niya ng maigi, at gumalaw muli ito. Tears of happiness rolled from her eyes.

You made me so happy, my baby boy. Palaki ka lang diyan, ha? Excited na si Mama na makita ka. Mama loves you so much, baby boy.

Three months later...

Kauuwi niya lang galing trabaho nang naramdaman niya ang paghilab ng kanyang tiyan, ngunit hindi naman tumagal iyon. Nawala rin naman ito pagkatapos ng ilang minuto kaya alam niyang false labor lang iyon.

Baby boy, wag mo pahirapan si Mama, ha?

Ngayon ay humilab muli ang tiyan niya, ngunit kumpara kanina ay mas malakas na iyon. Pinilit niya pang indahin ang sakit, pero mas lalo lamang itong lumala. Pakiramdam niya ay para na siyang naiihi na hindi maintindihan - at naramdaman niyang may basa na sa pagitan ng mga hita niya.

My water just broke! Manganganak na ako!

"Loui-"

Narinig niya ang boses ni Jason at dinaluhan siya. "You're giving birth! Let's get you to the hospital!"

Nakarating kaagad sila sa hospital  at sinalubong na rin siya ng kanyang OB roon. She was wheeled into the delivery room, and the next thing she knew was she was pushing with all her might to deliver her child.

"Congratulations, Louise. It's a baby boy!"

She heard a piercing cry break through inside the room and she knew that it was her son's. Tears filled her eyes when she saw and held the little boy that she will definitely love with all her life.

My son.

My world.

My happiness.

"Mama loves you, Theodore Bennett."