Bye, Manila
Nagising siya ng umagang iyon sa sakit ng ulo. Ilang beses niyang ipinikit at idinilat ang ang mga mata para mag adjust sa liwanag. Pesteng hangover.
Anong nangyari kagabi? Hindi ba nananaginip lang ako? Napatingin siya sa kanyang sarili at napagtantong kumot lang ang nakabalot sa kanyang katawan!
Ibinigay ko ang lahat-lahat ko sa kanya kagabi!
Imposible!
Pinipilit pa rin niyang itanggi sa sarili na panaginip lang lahat ng iyon ay hindi niya magawa, dahil ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. She's still sore down there. She can also still feel his hot breath on her skin, his touch, his lips...making the hair on her nape tingle. Heat started to rise when she realized what they've done last night - ngunit naputol ang pag iisip niya nang naramdaman ang brasong nakayakap sa katawan niya.
Tila ayaw siya nitong pakawalan habang himbing na himbing ang tulog nito. Humarap siya rito, kaya sinamantala na naman niya ang pagkakataong pagmasdan ang mukha ng binata.
Sana, ganito na lang tayo. Napailing siya habang nararamdaman na naman niya ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Pero napakaimposibleng magkatotoo.
Ang realisasyong kailangan nilang magpaalam kahit pa inamin na nilang mahal nila ang isa't isa ay naging mitsa para bumigat na naman ang dibdib niya. It's ironic when you'd need to let go when you clearly love each other. But I need to do this - to set him free even if I love him so much. I can't keep him to myself while I know he has dreams - and clearly in any way I'm not involved in it.
Napabuntong hininga siya - upang pigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pa nagbabanta. Ngunit hindi niya rin nagawang pigilan iyon dahil naramdaman niya ang daliring naglandas sa mukha niya para pahirin ito. Inangat niya ang mga mata at nakita niya itong nakatingin sa kanya.
He looked at her like he wanted to ease her pain and be with her - but something is stopping him from doing so. She knew what exactly it is, and would not in any way stop him - because she knew that this is the right thing to do. Ang hayaan sa pangarap niya ang binata - kahit pa masaktan siya. Kaya ngayon ay tinatagan niya ang sarili para pakawalan ito.
"Kalimutan natin ang nangyari kagabi."
Halatang nagulat ito sa sinabi niya at saglit na pagdaan ng galit sa mga mata nito. "Anong sinabi mo?"
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, kalimutan natin ang nangyari kagabi."
"Narinig mo ba ang sarili mo, Loui? Kalimutan ang nangyari? Ibinigay mo ang sarili mo sa akin at bakit parang wala lang 'yon sa iyo?"
"Oo! What happened between us last night is nothing but pure lust! Alcohol! Pareho tayong naging mahina...Nagpadala sa mga katawan natin. Kaya isang malaki itong pagkakamali."
"Paano mo nagagawang sabihin iyan?" Ngayon ay umiling ito na tila hindi alam kung anong sasabihin. "Mahal kita at-"
"Mahal mo ako? Kung sabihin ko sa 'yo na bitawan mo ang pangarap mo para sa akin, magagawa mo ba?"
Hindi ito nakasagot, at nanahimik ito ng tuluyan. Nanatili itong nakatingin sa kanya.
"See? Hindi ka makasagot. Walang patutunguhan ito. Itigil na natin 'to, Benjie." Please, wag mo akong pahirapan na pakawalan ka. "As what I said last night, let me go."
Ngayon ay lalo nang humigpit ang yakap nito sa kanya, at inabot ang kanyang mga labi. He kissed her like it was his lifeline - like his life depended on it. She answered with the same intensity, until those fiery kisses became feathery. He leaned his forehead on hers, held her head with their eyes both closed when their lips parted. They know that this is their way of saying their goodbyes. For good.
Nanatili sila sa ganoong posisyon at hindi nila alintana kung gaano katagal. Hanggang sa kumalas siya mula sa pagkakayakap nito. Tangan ang kumot na tanging bumabalot sa kanyang katawan, isa-isa niyang dinampot ang mga damit niyang nakakalat sa sahig. Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa habang siya ay nagbibihis - at nang matapos siya ay nilingon niya ito. Tumikhim siya. Hindi niya alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob niya para sabihin iyon sa binata - ngunit nagawa niya pa rin.
"Kalimutan mo na ako. Kalimutan mo na ang lahat. Ganoon din ang gagawin ko."
Iyon lang at lumabas na siya ng kuwarto. Bumaba na rin siya at nagpaalam sa mga kaibigan na uuwi na siya.
"Aalis na ako,"
Nagtatakang lumingon sa kanya si Iris at Russel. "Uuwi ka na? Hindi ka ba sasabay sa amin mamaya?"
"May pasok pa ako mamaya," Aniya. "Baka hinahanap na rin ako sa bahay."
Nakatingin pa rin sa kanya si Iris at tila may gustong itanong ngunit hindi na nito itinuloy. Ayaw niyang salubungin ang tingin nito, dahil ayaw niyang malaman ng mga kaibigan kung ano ang nararamdaman niya. Natatakot rin siya, na kapag nakita ng mga ito kung gaano siya nasasaktan sa nangyayari ay hindi na rin niya mapanindigan ang desisyon niyang palayain si Benjie.
At iyon ang ayaw niyang mangyari.
"Ingat ka," ani Iris.
Tumango na lamang siya at dinampot ang bag niyang nakalapag sa tabi. Tuloy tuloy siyang lumabas ng pinto, at naglakad palayo sa lugar na iyon.
Tita Annie
1 Missed call
Missed call iyon mula sa kanyang Tita sa Canada. at pakiramdam niya ay para iyon sa napipintong pag alis niya. Bubuksan pa lang sana niya ang messenger para sabihing doon na lang tumawag ito sa kanya nang biglang nag ring ang phone niya. Ngayon ay tumatawag na ito sa kanya.
"Hello, Tita. Kamusta po?" bungad niya sa Tiyahin.
["Thank goodness I was able to reach you, Louisse. Where were you? Bakit hindi mo nasagot ang tawag ko sa iyo kanina?"]
"I was at work po kasi. Sorry po."
["I see. Well then, mabuti at nakausap kita. Approved na ang migration visa mo, you might want to check your email."]
Thank you Lord for another blessing! Alam niyo talaga kung anong kailangan ko. "Wow! Salamat po! Thank you Tita!"
["You're welcome, my dear. Your Tito Greg will book your ticket going her and I'll be sending your flight details in a couple of days, so you better fix things back there in the Philippines so you can get ready."]
"Yes po, Tita. Aayusin ko na po lahat dito sa Pilipinas."
["Good to hear that, then. Nasabi ko na rin kay Lea ang tungkol dito dahil tumawag ako sa kanya kanina.'']
"Sige po, salamat uli, Tita!"
["Welcome, dear. Anyway, ibababa ko na ito. Bye, hija. I'll see you soon.'']
Iyon lang at ibinaba na ng tiyahin niya ang linya. Parang gusto niyang tumalon sa kasiyahan ng binuksan niya ang kanyang email para kumpirmahin ang sinabi ng tiyahin. Kaagad na bumungad sa kanya ang email na galing sa Embassy - na kumukumpirmang approved na ang Migration visa niya.
Lord, salamat. Sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa nakalipas na isang buwan, ito pala ang magiging kapalit. Ito pala yung ibibigay mo sa akin.
Tinawagan niya kaagad si Iris at sinabi niya kaagad dito ang balita. Masaya rin ito para sa kanya, at napagusapan nila na magkita kita bago man lang siya umalis.
Isang linggo na lang at paalis na siya papuntang Canada, at naayos na rin ang mga kailangan niyang gawin. Nagresign na rin siya sa trabaho, kaya ngayon ay nagbibilang na lang talaga siya ng mga araw. Dahil nagpapalipas siya ng oras ay binuksan niya ang kanyang laptop, at naglog-in sa kanyang Facebook account.
She retrieved all of her pictures from her account, and saved it on her Google Drive. She decided to deactivate her Facebook account. But just as she was to click the "Deactivate" button, she typed Benjie's name into the search bar, and his profile quickly came into view. She saw his most recent post - thanking everyone who had supported him on his dream, and at the same time announcing that he was to enter the seminary by the end of the month.
Her eyes went blurry, and tears immediately fell from her eyes. Ang sakit pala talaga na makita na aalis ka na. Pero wala akong magawa at kailangan kong maging masaya para sayo. Ang hirap mong itulak palayo pero alam kong ito ang kailangan nating gawin.
Hinayaan niya ang sarili niyang umiyak, dahil ipinangako niya sa sarili niyang huli na iyon. Hindi niya alam kung kailan siya huminto, at nang kumalma siya ay pinahiran niya ang basang pisngi. Ngayon ay binalikan niya ang kanyang profile, at pinindot ang "Deactivate" button. Dinampot niya ang cellphone at nagtipa ng text message para kay Iris.
Me :
Dineactivate ko na yung fb account ko. May skype ka di ba? I'll add you.
Ilang segundo pa ay nakatanggap na siya ng sagot mula sa kaibigan.
Iris :
bkit?
Me :
Para wala na akong contact sa lahat. I'll be using skype from now on. Iilan lang naman ang makakaalam ng account na yon.
Iris :
Ok, naiintindihan kita.
Iris Lozada - Valdemor
Me :
Naks. Valdemor na sa Skype.
Iris :
Syempre.
Me :
I'm happy for you, girl. At long last, nakita mo na yung happiness mo.
Oy, ha? bukas. Walang mawawala sa inyo. Ang di sumipot, pangit. xD
Iris :
Ay oo nga pala, bukas pala yon. Mawawala ba naman kami ni Russel? Syempre hindi.
Me :
Pag isa sa inyo, nawala, magtatampo na talaga ako.
Hahahaha
Iris :
Ang bossy!
Me :
Bossy na kung bossy. Basta. Aasahan ko kayo at matagal tagal tayong hindi magkikita.
Iris :
Ilang years kaba dapat na magstay don?
Me :
Six years. Para maapply ko rin residency ko at makuha ko sila mama.
Iris :
Hangtagal pala, girl. Para kang walang balak umuwi ng pinas a. Hahaha
Me :
Di ba halata? hahahaha, joke lang
Iris :
Obvious na ayaw mona bumalik dito. hahaha
Me :
Kailangan lang talaga kasi para maging resident ako ron. Anyway, pwede kayong matulog dito sa bahay, unless you guys decide otherwise. xD
Iris :
Loka! hahahaha see you tomorrow.
Me :
well, mana lang ako sayo. Kaya nga best friend kita, di ba?
Iris :
Hahaha. What can I say?
Me :
Di ba, di ba? see u tom. :D. Good night, inaantok na ako.
Natutuwa siya sa mga kaibigan. Sa hinaba-haba ng habulan, ang mga ito pa rin pala talaga ang magkakatuluyan. Kamakailan lamang ay nagkabalikan ang dalawa matapos magkita sa Cebu sa kasal ng mga kaibigan. They didn't know that their common friends was to marry each other until the wedding day, and they were both surprised when they saw each other there. And the rest they say, is history.
Kinabukasan ay naroon ang mga kaibigan - at unang dumating ang magkasintahan.
"Tumataba ka, girl, a?"
Napatingin naman siya sa sarili niya. "Talaga? Hindi nga ako masyadong nagkakain ngayon e. Medyo may mga araw na wala akong gana sa pagkain. Akala ko nga pumapayat ako, pero wala naman palang epekto."
Tiningnan naman siyang muli ni Iris. "Ang putla mo pa. Ano bang nangyayari sa yo? Stressed?"
Nagkibit balikat siya. "Baka nga dahil sa stress. Pahinga lang siguro ang katapat nito."
Maya maya ay nagsidatingan pa ang mga kaibigan nila, at kumpleto silang lahat maliban sa isang tao. Hindi naman niya ito inimbita dahil sigurado siyang hindi ito pupunta - lalo pa't hindi na sila nag-usap pa matapos ang nangyari sa kanilang dalawa.
Inaasar siya ng mga kaibigan na hindi na siya babalik ng Pinas para magtagal siya ng Canada ng anim na taon. Hindi maawat ang pangagantiyaw nila sa kanya hanggang sa magsi-uwian ang mga ito. Inayos niya pa ang mga gamit niya na dadalhin at tinulungan pa siya ng kanyang Mama na mag ayos. Naluha pa ito nang mag-usap sila at nangako siya sa mga magulang na mag-iingat siya sa Canada.
Ninoy Aquino International Airport
Terminal 3 Departure Area, 3pm
Alas siete ng gabi ang flight niya at naroon na sila sa Airport. Inihatid siya ng mga magulang, hipag at kapatid. Naroon din sina Russel at Iris.
"Ma, Pa. Promise mag-iingat ako doon. Lagi akong tatawag sa Skype para makausap ko kayo."
"Ikaw rin, anak. Wag mong pababayaan ang sarili mo roon, ah?"
Tumango siya at bumaling sa kapatid at hipag. "Oy, Jay. Kailangan, pagbalik ko, tapos ka na."
"Oo, ate. Promise yan."
"Jelaine, ikaw na ang bahala riyan sa kapatid ko."
"Opo, ate."
Tiningnan niya naman ngayon sina Russel at Iris. "I'm so sorry, wala ako sa kasal nyo. Pero yung video ha? Wag nyong kakalimutan."
"Ang daming bilin!" ani Russel at nakatawa pa. "Don't worry, malay mo isurprise ka namin nito ni Iris doon one time. Right, babe?"
Tumango naman ang bestfriend niya. "Russel's right."
Nilapitan niya ito at isa-isang niyakap. Malungkot man ay nagawa niya pa ring ngumiti.
"Ma-mi-miss ko kayo. O, sige na. Aalis na ako."
Kumaway na siya sa mga ito at tumalikod na. Naiiyak siya dahil malalayo siya sa pamilya ng anim na taon, pero alam niya rin na ginagawa niya ito para sa kanila.
Goodbye for now, Manila.
See you after six years.