Change
January, 2012
Me :
Good luck sa first day mo! :)
Napangiti siya nang isi-nend ang message na iyon kay Benjie. First day nito ngayon sa bank na pagtatatrabahuan nito. Ilang segundo lang ay nakatanggap naman siya ng reply mula sa binata.
Benjie M.:
thank u my cheerleader!
Lalo namang lumapad ang ngiti niya nang nabasa ang reply ng binata sa kanya, kaya naman napasin naman ito kaagad ni Iris.
"Ganda ng ngiti, a. Katext mo si Benjie, no?"
"Oo. First day niya ngayon, e."
"Naks naman, updated."
"Sinabi niya noong nakaraan na ngayon ang simula niya sa trabaho."
"Mukha ngang informed na informed ka niya sa mga ginagawa at gagawin niya." anito. "Mabuti iyan, tuloy niyo lang."
Tiningnan naman niya ang kaibigang ngayon ay tahimik na. Ngayon ay nakatanaw ito sa bintana na nasa harap nila, ngunit malayo ang tingin nito na tila may malalim na iniisip.
"Kayo ba ni Russel, kamusta?"
Nilingon siya nito at nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito. Pagkaraa'y bumuntong hininga ito.
"May problema ba kayo?"
"Hindi ko rin alam, girl. Basta bigla na lang kaming hindi nagusap. Kahit kamustahin ko, hindi rin sumasagot sa mga text at call ko. Ewan ko, pero parang hindi siya yung Russel na kilala natin. Yung nakilala ko."
Nangunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. "Bakit? Nag away ba kayo?"
"Hindi. At wala rin kaming pinag awayan. I honestly don't know what happened between us."
"Bakit hindi mo uli subukang kausapin?"
"Hindi naman siya sumasagot, e. Halos araw araw ko siyang sinusubukang kausapin, kung hindi naka-out of coverage area, ringing lang. Itext ko man, walang sagot. Pakiramdam ko, ang layo layo niya sa akin." Ngayon ay tumingin itong muli sa kanya. "At unti-unti na akong napapagod sa ganito."
"Ano naman kayang nangyari kay Russel? Mukhang okay naman siya the last time na nagkita kita tayong tatlo."
"That's what I thought, too. But after that, things started to change. Hindi ko alam kung ano, at kung paano nagsimula." Bumuntong hininga uli ito. "Tara na nga. Ayoko nang pagusapan ito."
Me :
Kamusta ka? Hope you're doing fine.
Benjie G.:
sorry, naging busy lang ako nitong nakaraan kaya hindi ako nakakapagreply.
Me:
No need to say sorry, naiintindihan ko naman. Kamusta ang trabaho?
Benjie G.:
medyo naninibago lang siguro ako, kasi ang dami daming paperworks dito. pero pagtagal siguro, masasanay din ako.
Me:
Kaya yan, Benjie. Tiwala lang. Wala ako sa posisyon mo para magsalita, pero alam kong masasanay ka rin. Siguro, mahirap sa umpisa, pero ganoon naman talaga di ba?
Saka ikaw pa ba? Hindi ko kilala yung Benjie na sumusuko lalo pa yan yung pangarap nya. :)
Benjie G.:
thank u, loui ha. nandyan ka lagi para intindihin at suportahan ako.
Me:
that's what friends do for each other, di ba? hindi ako magsasawang gawin yan para sayo.
ay oo nga pala, kailan ka pala available? may ibibigay sana ako sa yo.
Napatingin siya at napangiti sa bible na nasa harap niya. Balak niyang ibigay rito iyon, kaya balak niyang makipagkita. Alam niyang mapapakinabangan ka niya ng husto.
Benjie G.:
ano naman yung ibibgay mo sa kin?
"Iyong puso ko." aniya sabay hagikgik. "Ay, mali, naibigay ko na pala sayo." Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa mukha habang nagtitipa ng reply para sa binata.
Me :
basta. malalaman mo na lang pag nagkita tayo.
Benjie G.:
sige na nga, di na ako mangungulit. haha. kung ano man yan, nagpapasalamat na ako ngayon pa lang.
Malayo pa lang ay nakita na niya ang binata na nag aantay sa kanya. Wearing a white dress shirt and slacks, she can't help but notice him more. Sa tingin niyay mas lalong bumagay ang suot nito ngayon na mas pormal kaysa noon. Not that he's cute with his usual tee shirts, jeans and sneakers, but now with him being formal added to his appeal. Nang napalingon ito sa direksyon niya ay nagtama ang mga mata nila. He smiled, reaching his eyes made her heart jump. Kumaway siya pabalik, kahit pa nagririgodon sa bilis ang tibok ng puso niya.
"Tara, kain muna tayo." Pag aaya nito sa kanya.
"Sige," pag-sang ayon niya. "Gutom na rin ako, e. Saan ba tayo?"
"May alam ako kung saan masarap yung sisig." Anito, saka kinuha ang kamay niya at hinawakan ito. "Doon ako lagi kumakain, e."
Kung kailan naging kalmado ang puso niya ay bumalik na naman ang mala-tambol sa bilis ng tibok nito, nang hinawakan ng binata ang kamay niya. Ang init ng mga pinagsalikop na mga kamay nila ay naghatid ng tila nagririgodon sa loob niya, na saka lamang nangyayari kapag kasama niya ito. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isang stall. "Alam ko namang cowboy ka, pero okay lang ba sayo na nakatayo habang kumakain? Wala kasi silang upuan dito."
Kahit saan, basta nandoon ka, okay lang sa akin. "Oo naman, ako pa ba?"
Napangiti ito, ngunit nakita niya rin itong bumulong pero hindi niya ito naintindihan. "Anong sabi mo? Hindi ko narinig."
"Wala. Sabi ko kumain na tayo."
Tumango na lang siya kahit pa gusto niyang malaman ang sinabi ng binatang nasa harap niya. Pagkatapos nilang kumain ay binuksan niya ang bag na dala at iniabot dito ang bible. Nagliwanag naman ang mukha ng binata nang napagtanto kung ano ang ibinibigay niya.
"Uy, salamat! Paano mo nalaman na kailangan ko nito?" Abot sa mga mga mata nito ang iginawad na ngiti nito sa kanya, dahilan para tila maging rigodon sa lakas at ingay ng tibok ng puso niya.
"Basta alam kong kailangan mo yan." Ngumiti siya rito pabalik, ngunit pakiramdam niya ay tila matutunaw na siya sa ngiti at titig nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinigit para yakapin.
"Thanks for always being my angel." He said while his head rested on top of hers. She had let him hug her, and listened to the beat of his heart. Moments like these makes her feel contented and happiness filled her heart because of the man in front of her.
"Hindi ako magsasawang gawin ang mga bagay na to para sa iyo, Benjie." She looked up and once again met his eyes. She can see a glimpse of her future - building a family and growing old with him. Ngunit inalis niya rin kaagad iyon sa isip dahil naisip niya rin ang pangarap nito, dahilan para lumukob panandali ang lungkot sa kanyang puso. Yumuko siyang muli at pinilit na itago ang nararamdaman para lang hindi ito makita ng binata. "Wag mong kalilimutan ang birthday ko, ha? Nandoon ka dapat."
"Oo naman."
"Promise?"
"Promise."
Me :
wag ka mawawala bukas ha?
Pinindot niya ang "send" sa kanyang cellphone. Inaasahan na niyang sasagot kaagad ito, ngunit lumipas ang isang oras nang wala siyang natatanggap na reply.
Hanggang sa naging dalawa.
Tatlo.
Apat.
Wala pa rin? aniya sa sarili nang wala pa ring makitang sagot mula sa binata.
Baka busy, Loui.
Magrereply din yon. Hayaan mo na muna.
Pagkaraan ng isang oras pa ay sinilip niya muli ang cellphone niya. Ngayon ay may natanggap na siyang message mula sa binata, kaya naman dali-daling binuksan ito.
Benjie G.:
hi loui. Pasensya na, hindi ako makakapunta bukas. may church event kasi. but I wish u a happy birthday, and i will pray for your good health, career and happiness. god bless u always.
Pakiramdam niya ay lumukob sa kanya ang lungkot nang malaman niya na hindi ito makakapunta sa birthday niya. Balak pa naman niyang ipakilala ito sa pamilya niya. Gusto niyang magtampo, dahil nangako ito sa kanya na pupunta, ngunit ngayon ay binawi nito iyon. Gusto niyang intindihin ang rason nito ngunit sa sama ng loob para sa binata ay hindi na muna niya sinagot ang text nito.
Pinalipas niya ang ilang araw, ngunit wala pa rin siyang natatanggap na text mula rito. Nagtataka na siya sa ikinikilos nito. Hanggang sa ang mga araw ay naging mga linggo, at ang mga linggo ay naging buwan. Lumipas ang ilang buwan na hindi sila nag-uusap nito at pakiramdam niya ay tila ba may nabuong pader sa pagitan nila - na hindi niya alam kung saan nagsimula.
"Mauna ka nang umuwi, Rence,"
Mula sa laptop na kaharap nito ay nilingon siya ng kaibigan. "Hindi ka sasabay sa akin ngayon?"
"Hindi muna," sagot niya. "Sunday ngayon, di ba? Magsisimba ako."
"Saan ka naman magsisimba?" ngayon ay nakataas na ang kilay nito. "Wag mong sabihing doon ka pupunta? Makikipagkita ka lang 'ata, e."
"Hindi ba pwedeng pagsisimba lang talaga ang purpose ko? Bonus na lang kung makikita ko siya doon."
Ito naman ang bumuntong hininga nang narinig ang sinabi niya. "Ay, nako, Louisse Althea. Sinasabi ko sayo, mag move-on ka na. Tagal mo nang umaasa diyan, kita mo, ikaw lang din ang nasasaktan."
Nangiti siya sa sinabi nito. "I appreciate your concern, Rence, but I'm really okay. Kaya ko 'to."
"Bahala ka na nga. Anyways, uuwi na rin ako. Should I say, "Goodluck sa feelings mo 'pag nakita mo siya?"
Napairap na lamang siya at umiling, saka lumapit sa kaibigan at bumeso para magpaalam. "Ingat ka. I mean, ingat sila sa iyo."
"Talaga." Bumeso naman ito pabalik. "Bye na."
Tinahak niya ang daan papunta sa simbahan na iyon, at hindi rin naman nagtagal ay nakarating siya dahil malapit lang naman ito mula sa kanilang opisina. Pagpasok niya ay kalahati na ng misa ang inabutan niya, kaya naman napagpasyahan niyang tapusin na lamang ito at ang kasunod ang sisimbahan niya. At dahil palilipasin niya muna ang oras ay nagtungo siya sa maliit na garden sa gilid ng simbahan. Gaya ng dati ay tahimik roon, at wala ring tao. Naalala niya ang huling beses na naroon siya sa lugar na iyon - at isang tao ang kaagad na pumasok sa alaala niya.
Si Benjie.
Kamusta na kaya siya?
Parang kailan lang, magkasama pa kami sa lugar na 'to.
Parang kailan lang, ang saya pa naming dalawa.
Parang kailan lang, ipinagdasal ko pa na siya ang lalaking makakasama ko habang buhay.
Ikaw naman kasi, Loui. Iyong hiniling mo, napakaimposible talagang mangyari. Alam mo nang iyon ang talagang gusto niya, simula pa lang. Umasa ka pa talagang magbabago ang isip niya?
Ano bang magagawa ko? Nagmahal lang naman ako.
On her mind's eye, she can still see his smiling face, and his eyes that twinkled everytime he looked at her. She can still feel the warmth of his fingers when he held her hands on this place.
Hanggang alaala na lang kami sa lugar na ito. Napabuntong hininga na lang siya sa naisip, at napagpasyahan na lang niya na umalis na lang sa garden na iyon at baka mas dumami pa ang maalala niya. Pagdating niya sa loob ng simbahan ay kakaunti na ang tao, hudyat na tapos na ang naunang misa, at naghihintay na ng kasunod ang mga taong naroon.
Sa pangalawang row na siya nakahanap ng uupuan, dahil puno na ng matatanda ang nasa unahang parte nito. Habang tahimik siyang nakaupo ay napalingon siya sa gawi ng may bintana ay may nakatawag ng kanyang atensyon. Isang kumpol ng mga lalaki ang napadaan - ngunit isa sa mga iyon ay naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya.
Parang si Benjie.
Kahit na nakatalikod ang lalaking iyon ay malakas ang pakiramdam niyang si Benjie iyon. Naroon pa rin ang atensyon niya nang bigla naman siyang nagulat sa tunog ng kanyang cellphone.
Rence
Answer Ignore
Slide to accept
["Hello?"]
Muli ay napatingin siya sa lalaking iyon nang tuluyan nang humarap ito, dahilan para makumpirma ang kanina pa niyang naiisip.
Si Benjie nga!
Hindi na niya magawa pang makapagsalita sa gulat. Tila ba tinakasan na siya ng sariling boses, dahilan para ibaba ni Rence ang tawag nito sa kanya. Kung kanina ay tila tambol sa bilis ang tibok ng puso niya, ngayon naman ay tila nabibingi na siya sa lakas nito. Napako na rin ang mga mata niya sa binatang abalang abala sa pakikipag usap sa isang pari na may katandaan na, hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina ng simbahan.
Nang nawala na ito sa kanyang paningin ay saka lang siya bumaling sa kanyang cellphone. Nanginginig man ang mga kamay, hinanap niya ang pangalan ni Iris sa cellphone niya at nagsimulang magtipa ng message para sabihing nakita niya si Benjie.
Me:
Iris, I saw Benjie.
Magreply ka kaagad, please! Piping dalangin niya habang nag aantay ng sagot ng kaibigan. Tila naman sinagot agad ang panalangin niya nang tumunog ang cellphone niya.
Iris:
Talaga?
nag usap kayo?
Me :
Oo, nakita ko siya. At hindi kami nakapagusap.
Iris:
Huh? Bakit? Akala koba nakita mo sya?
Me:
Oo, nakita ko nga siya. Hindi niya alam na nandito ako.
Nasa loob ako ng church kanina
Nanginginig ako, sobra
Kabog ng dibdib ko, sobrang lakas
Iris:
Chance mona yan. Mamaya lapitan mo pag nakita mo sya uli.
"Magsitayo ang lahat," narinig niya kaya naman itinabi na niya ang cellphone sa bag, hudyat na magsisimula na ang misa. Sorry, Lord, alam ko po na ang ipinunta ko dito ay kayo, hindi po si Benjie.
Nagsimula nang pumasok ang mga batang sakristan, at sinusundan niya iyon ng tingin nang nakita niya muli ang binata. Ngayon ay suot na nito ang sotana.
Nag serve siya ngayon!
Malamang, Loui. Punong sakristan si Benjie, hindi ba?
Ngayong nakikita niya ito na seryoso sa ginagawa ay parang may ideya na siya kung ano ang dahilan ng pagiging malamig nito sa kanya nitong nakaraang mga buwan. It's as if something is telling her to let go of him because of this dream - his dream that she doesn't stand a chance against when she fell for him.