Matapos ang gabing iyon. Maganda naman ang gising ko kahit puro sermon ang inabot ko kagabi mula kay dad.
Lalo na't ang good morning quotes ni crush ang aking mababasa. Bumaba na ako for breakfast. Nakita ko si Manang Rose and binati ko siya ng good morning. Medyo gulat siya dahil first time ko iyong ginawa sa kanya. Usually kasi kapag umaga, wala ako sa mood pero dahil kay crush, super ganda ng umaga ko ngayon.
After kong kumain, dumiretso na ako sa bathroom habang kumakanta. Kinakanta ko yung Dapit Hapon by Syntax Band since favorite song ko iyon.
"ma'am, maglalagay po ba ako ng napkin sa bag nyo?!!" ask ni Manang Esther.
"hindi ko pa naman po red days eh so huwag na po!" I said.
"okay po"
After an hour, natapos na ako sa pagligo at pagbihis. Nagpahatid na ako kay Manong Osle with Manong Mike.
"ang ganda ng gising nyo ma'am ah. Inspired?" tanong ni Manong Osle.
"naku, dahil ba iyon sa binatang nanlibre sa atin noong kaarawan nyo, ma'am?" ask naman ni Manong Mike.
Ngumiti lang ako.
"naku ma'am, bagay kayo nun. Mukha naman pong mabait ang batang iyon eh" sabi ni Manong Osle.
"talaga po?" kilig naman na tanong ko.
"oo, saka siya yung nagligtas sa iyo noon di ba? saan ka makakahanap ng kagaya niya, pogi na at kaya kapang iligtas sa kapahamakan"
Blush.
Tama naman si Manong eh and besides, for me... hindi na ako makakahanap ng katulad niya.
Ilang saglit pa ...
"andito na po tayo ma'am. Mag-iingat po kayo" sabi ni Manong Osle.
"saka bilin din po ng daddy mo na tawagan mo daw po ako if lalabas ka ng eskwelahan para mabantayan kita" sabi ni Manong Mike.
Si daddy talaga, ang kulit. Sinabi ko na nga sa kanyang okay lang ako eh.
"andoon lang po ako sa tapat ng school nyo. Para pag tumawag po kayo eh madali na lang po kitang mapuntahan"
"Manong Mike, you don't need to do that okay? umuwi ka na doon sa bahay, I'm okay saka hindi naman ako lalabas ng campus eh" sabi ko.
"utos po kasi ng daddy mo kaya hindi ko po pwedeng suwayin. Pumasok na po kayo sa loob at baka mahuli na po kayo sa klase" Manong Mike.
Peacock.
Pumasok na ako sa main gate. Wala na talaga akong magagawa about doon. Inirapan ko na lang yung mga students na pinagtatawanan ako. Pake ba nila kung may bodyguard ako.
Dumiretso na ako sa locker room since P.E class namin ngayon at kailangan kong ilagay ang mga gamit ko sa locker. Hinanap ko si Elaine pero wala pa siya.
"okay lang kaya siya?" bulong ko sa aking sarili.
"guys! pakibilisan at magwawarm up na daw" sabi nung babae kong kaklase. Bumaba na ako at pumunta na sa gymnasium. We occupied the badminton court. While sa kabila naman ay basketball court, of course kila Nathan ang space na iyon since practice time din nila.
Hinanap ko si Nathan, nakabasketball uniform na siya. Bagay sa kanya ang red with black color combinations na suot nya. He's so hot.
Haha. Lumalandi na naman ako.
Okay, enough.
"okay girls! magwarm up na muna kayo dyan while I'm checking your attendance" sabi ni Mr. Hugo.
Nagsimula na akong magbend ng body for warm up. Tumalon-talon din ako while tinitingnan ko si Nathan. Eh napansin niya ako. Haba ng hair!
He waved at me kaya kilig-kilig kay crush. Tinukso naman siya ng mga kateamates niya.
"hoy baliw! mag-uumpisa na ang badminton, tumabi ka na dyan" sabi nung kaklase ko. Hmp! makabaliw naman siya.
Umupo na lang ako sa gilid. Hinanap ko ulit si Elaine and she's not here talaga. Ano na kayang nangyari sa kanya?
After 15 minutes, turn ko na para maglaro. Nung pag tayo ko, sumakit bigla ang aking tiyan. Shocks! bakit ngayon pa?
"Miss Montero, pumunta ka na sa gitna dahil turn mo na" sabi ni Mr. Hugo.
"ah.."
"wag ka na ngang mag-inarte dyan...ayaw kong bumaba ang grades ko sa PE because of you kaya galingan mo"
Peacock, kanina pa ang isang to ah. Ano bang problema nito't masyadong highblood?
Sigh.
Kaya ko pa naman ata eh kaya game na lang ako. For the sake of this girl na medyo mainitin din ang ulo.
"game!"
Nagsimula nang i-serve 'yung shuttlecock. Ini-smash ko agad kaya point for us.
"ay magaling! yan smash mo pa" sabi ni girl classmate.
Natapos yung laro na halos ako lang nakapagpanalo. Sumakit tuloy lalo 'yung tummy ko.
"very good Ms. Montero, I'm amazed!" sabi ni Mr. Hugo.
"thank you po sir..but sir..ahm, c.r lang po muna ako" me
Then dali na akong pumunta sa c.r. kasi sumasakit na talaga siya. Pero nagulat ako nang may konting dugo na sa underwear ko. Nakunan yata ako!!
Joke.
"Shocks...paano ba ito? Hindi ko pa naman dala ang cp ko. Baka matagusan ako." I mumbled.
"do you need some help?" ask nung babae sa kabilang cubicle. Medyo paos ang boses niya and hindi ko alam kung sino siya but I'm thankful at nagoffer siya na tulungan ako.
"ah...kilala mo ba si Elaine? if you found her, pakisabi na I need her here"
"okay..."
Umalis na yung girl.
Shocks! mas lalo pang lumalala ang pain.
Sana naman, mahanap niya si Elaine.
Ilang saglit pa, may nagsalita sa labas ng c.r.
"Aikka, ayos ka lang?"
Teka, bakit boses ni Nathan ang naririnig ko?
"Aikka, ah....may ibang tao ba dito? papasok na ako ng c.r"
Buti na lang at class hour this time kaya sakto namang walang ibang tao dito sa c.r kundi ako.... and of course siya.
"ah..asaan na ba si Elaine?" ask ko.
"nilagnat bigla eh."
Nilagnat? dahil ba iyon kahapon?
"Ano bang nangyayari sa inyo? ayos ka lang ba? gusto mong dalhin kita sa clinic?" worried na sabi niya.
"ah.."
Naku. Paano ko ba sasabihing kailangan ko ng napkin? Sana kasi ipinalagay ko na lang yung sandwich kay Manang Rose eh. Hindi sana ako mapoproblema ngayon.
"Aikka?....Aikka?..." him in a worried pa ring voice.
"ah, Nathan...hmm..." Paano ba ito?
"ano iyon Aikka? may gusto ka bang ipasuyo?"
"ah...eh, Nathan, can you buy me a sandwich?"
Blush.
Shocks. Gets niya kaya?
"sandwich? oo naman! ano, yung may egg o yung may bacon?"
Napapikit ako. Gusto kong matawa kasi hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Ang awkward naman kasi eh!
"honestly Nathan, may menstrual period ako ngayon kaya if okay lang ba na bilhan mo ako ng napkin?" sobrang hiyang sabi ko.
"ah..sige, mabilis lang ako. Kaya mo pa bang tiisin ang sakit?"
"oo, kaya ko pa"
"sige, aalis na ako." narinig ko pa ang pagtakbo niya.
Peacock! bakit ba kasi ngayon pa to dumating? nakakahiya!
(pumikit muna ako saglit kasi masakit talaga ang puson ko eh. )
May dysmenorrhea ata ako..tumalun-talon ba naman ako kanina.
"Aikka, andyan ka pa?" Nathan. Ang bilis nya ah.
"ah..yes Nathan"
"eto oh" iniabot niya sa itaas ang napkin.
"thank you Nathan" me.
Natouch talaga ako sa care na ipinakita niya ngayon.
"kukunin ko lang yung gamit mo sa locker room, di ba kailangan mong magbihis?"
"yes, thank you talaga Nathan"
"you're welcome. Ikaw pa"
After ng happening na iyon ay nakalabas na rin ako sa c.r.
Tiningnan ako ni Nathan na nakabasketball uniform pa.
"bakit?" mahinang tanong ko.
"okay ka na? anong pakiramdam mo?"
I feel so much care from you. Ayiie!
"ah..okay lang, thank you at andyan ka"
"sigurado ka? dalhin na lang kaya kita sa clinic"
"hindi na kailangan Nathan."
"so papasok ka pa rin?"
"hmm..oo, kaya ko naman."
"gusto mong samahan kita sa classroom mo?" birong sabi niya.
Ngumiti lang ako. Siyempre, kung pwede lang. .bakit ba hindi! haha.