Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 29 - A DATE WITH MY CRUSH

Chapter 29 - A DATE WITH MY CRUSH

Kung gusto niya akong samahan, why not? Kaso hindi pwede eh.

Pumasok na ako ng classes ko. Kalaunan naman, umayos na ang pakiramdam ko. And as usual, discussions from teachers tapos activities hanggang sa maglunch na. I texted Nathan, gusto ko siyang makasabay sa pagkain.

He replied.

••••

From: Nathan

ok. nasa gymn pa me. hintayin m n lng ako sa coffee shop.

•••••

Pupuntahan ko na lang siya sa gymnasium. Ayokong maghintay doon kasi mabobored lang ako. Bumili na muna ako ng bottled water tapos dumiretso na ako sa gymnasium. Sakto namang katatapos lang ng basketball practice nila. Dala niya 'yung towel at umupo siya sa may bench. Nilapitan ko siya't iniabot sa kanya yung tubig.

"para sa akin? salamat!" nakangiti niya iyong tinanggap.

"wow pare! siya lang Aikka? paano naman kami?" sabi 'nung singkit na kateamate niya. Tiningnan ko lang siya. Wala lang. Gusto ko lang.

"ay brad, masungit, tara na" sabi n'ya sa kanyang katabi.

"tama, bilisan natin" dali na silang umalis. Parang lang mga ewan.

"huwag mo na silang pansinin Aikka, mga loko talaga ang mga iyon" Nathan.

Ngumiti lang ako. Hindi naman ako affected sa kanila eh.

"magbibihis na muna ako Aikka kaya umupo ka muna dito, okay?" malambing niyang sabi.

Ang cute niya lang.

"sige"

Nagmadali siyang nagbihis, ilang minuto lang. Binalikan niya ako.

"tara?" him.

"tara" me.

Dinala niya yung bag ko as usual. At nagsimula na kaming maglakad.

"so, kumusta? hindi na masakit ang tiyan mo?" tanong niya.

Actually, hindi naman iyon tiyan eh. Puson ko ang masakit kasi may period ako. Anyway, the important thing is he's concern for me.

"hindi na" sabi ko.

"buti naman, so pwede ka nang kumain nyan?saan mo gustong kumain? libre kita" sunud-sunod na tanong niya.

Actually, hindi pa naman ako gutom eh. Gusto ko lang talaga siyang makasama at makausap.

"hmm..kahit saan, saan mo ba gusto?"

Then he smiled.

"ito...kasama ka, kasi...ikaw ang gusto ko"

Shocks Nathan! Ang cheesy mo huh pero pinakilig mo ako. Haha.

Ahem. trying to act as usual.

"anyways, ako na ang manlilibre sa iyo, doon tayo sa Fantastic Podium" sabi ko.

"naku Aikka, hindi pwede, ako ang lalaki at ako ang nanliligaw...kaya ako dapat ang manlibre sa iyo"

"wala namang problema iyon sa akin eh, gusto lang kitang ilibre dahil sa ginawa mo sa akin kanina. A way of expressing my gratitude towards you"

"Aikka, mahalaga ka sa akin kaya natural lang na gawin ko ang bagay na iyon. Kaya hayaan mong maipadama ko sa iyo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko" tapos he touched my nose then he smiled.

Awh.

This time, feeling ko...punung-puno ako ng care mula sa mga taong itrinatrato akong valuable. And I'm so happy. After the sadness na naranasan ko sa mga nagdaang araw, pinalitan naman iyon ng Diyos ng kaligayahan. I'm thankful to him because he never forsake me.

"so ano, papayag ka nang ako ang manlibre sa iyo? pero sa coffee shop lang kasi yun lang ang kaya ng budget ko eh" nahihiya niyang sabi.

"Ano ka ba, okay lang sa akin"

(The amount you spend doesn't matter to me, it's all about the moment how I spend it with you.)

"okay" ngumiti siya.

"so....kailan ang competition? lagian ang practice nyo ah" change topic ko since nasa hallway pa lang kami this time.

"next month na, goal naming makapasok sa finals ng interschool competition"

"don't worry, naniniwala akong kayang-kaya n'yo iyon"

"salamat" sabi niya.

"siya nga pala, nung time na ihinatid ka namin sa inyo, di ba auntie mo iyon?"

"oo"

"eh asaan na mga parents mo?"

"yung papa ko, nasa bukid, mga tatlong oras ang byahe mula dito papunta doon. 'Yung mama ko naman, matagal nang nasa langit." him.

"ah, I'm sorry" me.

"okay lang, hindi mo kailangang magsorry"

"pero may mga kapatid ka?"

"oo, si Mac-mac at Jonamee. Grade 2 si Mac-mac tapos first year highschool naman si Jonamee"

"dumadalaw ka ba sa kanila lagi?" tanong ko.

"minsan nga lang eh gawa nung basketball practice ko. Pero kapag dumalaw ako, gusto mo bang sumama? Ipapakilala kita kay amang" sabi niya.

As in? ipapakilala na niya ako? Well, okay lang naman sa akin. Excited akong makilala ang mga kapatid niya saka daddy niya.

"okay lang, isama na rin natin si Elaine." sabi ko.

"sige, parang naexcite tuloy akong umuwi" ngiting sabi niya.

Pareho pala kaming excited eh.

----

After nung topic na iyon...

A moment of silence.

"hmm...." me...thinking of any topic. I'm trying to break the awkwardness between us.

"noon, sinusundan mo ba ako lagi? pati doon sa forest park kaya mo ako nasave that time?" biglang ask ko. Wala na akong ibang maisip na question eh.

"'yung sa forest park ba kamo?, nalaman kong andoon ka kasi may babaeng nagsabi sa akin na tulungan ka"

"huh?" me. Sinong babae kaya ang tinutukoy niya?

"hindi ko siya kilala eh....pero siya yung babaeng nagpapunta sa akin sa c.r para tulungan ka"

Really? Yung babaeng paos ang boses ba ang tinutukoy niya? sayang at hindi ko man lang nakita ang face nya.

"kayear level ba natin siya?"

"parang....hayaan mo, kapag nakita ko siya, itatanong ko ang pangalan niya"

Itatanong?

"no need na..hindi mo na kailangan pang itanong ang pangalan niya" me. Ayokong nagtatanong siya ng ibang pangalan noh.

"bakit?" tapos bigla siyang ngumiti. Naku, baka nakakahalata na siya.

"w_wala.." tapos ibinaling ko na lang ang aking tingin sa gilid.

Dumiretso na rin kami sa coffee shop. Tapos... Pinagtitinginan kami ng mga students doon.

"magoorder lang ako huh, anong gusto mong kainin?"

"anything... total natikman ko na naman ang lahat ng iyan eh"

"okay? sige, parehas na lang tayo para couple" tapos he winked at me.

Peacock. He winked at me. Ay iba!

Umalis na siya to take our order.

"ang kapal naman ng mukha ng babaeng iyan, matapos niyang angkinin si Prince Spade, ngayon? nilalandi naman niya ang star player ng academy. Siguro mga heartthrobs ang targets nya, feeling namang maganda!" rinig kong sabi nung babae sa kasama niya from my back.

Hay naku, panira moment naman ang isang iyon eh. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako ang nag-angkin sa Spade nila eh, kaso baka mabugbog ako kapag ginawa ko iyon at sinabing ang Spade nila ang may gusto sa pagpapanggap na iyon.

"oo nga, feeling maganda....eh maputi lang naman siya....kapag umitim iyan, papangit din siya"

Shocks! ano bang problema nila sa mapuputi?

Saka FYI noh, mas maraming nagkakacrush sa akin noong elementary pa ako kahit hindi ako maputi kaya huwag na huwag n'yang sasabihin iyon sa akin.

"Uy, andito ka lang pala babe"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking mga narinig.

Si Spade, lumapit siya sa akin.