Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 32 - MOTIVES BEHIND

Chapter 32 - MOTIVES BEHIND

(to enlighten the minds of readers.....this part will be revealing some clues through ABBY's POV)

I came in the dark room and was talking with Mr. Black.

"You called me sir? do you need something?"

He stood up and slightly opened the curtain covering the big window in front of the mansion.

Mula sa madilim na silid, pumasok ang konting liwanag na tamang-tama lang para makita ako.

I am really curious kung bakit lagi siyang nagtatago sa dilim whereas I already saw his face.

"di ba I told you na linisin nyo ang mga trabaho ninyo?" sabi niya in a different voice compared sa dati naming pagkikita. His voice right now is like a robot. Is he using a voice changer? Nakakapagtaka lang talaga. I mean, why he is doing it?

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ba ako magawang pagkatiwalaan?

"we did what you've ordered us to do. Ano pa pong pinoproblema nyo sir?" sabi ko.

Naaninagan kong tumayo siya. Pero bakit medyo lumiit ang pangangatawan niya?

"subukan mong itanong iyan sa kasama mo." sabi niya habang may inaayos. Hindi ko alam kung ano iyon.

"si Jotham po ba ang tinutukoy mo?" tanong ko pero hindi na siya sumagot. Patuloy pa rin siya sa pagiging busy sa kung ano. Saglit pa, pumasok na 'yung personal bodyguard niya't pinalalabas na ako.

Tsk.

Kakausapin ko na lang si Jotham.

Sinabi ko na kasi sa kanyang mag-iingat eh. Hindi na naman niya pinakinggan ang mga reminders ko sa kanya.

"don't worry sir, I'll try my best to fix this up" lumabas na ako kasama yung personal bodyguard niya.

Bumaba na ako mula sa room na iyon. Binaybay ko ang nakared carpet pang hagdanan na may antiques beside na halatang galing sa ibang bansa.

Maganda sana ang loob nitong mansion kaso dahil sa madilim na ambience nito, mukhang laging nagluluksa ang mga tao dito.

Dumiretso ako sa sitting area kung saan may coffee table doon. Maraming local paintings akong nakikita. Medyo maliwanag ang area na ito dahil sa chandelier na nasa itaas at mga kandila sa wall. Lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ni Mr. Black at iniabot ang phone sa akin.

"hello" sabi ko.

"Abby, akala ko ba planado na ang lahat? bakit buhay pa yung Aikka na iyon?"

"so ako ang sinisisi mo sa lahat ng iyon? Malay ko ba kung may kasama siyang magaling na makipaglaban"

"ang sabihin mo Abby na pumili kayo ng mahihinang assassins"

"pinagdududahan mo ba ako ngayon?"

"bakit, hindi ba kita pwedeng pagdudahan? di ba kaibigan mo si Aikka dati?"

"oo..pero ikaw na rin ang nagsabi na DATI di ba? saka bakit ako lagi ang sinisisi mo, di ba pumayag ka rin naman na 'yung grupong iyon ang utusan natin di ba? ngayong naging palpak ang lahat, naghuhugas-kamay ka na?"

"I need to talk to Jotham, asaan na ba kasi siya?"

"ako na ang kakausap sa kanya. Ipagpatuloy mo na lang muna ang ginagawa mo d'yan"

"bakit ngayon, ayaw mong ipakausap sa akin si Jotham? magkasabwat kayo noh? Gusto niyo bang isumbong ko kayo kay Mr. Black?"

"Gusto mo rin bang ibunyag ko kay Spade na ikaw ang gumugulo sa academy niya?"

Alam kong matagal na siyang may gusto kay Spade. Kaya sinasakyan ko lang ang mga kahibangan niya sa ngayon. At kapag hindi ako nakapagpigil, I can use it against her.

"Subukan mo lang, you don't know who I am when I get mad" threatened niya sa akin.

Ako pa ang tinakot niya huh?

"don't even dare me Miss 3184" I smirked then ibinaba ko na ang phone. I stood up at inayos ko ang aking collared shirt.

Lumabas na ako sa madilim na mansion na iyon at sumakay na sa Porsche ko. Pinuntahan ko si Jotham, nasa playground lang siya malapit sa SA. Nakaupo siya sa may bench habang pinanonood ang mga batang naglalaro doon. Umupo ako sa tabi niya.

He looked at me.

"you received my message?" sabi niya.

"yup"

Suot pa rin niya ang kanyang eyeglasses. I told him na gamitin 'yung contact lens kasi mas bagay sa kanya ang walang salamin.

"ang saya nila noh?" tapos tumingin siya sa akin.

"you're right" sabi ko.

Honestly, nakakarelax ngang panuorin ang mga bata habang nararamdaman namin ang sariwang hanging dumadampi sa aming balat.

"by the way, naging successful ang plano natin. Ano na ang sunod mong hakbang?" him tapos pinanuod niya ulit yung mga nagkukulitang bata.

"For now, we just need to go with the flow para hindi tayo mabisto. Alam mo bang galit na galit sa atin si Mr. Black? Dapat kasi hindi ka masyadong nagpahalata sa choice of assassins mo. Alam naman nating yung grupong pinili mo ay talagang cheap at mahihina. I think, kailangan pa nating mag-ingat kasi pinagdududahan na tayo ng isa pa nating kasama. You know her...masyado siyang observant sa mga nangyayari." sabi ko.

"sigurado ka ba talaga na gusto mong gawin ito? Alam mong hindi lang buhay ng bestfriend mo ang mapapahamak, pati na rin ang sa'yo" alalang sabi niya.

"akala mo ba na ginusto ko ang lahat ng ito?" tanging sinabi ko.

Hindi na siya umimik.

I guess, gets niya na iyon. Kasi alam naman niya ang buong kwento. And this is the reason why I chose to stay away from my bestfriend. Actually, hindi naman talaga ang pagkamatay ni Lawrence ang dahilan kung bakit hindi ko na siya pinansin. It is the only way para malaman ko kung sino ba talaga ang gustong magtangka sa buhay niya. At ngayong nasa territory ako ng mga kaaway namin, mas madali ko na lang mamo-monitor ang mga kilos nila.

"how about you? bakit mo piniling tulungan ako?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako sa mga mata. Tapos ngumiti siya.

"alam kong alam mo na ang sagot doon. Pero kung gusto mong marinig iyon, sasabihin ko...." hinawakan niya ang pisngi ko ng dalawang kamay niya at inilapit niya ng bahagya ang mukha niya.

"mahal kita Abby. Mahal.....na.....mahal. At handa kong itaya ang aking buhay para hindi ka lang mawala sa akin." then he kissed me in the forehead.

Nagulat ako when those children who were playing, are teasing us right now.

Tss. Mga bata talaga ngayon. Tumayo na ako't babalik na ako ng SA. May trabaho pa akong dapat gawin.

"take care Abby. Just text me if you need something" sabi niya.

"okay, ikaw din." sasakay na sana ako ng kotse ng magsalita pa ulit siya.

"by the way, napalabas ko na ng town si Miss Campo. Wala na siya sa Villa Ricafort."

"Good, make sure na hindi malalaman ni Aikka at nang mga kaibigan niya ang identity mo. Masisira ang plan natin kapag nangyari iyon."

"don't worry, I can handle it"

Pumasok na ako sa kotse at dumiretso na sa SA. Alam kong may napapansin na si Cloud so I need to negotiate with him.