Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 38 - ACTING LIKE NOBODY CARES

Chapter 38 - ACTING LIKE NOBODY CARES

ABBY's POV

Katatapos lang ng class kaya pumasok na ako sa loob. Sa pagmamadali ko, nakabanggaan ko si BAD GIRL (ang pinakamaangas na babae sa room namin) and because of it, minura niya ako sa harap ng maraming tao which I hated so much.

"stop cussing me" sabi ko....well, hindi nya kilala ang nasa harap niya. Hindi na ako ang dating Abby na nakakapagtimpi pa noon.

"bah, binangga mo ako at hindi ka man lang humingi ng sorry? tapos ngayon?" tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya napaatras ako ng konti.

"isa pa at papaduguin ko ang mukha mo" warn ko sa kanya. Isang taon din akong nagtraining nang martial arts so I can make it within a minute.

"ang yabang mo ah! tingnan natin ang angas mo, Dexter!" tinawag niya 'yung ipinagmamalaki niyang nobyo.

"anong problema dito?" sabi naman nung Dexter.

"sabi nito na papaduguin daw niya ang mukha ko tapos minura-mura niya pa ako ngayon." pagsisinungaling niya.

"minura mo siya?" agad akong kwinelyuhan 'nung lalaki.

Napakadali naman mauto nang isang ito.

Susuntukin na sana niya ako when someone stopped him. Napatingin ako kung sino iyon.

My eyes widened when I saw Cloud habang pinipigilan ang kamao ng lalaking huwag tumama sa mukha ko, as if I will allow that to happen.

"Cloud, what do you think you're doing?"

"thank me later" tapos sinuntok niya ng napakalakas 'yung lalaki dahilan nang pagkasubsob nito sa floor.

He can fight too?

Nacucurious tuloy ako sa pagkatao n'ya. He's so mysterious na magugulat ka na lang sa dami ng mga nalalaman niya.

"anong_" Hindi na niya pinagsalita pa ulit 'yung guy dahil binugbog na n'ya ito. Pambihira, he's acting weird right now.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. There are so many students na dito. Di kaya may spies siya dito? How did he know na something's up here?

Then suddenly, I saw Aikka.

Anong ginagawa niya dito?

Kailangan ko nang umalis, hindi kami pwedeng mag-usap dito dahil lalong magdududa ang mga kaaway namin.

Dali akong pumunta sa pathway.

I'm sure kasi na walang tao dito sa mga ganitong oras.

""Abby!" tawag niya sa name ko.

Ilang taon ko ring hindi narinig ang ganyang boses. 'Yung boses na malambing habang binabanggit ang pangalan ko.

Nagstay ako sa aking kinatatayuan.

I'm trying to act like usual. Gusto kong paniwalaan niya pa ring wala na akong pakealam sa kanya. We need to stick to our plan and hindi pa ito ang tamang panahon para malaman n'ya ang about sa plan.

"anong kailangan mo?" me.

With expression na parang hindi ko na siya kinikilalang kaibigan. Well, kahit mahirap, I need to do it. Kasi kung walang isa sa amin ang magiging matapang, baka meroon na namang mawala and hindi ko na kakayanin kapag nangyari iyon.

"Abby, how can you be like that?" her habang mangiyak-ngiyak niyang sinabi iyon.

Sigh.

Gusto ko siyang yakapin ngayon.

Gusto kong gulu-guluhin ang kanyang buhok.

Gusto ko siyang patawanin.

Pero MAS

Gusto ko siyang protektahan...

Without any reaction, tiningnan ko lang siya at 'yung bagong kaibigan niya.....si Elaine.

I do research about her kasi nagdududa din ako sa pagkatao ng girl na iyan. She's a transferee and knows how to do martial arts. Hindi siya basta-basta. Its either she's a spy or assassin kaya hindi panatag ang loob ko kapag nakikita kong magkasama sila ni Aikka.

"Please answer me Abby"

I just remained silent.

"alam mo bang minsan naiisip kong kamuhian ka?... Paano mo nagawang makipagsabwatan sa mga taong nagtangkang pumatay sa akin? Ganyan mo na ba talaga ako kagustong mawala na dito sa mundo?" her

She started crying na.

Hindi pala ganon kadali ang magpanggap na wala kang pakialam sa taong naging parte na nang buhay mo.

Sumisikip ang dibdib ko dahil nasasaktan ako for her. I can feel her pain at alam kong ilang taon na niyang kinikimkim ang kalungkutan sa puso niya.

Pero I almost have the answers kaya hindi ako pwedeng sumuko. Ayokong mawalan ng kabuluhan ang lahat ng sakripisyo ko para lang mahuli ang taong nagtatangka sa buhay ni Aikka. Alam kong planado na nila ang lahat but I've been part of their plan kaya hindi sila magtatagumpay. Sisiguraduhin ko iyon.

"if you want to hold grudges against me, then fine, I don't care. Just stay away from me." sabi ko. Mas makakabuting lumayo na muna siya sa akin kasi ayokong mawala ako sa focus.

"how can you be so heartless right now Abby? Hindi na ikaw ang dating Abby na mabait, masayahin, protective at isang Abby na bestfriend ko" her.

When she said those words, parang gusto ko na ring maiyak.

"di ba kasasabi mo lang na gusto mo akong kamuhian? it seems like na gusto mo pa rin akong maging kaibigan, after all that I have done to you" me.

"that's why I am here talking to you Abby....kasi gusto kitang kamuhian but.... I can't..... kasi itinuturing pa rin kitang bestfriend....coz naging part ka na nang family ko. That's why, I want to ask you, bakit ganon na lang ang galit mo sa akin? Yung mga pinagsamahan natin noon, balewala na lang ba ang lahat ng iyon?"

Kailangan ko na talagang umalis. Ayokong makita niyang umiiyak ako.

I know na umaasa pa rin siyang may value pa rin ang friendship namin noon. Kung alam lang niyang how much I value our friendship. I am more willing to sacrifice my own happiness, makita ko lang siyang masaya...kasi....

she will always be my bestfriend.

she will always be my sissy.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad papalayo. Hindi ko alam kung saang direksyon ako papunta....basta makalayo lang ako sa kanya.

'Yung malayung-malayo....

'Yung hindi siya masasaktan sa tuwing nakikita ako....

"Abby!" her, calling my name again.

Then my tears started to fall.

Pambihira! I can't hold it anymore.