Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 41 - WHERE IT HURTS

Chapter 41 - WHERE IT HURTS

NATHAN's POV

Lunch na at gutom na ako. Kanina ko pa hinahanap si Aikka pero hindi ko siya makita. Wala pa naman akong load ngayon kasi kailangan kong magtipid since next week na ang interschool competition, may contributions kami para sa registration kasi food and lodging lang ang inilibre nitong school. Ngayon ko lang ito naranasan kasi sa dating school ko, kapag player ka...free ka sa lahat ng gastusin. Siguro, dahil na rin ito sa nangyari between me and Jenna.

"bro, halika na, kumain na tayo! Tapos ka na bang kumain?" tanong sa akin ni Markus.

"sasabayan ko na lang si Aikka, baka hindi pa iyon kumain" sabi ko.

"papunta ata sa admin building si Aikka kanina, hindi pa ba kayo nagkikita?" sabi nya.

"Hindi. Wala kasi akong load kaya hindi ako makatawag sa kanya. Pupunta na lang ako doon" sabi ko.

"sana lahat may nililigawan!" birong sabi niya.

"naku bro, alam kong wala akong maipagmamalaki sa iyo kaya huwag ka nang masyadong humble dyan" sabi ko naman.

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

Pinuntahan ko na lang si Aikka doon sa admin building, malamang at kinakausap na naman niya si Spade doon. Sana tapos na silang mag-usap pagdating ko doon.

Siguro, mga ilang hakbang na lang ako sa pinto nang marinig ko ang boses nilang dalawa.

"that? ano ba ang tinutukoy mo?"

"that kiss"

"that kiss? its your first time? hindi ako naniniwala"

Teka.

Anong kiss ba ang pinag-uusapan nila. Mas lumapit ako sa pinto para makita ko sila.

"its not my first time kaya napapaisip ako and I want to experience how to be loved... kahit hindi totoo. I wanted to be happy tho' " sabi ni Spade.

"Spade, mas maganda kung ang desire ng puso mo is joy at hindi ang happiness. Alam mo naman ang ibig kong sabihin di ba? Tunay na kasiyahan ang dapat mong hanapin at hindi 'yung panandalian lamang. And that joy, you'll experience it from someone na kayang suklian ang pagmamahal na ibibigay mo para sa taong iyon. Na kaya kang mahalin ng totoo at walang bahid ng pagpapanggap. Well, I guess....Pipirmahan ko na ito para hindi ka na mag-emote dyan."

"you're welcome" sabi ni Aikka tapos may pinirmahan siya.

Iyon ba ang agreement paper nila? Saka iyong kiss, ano iyon?

"Aikka"

Tapos bigla nyang niyakap si Aikka.

Tae.

BAKIT?

Dali akong tumalikod kasi ayokong makita iyon.

Ayokong makita na niyayakap ng ibang lalaki ang nililigawan ko.

Huminga ako ng malalim.

Gusto kong mag-isip ng masasayang bagay ngayon kasi ang bigat ng nararamdaman ko.

Gusto kong isipin na kasama lang iyon sa pagpapanggap nila.

Pero hindi eh...

Ang bawat hakbang na ginagawa ko papalayo sa pinto nitong rooftop ay siya namang tusok na nararamdaman ko sa'king puso.

Ang sakit pala noh kapag 'yung taong mahal mo ay may kasamang iba...

may kausap na iba...

may kayakap na iba...

Ang sakit pala na magmukha kang ewan habang nakikita mo silang magkasama.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko sa plano nila eh kasi natatakot akong maagaw si Aikka sa akin....

Pero dumating na ata ang kinatatakutan ko.....

Tinatanong ko nga ang aking sarili kung aasa pa ba talaga ako ngayon o susuko na lang?

"Nathan! are you okay?" tiningnan ko kung sino iyon. Si Jenna.

Di ko namamalayan na nasa first floor na pala ako ng admin building.

"ah...pasensya na."

Hindi kasi mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina.

"its okay, saan ka ba pupunta ngayon Nathan?" ask ni Jenna habang dala niya ang kanyang mga gamit. Magkasabay na kaming naglalakad ngayon.

"Lalabas na ako"

"palabas na rin kasi ako eh, sabay na tayo, naglunch ka na ba?" ask niya.

"salamat na lang"

"huh? what do you mean, ililibre pa naman kita eh. Don't worry" tapos ngumiti siya.

"Sorry Jenna pero wala ako sa mood para makipagkwentuhan sa iyo."

"bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? is there any problem?" tanong niya.

Hay, ang kulit rin nang isang ito eh.

"Jenna" huminto ako sa paglalakad at kinausap siya ng masinsinan. I don't want to shout on her kaya pinakalma ko muna ang aking sarili.

"bakit?" pagtatakang tanong niya.

"Jenna, makinig ka. May mga bagay na hindi mo na dapat pang alamin. At nangako ako sa iyo na hindi na ako magpapakita pa sa iyo di ba?"

"You know Nathan, naka-move on na ako so okay na. How about you? alam kong hindi ka okay. Spade told me about their plan ...ni Aikka, so.....how did you feel about it?"

Hindi na muna ako umimik kasi hindi ko rin alam ang aking sasabihin.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon.

"I'm so sorry Nathan. Kung alam ko lang na may plan palang ganon ang kapatid ko, isa ako sa unang pipigil sa kanya..kaso late ko nang nalaman and they already had an agreement."

"ayaw ko na munang pag-usapan ang tungkol dyan Jenna" nagsimula na akong maglakad.

"Nathan wait, last question ko na ito at hindi na kita kukulitin pa....why did you agree to their plan? I mean, is Aikka not important to you?"

Umulit ang tanong niya sa isipan ko.

Is Aikka not important to me?

Sa totoo lang ... She is. Mahal ko siya ng sobra kaya gusto ko siyang suportahan sa lahat ng desisyon na ginagawa niya. Gusto ko siyang pasayahin sa abot ng aking makakaya. Kaso, hindi ata ako sapat para sa kanya.....

Kasi....wala naman talaga akong panama sa Spade na iyon eh.

"you already know the answer Jenna that's why hindi ikaw ang pinili ko"

"ouch" narinig ko pang sabi niya.

Hay. Gusto ko sanang kausapin si Aikka ngayon eh, kaso....natatakot ako.

Natatakot akong bigla niyang sabihin sa akin na may napili na siya at hindi ako iyon. Mas gusto ko pa ang umasa kesa ang putulin niya ang pag-asang iyon.