Well, during Math discussion...
Spade was sleeping.
During Science discussion naman, nakatunganga lang siya sa window.
Tapos nung English class naman namin, nilalaro naman niya ang keychain ng bag niya.
Shocks! ang weird talaga niya!
Kaya after ng classes namin, agad akong sumibat at hinanap si bestie.
Siguro, lakad takbo rin ang ginawa ko this time para makatakas lang sa Spade na iyon but..... laking gulat ko nang madatnan ko siya sa hallway na naka-lean lang sa wall. Shocks! how did he do that? I mean, paano niya nagawang maunahan ako dito?
"sinasabi ko na nga ba eh, sinusubukan mo akong takasan!" then agad niya akong nilapitan at hinila papuntang oval.
"hey you! saan mo ba ako balak dalhin? saka anong ginagawa natin dito? di mo ba nararamdaman ang sobrang init ng araw?!"
Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa makalapit kami sa mga lalaking nakaupo sa ground, wearing their soccer uniform.
"bro!..." agad na tumayo yung isa at kinamayan si Spade.
May paformal greetings pa silang nalalaman sa isang ito.
"who's with you?" agad namang tanong nung lalaking medyo mahaba ang buhok with many earrings. Nakatali kasi ang buhok niya kaya kita ko ang mga hikaw sa tenga niya.
"my girlfriend"
Tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa siya eh! Kailangan ba talagang pati sa mga kaibigan niya? Akala ko ba, mga babae lang ang target ng plan namin?
"really?" tapos nakangiting tumingin sa akin ang kaibigan niya, mula ulo hanggang paa. Bah, ano yun, Scanning my body?
"ah...nagbago ka na pala ng taste sa mga babae" agad namang sabi nung guy na nakipagshake hands sa kanya.
Peacock, bastos to ah! Tinapakan niya ang pride ko bilang babae. Porque ba't hindi ako biniyayaan ng malalaki, gaganyanin niya ako.. bugbugin ko kaya ang kumag na ito.
"talaga? napansin mo iyon? haha! ewan ko ba kung bakit siya ang napili ko" dagdag naman nitong Spade.
Naku talaga, humanda siya sa akin!
Haaammmp. (then tinapakan ko ang paa niya)
"a_aray!" napatingin siya sa akin.
"ah..eh..so sorry, naout of balance lang ako, masyado kasing mainit eh, hindi ko na ata kinaya" me with hilo acting.
"bampira ka ba? napakasensitive mo naman sa araw" bulong nya.
"eh anong magagawa ko" me while acting na nahihilo pa din.
Bah, di nya alam, pagdating sa kadramahan, nangunguna ako dyan.
"ah sige bro, alis na muna kami, ipinakilala ko lang siya sa inyo" him.
Haha! sabi ko na nga ba eh, pangbest actress talaga ako. Biruin mo, nauto ko ang isang ito. Bwahaha!
"okay bro, ingat kayo, please take care of her"
Nilingon ko naman kung sino iyon pero na shooks ako kasi kinindatan niya ako then he smiled.
Peacock, akala ko mabait.
"hey!" napalingon ako kay Spade.
"ano na naman?"
"stop doing that" him then he held my hand.
"pake mo ba!" sabi ko naman then tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Shocks!
Pati ba naman sa paglingon ko, papakealaman nya?
"he's my friend at ayaw kong mahawaan mo siya ng ugali mo" him tapos nagmadali na siyang maglakad.
Grrr! coming from him ah.
"ulitin mo nga ang sinabi mo" me.
"tss"
Ang sama talaga ng bunganga nito eh. Magback out kaya ako sa plano niya nang matauhan siya.
"bilisan mo na sa paglalakad at may pupuntahan pa tayo" him.
"saan na naman tayo pupunta? pwede bang hayaan mo muna akong makasama si Elaine ngayon?"
"sira ka ba? sino ba ang boyfriend mo?" him.
Napaisip ako, what kind of question is that?
"ikaw" mahina ko namang sabi.
"oh, ako pala eh, so sa akin ka sasama"
Wow huh.
Hinawakan niya ulit ang kamay ko't hinila na naman papuntang parking lot.
"Peacock naman eh, makahila ka naman, akala mo, aso ang hinihila mo eh" sabi ko while walking.
"ang bagal mo kasing kumilos"
"natural! babae ako, ano bang gusto mo, yung para akong siga kung maglakad?"
"hay naku, tumahimik ka na nga lang dyan. Sumasakit ang ulo ko sa iyo eh."
"so ako pa ang may kasalanan?"
Bwiset siya, baka nakakalimutan niyang walang kami at nagpapanggap lang kami ngayon. Kung makaasta siya eh parang ako pa ang may utang na loob sa kanya huh.
"tsk. huwag ka nang maingay okay at baka may makakita pa sa atin. Saka paano sila maniniwala sa mga ginagawa natin kung ganyan ka?"
"Aba, excuse Mr. Santos, dapat sa sarili mo iyan sinasabi kasi di ba remem_"
"ssshh! kapag nagsalita ka pa ulit, hahalikan na talaga kita dyan"
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa aking narinig. Dali kong itinikom ang aking bibig kasi baka totohanin nya. Peacock, kapag sinabi pa naman ng isang ito, ginagawa nya talaga.
Okay, be calm myself.
Don't open your mouth hangga't wala siyang sinasabi.
"good girl" then he smirked.
Hmp! Kainis, nanalo na naman ang ungas na ito.
Pumasok na kami sa sasakyan niya. Then he started driving.
Siguro, mga 30 minutes pa bago siya nag-initiate magsalita. Ayoko talagang ibuka ang bibig ko kasi baka totohanin nga niya ang sinabi niya sa akin kanina.
"alam mo bang regalo ito ni dad sa akin?"
Tiningnan ko lang siya. Gusto ko sanang sabihing "eh di congrats, may gift ka from your dad!" kaso bawal eh.
"hmm..alam mo bang Aston Martin ang brand nito?"
Tiningnan ko lang ulit siya saglit then ibinaling ko na ang aking tingin sa bintana ng sasakyan.
Tss... of course alam ko naman ang bagay na iyon kasi mahilig din si dad sa mga Aston Martin luxury cars.
"tss. pwede ka nang magsalita" tumingin siya sa akin while smiling.
Naku, naku, yang mga ngiting iyan...hindi talaga maganda ang kutob ko dyan.
"oo na, alam ko namang ayaw mo sa halik ko eh kaya hindi na kita hahalikan. Saka ilang minutes ring nakatikom yang bibig mo kaya malamang, mabaho na ang hininga mo"
"excuse me Mr. Santos, kahit isang araw pa akong hindi magsalita, mabango pa rin ang hininga ko noh!"
"haha! talaga?" him.
"oo, saka wala namang sira ang ngipin ko kaya hindi ako bad breath"
"Yung laway mo naman ang mapapanis eh kasi matagal na nasa bibig mo yun kaya bumabaho"
"bwiset ka talaga Spade, nag-uumpisa ka na naman. Hanggang kailan mo ba ako iinisin ng iinisan huh?"
"Haha!" tuwang-tuwa pa na reaction nya.
Baliw talaga toh, minsan seryoso..minsan naman, masayahin. Weird talaga!
"alam mo natutuwa ako sa iyo, hindi ka pala boring kasama" him.
"at sino naman ang may sabi sa'yo nun?"
"ang alin, yung nakakatuwa or yung boring?"
"pareho"
"actually, marami ang nagsasabing boring ka na kasama"
"tss. kayo talagang mga lalaki, mga chismoso rin pala kayo." me.
"of course, may bibig rin kami noh"
"hmp! whatever. Kung makapagsabi naman sila, akala naman nila..nakasama nila ako ng mahabang panahon" mahinang sabi ko.
"eh paano naman kasi Ms. Montero, lagi kang nakasimangot tapos napakasuplada mo pa, mainitin ang ulo saka...laging may iniisip, para kang may sariling mundo"
"bah, wow huh? bakit, ikaw ba hindi ka rin ganon?" bato ko sa kanya sa mga sinabi niya sa akin.
"Nope, masaya kaya akong kasama..inaantok lang talaga ako sa classroom kaya ayokong makinig ng discussions" him.
"sus, ang sabihin mo, mas gusto mong nasa labas ka palagi kaysa ang pumasok sa academy. Tulad nang ginagawa mo ngayon, dinamay mo pa ako"
"huwag kang mag-alala, you're excused kasi ako ang kasama mo"
"excuse ka dyan, saka bakit sa upuan...ayaw mong may tumabi sa iyo? kung di pa kita tinakot eh di mo papaupuin si Miss Alvarez" me.
After ko iyong sabihin, bigla siyang natahimik kaya after ng convo na iyon, balik serious mode na naman siya.
Siguro narealize niyang tama ang sinabi ko. Heh!