Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 48 - MOMENTS WITH HIM

Chapter 48 - MOMENTS WITH HIM

AIKKA's POV

Parang kanina lang, para kaming mga bata na nag-aagawan sa laruan. But now....we're staring at each other as if the world stops for a moment.

I don't know but right now, naririnig ko ang malakas na pintig ng puso ko.

Para bang habang nakatitig ako sa mga tsinitong mata niya'y dinadala ako ng aking imaginations into something na hindi ko dapat isipin. I mean, isang palaisipang kailanma'y impossible na mangyari at.....ayaw kong mangyari.

Shocks, medyo magulo noh? Bigla kong naisip pero ayaw kong isipin. Really? what is happening to me? Nababaliw na ba ako?

"ah....akin na iyan" dali niyang hinila ang kamay ko at binawi ang phone niya.

"don't worry, as I've said, ipopost ko ito sa social media account ko as part of my plan. After nun, idedelete ko na ito sa phone ko okay?" him.

"make it sure, kasi kapag hindi mo iyon ginawa....kakalbuhin kita" sabi ko.

"oo na" him.

After ng convo na iyon, a moment of silence na naman.

Pinagmasdan ko na lang ang paligid habang pumapatak pa rin ang ulan.

I tried to close my eyes para ifeel ang moment na iyon. Sobrang naa-amaze lang kasi ako sa scenery na ito. Parang gusto ko tuloy'ng magtake din ng pictures kaso naiwan ang bag ko sa kotse. Kunin ko kaya.

"Aikka"

Nagulat ako kasi bigla na lang niya akong inakbayan. Pagtingin ko, nakafront cam na ang cp niya.

"smile" then pinindot na niya ang camera button sa phone niya.

"perfect" him while smiling tapos dali na niyang itinago ang phone niya sa kanyang pocket.

Shocks, di man lang niya ipinakita sa akin.

"uy, ang daya mo, kuha ka ng kuha ng pictures sa akin, ayaw mo namang ipakita."

"sus, baka idelete mo pa" him.

Tiningnan ko ulit siya....at ngayon ko lang napansin na 'yung feature ng face niya, parang hindi Filipino ang dating...para siyang Koreano, I don't know huh pero dahil na rin siguro sa style ng pananamit niya at buhok niya.

"hey..." bigla akong natauhan dahil sa pagpitik niya sa noo ko, pero mahina lang naman kasi kung hindi, gagantihan ko talaga siya.

"bakit ba?" mahinang sabi ko.

"kanina ka pa nakatingin sa akin ah, saka ang sabi ko...babalik na tayo ng school, 3:20 na kaya." him.

"ah.....okay, ikaw naman ang driver eh"

"poging driver" tapos kinindatan niya ako.

Shocks, may pakindat pa siyang nalalaman, umaandar na naman ang pagkamanyak ng isang ito.

"let's go?" him after niyang ipayong sa akin ang kanyang coat.

Hay naku, nageffort pa talaga siya eh mababasa lang rin naman siya.

After a minute, nakapasok na kami sa kotse niya. Tumakbo ba naman kami....lumalakas na kasi 'yung ulan eh kaya hindi na namin hinintay na tumila pa ito kasi baka magabihan lang kami sa daan.

Fast forward....

Nakabalik na kami sa SA.

At peacock, everyone's in shock lalo na't magkasama kami ni Spade this time.

Alam mo iyong sa mga palabas na parang may mga dramatic entrance 'yung mga characters, parang ganoon rin ang nangyayari ngayon.

'Yung mga reactions talaga nila habang naglalakad kami sa hallway, hindi mo talaga maexplain.

Hindi ko alam kung galit ba sila, masaya or mababaliw...basta hindi mo mababasa ang reactions nila kasi hindi rin siguro nila alam kung ano ang magiging reaction nila.

"Oh M, who's that girl?" narinig kong sabi nung isang senior na babae sa gilid ng hallway.

"ay, iba.....iyan na ba ang bagong girlfriend ni Spade?" sabi naman nung nakasalubong namin.

Shocks! Hindi na ba nila ako nakikilala? Ganon na ba talaga kalaki ang pinagbago ng itsura ko ngayon?

Mas nashook tuloy ako, hindi ko alam kung saan ba talaga sila nagugulat, sa transformation ko o dahil sa magkasama kami ni Spade ngayon?

"hey, are you listing now? Kilala mo ba yung lahat na nagreact? I told you, marami sila eh" bulong naman ni Spade sa akin.

"hmp! napakayabang mo, 'yung may mga violent reaction lang ang inililista ko kaya huwag kang masyadong assuming dyan. Hindi kaya lahat ng babae dito sa campus ay may gusto sa iyo" panira ko naman sa confidence niya. Over din kasi ang confidence level niya eh, hindi ko rin mareach.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Buti naman at hindi na siya pumalag. Hmp!

Nasa stairway na kami ngayon at papunta na kami sa aming classroom. Nagkataon namang nakasalubong namin 'yung mga soccer player na friends niya.

"hey bro!" sabi nung nanglait sa akin kanina sa oval.

"Viel" nagkamayan ulit sila.

"wait a minute....." sabi naman nung lalaking kumindat sa akin na akala ko ay mabait.

"why?" Spade.

"she looks familiar, siya ba iyong kasama mo sa oval kanina?"

"Yes Karlos, bakit..is there something wrong with her?" sabi naman ni Spade.

"ah, wala naman" sabi nung Karlos.

"oh really?! ikaw ba 'yung girlfriend ni Spade na ipinakilala niya sa amin kanina?"parang di makapaniwalang ask naman nung Viel.

Hmp, subukan niya lang ulit akong laitin ngayon. Ngangatngatin ko talaga ang kamay niya.

"ah yes, siya iyon bro...i-trineat ko kasi siya kanina kaya medyo nakaayos siya ngayon. But don't worry, stressed lang kasi siya kanina kaya I made something na lang to make her smile" explain naman ni Spade.

"what? something that made her smile, woah bro!! ikaw na talaga! first time ba niya?" sabi naman nung guy with long hair.

Anong first time? Talaga 'tong mga guys, iba na agad ang nasa isip.

Tapos, ngingiti-ngiti lang naman itong si Spade.

"ah..eh, hindi naman iyon katulad sa iniisip nyo guys, and we're too young for that" insert ko naman. Bah! hindi ko kaya hahayaang puro putik na lang ang iisipin nila kapag may kasamang babae itong si Spade. Lalo na pag ako ang kasama niya. Siguro, dapat silang turuan ng leksyon pagdating sa bagay na iyan.

"ahw....okay, okay...alam ko namang medyo mahiyain ka miss eh, so I understand you" sabi ulit nung guy with a long hair.

Peacock, ang kulit naman niya. Sinabi na ngang hindi iyon kagaya sa iniisip nila eh.

"ganito na lang Miss, ikukwento ko na lang sa iyo kung ilang babae na ang napasaya niyang si Spade namin" nakangiti namang sabi nung Viel.

I just rolled my eyes. Attitude na kung may attitude.

Bahala kayo dyan.

Magsama kayo ng Spade n'yo! Pare-parehas talaga kayo ng pag-uugali. Mga womanizer!!!

Dali na akong umakyat papuntang classroom. Hindi ko na hinintay ang Spade na iyon.

(sa classroom)

Nagulat ako ng pumasok ako sa classroom. Kasi super tahimik sa loob eh. Inilibot ko ang aking paningin, wala namang teacher, wala rin namang unusual person dito sa loob, wala rin naman silang ginagawa.

Nakatingin lang sila. Teka, kanino ba sila nakatingin?

Tiningnan ko sila....sa akin pala sila nakatingin.

"wait....what's the matter?" ask ko.

"is that you Miss Montero?" ask naman nung babae na lagi akong binubully sa likod.

"yes? why?" me.

"woah! talaga?" nagulat ako kasi 'yung isang guy sa front seat, nasa gilid ko na.

"tss. nagpaganda pa eh. Saan mo nabili 'yang dress?" tanong naman nung isang babae sa unahan ko.

Hindi ko alam pero, himala huh? hindi sila harsh sa akin ngayon. Ang gaan tuloy sa pakiramdam.

"ah...sa Richline Mall" mahinang sabi ko naman sa kanya.

"woah! bagay sa iyo ang damit. Pwede magpapicture?" ask nung isa ding guy na katabi nung guy na nasa tabi ko.

"ah....eh...."

"ginugulo ka ba ng mga lalaking ito babe?" Spade na kakapasok lang.

Shocks! di ba I told him na, na huwag niya akong tawaging babe?

"p_pasensya na Spade, babalik na kami sa aming upuan" dali namang umalis yung dalawang lalaki na nangungulit din sa akin.

Peacock, ganoon na ba talaga ako kapangit noon para mag-iba ang treatment nila sa akin ngayon. Or just because of Spade kaya medyo, natatakot silang ibully ulit ako? Pati rin kasi si Jenna, tahimik lang sa gilid kahit medyo masama ang tingin niya sa akin kanina.

Umupo na si Spade sa tabi ko. Tapos tiningnan niya ako saglit bago yumuko at natulog.

"hay naku, hindi ka na lang sana pumasok kung matutulog ka rin lang naman" sabi ko sa kanya pero no reaction na siya.

Napagod ata sa mga pinagagawa namin kanina.