Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 50 - HELP FROM THE HOT GENIUS

Chapter 50 - HELP FROM THE HOT GENIUS

Tuesday

Hinanap ko agad si Elaine dala ang phone ni Ms. Campo.

"bestie! buti na lang at nahanap na kita" sabi ko habang papalapit sa kanya. But her reaction tho'..parang nashooks lang.

"wait a sec...bestie! ikaw ba talaga iyan?!!" sabi niya na medyo shocked nga.

"uh...why, something's wrong ba sa suot ko?"

Sinuot ko kasi 'yung binili ni Spade yesterday na long-sleeved, cottony white blouse. May button siya sa may dibdib banda tapos may cute na ribbon. Actually, nagustuhan ko 'yung style ng blouse, bagay siya sa black skirt na suot ko ngayon. Ewan ko lang kung pasado ito sa paningin ni bestie, masyado kasi siyang perfectionist lalo na pagdating sa fashion.

"overall..pwede ka nang maging celebrity!! you're so ganda today ah....inspired ba?"

"h_hindi naman, I got a little treat kasi from Spade" sabi ko.

"huh? really, kahapon ba iyon? kaya ka pala hindi nagpakita sa akin kahapon. Are you guys dating?" panunuksong sabi niya. Alam ko naman kasi na alam niyang part lang iyon sa aming plan.

"baliw, he has a plan nga di ba?...by the way, I charged this phone kagabi but may passcode kaya hindi ko mabuksan" me then iniabot ko sa kanya ang phone.

"ganon?...hmm, alam ko na, may kilala akong tao na kayang buksan ito" Elaine.

"okay, mapapagkatiwalaan ba natin siya?"

"di ba magkaibigan kayo ni Cloud... kaya malamang"

"what! so sa kanya mo pala balak dalhin iyan?" gulat na sabi ko kasi hindi ko rin alam kung mapapagkatiwalaan ang Cloud na iyon. May kaonting doubt din ako sa kanya since matalino siya.

(Di ba usually, 'yung mga taong super intelligent, sila pa yung nagiging psychopath sa mga movies?)

"and you think na he can hack it?"

"yes, may bagay bang hindi magagawa ang lalaking iyon?" then nagsimula na siyang maglakad.

"hey wait, saan ka pupunta... hindi ka ba papasok?"

"oh! hindi ka ba nainform bestie? may meeting ang faculty ngayon since bukas na ang preparation for next week's interschool competition"

"wait! akala ko ba sa Baguio ang venue?"

"hala, sa men's basketball iyon and women's volleyball, lagi kayang nauuna ang dalawang laro na iyon, remember? namimiss mo lang ata ang cousin ko eh kaya nawawala ka na sa sarili mo" her habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"bah, hindi ah! bakit ko naman mamimiss ang lalaking iyon eh di man lang siya nagpaalam sa akin" me habang nakatingin sa daan.

"ases! bakit naman siya magpapaalam aber? bakit may label na ba kayo?" her while smiling.

Oo na, wala kaming label at walang kami. Bahala siya sa buhay niya! hmp!

"tara na nga, hanapin na natin si Cloud. Nasa paligid lang iyon"

Yun na nga, pinuntahan namin siya sa classroom but wala siya, pumunta din kami sa library...wala rin siya, even sa basketball court and sa locker room, we couldn't find him.

"pumasok ba talaga siya? malamang hindi... kasi kung may makakaalam na walang pasok ngayon, of course, nangunguna siya doon." me answering my own question.

"oo nga noh, ba't ngayon ko lang iyon naisip?" sabi ni Elaine.

"wait, do you have his number?" her.

Number? Meroon ba? Teka lang, aalalahanin ko muna.

"ah, 'yung papel! yes I have! andito lang iyon sa notebook ko eh, nakaipit" dali kong kinuha ang aking notebook at hinanap yung papel na napulot ko during our last conversation. Then, I found it.

"wow huh, how lucky you are!, dali, tawagan mo na siya!" tila excited pang reaction ni Elaine.

Then I dialed his number. Siguro, mga tatlong beses ko iyong ginawa bago niya sagutin ang tawag ko sa kanya.

"nasa bahay niya daw siya ngayon." sabi ko kay Elaine after kong iexplain kay Cloud ang pakay namin.

"then, puntahan na natin siya sa bahay nila" nakangiting sabi ni Elaine.

"are you sure? wala ka na bang ibang kakilalang hacker na mapapagkatiwalaan natin?"

"hmmm....marami akong kakilalang hacker but none of them are trustworthy" her.

I sighed.

"so, pupuntahan na natin siya?" Elaine.

Ewan ko ba, may gusto ba siya kay Cloud at gustung-gusto niya itong makita?

"sige na nga. Ang kaso, I don't know his address eh" me.

"madali lang iyan" dali niyang kinuha ang phone niya't nagtype.

"what are you doing?" me.

"I got it, nasa Beverly Hills siya, 30 minutes lang ang byahe nun from here" her tapos hinila na niya ako papuntang parking lot.

Shocks! how did she get his address?

"teka nga lang, sigurado ka ba dyan? saka paano mo naman nakuha ang address na iyan?"

"bestie, nakalimutan mo na bang sikat ang taong iyon. Hello, He's Mr. Cloud Ramirez, ang top 1 ng Santos Academy... kaya malamang, nasa website ang personal information niya."

"really? so public figure pala ang identity niya?" me.

"He's like a celebrity.. in short."

Sumakay na kami sa sasakyan niya then pinuntahan namin si Cloud sa Beverly Hills.

Nagtanung-tanong kami sa mga girls doon hanggang sa matunton namin ang exact location ng bahay nila.

"nice, ang ganda ng bahay nila. Parang ang comfy tingnan." reaction ko ng huminto kami sa tapat ng bahay nila.

"tara na bestie, magdoor bell na tayo" bumaba na si Elaine at sumunod naman ako.

Before pa man kami magdoorbell, bumukas na ang gate nila. Then nakita namin si Cloud na nakapolo shirt na black tapos naka shorts lang. First time ko siyang makita na hindi nakauniform haha!

"what are you doing here?" nakasimangot na bungad niya sa amin.

"ah...eh...di ba inexplain na sa iyo ni Aikka na we need your help for this" tapos tinapik ako ni Elaine kaya agad kong inilabas ang phone ni Miss Campo.

"eto iyon"

"tss. come inside" tapos nagsimula na siyang maglakad.

As if naman na hindi niya kami ine-expect noh? Kanina pa nga ata naghihintay ang Cloud na iyon sa gate nila eh.

Sumunod lang kami sa kanya papasok ng bahay nila. Nakasalubong namin 'yung maid nila at nagbigay galang sila sa amin. Dirediretso lang si Spade sa taas kaya sumunod lang kami sa kanya hanggang sa napansin namin na papasok na siya sa kwarto niya.

"hey, anong ginagawa nyo dito? just wait me doon sa baba at magbibihis lang ako okay?" him.

Nagkatinginan lang kami ni Elaine, di kasi siya nagsasalita eh. Bumaba kami at umupo muna sa sofa nila doon. Inilibot ko ang aking paningin sa living room nila, napansin ko lang na masyadong malawak ang space sa living room nila..I mean, kaonti lang kasi ang mga gamit and decorations. Hindi ata mahilig ang family nila sa mga palamuti, super simple lang sa loob pero refreshing naman since maaliwalas dito at magandang tingnan ang landscaping nila sa labas.

"bestie, ngayon ko lang narealize na ang hot pala ni Cloud"

Shocks.....akala ko naman kung anong mahalagang sasabihin ni bestie, iyon lang pala.

"mas pogi pala siya kapag hindi siya nakaeyeglasses, feeling ko magpapalit na ako mg crush" bulong niya sa akin.

"baliw" sabi ko naman.

Ilang saglit pa, bumaba na si Cloud with his laptop. Nakatrousers na siya this time and eyeglasses.

"asaan na ang phone?" him tapos umupo siya sa kabilang sofa at inilapag ang laptop niya sa small glass table sa gitna.

"here" iniabot ko sa kanya yung phone.

"how did you get this?" him habang nagtatype sa laptop niya.

"ah..kagabi, pumunta kami sa apartment niya" sabi ko.

"sa Northwoods?" tapos tiningnan niya kaming dalawa.

"yes, bakit?" sabi naman ni Elaine.

"hindi nyo ba alam na delikado ang ginawa n'yo saka hindi ba kayo nagbabasa ng signage?" him.

"nagbabasa...but we don't care. Mas importanteng masolve namin ang case ni Miss Campo" I said.

Nang sabihin ko iyon, napatigil siya sa pagta-type.

"closed na ang case. Why are you still doing this?" ask niya.

"Shocks, alam kong alam mong hindi suicide ang dahilan ng pagkamatay ni Miss Campo" me.

"yes I know, but you must be more careful...hindi yung basta-basta na lang kayong gumagawa ng hakbang without a plan"

"eh kung nakipagcooperate ka lang kay bestie, it would be easier" sabi naman ni Elaine.

Nagsmirk lang siya tapos nagpatuloy na on what he is doing.

Hmp! eto ang main reason kung bakit ayaw kong humiling ng tulong sa Cloud na ito eh..masyado niya akong minamaliit.

"its done" tapos iniabot niya sa akin ang phone.

"really? tingnan mo ang inbox niya" sabi naman ni Elaine.

Dali kong inopen ang inbox n'ya but walang laman.

"do you think na basta na lang iyan iiwan doon if may something na you can use against them like the messages? hindi nyo ba inisip na baka binura na iyan ng killer?"

"huh? how kung may password?" ask naman ni Elaine.

Ngumiti lang si Cloud.

"so you mean, sinadya talaga iyong iwan doon?" me.

"yes and hindi nyo ba naisip na pwede kayong itrace gamit ang phone na iyan?" dali niyang kinuha ang phone tapos he's starting to reprogram it.

"Naku Bestie, ibig sabihin ba nyan na alam na nila ang location ng bahay mo?" worried na sabi ni Elaine.

"kung talagang sinadya iyon.....ibig sabihin, bangkay na nang dalhin sa apartment si Miss Campo saka lang nila isinet-up ang lahat"

"tama ka Miss Montero" sabi ni Cloud.

"so, is there something na pwede nating magawa to know if sino ang huling taong nameet niya before ang incident?" me.

"if may kakilala kang taga- Intelligence Agency or Telecom na pwedeng icheck ang conversation ng number na ito sa main server, the day before the incident." him.

"hindi mo ba pwedeng iretrieve ang mga nadelete na conversation?" Elaine.

"that's what I'm trying to do this time kaya medyo matatagalan pa bago ko masagot ang tanong mo." him tapos sumandal siya sa kanyang sofa.

"okay, we're willing naman to wait eh." sabi ni Elaine.

"pwede naman kayong bumalik dito after lunch, tatawagan ko na lang kayo" him tapos tumayo na siya dala ang phone at laptop.

"hep hep...nope..hindi pwede, maghihintay kami dito kaya dito lang iyan at dito ka lang" me.

Heh..akala niya maiisahan niya kami? Not this time.

"tss. okay fine" tapos inilapag niya ulit ang laptop at phone sa lamesa.

"akala mo huh, kahit na genius ka..hindi naman kami idiot para maisahan mo" Elaine while smiling.

"bahala kayo dyan. Magpahanda na lang kayo kay manang ng lunch mamaya, matutulog na muna ako" then he stood up at umakyat na sa taas.

"ano ba iyan, hindi man lang ba niya tayo ie-entertain bilang guest niya dito? Oh M..he's so cold hearted....,....pero type ko rin ang mga ganoong guys" Elaine.

Hindi ko alam kung magrereact ba ako sa sinabi niya o hindi eh kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas.