Chereads / TELL ME YOUR NAME (Filipino) / Chapter 34 - REAL HAPPINESS

Chapter 34 - REAL HAPPINESS

AIKKA's POV

"sino ang Miss 3184 na iyan?" ask ni Nathan. Lagi ko na lang siyang pinag-aalala kaya balak ko sanang hindi na lang sabihin sa kanya eh kaso andito na..I have no choice but to tell him everything.

"I don't know pero may alam akong isang tao na kayang sagutin ang tanong mo" me.

"sino?"

"yung bestfriend ko dati, si Abby Francisco"

"bestfriend mo? dati?" tanong ni Nathan na parang nagulat ng kaonti.

"oo at hindi ko pa sinasabi sa iyo ang about doon" me habang naglalakad na kami papuntang hallway.

"can you tell me more about her?" him.

Okay, paano ba ako mag-uumpisa?

"noong mga bata pa kami, magkakapit-bahay lang kami ni Abby at yung isa ko pang matalik na kaibigan, si Lawrence"

"Lawrence? anong section nila dito?" ask niya.

"actually, section C si Abby and si Lawrence, matagal na siyang wala. He got into an accident"

"ah, sorry Aikka, hindi ko alam." medyo nalungkot siya for me.

"no it's okay. Kaming tatlo ay sobrang close talaga, both of them ay naging part na ng family namin. Minsan, natutulog kami sa bahay ng isa't-isa, especially noong freshmen pa kami. We also travelled to different places with their moms kasi si dad, busy sa company. We've been to Israel, Paris, and ang last travel goals naming magkakaibigan ay sa Jeju Island. After nun, iniwan na kami ni Lawrence. And ako ang sinisisi ni Abby sa pagkawala ni Lawrence at.... pinagsisisihan ko rin naman iyon, (sigh) if I could just go back in time..aayusin ko ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon"

"Aikka, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ikaw ang sinisisi nya o kung ayaw mo mang sabihin, pero naniniwala akong hindi mo ginusto ang nangyari. Aikka, ang bawat isa sa atin ay talaga namang gumagawa ng mga desisyon sa buhay pero pinahihintulutan naman ng panahon na mangyari iyon dahil may rason. Kaya huwag mong sisihin ang iyong sarili kasi walang may gusto sa nangyari" comfort niya sa akin.

"kaya....kausapin natin si Abby ngayon kasi naniniwala akong maaayos niyo pa ang gusot nga pagkakaibigan ninyo."

"Nathan, yun sana ang gusto kong mangyari pero hindi iyon magiging madali, si Abby ang isa sa nagtangka sa buhay ko, andoon siya sa SA noong time na iyon based sa investigation ng tauhan ni dad. At itong letter na ito, na galing kay Miss 3184, ay isa sa accomplices niya. I saw her giving a letter to Spade na galing rin kay Miss 3184 that's why, I really need to talk to her and ask her why she's doing it. Ibang-iba na kasi siya sa dating Abby na nakilala ko."

"kung ano man ang meron kayo ni Abby ngayon, ano man ang maging desisyon mo Aikka, susuportahan kita, lagi mo iyong tatandaan" him.

"thank you Nathan"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad para hindi ako malate sa aming class.. when somebody threw things at us.

"bagay yan sa iyo! malandi!" narinig kong sigaw nung babae na malapit sa hagdan papasok ng hallway. She's with her friends ata na may dala na kung anu-ano at patuloy akong pinagbabato.

They're here again, hindi talaga nila ako titigilan.

"Aikka" niyakap ako bigla ni Nathan dahil doon.

"Nathan, stay away from me, masasaktan ka" me.

"huwag kang mag-alala Aikka, ayos lang ako" ramdam ko pa rin ang mainit na yakap niya sa akin. Para bang kahit sa gitna ng pambubully ng mga babae dito, unti-unti ko iyong nawawaglit sa akin isipan. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kaming dalawa lang na magkayakap, sa kabila ng mga students who were trying to hurt us.

"Aikka...." mahinang sabi ni Nathan.

"ano iyon?" me then I looked him at his eyes.

"I love you"him.

Me.

O_____________________O

(blush ng sobra kahit nababato na)

Tapos hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami papalayo sa kanila.

Para tuloy kaming nasa story books ng mga bata na itinatakas ang prinsesa ng kanyang knight in shining armor para dalhin sa kung saan.

Shocks! I don't know what to do, maiihi ba ako o mapu-pupu?

Patuloy pa rin kami sa pagtakbo hanggang sa makarating na kami sa oval.

"Nasaktan ka ba Aikka?" him. Tapos napansin kong may kaonting dugo sa pisngi niya. Dahil siguro iyon sa bottled water na ibinato sa amin kanina. Medyo basa nga kami this time eh. Kapag hindi talaga ako nakapagpigil, tuturuan ko ng leksyon ang mga girls na iyon.

"Nasugatan ka Nathan, ako dapat ang magtanong nyan sa iyo" me.

"sugat? saan banda?" him.

"sa may pisngi mo, wait lang" kinuha ko ang bandaid sa bag ko, buti na lang at lagi akong may dala nito. Alam ko naman kasing magagamit at magagamit ko rin ito, lalo na't napakaviolent ng mga students dito.

Dahan-dahan ko iyong inilagay sa pisngi niya.

"Yan, para hindi mainfect" me. After ko iyong gawin, ngumiti siya kaya nagtaka ako. Matapos kasi siyang masaktan, nakukuha nya pa ring ngumiti. Hindi kaya naalog ng kaonti ang ulo nya? Naku, humanda talaga sa akin ang mga babaeng iyon!

"Alam mo Aikka, sobrang saya ko dahil binigyan mo ako ng pagkakataong makilala ka kahit na ...alam mong..... mahirap lang kami" him.

Shocks Nathan, hindi naman pera ang basehan ko in choosing a guy ah.

"Nathan, huwag mong maliitin ang iyong sarili. Hindi ibig sabihin na mahirap ka eh bababa na ang confidence mo sa sarili mo. Always remember Nathan na hindi kayang bilhin ng pera ang lahat dito sa mundo. Hindi kayang bilhin ng pera ang real happiness ng isang tao" sabi ko.

Iyan din kasi ang narealized ko after ng mga happenings sa life ko. I almost have everything when it comes to material things, yet...I'm not happy with my life until I met my new friends, Elaine and him. And they are so special to me aside from my family.

"Masaya ako dahil napapasaya kita Aikka" he pat my head.

Nang mga sandaling iyon, bigla na lang sumagi sa isipan ko si Spade. Shocks! may usapan nga pala kami na magkikita ngayon. Andito pa naman sa bag ko ang agreement.

"ah, Nathan, I forgot na sabihin sa'yo"

"ang alin?"

"magkikita kami ni Spade ngayon, about ito sa magiging agreement namin para na rin hindi maulit 'yung nangyari kanina sa coffee shop"

"eh pano yung klase mo?"

"didiretso na lang ako doon after ng pag-uusap namin ni Spade"

"okay, magkita na lang tayo mamayang hapon sa classroom nyo, susunduin kita"

"siguro Nathan, naisip kong huwag muna tayong magkita in public kasi ayokong pati ikaw madamay, because of me. And I just realized na it would be better para mas maging effective ang plan ni Spade. Para matahimik na rin itong SA kahit papaano" me.

Nang sabihin ko iyon, ramdam kong nalungkot siya. Mahirap but he needs to do it because I don't want him to be hurt.

Tumango na lang siya tapos ginulu-gulo ang buhok ko. After nun, we parted ways. Pinuntahan ko na si Spade.