Ang susunod ninyong mababasa ay hango sa mga karanasan ng mga kakilala ko. Ang mga pangalan at pangyayari ay sinadyang kong ibahin upang maitago ang tunay na katuahan ng nagbagi sa akin. Nawa'y unawain niyo at dahan-dahanin nating alamin ang misteryo sa likod ng pamagat na ito…
HINDI LUBOS akalain ni Albert na sila'y mabibiyayaan ng bagong bahay. Sila'y nakikitira lamang sa isang bahay na binabayaran. Ngunit ngayo'y nanalo sa lotto ang kanyang Inay ay bumili agad ito ng lupang may nakatirik na bahay.
Hindi naman ito masyadong mahal, ang mga natirang pera sa panalo ng kanyang Inay ay ipang-aaral sa kanyang kapatid na si Loisa. Malapit na kasi itong matapos sa elementarya kaya ganoon nalang ang kasiyahang ipinapakita ng kanyang Inay.
" Nay, saan po kayo pupunta?" tanong ni Albert.
Napatagil muna ang kanilang Inay sa pagaayos, bumaling ito sa kanya. Pinagmasdan niya ang mata ng kanyang Inay. May lungkot at paghihinagpis ang kinikubli nito.
" Albert, kailangan kong magtrabaho, para sa inyo naman itong ginagawa ko. Tandaan mo na hindi tayo matitinag, kahit wala na ang Itay mo. Tandaan mong malakas tayo at matatag tayo na kahit anong balakid sa buhay ay kaya nating harapin ng sama-sama." piyok ang boses ng kanyang Inay. Hindi na niya napansin ang mga luhang nag-uunahan sa kanyang mukha bagkus ay niyakap niya ito nang mahigpit.
Alam ni Albert ang pinagdaanan ng kanyang Inay, sariwa pa sa kanyang alaala ang sinapit nilang mag-ina nang makumpirma nilang lulong sa droga ang kanilang haligi ng tahanan.
Mga pasa at masasakit na salita ang nagsilbing peklat sa kanilang puso, maging sa kanyang Inay ay hindi ito naawa. Minsa'y umuwi ang kanyang ama na lasing, halos magunaw ang mundo ni Albert dahil wala itong nagawa sa mga oras na sinasaktan niya ang kanyang Inay.
Mga palahaw ng Inay ang naging alerto niya upang maiyak sa sinapit ng kanyang Inay. Kitang-kita ng dalawa niyang mata ang walang sawang pagbububog ng kanyang Ama.
Napapailing at napapatakip nalang siya sa bawat salita at tangis na kanyang naririnig. Binalak na sana nilang iwanan ang hayop nilang Ama ngunit nanaig ang awa sa kanyang Inay, pinatawad niya ito.
Ngunit isa pala maling desisyon ang ginawa ng kanyang Inay. Dahil nang sumunod na gabi ay nakarinig siyang muli ng palahaw pero iba na ito, hindi na ang kanyang Inay ang gumagawa ng tunog na ito kundi ang kapatid niyang si Loisa.
Halos sumabog at mamula ang kanyang mukha sa kanyang nasaksihan. Ginagalaw ng sarili niyang Ama ang kapatid niyang babae!
Isa lang ang tumatak sa kanyang isipan. Halal ang kaluluwa ng tinuturing nilang Ama, noong una'y ay pinagbubugbog ang kanyang Inay at ngayo'y minomolestiya ang sarili niyang kapatid!
Hindi na nakatiis si Albert at agad niya itong isinumbong sa pulisya. Magmula noon ay hindi na niya ituturing bilang isang kadugo ang kanyang Ama.
"Sige, Albert ako'y aalis na. Ingatan mong mabuti ang kapatid mo, mag-aral kayong mabuti ha?" Inilapat ng kanyang Inay ang kamay nito sa kanyang ulo kasabay ng paggulo niya nito.
Tumango nalang siya rito at pinasadahan niya ng tingin ang kanyang Inay hanggang sa umalis ito ng kanilang bahay.
Samantala…
Habang abala si Albert sa gawain ay napansin niya ang kanyang kapatid na si Loisa. Papungay-pungay ito habang lumalakad patungo sa isa sa mga upuan sa sala.
Bakas sa mga mata nito ang kalungkutan at sakit. Hindi nga sila namatayan ng magulang ngunit iniwan sila ng kanilang Inay.
Siguro dahil hindi niya mahagilap ang kanyang Inay kaya ganoon nalang ang lungkot niya. Sa mga oras na aalis na ang kanilang Mommy ay tulog pa siya sa mga oras na iyon, grabe kasi ang ang biyahe papunta rito sa bagong bahay na tiitirahan nila.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Loisa ay kaya pumunta sa ibang bansa ang kanilang Inay ay dahil sa pag-aaral nilang dalawa ng kuya niya.
Napapitlag bigla si Loisa matapos niyang maramdaman ang yapos ng kanyang kuya.
"Loisa, hindi niya tayo iniwan. Tandaan mo 'yan, umalis lang siya para sa ikabubuti natin. Para makamit ang ating mga pangarap." seryoso niyang saad.
Inilapat ni Loisa ang kanyang dalawang kamay sa mga braso ng kanyang kuya at napatingala sa malayo. "Sana nga, kuya…sana nga."
"Tama na nga itong drama natin. Malapit nang magpasko at bakit ganito pa ang ipanapakita natin. Mamaya magalit si Santa at baka hindi niya tayo bigyan ng regalo 'yan, sige ka!." sarkastikong wika ni Albert.
May mga luhang namumuo sa mga mata ni Albert ngunit napawi naman iyon ng katuwaan nakita niya sa kanyang kapatid.
Hindi niya nalang napansin na nasa senaryo na sila ng kasiyahan.
Nang kagabihan ay naghanda ng maraming putahe si Albert. Merong chicken joy, tinola, adobo, cake at iba pa. Isa na siguro ito sa pasasalamat nila sa Poong Maykapal dahil nagkaroon na sila ng bagong titirahan.
Pagkatapos nun ay nanood silang dalawa ng kanyang kapatid. Nang bigla nalang nagpatay-sindi ang ilaw.
Napahawak nalang ang kapatid ni Albert sa braso nito. Halos maihi na ito sa kabang bumabalot sa kanya.
Hinaplos niya ang kanyang kapatid upang pakalmahin ngunit pati siya'y dinadapuan na rin ng kakaibang takot. Hindi niya alam pero ang alam niya'y bago lang ang bahay na kinaroroonan nila.
Bakit bigla nalang napundi ang ilaw samantalang bago lahat ng materyales dito? Posible bang…. Hindi… hindi! Nagsisimula nalang siyang bumuo ng ideya sa kanyang isipan, napailing nalang siya matapos niyang isipin na isa ito sa mga kagagawan ng isang multo o espiritu.
Inaamin niyang nakakaita siya ng mga bagay na limitadong nakikita ng ibang tao. Meron siyang Third eye! Ngunit itinuturing niya itong sumpa dahil isa ito mga sanhi ng paglayo sa kanya ng mga kaibigan nito.
Isa itong sumpa para sa kanya…sumpa dahil sa ibinibigay nitong kamalasan sa buhay niya.
"H-huwag kang magalala, Loisa. Nandito lang ako." wika nito. Pinapalakas niya ang sarili niya upang hindi makaramdam ng takot ang kanyang kapatid.
Ngunit bigla nalang siyang nakaramdam ng pangamba at takot na naranasan niya ulit iyon. Binalot ng kadiliman ang buong bahay nila. PAANO NA ITO, TAKOT PA NAMAN SIYA SA DILIM!
"Kaasar naman bakit naman kasi ngayon pa nag-brownout!" padabog niyang sinabi.
Dumungaw siya sa kanilang bintana at nakita niya ang kumpol-kumpol na mga tao. Nakita niya ang isang poste na natumba at mukhang may kung anong pumutok doon.
"Loisa, rito ka lang. Kukuha lang ako ng kandila." utos niya na tinanguan naman ng kanyang kapatid.
Ang kandila ang nagsilbing ilaw sa magdamagan nilang gabi. Nakaramdam na si Albert ng mga pawis na unti-unting duma-rami sa kanyang katawan. Kaya nama'y binuksan niya ang bintana sa kanilang bahay.
Sa mga oras din na iyon ay pinatulog niya na ang kanyang kapatid, tutal magkatabi naman sila nang higaan. Nagkwento muna siya ng storya bago niya ito mapatulog.
Patulog na sana siya nang may napansin siyang isang anino.
Anino ng isang bata?
Nang kusotin niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang tunay na katuahan ng bata. Sa tansya niya ay nasa edad siyam o sampu ito, walang kahit anong saplot sa paa at ang nagpanindig ng kanyang balahibo ay ang ngiti nitong nakakaloko. Halos mabalot ng takot at pangamba naman siya matapos niyang makita ang mga mata ng bata.
Nanlilisik ito at parang may planong lamunin ito nang buhay. Nagtalukbong kaagad siya ng kumot ngunit bigla nalang bumukas ang pintuan sa kanilang kwarto.
Bakit bumukas ang pinto samantalang sinigurado ko itong i-lock bago ako matulog? Bakit! Gulong-gulo na ang kanyang isip sa kakatanong.
Nagsisimulang luminga-linga ng kanyang paningin, napalunok siyang bigla matapos niyang maaninag ang pigura ng isang matanngkad na lalaki, tulad din ng bata ay nakangiti rin ito na kinabigla niya rin.
Tagaktak na ang pawis ni Albert matapos ipikit ang kanyang mga mata at igalaw ang kanyang paningin patungo sa kisame.
"Papatayin ko ka'yo!!! Papatayin ko kayo!!!" Ang tinig na iyon ang dahilan kong bakit niya naimulat ang kanyang mata.
Nakaramdam siya sa kanyang mukha ng parang isang likido. Hinaplos niya ang kanyang mukha at halos maduwal siya matapos niyang makumpirma na hindi lang iyon isang tubig dahil isa iyong— DUGO!
Tumingin siya sa kanyang kapatid dahil kanina niya pa ito kinakalabit upang magising ngunit nakumpirma niyang patay na ito. Wakwak ang kanyang dibdib!
Napabalikwas siya nang bangon dahil din sa dugong dumadaloy sa kanyang mukha. Nandilim ang kanyang dahil na rin sa hindi na niya kinaya pa ang kanyang nasaksihan.
….
Sapong-sapo si Albert habang hawak-hawak niya ang kanyang dibdib. Isa lang pala iyong panaginip mukhang nasa biyahe sila papunta sa lugar na hindi niya gaanong alam.
"Loisa, sampalin mo nga ako!" utos nito.
Nangunot ang noo ito. "Kuya, ayos ka lang?"
"Loisa, gawin mo na sabi, hindi ako magagalit!"
Napapapikit nalang siya nang mapangiwi siya sa sakit matapos niyang maramdaman ang hapdi dahil na rin sa pagdapo ng kamay ng kanyang kapatid.
Nakahinga siya nang maluwag matapos niyang makumpirma na panaginip lamang iyon.
Napasandal siya sa gilid ng bintana nang bigla itong magtaka. "Nay, bakit nandito ka? Akala ko nasa—"
"Bakit, Albert hindi mo ba alam na nanalo ako sa Lotto at papunta tayo ngayon sa bagong bahay na binili ko!" mahaba nitong litanya.
Bagong Bahay… Bagong Bahay?
Nakaramdam siya nang pagkahilo matapos niyang marinig ang alingawngaw na iyon.