Chereads / Takot sa Dilim / Chapter 6 - REPLEKSYON (BASED ON A TRUE STORY)

Chapter 6 - REPLEKSYON (BASED ON A TRUE STORY)

Itatago ko po ang pangalan ng nagbahagi sa akin ng storyang ito sa pangalang Abigail.

Nangyari ang makapaninding balahibo na karanasan sa akin nu'ng Hayskul pa lamang ako.

"Abigail, anong sagot sa number 5?" Hindi ko alam, pero lahat nalang ng bagay ay i-aasa sa 'kin ng mga kaibigan ko.

Malapit na akong mag-Kolehiyo pero pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa mga pagsusulit na binibigay ng aming guro. Narinig ko ang mga usapan ng mga graduate rito. Mas mahirap daw ang kolehiyo, lahat ng klase ng tao ay makikilala mo.

"Siguradong bagsak na naman ako sa subject na ito." Nagsisimula nang bumuo ng konklusyon ang utak ko.

Hindi sa hindi ako naghalungkat ng aking mga notes upang magreview at magpatubo ng mga malalaking eyebags. Kaya hindi ko kayang masagutan ang mga tanong sa pagsusulit na ito kundi dahil nakakabanyo na ako.

"Number 6. What is the function of our arteries?" nagsisimula na ulit magtanong ang striktong guro namin. Bakit kasi hindi na ako nag-CR sa bahay namin, eh.

Pakiramdam ko'y puputok na ang pantog ko. Kaya nama'y napilitan na akong magpaalam at mag-CR.

MANGAHUS-NGAHUS akong pumasok sa isa sa mga cubicle. Pero hindi ko matandaan ko saang Cr ito dahil na din sa taranta ko kaya hindi ko na napansin kong saan ito?

Nakaramdam ako ng takot dahil ayaw umilaw ng ilaw sa banyong aking ginagamit TAKOT PA NAMAN AKO SA DILIM. Mabuti nalang at may butas akong nakita. Habang ako'y Nagc-Cr ay nakaramdam ako ng lamig sa aking kinauupuan. Hindi ko alam pero butas lang naman ang nagsisilbing daluyan ng hangin dito. Pero, ewan ko parang may mali?

Dahil sa kyuryosidad ko ay napasilip ulit ako sa butas. Napatigil ako sa pag-ihi matapos kong makita ang isang repleksyon ng babae sa floor tiles. Nakatayo lang ito at nakayuko. Hindi ko alam pero nagsimulang magtayuan ang balahibo sa aking katawan. Dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko ay agad akong lumabas sa Cr.

Pagkapasok ko sa klasrum ay kaagad kong tinanong sa mga kaibigan ko kung may nakita rin silang babae roon sa Cr. Nagsimula nang muling magsitayuan ang balahibo ko matapos silang magkatinginan. May kung anong tanong ang nabuo sa aking isip. Paano nga ba kung nakakakita nga ako ng multo? Masama ba iyon? May maidudulot ba sa akin na kapahamakan iyon?

"Oo." Sa mga salitang binitiwan nila ay nadoble na ang takot ko. Ngayo'y nanlambot na ang aking mga tuhod at napagdesiyunan ko na hindi na muli ako pupunta roon.