BAKAS sa kanyang mukha ang kagalakan at kasiyahan matapos niyang mabalitaan na lilipat na siya ng eskwelahan. Sawang-sawa na siya sa pagtuturo ng kanyang guro sa dating niyang pinapasukan at ayaw niya na ring balikan ang masasakit at mapapait na alaala, iyan ang dahilan kaya siya nilipat sa eskwelehan na ito.
Si Dann De Leon ay isang grade six student. Magtatapos na sana siya nang ilipat siya sa isang pribadong eskwelahan. Napagalaman ng kanyang pamilya na siya'y sinasaktan, nilalait at mimimolestya ng kanyang kamag-aral sa dati niyang pinapasukan.
Napagdesisyunan nilang ilipat siya upang makapag-aral siya ng mabuti. Si Ate Joyce niya ang nagrekomenda nitong papasukan niya. Tutal bawas pamasahe na rin dahil mga ilang distansya lang ito sa kanilang bahay.
"Hello?"
"O, Dann, nandyan kana ba sa eskwelehan mo?" Bakas sa boses ng kanyang ate ang pagaalala. Sila lang kasi ang tanging anak ng kanilang Mommy at Daddy.
"Ate, opo nandito na po ako sa harap ng Saint Therese School (hindi tunay na pangalan). Maraming salamat, ate. Utang ko sa'yo kung bakit ako nandito ngayon." Mapapansin maaliwalas ang mga salitang lumalabas sa kanya.
Lubos ang kanyang pasasalamat dahil kung hindi dahil sa kanyang ate ay hindi malalaman ng kanilang pamilya na inaabuso na pala siya.
"Wala iyon, ano ka ba. Kaya nga tayo magkapatid e, nagdadamayan," tugon kasabay ng paghagikhik niya dahilan upang magtawanan silang dalawa sa magkabilang linya.
Nang tumigil silang isa't-isa ay may ibinilin ang kanyang ate. "Dann, huwag ka palang pupunta o 'di kaya'y sumilip doon sa Section 13."
"Ano po, ate?" kunot-noo niyang tanong.
Nakonsuma niya na pala ang load para sa pantawag. Hindi niya gaanong naintindihan ang gustong ipahiwatig ng kanyang ate. Ang tangi niya lang narinig ay ang "Section13".
Ano nga ba ang meron sa Section na iyon? Bakit binibilinan siya ng kanyang ate? Nagsisimulang bumuo ng mga konklusyon ang kanyang utak. Hindi niya alam pero sa mga oras na iyon ay naging interesado siya sa Section na iyon.
Muntik-mutikan na siyang atakihin sa puso matapos tumunog ang bell. Hudyat iyon upang magsibalikan na ang lahat sa kanilang mga klasrum.
Mga ilang oras din ang naging diskuyson ng kanyang guro matapos silang idismiss. Kasama ni Dann ang isa sa mga naging matalik niyang kaibigan. Si Ace Hoshimaki na walang ibang gawin kundi magpatawa at magkwento ng mga nakakatakot na bagay.
Siguradong magagabihan sila dahil na rin sila ang unang maglilinis ngayon ng kanilang klasrum.
Pero matagal pa naman ang gabi kaya nama'y hindi maatim ni Dann na tanungin ang kanyang kaibigan kung ano nga ba ang meron sa Section 13.
"Bro, may itatanong ako sa'yo. Pwede ba?"
Nasa loob sila ng kainan sa kanilang paaralan. Pinapalibutan ito ng mga iba't-ibang masasarap na pagkain na abot kaya ng mga mag-aaral dito.
Binuksan muna niya ang chichirya na kanyang binili. Tumango nalang siya habang kumukuha ng makakain sa kanyang hawak na plastic.
"Ano bang kwento ng Section 13? Bakit inabandona na ito ng ating paaralan?" tanong niya.
Bigla na lamang tumigil si Ace at tiningnan nang walang emosyon si Dann. Nagtaka naman kung bakit hindi masagot ng kanyang kaibigan ang katanungan na kanyang binato.
Nakita niya nalang itong umiling na ibig sabihin ay hindi niya alam. Bakit hindi niya alam ang tungkol sa Section na iyon? Ngunit matagal na siyang namamalagi sa paaralan na ito pero bakit ni isang pirasong impormasyon ay wala siyang maibigay sa kaibigan niyang Dann?
Napatingin nalang si Dann doon sa tinutukoy niyang section. May naaninag siyang isang babaeng nakaputing bestida, nakayuko ito. Dahan-dahan naman itong tumingin sa kanya at ngumiti.
Hindi niya alam pero sa mga oras na iyon ay nanindig ang kanyang balahibo. Hapon na pero bakit ganoon nalang ang kanyang nararamdaman?
"O, Bro ayos ka lang?"
Natuon ang kanyang pansin kay Ace. Sa wakas matapos ang ilang oras na kanyang paghihintay, nagsalita na rin siya.
"Maglinis na tayo, malapit nang gumabi," aya nito.
Habang naglilinis sila ay hindi mawaksi sa isipan ni Dann ang babaeng kanyang nakita. Matapos ang ilang oras na paglilinis ni Dann ay nakaramdam siya ng kung anong lamig na dumampi sa kanyang katawan.
Sinabi niya kay Ace na samahan niya muna siya dahil alas sais na rin ng gabi. May takot pa naman siya sa DILIM!
Mga ilang distansya rin ang layo ng comfort room sa kanilang klasrum. Habang lumalakad sila patungo sa kanilang pupuntahan ay napapahimas nalang sila dahil sa lamig na dumadampi sa kanilang balat.
Pakiramdam nila'y hindi lang sila ang nandito. Nararamdaman ni Dann na may kung anong anino ang sumusunod sa kanila kaya'y nagmadali siyang pumasok sa kubeta.
Malamig, tahimik at madilim ang loob ng kubeta. Dahil na rin sa sirang switch ng ilaw. Nagmamadaling umihi si Dann dahil alam niya'y may nakasilip sa kanya.
Kulang nalang ay mapasubsob siya sa semento matapos siyang tumakbo dahil sa narinig niyang kaluskos.
"O, Bro bakit parang nakakita ka ng multo?" bungad sa kanya ni Dann.
Namumula't pawisan ang mukha ang nangyari kay Dann. Pakiramdam niya'y mahuhulog ang kanyang puso matapos marinig niyang muli ang kaluskos.
Napaatras silang dalawa. "Na-narinig... Mo-mo rin iyon?" halos malagutan ng hininga si Dann matapos niyang tanungin ang kanyang kaibigan.
Isang tango nalang ang kanyang itinugon. Pansin niya na natatakot din ang kanyang kaibigan dahil sa panginginig ng kanyang kalamnan.
Ngayon lang nila napagtanto na mali pala ang napasukan nilang CR. Sa gilid lang ang Cr ng kanilang klasrum ngunit lumayo pa sila.
Nasa tapat sila ng klasrum ng Section 13. Madilim at nakakapangilabot iyan ang kanilang nararamdaman sa mga oras na ito.
Nadagdagan pa ang kanilang takot matapos silang makarinig ng alululong ng aso kasabay ng pagpatay sindi ng ilaw sa Section 13.
Sa mga oras na iyon ay naglakas loob silang silipin ang klasrum. Naririnig na nila ang tambol ng kanilang puso, palakas nang palakas ito.
Nang silipin nila ay halos mahimatay sila dahil sa nakita nilang pangyayari. Kusang nagbabanggaan ang mga upuan.
Humarurot sila ng takbo upang makalayo sa demonyong klasrum na iyon. Ngayon alam na ni Dann kung bakit nagbilin ang kanyang Ate Joyce tungkol sa section na iyon.
Lumipas ang ilang taon...
Ipinaalam nila ito sa eksperto ngunit ang tanging niyang sinabi na "huwag na huwag niyong sasabihin sa iba ang sikreto dahil gagambalahin ng mga kaluluwa ang mga taong pinagsabihan niyo."
Pilit binabagabag ang konsensiya ni Dann kaya nama'y gumawa siya ng kanyang account sa isang reading site na tinatawag nilang Wattpad. Upang ibahagi ang naging karanasan nilang dalawang magkakaibigan.