Chereads / Takot sa Dilim / Chapter 9 - LARUAN

Chapter 9 - LARUAN

May magbabarkadang walang humpay sa pagbibiro. Wala silang pinapalampas maging matatanda na dapat ginagalang ng mga kabataan ngayon. Isama niyo na rin ang kanilang magulang na palaging naiisahan sa lahat nang oras.

Sina Leo, Kiko at Jiro ang aking tinutukoy. Sila ang grupong kinakatakutan sa kanilang paaralan maging sa kanilang baryo. Lahat ng tao ay napapaluhod 'pag naririnig na nila ang kanilang pangalan.

Kilala silang mga bully sa kanilang pinapasukan na paaralan. Hindi makakatakas ang iyong baon sa kanilang grupo. At kung sino man ang humamon sa kanila ay isang walang humpay na bugbog at pangaasar ang matatamo mo.

Si Leo ang kanilang lider, siya ang palaging nasusunod sa kanilang tatlo. Mahilig siyang makipagbasag-ulo. Kung maari lang na ibuwis niya ang kanyang buhay dahil lang sa isang bagay na inaasam niya ay gagawin niya.

Si Kiko ay ang kanang kamay ni Leo. Gayunpaman, siya'y hindi mautos-utusan pag kinakailangan, siya na yata ang taong may pinakamatigas ang ulo. Mahilig siyang makipag-pustahan 'pag may labanang nagaganap.

Ang panghuli ay si Jiro, siya ang Pilosopo Tasyo ng grupo. Huwag na huwag mong subukang makipagbiro sa kaniya kung ayaw mong mabara at mapahiya sa lahat. Wala siyang pinipiling barahin. Maging ang kanyang mga mahal sa buhay ay binabara rin.

"Pareng Leo?"

Napabalikwas siya ng tingin matapos niyang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Siguradong siyang sina Kiko at Jiro iyon, sa tono palang ay maangas na.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay sa ere at matapang niya itong hinampas sa mga palad ng kaibigan. Itinaas niya ang kanyang noo dahil siya nga ang lider. Siya ang dapat na maangas, mayabang, at matapang sa kaniyang grupo.

"Hindi ba tayo papasok, dude?" tanong ni Kiko.

"Tungaw! Nakapasok na nga tayo ng paaralan!" biro ni Jiro.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi ba tayo aatend sa klase natin ngayon?" panlilinaw ni Kiko.

Isang malalim na emosyon ang kanyang isinukli. Ilang araw na rin silang hindi pumapasok sa kanilang silid-aralan. Walang problema iyon kay Leo dahil ang kanyang Itay ang may-ari ng kanyang paaralan na kanyang pinapasukan. Huwag kang magtaka kahit hindi siya pumapasok dahil makakakuha pa rin siya ng mataas na grado.

Siya ang nangunguna sa kanilang klase dahil sa panunuhol at pagbabanta niya sa kanyang guro.

Hindi nagtagal ay gumalaw na ang kaniyang bibig at nagsimula na siyang maglabas ng maikling salita. "Papasok tayo." mahina niyang sabi.

Agad tumungo ang tatlong magkakaibigan sa kanilang silid-aralan. Nasa kalagitnaan na ng klase nang pumasok ang tatlo. Hindi na sila bumati dahil wala sa kanilang ugali ang bumati o kaya nama'y pumuri ng mga tao.

Nasa pangatlong-baitang na sila ng hayskul. Kahit na lumiban sila nang buong taon ay makakapasa pa rin silang tatlo. Dahil nga sa kapangyarihan ng ama ni Leo kaya nama'y nakakapasa ang tatlo.

Dahil nasa gilid si Leo ay malaya siyang dumudungaw sa labas ng bintana. Nararamdaman niya na kasi ang kawalang gana niya sa pakikinig ng mga pagtuturo ng kanyang guro.

Dahan-dahang pumikit ang kanyang dalawang mata at nagsimulang managinip. Inay! Inay bakit mo kami iniwan ni Itay! Nagsisimula ng magsalita ang kanyang utak. Hindi naglaon ay lumipas din ito dahil sa kung sino ang tumabi sa kanya.

"Pre tignan m—"

Naudlot ang sasabihin ni Kiko matapos niyang mapansin ang maluwa-luwa at mamula-mulang mata ni Leo.

"Pre, umiyak ka ba?" kunot noo siyang nagtanong.

Matapang siyang umiling. Si Leo ay lumaking walang ina dahil sa kadahilanan na sumama ito sa ibang lalaki. Kaya naman ay ipinangako niya sa kanyang sarili na lahat ng babae ay parurusahan niya.

"Pre, mukhang may makakatalo na sa 'yo, oh!" dagdag ni Jiro sabay turo sa babaeng walang humpay na sumasagot sa katanungang ibinabato ng kanilang guro.

Uminit ang kanyang dugo matapos niyang masaksihan ang walang humpay na pagsasalita ng babae. Si Nicole ang bagong estudyante sa kanilang paaralan.

Tinabig siya ni Jiro. "Ano pre, tambangan natin iyan mamaya?" Isang ngiting nakakaloko ang kanyang tinugon.

Magaalas-otso ng gabi ang uwi ni Nicole. Dahil sa kanilang praktis sa choir kaya ganito na siya nakauwi.

Hindi siya takot dahil ilang beses na niyang sinubukang maglakad nang ganitong oras ay wala namang masamang nangyari.

Biglang siyang nahimatay dahil sa kemikal na nasinghap niya…

Pagkamulat niya ay bumungad kaagad sa kanya ang tatlong armadong lalaki. Sinubukan niyang tumakas ngunit nadama niya ang pananakit nang kanyang paa na may hiwa at patuloy sa paglabas ng sariwang dugo.

Mangiyak-ngiyak siyang nagmamakaawa ngunit halakhak lang ng tatlong nakasuot na itim na damit ang kanilang isinukli.

Pilit siyang kumakawala sa kondisyong alam niyang maaring ikamatay niya. Ngunit itinali siya sa isang lubid na puno nang bakal na tinik. Dahan-dahang nagsilabasan ang buto niya sa leeg. Kulang nalang ay maputol ang kanyang ulo dahil sa higpit nang bakal na tali sa kanyang leeg.

Hindi pa nakonsensya ang isa sa tatlong lalaki ay pinagsasaksak siya dahilan upang magtulamsik ang pulang likido sa katawan ng babae.

Lantang gulay ang kinahinatnan ni Nicole sa tatlong lalaki. Agad umalis ang mga suspek dala-dala ang bag ng babae para walang kahit na anong ebidensya ang makuha ng pulis.

"Magsaya tayo mga pare ko!" maingay na sigaw ni Leo.

Walang emosyong inangat ng dalawang kaibigan niya ang baso.

"Bakit may problema ba?" pagtataka nito.

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa natin?" tanong ni Kiko

"Hinding-hindi!" masayang tugon niya sabay halungkat sa mga gamit ni Nicole sa bag na dinala nila.

"Tignan niyo nga naman! Hayskul na ang babaeng iyon, mahilig pa sa mga Teddy Bear!" panunukso niya.

Isang lumang teddy bear na may bahid ng dugo ang nailabas niya. Lumipas ang oras ay nalasing silang tatlo. Hanggang sa pumikit ang kanilang mga mata.

Naalinpungatan si Leo. Tumungo siya sa kanilang kusina upang uminom ng tubig.

Nahulog niya ang basong iniinuman niya. Matapos makaramdam ng pagmamanhid ang kanyang katawan at magsimulang kumuha ng kutsilyo. Nagsimulang lumubas ang mga butil sa kanyang mga mata. Umiiyak siya dahil may kung tunog na umuutos sa kanya na patayin ang kaibigan nito­—Ang Teddy Bear.

"Patayin mo sila.... patyin mo sila....!!" nagsisimulang na siyang makarinig ng mga bulong. Tila nasa hukay ang bulong na iyon.

Hindi niya makontrol ang sarili. Isa-isa niyang isinabit ang kaniyang dalawang kaibigan gamit ang bakal na may tinik at sinimulan niyang ihagis ang hawak ng kutsilyo sa kanyang dalawang kaibigan. Mga ungol na ng kaibigan ang kanyang naririnig pag natatamaan sila ng tusok ng kutsilyo. Dama niya ang sakit at hirap na dinaranas ng dalawa niyang kaibigan.