Chereads / Takot sa Dilim / Chapter 8 - MANINIWALA KA BA? (BASED ON A TRUE STORY)

Chapter 8 - MANINIWALA KA BA? (BASED ON A TRUE STORY)

Hindi naman kasi ako naniniwala sa multo. Evil spirits ang sinasabi sa akin ng mga taga-bantay ko at iniisip ko na kathang isip lang sila.

Natatakot sa akin 'yong mga nagbabantay at nabwibwisit ako kapag ganoon ang nangyayari. Nagbasa rin ako ng iba't ibang libro para patunayan na hindi sila nag-e-exist sa murang edad. Lalo na 'yong mga libro na tungkol sa psychological cases (kaya forte ko ang psycho-thriller).

Pero experience is the best teacher ika nga. Na-realize ko na nag-e-exist sila. 'Yong iba, katulad ko, nang-i-ignore lang.Katulad no'ng bata pa ako na laging may bata akong kasunod na nag-dri-dribble ng bola. Hindi ko naman siya nakikita. Nararamdaman ko siya at naririnig ko 'yong yapak at yabag ng bola niya. Minsan, tumatakbo pa siya lalo na sa hagdan. No'ng sinabi ko 'yon, 'yong tagapag-alaga ko, kinilabutan.

Narinig ko na chinismis niya sa iba. Ahahaha! Tinanong niya 'yong iba if may experience silang ganoon. Hindi nila alam nakikinig lang ako.

Sabi niya, may parang anino nga raw siyang napapansin na laging tumatabi sa akin tapos biglang parang may hinahabol. 'Yong isa naman, sabi niya, no'ng natutulog daw ako at nasa corridor siya, biglang parang may tumakbo tapos nagsaraduhan 'yong pinto, etc. Nawala lang siya sa tabi ko no'ng nagsimula na akong lumabas ng bahay.

Isa pang experience ko, no'ng primary ako sa banyo no'ng school namin. I need to pee during that time. Punuan 'yong cr ng mga babae kasi break time. Feeling ko, talagang hindi ko na kaya pigilan dahil sasabog na 'yong pantog ko. May CR sa likod ng school namin na bilang sa kamay 'yong nag-si-cr. As in, nagagamit lang siya ng mga wala nang choice.

So, nag-decide ako na doon na lang. Pagpasok ko, alam mo 'yong parang ang bigat-bigat ng atmosphere? Pero wala akong paki. Naiiihi na ako. Ahahaha! Sa gilid ng mga mata ko, parang may nakatingin sa akin pero tuloy-tuloy ako sa may division sa may toilet. May sumitsit pero ang ginawa ko eh pumikit ako kahit may nararamdaman akong malamig sa batok ko. Sarado talaga 'yong mata ko hanggat matapos akong umihi. Parang may nasasabi sa akin na idilat ko 'yong mata ko, pero ayoko. Ginawa ko, fl-in-ash ko na tapos bago ako lumabas, paghawak ko sa ilong ko, nadugo na. May salamin na puro may tinta at sa gilig ng mata ko, may babae and narinig ko na naman 'yong paulit-ulit na sitsit. Bumukas pa 'yong lesheng gripo. Sa bwisit ko, sumigaw ako ng "stop!if this is just a joke, then stop it!"

Nagmamadali ako lumabas ng banyo at sa pagmamadali ko, nauntog pa ako. Ahahaha!

Sinabi ko na lang na bigla akong nilamig kaya siguro nagdugo ang aking ilong. Bagay na nagtataka 'yong nurse at teacher ko kasi normal lang naman 'yong temperature na 'yon sa school namin.

After one week, nagtanong ako doon sa ka-close ko na teacher. Tinanong ko siya bakit walang nagbabanyo roon bukod sa nasa likod. Sabi niya, no'ng college pa raw siya no'ng mabalita na ni-rape 'yong isang student doon ng janitor. Hindi lang daw mapagiba dahil nagplaplano pa lang 'yong school sa expansion na gagawin. Isa pa, wala naman daw nagbabanyo masyado. Marami daw incident na maraming naaaksidente roon kaya sabi niya hangga't maaari, 'wag na lang ako magbanyo roon.