Nandito na kami sa pwesto namin. Nakaayos na rin ang aming ibebenta sa kanilang tamang lugar. Marami naring mga tao ang nakapalibot sa amin. Siguro dahil sila rin yung naubusan ng paninda kahapon at maaga nga silang nagsidating dito.
Kinindatan ko si Andres hudyat para sa aming gagawin. Tumungo siya sa pag-sangayon.
Lumapit siya sa akin at lumuhod.
"Binibini, nawa'y tanggapin mo ang aking sulat ng pag-ibig na ihahandog ko sa'yo" nakayukong sambit niya
Gamit ang abanikong ginawa niya, tinakpan ko ang kalahati ng aking mukha. Umasta akong isang mahinhing dalagang pilipina.
sfx: Dalagang pilipina yeah~
"Oh, ginoo. Nagagalak akong tanggapin ang handog mo" tugon ko
Kinuha ko ang liham na nasa kamay niya at marahan siyang tumayo. Humarap ako sa mga manonood at nakita ko silang sabik na sabik sa aming ginagawang palabas.
Iniharap ko sa kanila ang liham at namangha sila sa disenyo nito. Hindi ko muna binasa ang nakasulat dito dahil ginaganahan akong inggitin ang mga taong nanonood sa amin.
"Oh kay ganda naman ng iyong ibinigay na liham! Ang disenyo nito ay kahali-halili sa aking paningin!"
Tinuruan pa ako ni Andres sa mga salitang yan, haha!
"Gusto niyo rin ba ng ganitong klase ng liham?" tanong ko at ipinakita sa kanila ang iba't ibang klase ng liham na may disenyo.
"Gusto namin!"
"Ipagbili niyo ako!"
"Handa akong magbayad ng kahit magkano!"
"Kung gayon ay dalawang piso ang halaga nito. Halina kayo!" wika ko
Dahil doon ay dinagsa kami ng maraming tao. Halos mapuno narin ng mga tao ang kalsada sa daming gustong bumili ng aming binibenta
"Anong disenyo ito? Ngayon ko lamang ito nasilayan!" tanong ng isang babae at ipinakita sa akin ang liham na may design na galaxy
"Ah.. Iyan ay.."
Patay, di ko alam ang tagalog ng galaxy! Galaksya ba yon?
"Iyan ay mga bituin. Naisip ko kung ano ang itsura sa itaas. Gamit ang aking imahinasyon ay nakagawa ako ng imaheng ganyan" sagot ko habang kinakabahan
"Nakakamangha! Kay lawak naman ng iyong balintataw!" sabi niya at tumalon talon
'Balintataw? Ano nanaman yan?'
*balintataw- imahinasyon
"Ah-hehe~ Maraming salamat" tugon ko
"Sige, heto" iniabot niya sakin ang limang piso
"Ah heto ang sukli mo" sagot ko
Ngunit hinarang niya ito at umiling.
"Hindi na, sa iyo na yan. Napakaganda ng inyong mga produkto. Masaya ako dahil nakakuha ako ng ganito kagandang liham." sagot niya
Hinila ko ang kamay niya at saka niyakap ko siya.
"Maraming salamat binibini" tugon ko
Napagmasdan ko namang mas dumarami ang mga taong dunarating hanggang sa nasakop na nila ang kalsada. Good sign ba ito or isang bad sign?
Busy naman kaming nag-aayos at nagbebenta dahil maraming taong gustong bumili. Di ko alam na effective na effective ang aming ginawang advertisement.
Napadako ang aking mga mata sa isang maingay na busina sa tapat namin.
"Anong kaguluhan ang mayroon dito at sobrang dami ng mga tao?" sigaw ng isang lalaki sa kalayuan. Hindi ko makita ang kanyang itsura dahil siya ay natatakpan ng maraming tao.
'Patay, siguro papaki-usapan ko ang mga lalaking iyon para naman payagan kami at mapayapa kaming makabenta!'
Sumiksik ako sa mga tao upang makadaan ako at makaharap ang lalaki. Ngunit sa pagmamadali ay nauntog ang ulo ko sa dibdib ng isang lalaki. Nang maiangat ko ang aking ulo, nakita kong nakatitig sa akin ang isang lalaking naka-uniporme may apat na gintong medalya nakasabit sa kaniyang kaliwang dibdib. May mga matatalas siyang mata, kulay brown na buhok at kulay brown na mga mata. Matangos ang ilong niya at kasing-puti rin siya ng gatas. Masasabi mong ganito ang kagwapuhan ng mga Espanyol!.
"Binibining Catalina?" nag-aalala niyang tanong
'Catalina? Sino naman iyon?'
Nang hahawakan niya ako ay umatras akong bigla. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. May mga ibang lalaki rin na nagsidating at sumunod sa kaniya. Nang makita nila ako ay bigla naman silang nagulat.
"Binibini, sa wakas ay nahanap ka na namin.."dagdag ng lalaki
Agad naman akong tumakbo at sumiksik sa mga tao upang hanapin si Andres. Kinakabahan ako, kailangan ko ng tulong. Napatigil ako sa pagtakbo nang biglang may pumutok na baril. Nagsigawan ang mga tao at umalis silang nagkakagulo.
Napahawak nalang ako sa aking tenga at napaluhod at napapikit dahil hindi ko alam ang gagawin ko. May narinig akong yapak galing sa bota. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko nanaman ang lalaking iyon sa harap ko. Lumuhod ito sa harap ko upang maging magkalebel kami
"Binibining Catalina, hindi mo ba ako nakikilala?" sabi nito
Pagkatapos niyang sambitin ang tanong na iyon ay biglang nag-flash sa akin na mga ala-ala.
"Binibini, ayos ka lang ba? Masakit pa ba ang katawan mo?"
"Ayos lang yan binibini, maiintindihan ka rin ng iyong ama."
"Binibini, mag-iingat ka! Mahina pa man din ang iyong katawan."
"Samahan na kita, binibini."
"Hahaha, hindi ko napagtantong marunong ka palang magbiro binibini"
"Binibini...."
"Binibining Catalina! Saan ka pupunta? Bakit ka aalis?"
'B-Bakit.... Bakit kilala ko ang taong ito? Hindi ba ako nabuhay sa sariling katawan ko? Bakit may ala-ala siya sakin? Ayon sa ala-ala ko, ang lalaking ito ay malapit sa akin. Siya lang ang tangi kong kaibigan at ang tanging nakakaintindi sa akin.'
Dahil hindi ko alam ang pangyayari ay nanatili ako sa aking pwesto at naistatwa.
"Binibini, ako ito si Nicolas. Anong nangyare sa'yo? Bakit naging ganiyan ang itsura mo?" hahawakan na sa ako ng lalaki pero bilang may sumipa sa kamay ng lalaki
Si Andres!
"Lapastangan!" sigaw nung kasamahan nung Nicolas at aakmang susugurin ito.
Sinenyasan siya ni Nicolas na tumigil. Humarang sa harap ko si Andres at lumingon siya sa akin. Binigyan niya ako ng huwag-kang-magalala look at nginitian ako.
'A-Andres... May tiwala ako sayo'
"Sagutin mo ako.."
Pareho kaming lumingon kay Nicolas nang bigla siyang magsalita.
"Ano ang iyong adhika? Bakit mo tinatangkang hawakan ang babae ko?" matapang na wika ni Andres
'B-Babae niya?'
"Babae mo?" tumawa ng malakas si Nicolas "Hindi mo alam kung sino ang tinutukoy mo?"
"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Andres
'Ano bang pakay nito sa akin? Bakit nila ako kailangan? Sino ba ako? Ano ang kailangan kong gawin dito? Bakit kailangang magpakita si Nicolas kung saan tahimik na ang buhay ko?'
"Sagutin mo ako ng aking tanong, ikaw ba ang gumawa niyan kay binibining Catalina? Tignan mo siya, kaawa-awa ang kaniyang kalagayan, mukha siyang namamalimos sa kalsada!" seryosong wika niya
"C-Catalina?" gulat na tanong ni Andres
"H-Hindi ako si Catalina! Ano bang pinagsasasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan!" sigaw ko
"Binibini, hindi mo siya kailangang pagtakpan. Kung siya ang gumawa sa'yo ng kalunos-lunos mong sitwasyon ay hindi na ako magdadalawang isip na paslangin ang lalaking ito!" inilabas nila ang kanilang espada at lumakad sa direksyon ni Andres.
"Biya... sabihin mo ang totoo sa akin.."
Nagulat ako nang biglang nagsalita si Andres.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin?" malungkot kong tugon
"Marahil ay nawaglit mo sa iyong isipan ang iyong tunay na pangalan at nakalimutan ko ring ikaw ang hinahanap na maharlika na ibinalita ni Ciriaco noon" sambit ni Andres na may lungkot sa kaniyang mukha
'Ako... Hindi maaaring maging ako si Catalina! Hindi ako makakapayag!'
"Nagkakamali ka..." tugon ko
"Hawakan niyo si Andres!" utos ni Nicolas at kaagad na hinawakan nila si Andres.
"A-Anong ginagawa nyo?" nababalisa kong tanong
"Hawakan niyo rin ang binibini upang hindi siya makahadlang. Huwag kang mag-alala binibini, kailangan niyang maparusahan sa ginawa niya sa'yo" sambit nito
Hinawakan naman ako ng isang gwardya dahilan para di ako makaalis. Inihanda ni Nicolas ang kaniyang latigo.
'H-Huwag niyong sabihing.... lalatiguhin nila si Andres!'
Nakita ko namang nakayuko lang si Andres at hindi siya pumipiglas. Ano bang nasa isip nito? Hahayaan niya nalang ba ang sarili niyang mamatay? Ang duwag mo, Andres... Duwag ka..
Di ko napansing kanina pa tumutulo ang luha ko. Kasalanan ko 'tong lahat!
Maya-maya'y may narinig akong isang malakas na hagupit ng latigo.
"Argh!" sigaw ni Andres sa sakit.
"Nicolas, itigil mo na iyan! Wala siyang kasalanan." sigaw ko habang pumipiglas
"Kailangan niyang maparusahan sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniya hanggang siya ay mamatay!"
Sa pagkakataong ito.. Bigla akong nablangko. Bakit kailangang may mamatay dahil sa akin? Hindi.. Hindi ako makakapayag!
"Argh!" daig ni Andres
Napaluhod ako dahil sa kalunos-lunos na sinapit ni Andres. Punong-puno na nang dugo ang sahig at sugat sugat na ang kaniyang katawan.
"Itigil niyo na!" sigaw ko
Ngunit patuloy parin siya sa paglalatigo..
Sa pagkakataong ito.. malakas na tumitibok ang puso ko. Sa sobrang pagkagalit, hindi ko na mapipigilan pa ang sarili ko. Ayokong makitang nasasaktan ang lalaking minahal ko.
"ANG SABI KO, ITIGIL NYO NA!" malakas kong sigaw
Napatigil ang lahat at tumingin sa akin. Nakayuko ako at hinahabol ang aking hininga. Nakatikom ang mga kamay at nanginginig sa galit. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong emosyon.
"Binibini----"
"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?" hindi ko na siya pinatapos at sumigaw ulit ako
Itinigil na ni Nicolas ang paglalatigo at inutusang pakawalan na si Andres. Nakakaawa siyang tignan. Puno ng sugat ang kaniyang likuran at braso. Ngunit hindi ko siya nakitang umiiyak.
Napansin kong nanginginig na ang lalaking humahawak sa akin kaya naman nagsalita na ako.
"Bitaw" sambit ko
"Pero binibini----"
"Kung pinahahalagahan mo ang buhay mo, sumunod ka at sino ka para tumaliwas sa pinaguutos ko?" sigaw kong muli
Tumingin ang gwardya sa direksyon ni Nicolas at tumungo naman si Nicolas. Binitawan niya ako at tumungo naman ako sa kinaroroonan ni Nicolas. Napa-lunok laway siya at mukhang gulat na gulat sa aking ikinikilos.
'Ang Catalinang kilala niyo ay patay na, hindi ko hahayaan ang sarili kong magpaalipin sa mga katulad ninyo.'
"Ibigay mo sa akin ang latigo" matigas kong iniutos
Hindi na siya nagsalita pa at ibinigay niya na sa akin ang latigo.
"Ilang hagupit ang ibinigay mo sa kanya?" tanong ko
Nagulat ang lahat nang narinig nila ang tanong ko. Mukhang nagegets nila ang gagawin ko.
"Binibini, hindi niyo po maaaring gawin iyan!"
"Kapag nalaman ito ng inyong ama ay baka parusahan kayo!"
Hindi ko sila pinansin at tumingin ako ng matalas kay Nicolas.
"Sumagot ka!" galit kong wika
"Dalawampu't isang hagupit" sagot niya
"Tumalikod ka" Tumalikod naman kaagad si Nicolas
"Dalawampu't isa? Alam mo ba kung gaano kasakit ang isang hagupit?" sabi ko at hinagupit ko siya ng latigo
"Argh!" daing nito
"Heneral Nicolas!" sigaw ng ilang mga gwardya at papalapit na sana ang mga ito sa kaniya ngunit sinenyasan ito ni Nicolas na huwag lumapit.
"Ano masakit ba? Masakit ba huh?" sabi ko at hinagupit muli siya
"Binibini... patawarin mo ako.." tugon nito at napaluhod
Lumakad siya habang nakaluhod sa hinawakan ang kamay ko.
"Binibini patawarin mo ako.." usal pa niya
"Magaling! Ipangako mo sa akin na hindi niyo na gagalawin ang buhay ng lalaking iyan, maliwanag? Hinihiling ko rin na dalhin niyo siya sa pinaka-mamahaling pagamutan." sambit ko
"Binibini, imposibleng iyang iniuutos mo sa heneral!" sabi ng isang gwardya
"Kung iyan ang gusto mo, binibini ngunit ipangako mo rin..Ipangako mong babalik ka na sa inyong tahanan" sagot ni Nicolas
Napatingin ako sa direksyon ni Andres. Nakatingin sa akin at dinadaing ang sakit ng kanyang katawan. Ang ibig sabihin ba nito ay paalam?
'Kung sa ikabubuti ni Andres, gagawin ko.'
"Oo, pero sa oras na nalaman kong hindi ka tumupad sa usapan, kalimutan mong naging magkaibigan tayo" sabi ko at nilagpasan siya na nakaluhod parin.
Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Andres at niyakap ko siya. Sa ikalawang pagkakataon ay humagulgol nanaman ako sa harap niya.
Ang sakit isipin.. Ang sakit makita.. Ang lahat.. Ang lahat ng ito ay magtatapos sa isang iglap.
"Hoy Biya, hindi pa ako patay" sambit niya
Umalis ako sa pagkakayakap at tinignan ko siya. Pilit siyang ngumingiti kahit nasasaktan na siya.
"Andres.. itigil mo yan.." sabi ko na ikinagulat niya
'Ayokong penipeke niya ang emosyon niya sa akin. Ayokong itago niya ang nararamdaman niya sa akin'
"Huwag mo akong pakitaan ng hindi totoong ngiti.." dagdag ko
Yumuko siya at nagsimulang mamuo ang mga luha niya sa kaniyang mga mata.
"Bakit kailangan mong umalis?" tanong niya
"Hindi ko ginustong umalis! Ayoko ngunit dahil may kasunduan ay kailangan kong bumalik sa amin." sagot ko habang tumutulo ang aking luha
Hinaplos niya ang mukha ko at may kinuha sa kaniyang bulsa. Nakita ko ang isang origaming hugis rosas sa kaniyang kamay at iniharap ito sa akin.
"Biya, ginawa ko ito para sa'yo ingatan mo ito at magsilbing ala-ala ko sa'yong pag-alis huwag mo ring kalimutang basahin ang liham ko para sa'yo." sambit niya
Dahil doon ay umiyak ako ng sobra sobra. Ayoko pang umalis... Ayokong iwan ka..
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay na hawak ang rosas.
"Hindi kita malilimutan, hinding hindi talaga.."
Tahimik siyang tumawa at isinuksok niya ang aking buhok sa aking tenga.
"Ipangako mong magkikita parin tayo." tanong niya
"Oo, pangako"