'Miss na kita...'
Naaalala kong bigla ang liham na binigay sa akin ni Andres. Dali-dali kong hinanap iyon sa mga bulsa ng saya at sa wakas ay may nakapa akong papel sa loob nito. Napaupo ako sa kama at tinitigan ang papel. Hindi ko pa nababasa ang liham ay bigla na akong napaluha dahil nakita ko ang paunang sulat niya.
"Para sa aking pinakamamahal na si Viatiere, isang dalagang bulastog ngunit pusong mamon.."
Alam kong ang korny niyang pakinggan pero bakit ako natatamaan? Bakit ako nasasaktan?
"Mahal kong Viatiere,
Dalawang araw at dalawang oras na tayo'y nagkatagpo at oras ng ating pinagsamahan. Ngayon ang araw na papakawalan na kita sa mga bisig na nakakadena. Oh pag-ibig na kay bilis, tila parang bulang kay bilis maglaho. Ang masiglang bulaklak wari baga'y matagal nang yumao. Naninibugho, nagugulumihanan, hindi mapagtanto, hungkag na puso'y itahan. Sa iyong mga ngiti, pagkatao ko'y napupuno. Silakbo ng puso ko'y bumubugso. Sa iyong iyong hagikgik, mundo ko'y humihinto. Puso ko'y nabihag mo, hindi dahil sa ganda mo, kundi dahil sa kalooban mo. Salamat sa lahat, mula sa oras na tayo'y pinagtagpo hanggang ngayon na tayo'y magkakalayo. Alam kong aalis ka na kapag dumating na puntong naalala mo na ang lahat. Hinding hindi kita makakalimutan, pero sana bago ka mamaalam ay matalos mo rin ang nararamdaman ko para sa'yo. Iniirog kita, binibining Viatiere."
sfx: Nobela by Join the Club
~Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadiya~
Mabilis na umagos ang aking luha matapos kong basahin ang kaniyang liham. Nasasaktan ako, kinakabahan ako na baka hindi na kami muling magkikita pa.
~Mo akong masaktan paminsan-minsan bawat sandali nalang~
"Wari ko kung bakit hindi ka umilag sa karumatang bumubugso. At ngayo'y umaasta kang isang mulalang magara"
Ito yun, yan yung una niyang sinabi sa akin nang una kaming magkita. Ang masungit na lalaking hindi ko inaakalang si Andres. Bigla kaming nagkatagpo sa maling panahon, maling lugar at maling pagkatao.
~Tulad mo ba akong nahihirapan, lalo't naiiisip ka~
"H-Hoy! Huwag mo nga akong halakhakan!"
"Babae, babae!"
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Nandito na tayo"
"Diyos ko po!"
"Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng ang laswa kung humalakhak"
"Kaya naman Viatiere ang ngalan mo dahil utak biya ka. Ngayon ko lang napagtanto, paumanhin. Hindi dapat ako nakikipagtalo sa maliliit ang utak"
~Di ko na kaya pa na kalimutan, bawat sandali nalang~
Hindi ko maintindihan na kahit anong gawin ko, ang bigat bigat ng loob ko. Oo, sa dalawang araw na iyon ay hinding hindi ko makakalimutan ang pagsama mo sa akin. Ang dalawang araw na iyon ay katumbas ng isang taong pagkakaibigan. Ang iyong mga tinig na umaalingawngaw sa aking tenga. Ang iyong mga ngiting minsan ko lang makita at kapag namumula ang pisngi mo'y kabadong kabado ka.
~At aalis, magbabalik~
Pero sa oras na nakita kitang nahihirapan. Wala akong magawa. Ikaw na nagligtas sa akin mula sa aking kamatayan. Wala man lang akong nagawa upang pigilan ang sa iyo.
~At uuliting sabihing mamahalin ka't sambitin~
Ang sakit isipin.. Ang sakit makita.. Ang lahat.. Ang lahat ng ito ay magtatapos sa isang iglap. Sa isang ngiti, may luhang kapalit. Nakakaawa ka, naawa ako sa'yo bakit kailangang ganito ang sapitin mo Andres? Namatay ang iyong mga magulang, naghihirap ang iyong mga kapatid at pinipilit mong gawin ang lahat para mapakain sila. Ngayon ay kalunos-lunos pa ang sinapit mo nang dahil sakin? Nagaagawbuhay? Tapos ngayong malalaman kong mahal mo ako saka kita iiwan.. Bakit kailangan mong maranasan lahat ng ito, Andres! Bakit?
"Hoy Biya, hindi pa ako patay"
Sa oras na sambitin mo ang mga katagang iyon ay bigla akong natigilan. Oo, ikaw nga si Andres. Ang dakilang bayani, hanggat nabubuhay ka ay punong-puno ka parin ng pag-asa. Walang kahit sinong makakapigil sa'yo. Kaya kita minahal, dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita mg hindi sumusuko kahit alam niya na imposible nang mangarap.
Nakita ko na pinilit niyang ngumiti. Nasaktan ako dahil kahit na ganun na lamang ang kaniyang mga sugat ay gusto niyang ipakitang ayos lang siya. Alam kong nasasaktan na siya, alam kong nahihirapan na siya gusto kong makita yung side niya na yun! Gusto kong makita para ako naman ang magpatahan sa kaniya.
"Andres... itigil mo iyan" sambit ko at siyay biglang natigilan.
"Itigil mo ang pagngiti kahit nasasaktan ka. Kahit ngayon lang, alam kong nasasaktan ka." sabi ko
Yumuko siya at nagsimulang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Inilapit niya ang kaniyang ulo sa aking kaliwang balikat at sumandal sa doon.
"H-Huwag mo akong tignang umiiyak!" hagulgol niya
Alam ko.. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon. Para bang lahat ng mga taong minahal mo ay nawawala sa'yo. Mga magulang mo, kapag napakasalan mo si Monica na una mong asawa ay iiwan ka narin niya dahil mamamatay siya sa sakit. At ang huli, mamamatay kang pinagbintangan. Hindi mo deserve ang mga bagay na ito...
"Bakit kailangan mong umalis?" tanong niya. Medyo tumahan na rin siya ng kaunti at nakasandal parin siya sa aking balikat.
~Kahit muling masaktan, sa pag-alis ako'y magbabalik~
"Ipangako mong magkikita parin tayo."
"Oo, pangako"
~At sana naman~
Minahal din kita pero imposibleng makita pa kita. Alam kong nangako ako, ngunit may pangako din akong kailangang tuparin para mailigtas ka. Ang kailangan mong gawin ay mabuhay at matagumpay na buuin ang KKK, hindi mo na ako kailangang alalahanin pa. Maging bayani ka, iyon ay bayani ka naman talaga at palaging magiging bayani ko.
Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking mga kamay at agad na tumayo. Itinago ko ang liham ni Andres sa isang cabinet at ini-lock iyon.
May pangako ako kay Nicolas na kapag hinayaan nila si Andres na mabuhay, hindi ko na dapat pa siyang makita.
Andres' POV
Nasaan ako? Anong lugar ito? Ang tangi ko lamang natatandaan ay nasa gilid kami ng kalsada at nagaagawbuhay na ako.
Marahan kong ibinukas ang aking mga mata at nagising sa sakit na aking nararamdaman sa aking likuran.
"Sa wakas ay gising ka na rin."
Napalingon ako nang may narinig akong isang tinig malapit sa akin. Nakita ko ang isang lalaking naka-uniporme. Matangkad siya at napagwari kong isa siyang kastila.
"Magpasalamat ka kay binibining Catalina at iniligtas ka niya sa kamatayan. Dahil din sa'yo ay dinadaing ng aking kapatid na si Nicolas ang kaniyang sugat sa likuran." sabi nito
'Viatiere... asan ka na? Kamusta ang lagay mo? Baka pinapahirapan ka nila diyan'
"Kamusta ang binibini?" tanong ko
"At ano naman ang karapatan mong malaman?"
'Ang lalaking ito, wala akong pakialam kahit kapatid niya pa si Nicolas. Kabuhungan lang naman ang kanilang ipinahahatid sa mga dukha!'
Kabuhungan - kasamaan
"Bakit? Kailangan ba nang posisyon para makahingi ako ng sagot mula sa'yo? Wala akong pakialam kung sino ka at kung ano ang posisyon mo!" sagot ko
Lalapit na sana siya upang dahulungin ako ngunit pinigilan siya ng mga gwardyang kasama niya.
"Heneral Ruiz, bilin po ni heneral Nicolas na kahit anong mangyari ay hindi natin sasaktan ang binata. Ayon din ito kay binibining Catalina" sabi ng gwardya
Hinampas nito ang mga kamay ng mga gwardyang pumigil sa kaniya at inismiran ako.
"Ano naman ang nagustuhan ng kapatid kong iyon kay Catalina na iyan! Isa lamang iyong sakiting walang pakinabang sa pamilyang Lopez. Ang pamilyang Lopez ay kilala bilang angkan ng mga matatalino ngunit hindi ko manlang nabalitaang nakakuha siya ng mataas na parangal bagkus ang pangalawang anak pa ng mga Lopez ang naguwi ng karangalan sa pamilya. Walang kwenta!"
Nang marinig ko iyon ay nawala ako sa aking sarili ay napatayo sa aking kinahihigaan. Di alintana ang sakit sa king likuran.
"Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng masama si Biya--Catalina!"
Pinigilan ako ng mga gwardya at pinahiga nang muli
"Ginoo, maghunos-dili po kayo"
"Oh? Paano mo naman nasabi, dukha?" nakangising tugon ng heneral
"Ang babaeng iyon, ay isang matalinong babae! Hindi, higit pa siyang madunong kaysa sa mga magtutudlo!" wika ko
Agad siyang napahalakhak sa sinabi ko. Marahil ayaw niyang maniwal sa akin
"Mas madunong pa sa magtutudlo? Kabulaanan, ni hindi nga siya napagtapos ng elementarya tapos ganun nalamang ang tingin mo sa kaniya? " natatawa nitong sambit
"Mahil hindi mo pa siya nakikilala kaya wala kang alam sa mga bagay na kaya niyang gawin. Huwag na huwag kang manghuhusga sa mga taong hindi mo pa nakikilala" sabi ko
"At ano namang alam mo----"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at nagsalita akong muli.
"Bakit hindi mo tignan ang iyong sarili? May nagawa ka na bang kapakipakinabang sa bayan mo? O kaya mas mataas na karangalan sa pamilya mo?"
"Bulag ka ba, dukha? Nakikita mo ba ang dalawang medalya sa uniporme ko?"
"Sapat ba ang dalawa para higitan ang apat na medalya ng iyong kapatid? Sa kabilang dayo ay mas bata pa siya sa'yo ng tatlong taon ngunit sinong mas angat?"
Natahimik siya dahil sa sinabi ko at hindi na naimik.
"Anong masasabi mo? Ano kayang mararamdaman ng binibini kung narinig niya lahat ng mga pagpapahiya mo at ano ang naramdaman mo sa sinabi kong pagpapahiya sa'yo?" dagdag ko
Naramdaman kong sobra na siya sa kahihiyan kaya napapadyak siya sa sahig
"Tara't umalis na tayo rito.." utos niya
"Aalis ka na agad?" pangaasar ko
"Tsk, ang sagot sa tanong mo kanina ay maayos lang ang binibini. Wala rin namang kaso sa iyo yun dahil kahit kailan hindi na kayo muling magkikita pa. Ipakakasal ang binibini sa anak ng gobernador-heneral dahil gusto ka niyang iligtas" sabi nito
Tumalikod ito at nagpatuloy sa pag-alis.
"Ihanda niyo ang karumata at nais kong makita ng personal itong si binibining Catalina" rinig kong sambit niya sa kalayuan
'Hmm, mukhang hindi niya pa nakikita si Biya ng personal. Ako kaya, makikita ko pa kaya siya ng personal? Nakipagkasundo siya sa kanila upang mailigtas ako. Hindi pwedeng siya lang ang magliligtas sa akin.'
Hintayin mo Biya, ililigtas kita. Magtatayo ako ng katipunan upang labanan ang mga mapaniil na mga Espanyol.