Viatiere's POV
Panibago nanamang araw ang lumipas. Kakagising ko lang at kakababa lang ng kwarto nang gisingin ako ng mga katulong ko. Ang mga katulong ko ay sina Leni, Rosa at Gretta. Ayon sa ala-ala ko, isa silang mabubuting mga tao.
Ngayon ay nasa hapag kainan ako kasama sina ama, ang step mother ko at ang step sister ko. Tahimikang hapag at walang may balak sumira sa katahimikan nito. Ang tanging rinig lamang ay ang mga kating ng kubyertos namin.
Napatingin ako kay Samantha at mukhang hindi niya pa ako naisusumbong sa nangyari kahapon. Dapat lang! Kailangang malaman niyo kung sino ang superior sa ating lahat.
"Balita ko ay magaling na raw ang binibini" binasak ni Anastasia, ang step mom ko ang katahimikan
Tumungo ako sa pag-sangayon at ginamit ang tissue para punasan ang aking bibig.
"Opo, dumating ang doktor kaninang umaga at hindi niya na ako niresetahan dahil magaling na raw ako. Sabi pa niya ay maaari na akong makapagaral sa kolehiyo." wika ko
Napangiti si ama dahil sa narinig niya.
"Bueno! Samantha, ikaw na ang bahala sa kapatid mo simula ngayon. Ituro mo sa kaniya ang mga dapat gagawin." tugon ni ama
Nakita ko namang nainis si Samantha sa kaniyang narinig kaya naman inismiran niya ako.
"Oo naman, ama." sagot nito
"Maraming salamat, mahal kong kapatid" nakangiting sambit ko
Napangiwi naman siya at parang nandiri dahil sa ngiti ko.
"Ah, oo n-naman.. Para saan pa ang magkakapatid?" sambit niya
Nakangiting kumakain si Anastasia. Hmm.. Sirain ko kaya ang mood niya?
"Sobrang nagpapasalamat ako dahil nasilayan kong muli ang aking tiyahin at kinakapatid." masaya kong tugon
Nasamid naman habang kumakain ang mag-ina sa pagkain. Si ama naman ay patuloy parin sa pagkain na para bang walang narinig.
"C-Catalina.. Anong ibig mo---"
"Paumanhin.." pagputol ko sa kaniyang sasabihin. Inilagay ko ang aking kamay sa aking bibig na kunware nashookt ako.
"Ang ibig kong sabihin ay ina at kapatid. Pasensya na at nakalimutan ko kung ano ang itururan ko sa inyo" dagdag ko
Nahalata kong pigil na pigil sa galit ang mag-ina at pilit silang ngumiti.
"Ah-hahaha... Catalina naman.." pigil sa galit na wika ni Anastasia
Pinandilatan niya ako ng mga mata nang nakita niyang hindi nakatingin si ama samin.
'Pfft, ngayon mo pa ako babantaan?'
"Ina, bakit lumalaki ang mga mata mo? Malabo ba ang iyong paningin?" pangaasar ko
Malakas ang tinig ko kaya naman napatingin si ama kay Anastasia. Bigla namang naging malambing ang ekspresyon ng mukha niya nang tumingin si ama sa kaniya.
Ikinaway-kaway nito ang kaniyang kamay habang umiiling.
"Hindi.. Napuwing lamang ako, huwag niyo na akong intindihin" sagot niya
'Nice try, pero hindi pa ako tapos.'
"Ina, akala ko kapag napuwing ay ipinipikit at kinukisot ang mata pero bakit sa'yo nilalakihan mo ang mata mo? Ang galing mo naman ina!" nakangiti kong sambit at pumalakpak
Rinig ko ang mga hagikgik ng mga katulong. Napansin ko si ama na nagpipilit sa pagtawa.
"Ehem... Kung tapos na kayo sa pagkain ay maaari niyo nang gawin ang mga dapat niyong gawin." sabi ni ama
Agad na akong tumayo at yumuko sa kanilang lahat. Nakita ko namang binigyan ako ni Anastasia ng mamaya-ka-sakin look. Nginitian ko nalang siya at tumalikod na.
"Ama, papasyal lamang ako sa hardin" sabi ko
"Mag-iingat ka, Victoria" usal nito at dumiretso na ako sa paglalakad
Agad namang sumunod sa akin sina Leni, Rosa at Gretta. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong pinayungan ni Rosa at si Leni at Gretta naman ay pinapaypayan ako.
Well, don't touch me I'm so rich na!!! Hahahaha. Nang masilayan ko na ang garden, agad akong tumakbo papunta rito.
"Binibini, saglit!" gulat na usal ni Leni
Hindi ko na sila hinintay dahil nabighani ako sa ganda ng mga bulaklak na ito. Dahil natatamaan sila ng araw ay kumikislap ang mga talulot nito. Ang ganda niya! Ngayon lang ako sa buong buhay ko makakakita nito.
Palipat lipat ako sa mga lugar upang pumitas ng iba't ibang klase ng bulaklak. Well, sinusulit ko lang naman ang mga pagkakataon.
May mga iba't ibang klase ng bulaklak meron dito sa garden. Dahil nga sa sobrang laki nito, maraming klaseng mga bulaklak at puno kang makikita. Dahil sa kakaikot ko, napansin kong medyo nawawala na ako at hindi ko na makita ang mga katulong ko.
'Ako maliligaw? Nah, alam ko kaya ang mga dinadaanan ko.'
Sinubukan kong bumalik sa mga pinanggalingan ko pero hindi ko mahanap ang hangganan.
'Shemay naliligaw na nga talaga ako!'
Medyo dumidilim narin ang paligid dahil maghahapon na. Grabe di ko napansin na ang design ng garden ay isang maze!
'Huhuhu, paano na ako makakaalis nito? Alam ko na! Pinlano to ng inggitera kong madrasta! Ang sama niya!'
Dahil sa pagod na ako maglakad, umupo ako sa isang bato at kumuha ng isang bulaklak. Napabuntong hininga nalang ako at bumunot ng isang petal.
"Makakaalis ako at mabubuhay" sabi ko at bumunot ako ng isang petal
"Hindi ako makakaalis at mamamatay" sabi ko at bumunot uli ng isang petal
'Haha! Akala niyo he loves me, he loves me not noh? Well, you thought wrong.'
Nakailang rounds na rin akong pumipitas nito at wala, ganun parin ang nangyayare. Nandito parin ako, alangan namang bumunot ako tas mag-abra kadabra at magteleport na agad ako papuntang mansyon. Hayss, sana lang.
Nabaling ang atensyon ko nang may narinig akong boses ng lalaki sa kalayuan.
'Jakpot! Thank you Lord, at makakaalis na rin dito.'
Hinanap ko kung saan yung tinig. Alam ko malapit lang yun dito eh. Napansin ko namang may kumaluskos sa bandang kaliwa ko at may nakita akong isang lalaking naka-uniporme na may dalawang gintong medalyang nakasabit sa kaniya. Nakatagilid siya kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.
Nagtip-toe ako upang hindi niya mapansing lalapit ako sa kaniya. Hehe, balak ko kaseng gulatin ang lalaking ito. Curious lang ako kung anong reaksyon ng mga nagulat na sundalo noong unang panahon.
Busy siya sa kakatingin kahit saana na parang may hinahanap kaya naman kumuha ako ng tyempo para gulatid siya
"Bulaga!" sigaw ko
"Patawad Maria!" gulat na sigaw niya napatumba sa sobrang gulat
Napahakhak naman ako sa sobrang tuwa. Ang reaksyon niya ay parang lola kong ginulat mo.
"Hahahahaha... Sorry chief hahaha, sorry talaga" sobrang sakit na ng tyan ko sa kakatawa. Alam mo yung sundalong parang nabeki? Epic talaga. Napaluhod naman ako sa kakatawa
Inis siyang tumayo at pinagpagan ang kaniyang uniporme gamit ang kaniyang panyo.
"Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakarinig ng sobrang laswang tawa mula sa mga binibini" inis sa wika niya
Agad naman akong tumayo mula sa aking pagkakaluhod at pinunasan ang mga mata ko dahil lumuluha na pala ako sa kakatawa.
"Paumanhin, ehem.. Hindi ko alam na ganun ang magiging reaksyon ng isang heneral kapag nagulat." sagot ko
Napapadyak sa sobrang inis.
"Ikaw, sino ka naman para ipahiya ako nang ganito?"
"Ay kailangang kilala mo kung sinong nagpapahiya sa'yo? Kailangang may pangalan?" nakangiti kong tugon
"Grr.. Inaaresto kita ngayon din! Sabihin mo na ang nais mong sabihin dahil ito na ang huli mong pagkakataon para magsalita."
"Teka, sino ba si Maria? Bakit ka humihingi ng tawad kanina sa kaniya." sabi ko at pumorma na akala mo nagiisip
"Ang birheng Maria iyon! Bakit sa tingin mo may napupusuan ako?" galit na tugon niya
'Bakit ba kapag may nakikilala akong mga lalaki eh galit na galit lagi?'
"Baka siguro si Samantha? Hinahanap mo ba siya?" pangaasar ko
Agad naman siyang namula at tinakpan ang mukha niya.
"H-Hindi ah!"
'Pfft, bagay naman sila ni Samantha eh pareho silang high blood at ayaw na sa Earth.'
"Sabi mo eh, ako nga pala si Victoria. Anak ako ng isang hardinero dito at bigla naman kitang nakita dito na tila may hinahanap. May maipaglilingkod ba ako?" sabi ko
'Hehe, gusto ko lang mapagtripan ang lalaking ito. Siguro hindi niya pa nakikita si Catalina ng personal kaya naman hindi niya ako kilala.'
"Hmmp! Ako si Heneral Ruiz de Echague. Binibini, di hamak na mas mataas ang katayuan ko sa'yo kaya kailangan mong magbigay galang sa akin" sabi pa niya.
'Eh kung batukan kaya kita'
"Ano ka sinuswerte? Dapat nga ay maging mabait ka sa akin dahil baka matulungan pa kita sa panliligaw kay Samantha."
Napakunot ang noo niya na may halong nainsulto na ewan. Tinignan ko siya at mukhang naasar na talaga siya
"Ang sabi ko ay wala akong gusto kay Samantha! At bakit hindi mo ginagalang ang iyong amo? Bakit Samantha lang?" tugon niya
"Amo ko siya pero hindi ibig sabihin ay mataas ang tingin ko sa kaniya. Pareho lang din kaming tao." sagot ko
Napahinto ito sa pagsasalita at bigla akong napatingin sa kaniya. Malungkot ang ekspresyon ng mukha niya, bakit kaya?
"Ano nga ba ang pakay mo sa hardin?" tanong ko
Nabalik sa pagiging masungit ang itsura niya at tumingin sakin.
"Narinig kong nasa hardin din si binibining Catalina kaya naman pumunta ako rito ngunit naligaw naman ako at napahiwalay sa mga kasama ko." sagot niya..
'Aba, nasa parehong sitwasyon pala kami. Pero bakit niya naman ako hinahanap?'
"Bakit mo naman hinahanap si binibining Catalina?" tanong ko
"May gusto lang akong patunayan."
"Gaya ng?"
Tumingin siya sakin ng masama.
"Bakit ba ang dami mong tanong? At bakit tinawag mong binibini si Catalina? Di ba sabi mo na pareho lang kayong tao at hindi niya kailangang bigyang kataasan?"
'Ngayon ay ibinalik sa akin ang tanong. Bwiset nayan, bat ko pa kase sinabi yun? Ano nalang ang isasagot ko? Sabihin ko na kayang ako si Catalina? Hindi masyado pang maaga, ah alam ko na!'
"Dahil nirerespeto ko ang binibining iyon." sabi ko at nagsimulang maglakad
Hay.. Sana layuan mo na akong impakto ka. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Kung gusto niyang maligaw, maligaw siyang mag-isa niya.
"Saglit!" pagtawag niya at tumakbo siya papunta sakin
"Ano?" pagsusungit ko
"Ano bang klaseng tao si Catalina?" tanong niya
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.
"Binibining Victoria!" sigaw niya
Sinundan niya parin ako habang naglalakad ako. Gosh, di ko alam kung saan na ako dadaan!
"Gusto mo ba talagang malaman?" sabi ko
Tumungo siya. Nakikita ko naman sa mga mata niya ang determinasyon.
"May kapalit nga lang" nakangisi kong sagot
"Pera ba? Walang problema"
"Hindi pera, magkukuwento ka rin ng tungkol sa buhay mo" sabi ko
"A-Ayoko.."
"Edi ayoko din" Mas binilisan ko ang lakad ko at iniwan siya
"Payag na ako! Saglit!"
Hinabol niya ako hanggang sa magkapantay na kami at sabay na naglakad.
"Sabi ng iba ay wala siyang kwenta.. Sabi ng iba ay walang dulot ganun, pero alam mo ba, mas hinahangaan ko si binibining Catalina kaysa kay Samantha?"
Nagulat siya dahil sa sinabi ko.
"Sa paanong paraan?" litong tanong niya
"Dahil nagsusumikap na mag-aral ang binibini kahit nahihirapan na siya. Hindi siya kahit kailan nagreklamo o dinahilan na maysakit siya para hindi matuloy ang kaniyang pagaaral. Masakit sa kaniya na nangyari ang mga bagay na iyon sa kaniya. Pero kahit na ganun, nagsumikap siya at nag-aral ng ibang mga bagay tulad ng instrumento, sining at iba pang walang kinalaman sa akademiko. Sa tingin ko,ang mga taong katulad niya. Kahit sabihin mo mang ganun ang katayuan niya, isa parin siyang dakilang tao at kagalang galang dahil hindi siya sumuko." pagsalaysay ko
"Mali pala ako sa kaniya..." mahina niyang wika
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"Ikaw, anong storya mo?" tanong ko
Nagpatuloy kami sa paglalakad at nahalata kong huminga siya ng malalim.
"Ako ang panganay sa aming anim na magkakapatid. Ngunit bukod sa pagiging panganay ay ako naman ang nahuhuli sa amin. Ang mga kapatid ko ay nagiging ekselente sa lahat ng mga bagay habang ako ay pumapangalawa lang lagi. Panganay dapat ang magmamana ng posisyon ng pamilya ngunit imbis na ako ay ang pangalawa kong kapatid ang tagapagmana. Walang nakakakita sa mga nagawa ko, walang tumatanggap sakin at walang nagmamahal. Nakakahiya lang.. Huwag mo akong pagtawanan, Victoria. Ginawa ko ang lahat para mabigyang dangal ang pamilya ngunit kulang pa ito." malungkot niyang salaysay
Tinapik tapik ko ang kaniyang braso at tumingin sa kaniya.
"Alam mo, ipinagmamalaki kita" nakangiti kong sambit
Bakas sa mukha niya ang gulat at mukhang naapreciate niya yung sinabi ko. Mukhang first time niyang marinig iyon sa ibang tao.
"Victoria.. ma-maari bang.." utal niyang sambit habang marahan niyang ibinubuka ang braso niya
Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at niyakap ko na siya. Alam kong nasasaktan din siya. Katulad ni Catalina na ibinibigay ang lahat pero hindi mameet ang expectations ng mga magulang.
"Walang perpekto sa mundo, at ikaw, ang kailangan mo ay magpokus kung saan ka magaling. Huwag mong ipagpilitan ang saliri mo sa mga bagay na hindi mo kaya" sabi ko sa kaniya at marahang sinuntok ang kaniyang dibdib.
Napangiti siya at ganun din ako sa kaniya.
"Simula ngayon ay kuya na kita at tatawagin mo na akong Victoria" sabi ko
Napatawa siya dahil sa sinabi ko
"Oo na, hanga ako sa katapangan mong utus-utusan ang heneral" natatawang wika niya
Sa mga oras na iyon ay may narinig akong tumawag sa akin. Agad kong tinakbo at hinanap kung saan galing iyon at agad kong nakita sina Leni, Rosa at Gretta.
"Binibining Catalina!" sigaw ni Leni at agad akong pinuntahan. Hinawakan niya ang mga kamay ko at nagaalalang tumingin sa akin.
"Ayos kalang ba binibining Catalina?" tanong niya
Sumingit si Ruiz sa usapan at nagtatakang nagtanong. Hmm, siguro nalaman niya nang ako si Catalina
"Binibining Catalina? Imposible!" hiyaw nito
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"Magandang hapon, ginoong Ruiz" bati ko sa kaniya at inalalayan na ako ng tatlong katulong na lumakad papalayo at naiwan siyang gulat na gulat.