Pinasa na namin ang mga sagutang papel sa harapan at ganun din ang mga test questionare. Akala ko ba quiz lang? Bakit up to 200? Niloloko niyo ba ako? Tas yung mga tanong mygas, mas magulo pa sa relasyon niyo ng jowa mo! Halo-halo may agrikultura, medisina, batas, pilosopiya, agham, religion at kung ano-ano pa! Pak na pak talaga ang first day of school ni Catalina, galit na galit pa sakin yung propesor nung una kaming magkita, hmmp! Isusumbong kita kay daddy!
Binigyan naman kami ng dalawang oras para sumagot at pagkatapos noon ay pwede na kaming magbreak time. Buti naman! Nagunat unat ako ng aking katawan dahil bigla akong nangalay sa pagupo. Maya-maya'y may dumating na tatlong babae sa harap ko. Tinignan ko sila at mukhang hindi nila gusto na nandito ako.
"Diba ikaw yung babaeng walang asal kanina? Ha! Nakakahiya ka" maarteng sabi nung babaeng isahang nakabraid at may malaking ribbon na tali
"Hahaha, tignan mo siya oh. Ewan ko nalang kung makakapasa ka pa sa pagsusulit kanina" maarteng tugon ng babaeng dalawa naman ang braid
"Sigurado kang kapatid ka ni Samantha? Ganda lang naman ang mayroon bakit ang lakas naman ata ng loob mo na pumasok sa paaralang ito?" maarteng dagdag ng isang naka-bun ang buhok
Sabay sabay silang naghagikgikan at napatingin sa amin ang iba naming mga kaklase. Tahimik lang sila at mukhang hindi makalaban. Siguro ang tatlong ito ang tres Marias sa kabulastugan.
"Tapos na ba kayo?" tugon ko
Nagulat naman sila nang bigla akong nagsalita.
"Kung tapos na kayong magsalita, pakiligpit naman ng mga kalat niyo"
Binigyan nila ako ng anong-kalat-look. At napakunot ang noo nila sa pagtataka.
"Anong mga kalat? Wala naman kami nun?" sagot ng babaeng dalawa ang braid
Ngumisi ako at tinuro silang tatlo.
"Kayo mismo ang kalat na tinutukoy ko. Pakiligpit niyo ang sarili niyo, paharang harang kayo sa harapan ko eh" sabi ko
Nagsalubong na ang kanilang kilay sa galit at sa sobrang galit ay hinila ako ng naka-bun papatayo at tinulak sa pader. Nakita ko naman na takot na takot ang mga kaklase ko at walang kahit isa ang umiimik.
"Kilala mo ba kung sino kami huh?" mayabang na tanong ng single braid
"Ako Maria Querasol Fernandez ng mansyon ng Fernandez!" sabi nung nakadalawang braid
"Ako naman si Maria Helga Cuentez at ako ang anak ni heneral Cuentez na nagsisilbi sa gobernador-heneral." sabi nung naka-bun
"At ako naman si Maria Mirabeles Tuazon, anak ako ng isang sikat na kapitan ng barko" sabi nung single braid..
Binigyan nila ako ng gulat-ka-no?-look
'Confirmed! Sila nga ang Tres Maria's! Di ko akalaing dito ko sila matatagpuan at naging kilala pala sila dahil sila ay bully
"Pakihanap naman ng pake ko" pagtataray ko
"Qué grosero!(ang yabang mo!)" sabi ni Mirabeles at aakmang sasampalin ako ngunit inunahan ko na siyang sampalin.
Napasinghap naman ang mga kaklase ko sa gulat nila.
"Bastarda!" sigaw ni Helga habang inaalalayan si Mirabeles
Malamig ko siyang tinignan at napa-cross arms ako.
"Hindi porket nasa mataas na posisyon ang mga magulang niyo ay pwede niyong nang api-apihin ang ibang tao" sagot ko
"Isu-Isusumbong kita kay ama!" mangiyak-ngiyak na tugon ni Mirabeles
"Ah talaga? Osige, samahan pa kita eh. Hindi mo rin ba ako kilala?" nakangisi kong wika
"I-Ikaw.." nangngingitngit sa galit na saad ni Querasol
Pinigilan siya ni Helga.
"Anong magagawa mo? Kapatid mo lang naman si Samantha. Kahit kailan hindi mo siya mahihigitan!" sumbat sakin ni Helga
Humagikgik ako hanggang sa napatawa na ako ng malakas. Wala nang manners kung wala basta ayoko lang nang minamaliit ng kahit na sino.
"Ako'y labis na natutuwa sa inyo. Hindi niyo ba alam? Ang ina ni Samantha ay kabit ng aking ama?" nakangisi kong usal
Napanganga ang ilan sa pagkabigla. Nanginginig akong tinuro ni Helga
"I-Ikaw... Sino ka ba?!" sigaw niya
Marahan akong tumawa.
"Ako?" tinuro ko ang sarili ko
"Ako si Catalina Victoria Lopez at ang nagiisang anak ni Lorenzo Lopez na kabilang sa Royal Audiencia. Ang aking tiyahin ay ang ikalawang pangulo ng unibersidad at ang aking mapapangasawa naman ay ang anak ng gobernador-heneral. Ngayon, bumalik tayo sa usapan kanina. Tara, magsumbong na tayo sa iyong ama" nakangiti kong sambit
Agad silang natigilan at agad na lumuhod sa harap ko
"Patawad, binibini. Hindi namin sinasadya" sabi ni Helga
"Patawarin mo ako sa aking inasal!" tugon ni Querasol
"Patawad po talaga, hindi na po ako magsusumbong." dagdag ni Mirabeles
Napangisi naman ako dahil ang mga mababangis na mga tigre kanina ay ngayon parang malambing na pusa na. Nilagpasan ko lamang sila na nakaluhod at umupo ako sa aking upuan.
"Simula ngayon, ayoko nang marinig pa ang mga boses niyo" sambit ko
"Si, si! (Opo, opo!)" saby sabay nilang sagot
"Sige maaari na kayong tumayo at kahit kailan huwag niyo nang subukan pang mambulas. Kapag nahuli ko kayong nambulas, pasensyahan tayo at mapipilitan akong patalsikin kayo sa unibersidad na ito" sabi ko
"Opo!" sabay sabay ulit nilang tugon
Tumayo na sila at pasimpleng bumalik sa kanilang mga upuan. Wala din akong nagawa kundi tumunganga lang sa bintana ng silid habang iniisip ang mga susunod kong gagawin. Sapat na kaya ang mga ginagawa ko? Sapat na ba ito para maiangat si Catalina? Ano nga ba ang kailangan kong gawin? Ano ba ang misyon ko dito? Kahit na paulit ulit kong tanungin ang mga bagay na ito, wala parin akong nakukuhang sagot. Hayss, nakakaloka ang sitwasyon ko!
Naisip kong magbasa basa muna ng libro baka mamaya ay bigla akong tanungin ng prof namin. Sumilip ako sa katabi ko at tinanong ko kung anong susunod na subject.
"Psst, anong susunod na asignatura?" tanong ko
Bigla namang nagulat ang katabi kong babae at medyo natatakot na tumingin sakin.
"A-Ano..." utal na sambit niya
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Ang susunod na asignatura ay pilosopiya" kinakabahang sagot niya
'Posible kayang natatakot sila sakin dahil akala nila mas nakakatakot akong bully kaysa sa Tres Maria's? Argh, kailangan malaman nilang mabait ako.'
"Ah salamat" nakangiti kong sambit
Ngumiti din siya tumungo. Kumuha na agad ako ng libro tungkol sa Pilosopiya at saka binasa ito. As expected, alam na ni Catalina ito pero binasa ko parin dahil baka maweirdohan sila sakin kapag nakita nila akong isang bukas lang ng libro ay okay na.
Di ko na namalayan ang oras at time na pala ng next subject namin. Pumasok na ang propesor namin sa room at binati kami.
Tumingin siya samin at nilibot ang tingin sa bawat isa samin. Napansin niya ako at napapalakpak siya.
"Bueno! May isa nga pala tayong bagong estudyante, binibini pwede kang tumayo at ipakilala ang aking sarili sa amin" sabi ng propesor
Tumayo ako at ngumiti sa kanila.
"Ako si Catalina Victoria Lopez. Ito ang unang pagkakataon ko sa kolehiyo. Sana ay magkasundo tayong lahat." masaya kong bati
Ngumiti naman ang propesor sa akin at tumungo.
"Ako nga pala si Ginang Cecilia Ramos at ako ang inyong propesor sa Pilosopiya. Maaari ka nang umupo binibini" sabi ni mam
Umupo na agad ako at nakinig.
"Ngayon ay may isa akong katanungan sa inyo. Ang makakasagot sa tanong na ito ay dadagdagan ko ang kaniyang marka. Simulan na natin, heto ang tanong. Kung ika'y mamamatay rin naman, bakit hindi pa ngayon?" salaysay nito
Natahimik ang silid at napaisip silang lahat. Ang dali naman ng tanong nayan!
Maya-maya'y may isang nagtaas ng kamay.
"Oh Pedro, sa iyong palagay ano ang kasagutan sa aking tanong?" sambit ni mam Ces
Tumayo si Pedro at saka nagsimulang sumagot.
"Marahil dahil may nakalaang oras sa aking kamatayan." sagot ni Pedro
Nanlaki ang mga mata ni ma'am at ganun din ang aming mga kaklase pumapalakpak silang lahat maliban sakin. Eh, tama na yun?
"Magaling! Tama si Pedro, naniniwala tayo sa tadhana. Hindi tayo basta mamamatay lamang ngayon dahil hindi pa itinakda." masayang wika ni ma'am
"A-Ano..." sambit ko habang nakataas ang aking kamay
Napatingin sila sakin at ganun din si ma'am.
"Sige binibining Lopez, may idadagdag ka ba?" tanong ni ma'am
"Hindi po ako sang-ayon sa sagot ninyo ni Pedro." sabi ko
"Ngunit totoo naman ang aking sinabi. Nabasa ko iyon sa isang sikat na manunulat at mataas ang kompyansa kong tama ang aking sagot"
Bigla namang sumagot si Pedro upang pangatwiranan ang kaniyang sagot
'Sa kaniya nabasa niya lang pero ang akin ay hindi. Ito ay hango sa aking sariling pinagdaanan.'
"Paumanhin ginoong Pedro ngunit nais ko ring ibahagi ang aking sagot" tugon ko
"Hmm, sige binibini, binibigyan kita ng permisong sagutin ang aking katanungan" sagot ni ma'am
Tumungo ako sa humarap sa kanila.
"Ang buhay ay saglit lamang. Kung mamamatay rin naman ako, bakit hindi ngayon? Ang sagot ay dahil hindi pa ako tapos. Nilikha tayo ng Diyos na hindi tapos at ang misyon natin sa lupa ay tapusin ang ating dapat gawin. Kung ngayon ako mamamatay, paano ako makakapagtapos sa makakapag-aral? Paano ako magkakaroon ng isang pamilya? At paano ko matatapos ang misyon ko? Hindi ako mamamatay ngayon dahil hindi ako pwedeng mamatay dahil may misyon ako. Yun lamang, salamat" sabi ko at kaagad na umupo sa aking upuan
'Hays sana nagets nila yung point ko. Hindi ko kase nadeliver ng maayos ang sagot ko eh.'
Natahimik ang buong klase at maya-maya'y biglang nagsipalakpakan ang mga kaklase ko. Ay, late reaction? Nakita ko ring pumapalakpak si ma'am Ces
"Bravo! Napakadunong mong estudyante. Hindi ko alam na napakatalino mo sa Pilosopiya. Kahanga hanga ang iyong sagot. Kailangan kong pagaralang mabuti ang iyong sinabi dahil ito'y makabuluhan, binibini" nakangiti niyang sambit
Tumungo lang ako at ngumiti. Ilang minuto pa ay nagpaalam na si ma'am at pumasok na ang mga propesor sa iba't ibang mga asignatura. Lahat ng mga magtutudlo ay may katanungan kaya naman lahat ng iyon ay sinagot ko.
Sa agham....
"Paano nagkakaroon ng ulan?" tanong ng propesor namin
Nagtaas ako ng kamay.
"Ang ulan ay nagsisimula sa dagat at sa sobrang init ng araw, ang tubig dagat ay sumisingaw at nagiging ulap. Ang ulap ay bumibigat kapag ito'y nasosobrahan kaya naman nagiging ulap ulan at ito'y napipiga dahilan ng pagbuhos ng ulan." sagot ko
Tumingin siya sakin at binigyan ako ng What-are-you-saying look.
"Kanino mo naman iyan natalos, binibini?" medyo inis na wika ng propesor
"Ito'y aking nabasa at napatunayan na." sagot ko
"Ang ulan ay hindi galing sa dagat. Ang ulan ay nanggaling sa ulap lamang at Ang ulap ang nagbubuhos ng ulan sa lupa. Kung ang ulan ay galing sa dagat, bakit hindi ito maalat?" dagdag ni Prof
"Hindi dahil galing sa dagat, ibig sabihin ay maalat na ang ulan. Pansinin ninyo, ang luha sa mata ay maalat ngunit hindi naman ito galing sa dagat, hindi ba? Kapag kayo'y nagsasaing, ang tubig ay nawawala ngunit pagkabukas ninyo ay puro usok at pansinin niyo ang takip ng kaldero, ito ay may tubig. Dahil ang tubig sa sinaing ay naging singaw sa sobrang init ng apoy at nagiging usok at kalaunay nagiging ulap. Ganun ang aking hinuha kung paano nagkakaroon ng ulan" sagot ko at naiwang gulat na gulat ang propesor dahil sa sagot ko.
Sa Medisina...
"Mag-iingat kayo sa sakit na bulutong at ketong. Ang mga sakit na ito ay nakakahawa at wala pang nagagawang lunas laban dito."
Nagtaas ako ng kamay.
"Guro, nagkakamali po kayo. May lunas po sa sakit na iyan!"
"Huwag kang magbibiro binibini, wala pang doktor ang nakakagawa ng lunas para sa bulutong!"
"Ang calamine lotion ay makakatulong na mabawasan ang pangangati. Ang pampahid na ito ay naglalaman ng mga katangian ng balat na nakapapawi ng kati, kabilang ang zinc oxide. Maaari rin po kayong maligo sa oatmeal at maaaring maging nakapapawi at nakaginhawa para sa bulutong-tubig. Kapag naligo ka rito ay hindi maikakalat ang bulutong mula sa isang lugar ng iyong balat papunta sa isa pa." sagot ko
"Ah... Pagiisipan ko pa iyan.."
Natapos na ang klase at napabagsak ako sa mesa ko. Rinig ko naman ang mga bulungan ng mga kaklase ko.
"Grabe ang ating binibini, napakarami niyang alam sa lahat ng bagay!"
"Tama ka, ngayon ko lang nasilayan ang ating mga magtutudlo na wala nang maisagot sa kaniya. Napakatalino niya!"
"Nakakatuwang nilampaso niya ang bawat propesor sa iba't ibang asignatura"
"Isa siyang henyo".
'Duhh, mga basics lang naman ang mga pinagtatatanong nila. Sana ganito nalang kadali lahat, nagsisimula na akong matuwa sa mga nangyayare!'