Chereads / Reincarnated in 1880 / Chapter 24 - KABANATA XXIV

Chapter 24 - KABANATA XXIV

Ilang linggo narin akong nag-aaral sa unibersidad na ito. Pagkatapos nang nangyaring gulo noon tungkol samin ni tiya Cassie ay hindi ko na nakita muli si Madre Soledad. Napalitan na ang madreng nagtuturo sa amin tungkol sa simbahan at masasabi kong hindi naman ito mahirap pakisamahan. Hindi siya masyadong strikto tulad ni Madre Soledad. Dahil doon, hindi na rin ako nagsalita pa ng taliwas sa relihiyon. Hindi ko maaaring baguhin ang kultura ng mga pIlipino sa panahon ng Espanyol. Nagpatuloy ang buhay ko mag-aaral at lagi na akong binabantayan ni Nicolas. Pagkatapos kong malaman na siya pala ang anak nang gobernador-heneral, ipinaliwanag sa akin ni ama na sa akin daw ang desisyon kung tuloy ang kasal o hindi. Gagalangin daw ni Nicolas ang aking desisyon.

Dumaan ang mga araw at naging mahigpit ang labanan sa klase ngunit hindi parin naiaalis ang pangalan ko sa unang ranggo dahil napeperfect ko daw ang bawat pagsusulit. Nagbabalik sa kasalukuyan, ngayon ay nakikinig ako sa propesor ko sa literatura at siya'y may ibabalita sa amin.

"Mayroon akong ibabalita sa inyo. Bukas ay magkakaroon ng kompetisyon kung sino ang magwawagi sa paggawa ng tula. Ang lahat ng mag-aaral ng unibersidad ay malayang makilahok sa paligsahang ito." pagaanunsyo ni Ginoong Cueza

Nagtinginan ang aking mga kaklase ng may mga ngiti. Napagtanto ko na gusto nilang sumali sa paligsahan. Siguro dahil excited silang muling gumawa ng may kinalaman sa literatura. Puro kase oral recitation at rssay ang mga ginagawa namin. Kaya siguto sabik na sila bukas.

Maagang natapos ang klase at wala ngayong klase sa simbahan dahil huwebes ngayon at lunes, miyerkules at biyernes lang kami pumapasok sa kumbento upang mag-aral. Umupo ako sa study corner at napatulala sa bintana.

'Sasali kaya ako?'

Biglang pumasok sa isip ko ang sumali ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat na nilalaman ng tula at kung may tugma o sukat ito. Marahil meron at kailangan kong magtanong sa isang tagapamahala upang malaman ko ang mga detalye ngunit tinatamad akong maglakad!

'Hays, eh kung hindi nalang kaya? Wala akong maisip na topic eh.'

Isinandal ko ang ulo ko sa mga braso ko na nakalapag sa mesa. Ilang minuto rin akong nakaganun at napagdesisyunan kong sumali, maglakad, at magtanong! Gora lang yan Catalina, fighting!

Umalis ako sa silid ko at nagsimulang lumabas sa dormitoryo. Lumakad ako papunta sa lugar kung saan gaganapin ang paligsahan. Nakita kong busy sila sa pagdedesenyo habang ang iba naman ay busy sa pakikipagusap sa iba.

'Hays, paano na ako makakapagtanong nito?'

Nagulat ako nang may boses akong narinig mula sa aking likuran, lumingon ako at nakita ko si Nicolas na nakatingin sa entabladong kanilang inaayos.

"Nais mo rin bang sumali?" tanong niya

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. Baka kasi akalalain niyang sumosobra na ako at lahat nalang ata nang contest ay sinalihan ko na.

"Ah.. eh.. Hindi, nakita ko lang na inaayos nila ito kaya naman pumunta ako rito upang tignan." palusot ko

Humagikgik siya ng kaunti at tumingin sakin.

"Sayang naman, sa aking pagkakaalam ay mahilig gumawa ng tula si binibining Catalina." sagot niya

'Oh talaga? Mahilig gumawa ng tula si Catalina?'

"Hindi naman mahirap ang paligsahan dahil malaya kang sumulat ng tula. Walang itong sukat ngunit kailangan ng tugma sapagkat kung walang tugma, hindi ito isang tula." Dagdag nito

"Talaga?" gulat long sagot

Pinigilan niyang tumawa at bigla naman akong nahiya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at medyo lumayo.

"Ah... Pasensya na" pahabol ko

"Wala naman iyon, huwag mo nang isipin. "

Ngumiti ako sa kaniya at ganun din siya sakin.

"Nga pala Catalina, sana kahit nalaman mong ako ang anak nang gobernador-heneral, nawa'y di magbago ang ating samahan" malungkot niyang usal

Nagulat siya nang hawakan ko siya sa braso. Humarap siy sakin at tumitig sa mga mata ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako magbabago"

Agad naman siyang tumalikod kaya nagtaka ako.

"Ah, may nakalimutan pala akong g-gawin. S-Sigr ah, mauuna n-na ako" utal niyang saad at saka tumakbo papalayo

Napakamot ako sa ulo ko sa pagtataka.

'Anong nangyari dun?'

Umalis na ako sa lugar na iyon at napagdesisyunan kong magmuni-muni muna upang makahanap ng pwedeng maging paksa ng gagawin kong tula. Sa paglalakad ay nakita ko si Rizal na may ibang babaeng kasama. Napa-face palm nalang ako habang nagpailing-iling sa kaniya.

Bakit ganun? Akala ko ba siya ang bayaning kailangang titingalain ng lahat pagdating ng panahon? Bakit wala pa siyang ginagawang paraan ngayon? Bakit parang paeasy-easy lang siya at take note, nambababae pa! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako ngayon. Bakit ako apektadong walang ginagawang paraan si Rizal upang ipaglaban ang bansa. Totoo nga bang mahal niya ang bansang Pilipinas? Oh sinungaling ang kasaysayan at sinabi lang na siya'y makabayan?

Mukhang kakalabas lamang nila sa isang restaurant at hinalikan pa ni Rizal sa kamay yung babae at ito'y umalis. Naiwan si Rizal at laking gulat niya nang masilayan niya ako sa harap niya. Hindi niya ako pinansin at nagsimulang maglakad.

"Hoy" pagtawag ko

Nilagpasan niya ako at agad akong napalingon.

'Aba't!'

Sa sobrang inis ko ay napapadyak ako sa sahig at sinigaw ang palayaw niya.

"Pepe!" sigaw ko

Gulat niyang lumingon sa akin at sa tingin ko ay dahil alam ko ang palayaw niya.

"Nadidismaya ako sa'yo. Ang akala ko isa kang bayaning maaasahan ng lahat pero mali ang inakala ko, imposibleng maging bayani ang isang babaero" tugon ko

Agad akong tumakbo papalayo at iniwan siya doon. Kahit na alam kong bawal tumakbo ng mga babae eh wala na akong pakialam. Dumiretso ako sa aking silid. Kinalikot ko ang mga bagahe ko at nakita ko ang rosas na ibinigay ni Andres. Bigla akong natigilan nang makita ito. Dahan-dahan ko itong kinuha habang ngumiti ng mapait.

'Ano na kayang ginagawa ni Andres ngayon? Maayos kaya ang kalagayan niya? Sana naman ay maayos na ang buhay nila nina Ciriaco. Namimiss ko na sila. Ilang buwan na rin ang nakalipas nang makasama ko sila.'

Marahan kong iniuntog ang aking noo sa mesa habang iniisip ang maaring gawing tula. Agad kong naalala ang ginawa kong tula noong nag-aaral pa ako. Sa asignaturang Filipino ay pinagawa kami ng tula na aming gagawing bookmark. Bigla namang pumasok sa isip ko ang mga salitang ginamit ko doon. Kaagad ko munang isinulat ang mga natatandaan ko at binagong muli ang nilikha kong tula.

Lumuluhang kalangitan,

Sumisigaw na ulan

Nangangalit na kidlat

Na ayaw nang tumahan

Kasabay nito ay ako

Ako na tumatangis dahil sa'yo

Ako na nanlulumo sa pagalis mo

Oo, heto ako, unting unting naglalaho

Sintang dalita na tumungo

Habang naglalakad ay napayuko

Paglabas sa ospital ay ayaw ko

Dahil ayaw kong iwan ang irog ko

Mapait na luha ay inilabas ko

Dahil hindi ko makalimutan mga ngiti mo

Kapag wala ka'y hungkag ang puso ko

Dahil kinukumpleto mo ang araw ko

Ngunit sa pagiisip ay napagtanto

Ika'y di para sakin, ako'y di sa'yo

Ika'y nandirito lang sa isipan ko

Dahil ika'y kathang isip at di totoo

'Sa wakas, natapos na rin ang tula ko! Grabe hindi ko ineexpect na napakakorni pala nito! Hahaha, pero worth trying naman so gora lang!!'

Nang natapos ko ang tula ay kaagad akong humilata sa kama at natulog na.

-----------------

Ngayon ay narito ako sa harap ng entablado at nakatingin sa nagaanunsiyo. Ipinakikilala niya ang bawag entry ng mga lumahok sa paligsahan. Naipasa ko na rin ang akin kaya naman expect Kong matatawag rin ako. At natawag nga ako at laking gulat ko nang bigla ring tinawag si Rizal. Napatingin ako sa kaniya at nagkasalubong ang mga mata namin, umiwas siya ng tingin at agad ko na ring ibinaling ang atensyon ko sa nagsasalita sa harapan.

"Mga ginoo't binibini, halina't panoorin ang mga makatang maghahayag ng kanilang saloobin. Isang tulang magsisilbing tulay ng kanilang damdamin. Isang masigabong palakpakan naman kay binibining Feromin! " masayang tugon ng host

Nagulat ako nang biglang basahin ng babae yung tula niya. Kaya pala binalik sa amin ang tula, dahil babasahin din namin ito sa harap! Jusko naman, bakit ba ganito! Pano na yan, di pa naman ako magaling sa pagsasalita.

Tinignan ko ang likod ng aking papel at nakita kong ako ang pangwalo. Nagbuntong hininga ako at nagpasyang magensayo. Umalis ako sa harap ng entablado upang maging magisa. Umupo ako sa gilid at binasa ang ginawa kong tula. Nagsimula ako kung paanong tono ang gagawin ko.

Mga ilang minuto narin akong nandito at medyo nakakabisado ko na ang gawa kong tula. Naging mas kompyansa ako sa aking sarili at handang sumubok. Maya-maya'y may narinig akong hiyawan ng mga tao at agad naman akong napalabas sa lungga ko. Pagkapabas ko, gulat kong tinitigan si Rizal habang makatang nagtutula sa harap ng maraming tao.

"Alza su tersa frente,

Juventud Filipina, en este día!

Luce resplandeciente

Tu rica gallardía,

Bella esperanza de la Patria Mia!

Vuela, genio grandioso,

Y les infunde noble pensamiento,

Que lance vigoroso,

Mas rápido que el viento,

Su mente virgen al glorioso asiento.

Baja con la luz grata

De las artes y ciencias a la arena,

Juventud, y desata

La pesada cadena

Que tu genio poético encadena.

Ve que en la ardiente zona

Do moraron las sombras, el hispano

Esplendente corona,

Con pia sabia mano,

Ofrece al hijo de este suelo indiano.

Tu, que buscando subes,

En alas de tu rica fantasía,

Del Olimpo en las nubes

Tiernisima poesía

Más sabrosa que néctar y ambrosía.

Tu, de celeste acento,

Melodioso rival Filomena,

Que en variado concento

En la noche serena

Disipas del mortal la amargapena.

Tu que la pena dura

Animas al impulso de tu mente,

Y la memoria pura

Del genio refulgente

Eternizas con genio prepotente.

Y tu, que el vario encanto

De Febo, amado del divino Apeles,

Y de natura el manto

Con mágicos pinceles

Trasladar al sencillo lienzo sueles.

Corred! que sacra llama

Del genio el lauro coronar espera,

Esparciendo la fama

Con trompa pregonera

El nombre del mortal por la ancha espera" pagtutula ni Rizal

Translation:

Itaas ang iyong noong aliwalas,

Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;

Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag

Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.

Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,

Mga puso namin ay nangaghihintay;

Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y

Ilipad mo roon sa kaitaasan.

Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw

Na ang silahis ng dunong at sining;

Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,

Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.

Masdan mo ang putong na nakasisilaw,

Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,

Ang putong na yaon ay dakilang alay,

Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.

O, ikaw na iyang may pakpak ng nais

At handang lumipad sa rurok ng langit,

Upang kamtan yaong matamis na himig,

Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.

Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,

Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot

Lunas na mabisa sa dusa't himutok

Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.

Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,

Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,

At ang alaalang wagas at dalisay

Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.

At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,

Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,

O sa isang putol na lonang makitid

Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.

Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,

Ang apoy ng iyong isip at talino,

Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,

At ipagbansagan ang dangal ng tao.

O dakilang araw ng tuwa at galak,

Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!

Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,

Umakay sa iyo sa magandang palad.

Bawat pagbigkas niya ay may hiyawan at sigawan. Ang iba naman ay napaluha sa kaniyang tula. Ang bawat salita ay may kalakip na pagdurusa at sa kabilang banda, isang piging. Kahit sa wikang Espanyol niya ito binigkas, naroon ang pagkakaintindi ko sa nais niyang ipabatid. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan!, ika niya.

Ngayon alam ko na kung bakit siya naging pambansang bayani. Dahil tanging si Dr. Jose Rizal lamang ang umaasa sa mga kabataang magsisimulang maging makabayan at ang susunod na magiging tagapagtanggol ng Pilipinas at taga-mahal nito.

Ngunit anong nangyari? Anong nangyari sa mga Pilipino? Kaisipang kolonyal? O sariling kagustuhan? Ang ilan sa atin ay nagwawalang bahala na sa bansang kanilang sinilangan. Kahit pagtapon ng basura sa tamang tapunan ay hindi magawa ng mga kabataan sa panahon ko. Ang simpleng pagsunod sa magulang, ang pagaaral ng mabuti, at mabuting pakikipagkapwa ay hindi na nagagawa ng mga kabataan sa aking panahon. Nakakalungkot lang isipin na, ang mga kabataang ito ba talaga ang pagasa ng bayan? O ang sisira mismo sa bayan?

Nabalik ako sa kasalukuyan nang tawagin na ang aking pangalan. Kabado akong pumanik sa entablado at nanginginig na tumindig sa harapan nila.

'Shems, ang dami namang tao! Huwag kang magalala Catalina, isipin mo ang mga pinraktis mo'

Nagsimula na ako sa aking pagtula at biglang tumahimik ang lahat. Nagpatuloy parin ako sa pagtutula kahit na napakatahimik talaga. Nang natapos ako, agad akong yumuko at nagsimulang lumakas ang palakpakan. Napatingin ako kay Rizal na shookt na shookt. Marahil ay tungkol sa pagibig kase ang aking ginawa hehe.

Natapos na ang lahat nang mga nakilahok at tumayo nang muli sa entablado ang host. Agad na akong umalis at di ko naman inaasahang mananalo ako.

"Ang nagwagi sa paligsahan ay walang iba kundi si.... Jose Protacio Rizal!" masayang bati ng host

Naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan.

"Sa ikalawang pwesto naman ay... si binibining Catalina Victoria Lopez!"

'Huh? Ano, ako pansecond place?'