Chereads / Reincarnated in 1880 / Chapter 23 - KABANATA XXIII

Chapter 23 - KABANATA XXIII

"Catalina, Catalina!"

Bigla naman akong nagulantang sa pagsigaw ng isang babae mula sa aking pintuan ang ito'y malakas na kinakalampag. Kasulukuyan akong nag-aaral tungkol sa agham at pilosopiya nang bigla akong nagulat dito. Agad naman akong tumayo at tumakbo papuntang pintuan. Dahil alam kong mahalaga ang balitang ito, walang pag-aatubiling binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Fiona na hingal na hingal at mukhang nababagabag.

"Anong nangyare Fiona?" nag-aalala kong tanong

"S-Si tiya Cassandra! Siya'y hinuli at ngayon ay nasa labas siya at kinakaladkad palabas ng mga gwardya sibil!" natatarantang wika niya

"Ano?!" sigaw ko

Napahawak ako sa aking buhok at marahang sinabunutan ang aking sarili. Napapailing iling ako talagang natataranta na ako!

"Maghunos dili ka, Catalina. Halika't puntahan natin sila at baka makumbinsi natin ang mga opisyal na siya'y pakawalan!" sigaw niya

"Sige!" sagot ko

Nakapaa akong tumakbo pababa ng pasilyo at mabilis kaming nakarating sa harap ng unibersidad. Natanaw namin ang tumpukan ng mga tao at mga ilang mga nakaunipormeng mga lalaki. Kaagad kaming tumakbo papunta roon at laking gulat ko nang masilayan ko ang tiya Cassie ko na nakaluhod sa mainit na sahig. Umiiyak siya at nagmamakaawa sa mga gwardya na pakawalan siya.

"Kasalanan ito ng iyong bastardang pamangkin!"

Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Madre Soledad na nakatayo at nakaharap kay tiya Cassie.

'Ano? Ibig sabihin ay ako ang may kasalanan nito? Napakasama ko, kung hindi lang sana ako nagmagaling noong nasa klase ako ni Madre Soledad, sana hindi ito nangyare.'

Inihanda ko ang sarili ko para pumunta kung saan si tiya Cassie at napansin ako ni Fiona.

"Catalina, huwag!" sigaw nito pero bago pa man ako mapigilan ay agad na akong lumuhod sa mga tao na nandoon.

Nagulat ang mga tao dahil sa ginawa ko. Lumakad ako habang lumuluhod sa humahawak sa tiya ko upang magmakaawang bitawan na siya.

"Parang awa niyo na, bitawan niyo ang aking tiyahin, hindi siya ang may kasalanan. Madre Soledad, tatanggapin ko ang lahat ng parusa na maaari mong ibigay sa akin. Walang kasalan ang tiya ko sa aking kaalibughoan" pagmamakaawa ko

Nagsimulang nagbulungan ang mga tao at nagtinginan sa isa't isa ang mga opisyales sa aking sinabi. Binitawan nila si tiya Cassie at agad noya akong sinalubong ng yakap.

"Catalina!!" pagtawa niya

Nagkayapan kami at dahil doon, nagsimula akong maiyak. Nagsisisi ako sa aking kabulastugan. Ni hindi ko naisip na may ibang maaapektuhan sa aking mga ikinikilos.

"Patawad tiya... Patawad at nadamay ka sa aking maling ginawa. Nangako ako sa'yo na tutulungan kita balang araw ngunit ngayon ay ibinababa pa kita. Patawad tiya.." wika ko habang umiiyak

Hinaplos niya ang aking buhok at tinapik tapik ito.

"Catalina, hindi mo dapat ginawa ang mga bagay na iyon. Alam kong naiinggit lamang sa iyo ang ibang mga magtutudlo sa iyong labis na kaalaman. Catalina, hanga ako sa iyong katapangan" sagot ni tiya

Natigil ang aming paguusap dahil may humatak sa aking tiya papalayo. Ang mga kamay naming magkahawak kanina ay pilit na pinaghihiwalay hanggang sa ito ay naputol. Humarap ako kay Madre Soledad at siya'y nakangisi sa akin at inihampas hampas ang patpat niya sa kaniyang palad.

"Tinanggap namin ang iyong kondisyon kaya naman kailangan mo itong panindigan!" sigaw ni Madre Soledad

Tumango ako at tumayo.

"Luhod!" sigaw nito

Kaagad naman na akong lumuhod. Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong maging matapang kundi madadamay ang aking tiya sa aking kamangmangan.

"Ilapat mo ang iyong kamay, magmadali!"

Inilapat ko ang aking mga kamay parang arms forward lang. Itinaas niya ang kaniyang patpat at alam kong tatadtarin niyang hampasin ang aking mga kamay hanggang sa magdugo ito. Ipinikit ko na lamang ang aking mga kamay at hinintay na tumama sa akin ang patpat.

Nararamdaman ko nang papatama na ito nang may narinig kaming isang sigaw mula sa kalayuan.

"Tigil!"

Napalingon ang lahat at nakita namin si Rizal na lumalakad papunta samin. Nagbigay ang mga tao ng daan upang makadaan siya. Maya-maya'y nasa harap na namin siya at matalim siyang tumingin kay Madre Soledad at sa mga opisyal.

"Hindi tamang parusahan ang isang kababaihan ng ganito, maaari kayong sampahan ng kaso!" sigaw ni Rizal

'Seriously? Nililigtas ako ni Rizal ngayon?'

Nainis si Madre Soledad at idinuro si Rizal.

"Ang lakas ng iyong loob na ako'y ipahiya, Jose! Alam mo bang hindi ka maaaring makisabat sa utos ng isang Madre?" galit na usal nito

Bago paman makapagsalita si Rizal ay may isa nanamang boses kaming narinig.

"Eh ako kaya, bawal din?"

Napalingon ako sa kanan at nasilayan ko ang kakisigan ni Nicolas. Ang kaniyang maamong mukha ay napalitan ng isang matalim na tingin sa mga opisyales. Ngunit ipinagtataka ko kung bakit gulat na gulat silang makita si Nikolas maliban kay Madre Soledad.

"At sino ka naman ginoo? Hindi mo ba alam na ang babaeng ito ay tumataliwas sa simbahan?" galit na usal ng madre

"Hindi ako natutuwa sa pananalita mo, paanong ang isang madreng katulad mo ay nagmamataas pa kaysa sa mga opisyales ng gwardya sibil?" malamig na tugon ni Nicolas

"Aba't sino ka------"

Hindi na natapos ang pagsasalita ng Madre nang bigla siyang hinawakan ng mga alagad ni Nicolas at kinaladkad paalis sa harap ko. Gulat na gulat ang aking reaksyon habang nililingon ko ang madreng kanina lang ay inaabuso ako at si tiya na kinakaladkad dahil sa utos ni Nicolas. Ang tanong, sino nga ba si Nicolas?

Agad na lumuhod ang mga opisyales maging ang heneral ng gwardya sibil kay Nicolas.

"Patawad kung nasilayan mong ganito ang sitwasyon namin ngayon, señorito Nicolas" Sabi ng heneral

Ipinanatili niyang nakaluhod ang mga ito habang pumupunta sa direksyon ng madre.

"Sino ka ba? Kapag nalaman ito ni Padre Zueco ay talagang malalagot ka hahaha" natatawang parang baliw na sambit ni Madre Soledad

Nagulat ako nang sampalin ni Nicolas ang madre nang malakas. Alam kong malakas iyon dahil rinig na rinig ang pagsalpak ng kamay ni Nicolas sa pisngi niya.

"Ako si Nicolas de Enchague, ang pangalawang anak ng gobernador-heneral ang ang tagapagmana ni Miguel de Enchague na apo ng hari ng Espaniya na si Haring Charles IV, ngayon kilala mo na ako?" nakangising wika ni Nicolas

'WHHHUUUUUTTTTT???! So means, si Nicolas ay isang tagapagmana ng gobernador-heneral at hindi lamang isang tagasilbi ko?? Waahhh kaya pala parang big deal sa mga kasama niya yung pagpaparusa ko sa kaniya ng latigo kaya siya nasugatan. Pero ngayon, nagbalik na siya. Nicholas de Enchague?? Enchague? So magkapatid sila ni Ruiz! Kase naaalala kong ang pangalan ni Ruiz ay Ruiz de Enchague. So means ulit na..... Imbis na si Ruiz ang tagapagmana ng posisyong gobernador-heneral ay si Nicholas na ang tagapagmana nito. Wahhhh, bat ganun? Why so complicated?'

"I-Imposible!" sigaw ni Madre Soledad

Humagikgik si Nicolas sa kaniya at itinuro niya ito

"Alisin niyo sa harap ko ang babaeng ito ay sabihin niyo kay Padre Zueco na ako mismo ang nagalis ng pwesto sa isa niyang Madre. Kung may reklamo siya, sa aking ama siya pumunta" utos ni Nicolas

'Ngayon ko lang nakitang ganito kalupit si Nicolas. Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako kay Rizal dahil nauna siyang pumagitna at pumigil kay Madre Soledad na mahampas ako ng patpat. '

Lumakad ng dahan-dahan papunta sakin si Nicolas. Tumigil siya sa harap ko ay inabutan ako ng kamay. Tumingin ako sa kaniya at binigyan ako ng isang malaking ngiti. Ang mga ngiti niya ang nagbibigay sa akin ng kapayapaan sa mga nangyayari. Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya at tinutulungan niya akong makatayo.

"Salamat, Nico" pabulong kong bigkas

Medyo namula siya dahil sa sinabi ko. Napalingon ako at nakita ko na lumuluha sa saya si tiya Cassie. Umalis muna ako sa harap ni Nicolas at tumakbo papunta sa kaniya. Niyakap naming muli ang isa't isa sa tuwa marahil hindi natuloy ang parusa sa akin. Pagkadilat ko nang mata ko at nakita ko si Jose na nakangiti sa akin. Inialis ko ang pagkakayakap ko kay tiya upang puntahan si Rizal para magpasalamat ngunit bigla namang dumating ang aking ama kasama sina Don Francisco at Don Guillermo.

"Victoria, anak!" Sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap ni ama. Niyakap ko siya pabalik at napaluha dahil sa pagkakataong iyon, hinahanap ko ang kalinga ng isang ama. Noong nabubuhay pa ako sa taong 2019, mas napamahal ako sa papa ko kaya sa mama ko.

Hinalikan ni ama ang aking ulo at tinapik tapik ang aking balikat.

"Salamat at ayos ka lang anak, nang mabalitaan ko ang nangyare sa'yo kaagad akong pumarito upang pigilan kung sino man ang bastardang madreng iyon na gustong parusahan ang iyong tiyahin ngunit naglakas loob ka na akuhin ang kasalanan. Ipinagmamalaki kita." saad ni ama

Natigil ang aming pagyayakapan nang sumalubong si tiya Cassie at niyakap si ama. Hinanap ko kung nasaan si Rizal para man lang makapagpasalamat ako sa kaniya ngunit bago pa man ako makaalis ay may humila sa akin. Nakita ko si Nicolas na hawak hawak ang braso ko. Agad na tumindig siya at parang hinahanda ang sarili sa pagsasalita.

"Tandaan niyo kung sino ang babaeng ito. Ang babaeng ito ay si binibining Catalina Victoria Lopez, siya ang aking mapapangasawa pagdating ng panahon kaya Kung sino man ang nais humamak sa babaeng ito ay makakalaban niyo hindi lang ako, ngunit ang buong Espaniya, maliwanag?" malakas niyang wika

Agad naman akong napanganga sa sinabi niya. Bigla kong naalala na dapat ay ipakakasal ako sa anak ng gobernador-heneral. At oo nga, napagtanto ko na rin na si Nicolas iyon at si Nicolas ang mapapangasawa ko!

'For real? Pero alam ba noon ni Catalina na si Nicolas ang gobernador-heneral? Kung alam niya na si Nicolas iyon hindi na siya maglalayas diba? Ibig sabihin ay tinago nila ang identity ni Nicolas bilang tagapagmana ng pagiging Gobernador-heneral! Waahhh bat ganun?'

Dahil sa pagiisip, napa-tulala ako at biglang gulat ko nang buhatin ako ni Nicolas.

"T-Teka, anong ginawa mo?" namumula kong tanong

"Masama sa isang binibini na maglakad sa mainit na sahig nang naka-panyapak lamang. Huwag kang mag-alala, ihahatid lamang kita sa iyong silid. Ako na ang bahala sa iyong ama at sasabihin kong nagpapahinga ka" sambit niya

Nginitian ko siya at hinayaang dalhin ako sa aking silid.

'Ngayon alam ko na kung bakit takot si ama sa ama ni Nicolas. Dahil ang ama ni Nicolas ay ang gobernador-heneral ng Pilipinas, ang pinakamataas na posisyon sa buong Pilipinas.'

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag