Pumikit si Andres kaya naman bigla akong kinabahan. Napatayo ako at tumawag ng mga gwardya.
"Ikaw, dalhin mo na siya sa pinaka-mamahaling ospital gaya ng ipinangako ng iyong heneral." sabi ko sabay nagturo ng isang gwardya
"Masusunod po" wika nito at tinulungang itayo si Andres.
"At isa pa" dagdag ko
Tumingin sa akin ang gwardya at tumingin din ako sa kaniya.
'May kutob akong may hindi sila magandang gagawin kay Andres habang wala ako kaya nagtitiyak lang ako.'
"May mata ako sa bayang ito. Sa oras na hindi niyo tinupad ang pangako ninyo, huwag na ninyong papangaraping buhay at ligtas Ang pamilya niyo--ay hindi ang buong angkan niyo." sambit ko
'Nanonood ako ng mga teleserye dati kaya alam ko kung paano magbanta'
"O-Opo, binibini" sagot niya
Isinakay si Andres sa kalesa nang dahan-dahan at nagsimula nang umandar ito papalayo.
'Andres... Imposible na kitang makita pa.'
Narinig ko ang pagtawag ni Nicolas sa pangalan ko kaya naman pumunta na ako sa kalesa. Tutulungan na sana ako ng isang gwardya na makaakyat pero hindi ko siya pinansin at umakyat na ako mag-isa.
'Sinong may kailangan ng tulong sa pagsakay? Para lang yun sa mga mahihina! May mga ala-ala sa katawang ito na mahina at sakitin si Catalina pero hindi ako si Catalina at iibahin ko ang takbo ng buhay niya. Kahit na papaano, makakatulong ako sa kanya bilang pasasalamat sa paghiram ng buhay niya.'
Pumasok na ako sa kalesa at umupo na. Pagkaharap ko ay nakita ko si Nicolas na nakatitig sa akin. Hindi galit or malungkot pero tingin ng nag-aalala. Naka-topless siya at walang damit kaya naman hindi ko mapigilang tumingin sa tinatawag nilang pandesal.
"Binibini, ayos ka lang? Nagdurugo ang iyong ilong" sambit niya at lumapit sa akin
Lalo namang nagdugo yung ilong ko nang mahawakan ko ang pandesal! Grabe totoo pala to? So hindi siya kathang isip lang.
"Binibini, mas nagdurugo ang ilong mo" dagdag pa nito
Binigyan niya ako ng panyo at saka tinulungang punasan ang dugo ko sa ilong. Sa kabila ng sakit niya sa likod ay nagawa niya parin akong tulungan. Ngayon ay nakokonsensya ako ng kaunti sa ginawa ko kanina. Pero tama lang iyan sa kaniya! Pinipigilan ko siya pero ayaw niyang makinig sa akin.
"Ayan, wala na"
Nabaling ang atensyon ko sa kaniya nang bigla siyang nagsalita. Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang umupo sa harap ko.
"Sinasabi ko na nga ba't mahina parin ang katawan mo kaya dapat ay nagpapahinga ka lang" wika nito
Hindi ko na siya inabalang sagutin at tumingin nalang muna sa bintana ng kalesa. Nagsisimula na akong magtaka tungkol sa buhay ni Catalina? Anong klaseng tao siya? Ano ang mga hilig niya? May nagugustuhan na ba siya? Anong klaseng pamilya meron siya?
Gusto ko mang alalahanin ang mga bagay na ito ngunit di ko magawa. Nakikila ko si Nicolas dahil nakita ko siya. Posible kayang naalala ko lang ang mga bagay bagay dahil nakikita ko? Siguro nga, siguro kapag nakita ko ang mga taong kilala ni Catalina ay makikilala ko sila.
"Argh"
Narinig kong dumaing si Nicolas kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nasasaktan siya dahil sa hapdi ng latigo sa likod niya.
"Kiko, ang borlas! Nagdurugo ang likod ng ating heneral!" sigaw ng gwardya malapit kay Nicolas
*borlas-panyo
Ibinigay sa gwardya ang panyo at aakmang pupunasan na sana ito ng gwardya nang pigilan siya ni Nicolas.
"Ako na ang magpupunas" sagot nito
"Pero heneral--" naputol na wika nito
"Ako na ang bahala, ayokong maging kaawa-awa sa harap ng binibini. Wala nang mas masahol pa sa mawalan ka ng kahalangdon sa babaeng dapat binibigyan mo ng kandili." taimtim na sagot ni Nicolas
*kahalangdon- dignidad
*kandili- proteksyon
'Tsk, ang lalaking ito. Napakataas ng pride. Sa tingin niya ba maaabot niya yung likod niya? Nagiisip ba siya?'
"Ibigay niyo sa akin, ako na ang magpupunas" sambit ko
Tumingin sila sa akin ng may halong pagkagulat at pagtataka.
"Sigurado ka binibini? Hindi bat hindi ka sanay humawak ng mga maruruming bagay?" sabi ng gwardya
'Ahh so germophobe pala itong si Catalina. No wonder nabitawan kong bigla yung latigong may dugo. Pero bakit hindi sa duguang kamay ni Andres? Sabagay, hindi naman ako si Catalina eh'
"Ano naman ang pakialam ko? Mamamatay na ang kasama ko pero dahil lang hindi ako sanay humawak ng maruruming bagay ay wala na akong gagawin?" pagrarason ko
Bigla namang naliwanagan ang gwardya at napa-tulala naman si Nicolas.
'Dahil naging parte ka ng buhay ni Catalina at ikaw lang ang tanging nagmamalasakit sa kaniya, asahan mong palagi akong magtatanaw ng utang na loob sa'yo. Marahil ganun din si Catalina. At ganito rin ang gagawin ni Catalina kung sakali mang masisilayan ka niyang ganyan.'
"Ibibigay mo ba sakin o hindi?" inis na wika ko. Napansin ng gwardya na naiinip na ako kaya naman lumuhod siya at iniabot ang panyo.
"Paumanhin binibini, ito na po" sabi nito
Kinuha ko ang panyo mula sa kaniyang kamay. Tumingin ako kay Nicolas ay walang alinlangang lumapit sa akin at umupo sa sahig na nakatalikod.
"May tubig ba kayo?" tanong ko
Agad namang dumungas ang gwardya sa labas.
"Tubig daw" sabi nito
'Pfft, tubig daw? Wth?'
Inabutan ako ng isang basong tubig at agad ko namang ibinuhos sa kalahati ng panyo yung tubig.
"Nicolas, sabihin mo kung nasasaktan ka o hindi. Para naman alam ko kung saan ko kailangang maging maingat." bilin ko
"Hindi ko kaya, binibini. Ayokong makita mong nasasaktan ako at tumatangis dahil lang sa sugat." sagot niya
"Kahit ngayon lang... pakiusap.."
Natigilan siya dahil sa sinabi ko.
"Maging totoo ka sa sarili mo. Hindi mo kailangang iinda ang sakit na hindi mo dapat maranasan. Alam kong wala ako sa katayuan para sabihin to sa'yo dahil sa unang dako ay ako naman talaga ang may gawa niyan sa'yo.."
"Hindi mo kasalanan iyon. Hindi ako nakinig sa'yo at ang mas masaklap ay nasaktan pa ang braso mo dahil ipinapigil kita kay Felipe. Nahuli ako ng aking galit na damdamin at nagawa ko ang mga bagay na iyon. Ayaw ko lang na makita kang naghihirap dahil sa gawa ng isang tao. Nagpadalos-dalos ako sa aking kilos at ito ang resulta noon. Wala kang dapat ipagsisisi dahil kung maayos akong nakipag-usap ay hindi nangyari ang mga bagay na ito." pagsasalaysay niya
'Naantig naman ako dahil napakatotoo niya pala. Nagalit siya dahil akala niya pinapahirapan ako ni Andres kaya ako naging parang gusgisin. Ngayon alam ko na, mapapagkatiwalaan talaga si Nicolas. Masama lang ang loob ko dahil sa ginawa niya kay Andres. Hindi niya dapat ginawa yun.'
Yumuko ako para maabot ko ang mukha niya.
"Masaya akong nagsisisi ka na sa iyong kasalanan. Alam kong isa kang matuwid na tao. Hindi mo kayang pumaslang." sambit ko
Nagulat siya at napatingin sa akin. Nginitian niya ako at ganun din ako sa kaniya.
"Kaya sasabihin mo kung masakit o hindi ah" dagdag ko
"Oo naman, binibini" sabi niya
Sinimulan kong tapiktapikin ng dahan-dahan ang kanyang malaking sugat ng basang panyong ito. Pagkatapos ay dahan-dahan ko itong pinunasan.
"Aray!" daing ni Nicolas
"Paumanhin, saan ang masakit?" tanong ko
"Kung saan nagtagpo ang dalawang sugat." sagot nito
Naalala kong parang pa-ekis ang sugat na ginawa ko sa kaniya. Kaya naman maingat ko itong pinunasan. Pagkatapos kong punasan ng basang basahan ay ang tuyo naman para mabilis ang pagdaloy ng platelets niya at gumaling agad ang sunod although it takes a week para tumuyo ang ganitong klaseng kalaking sugat.
"Ah.. Binibining Catalina, may katanungan ako sa'yo." sambit niya
Patuloy parin ako sa pagpupunas ng kaniyang sugat at sinabing, "Ano naman iyon?"
"Napupusuan mo na ba ang lalaking si Andres?"
Natigilan naman ako sa pagpunas dahil sa sinabi niya.
'Ano bang dapat kong isagot? Ang lalaking iyon.. Minahal ko rin siya pero hindi ko pa siya nakakasama ng matagal. Hindi ko pa siya lubos na kilala ngunit sa kaniya unang tumibok ang puso ko.'
"Ang lalaking iyon.. ay mahalaga sa buhay ko." tugon ko
"Sinasabi mong hindi mo pa siya napupusuan?" sunod na tanong niya
'Ano ba namang klaseng mga tanong iyan! Pero... naging crush ko siya at ang crush ay paghanga lamang.'
"Ang taong iyon ay ang nagligtas sa buhay ko nung wala ka. Muntikan na akong masagasaan ng kalesa buti nalang ay sinagip niya ako. Wala akong maalala sa panahong iyon at siya rin ang nagbigay sa akin ng titirhan ko. Hindi niya ako pinilit na magbenta ng mga produkto dahil gusto kong sumama. Dapat lang na protektahan ko yung taong nagbigay sa akin ng buhay. Tapos ikaw na hindi man lang inalam ang sitwasyon at nagpadalos dalos sa pagkilos ay muntikan nang patayin ang taong sinubukan akong buhayin! Hindi mo ba alam kung gaano ako nadismaya sa ginawa mo? Napag-isip isip ko tuloy na gusto mo akong mamatay kaya naman galit ka sa taong tumulong sa aki----"
Nagulat ako nang biglang humarap si Nicolas sa akin at bigla akong niyakap.
"Hindi yan totoo. Hindi ko nais na mawala o kaya mamatay ka. Kay tagal lang kitang hinanap. Nasuyod ko na ang kalahati ng Luzon para makita ka at ngayong nakita kita, wala nang hihigit pa sa kagalakang ibinigay ng Diyos sa akin. Aanhin ko ang walang sugat na katawan kung hindi mo naman ako patatawarin. Nagsisisi ako dahil sa ginawa ko kay Andres. Ang mga katulad niyang taong may dignidad ay dapat ipinagkakalooban ng gantimpala. Huwag kang mag-alala at nasa pangangalaga ko ang kaniyang buhay. Pangako iyan, utang ko ang buhay ko sa taong sumagip sa'yo"
'Lumuwag ang kalooban ko nang marinig ko sa kanya ang mga salitang iyon.'
Nais ko na sanang kumawala sa kaniya ngunit hinawakan niya ang manggas ko.
"Maaari ba tayong manatili muna nang nakaganito, Catalina?" wika niya
Tumungo ako.
'Ang swerte ni Catalina sa lalaking ito. Ano naman ang dahilan niya para tumakas mula sa kanilang tahanan kung may kaibigan naman siyang katulad ni Nicolas?