'Salamat at naging maayos na rin ang lahat'
Napatingin ako sa itaas at napapikit. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro na rin dahil ngumingiti ang totoong Catalina sa puso ko ngayon. Sa wakas ay natupad niya na ang pangarap niya, ang magkaayos sila ng kaniyang ama.
Tumayo na kami mula sa pagkakaluhod.
"Argh!"
Nabasag ang eksena naming mag-ama nang bigla naming narinig na dumadaing si Nicolas.
"Nicolas" sigaw ko at agad akong tumakbo sa kinaroroonan nito
Siya ngayon ay namimilipit sa sakit marahil ay naimpeksyon na rin ang kaniyang sugat dahil matagal itong na-expose sa labas.
"Anong nangyari?" nababalisang tanong ni ama nang makarating siya sa harap ni Nicolas
Nakita niya ang sugat nito sa likod at napa-takip siya sa kaniyang big sa nakita niya
"Sino ang lapastangang gumawa sa iyo nito?!" galit na sigaw ni ama
Bigla naman akong binagabag ng kaba at tensyon dahil sa takot. Paano kung may nagtaksil at sinumbong akong bigla? Hindi.. Hindi maaari! Kung kailan magkaayos na kami ni ama ay walang sinomang makakasira nito!
Bigla akong naging kalmado nang biglang may humila sa saya ko. Nakita ko si Nicolas na hawak hawak ito at ngumiti siya sa akin at binigyan ng its-ok look. Huminga ako ng malalim nang malaman kong kailangan kong magtiwala kay Nicolas
Biglang may dumating na gwardya at lumuhod sa harap namin ni ama.
"Mahal na hukom, sa aming paglalakbay tungo sa paghahanap sa binibini ay may mga bandidong grupo po ang sumugod sa amin. Ilan sa mga kasamahan namin ang nasawi. Ang ilan ay sugatan rin kaya naman nahirapan kaming ibalik ang binibini. Hindi po namin kilala ang mga bandido ngunit dahil marami sila, wala po kaming laban. Nabihag po ang heneral at dalawang beses hinagupit. Sa huli po ay naging matagumpay po ang pagliligtas sa binibini" kwento ng gwardya
'Ano ba namang klaseng palusot iyan? haha, pero infairness convincing sila.'
"Kailangan nating mahanap ang mga taong gumawa nito! Sabihin mo kung saang lugar nila nadakip ang anak ko, kailangang mapatay ang gumawa niyan sa heneral!"
Napa-lunok laway ako at ang mga gwardyang kasama ko kanina. Paano kung magpaimbestiga? Paano kung malaman nilang ako ang gumawa noon?
Dali-dali kong hinawakan ang kamay ng ama ko. Kailangang hindi niya munang isipin kung sino ang gumawa nito. Kailangang ilibang ko siya sa ibang mga bagay.
"Ama, mabuti pang dalhin muna natin ang heneral sa pagamutan. Marahil naimpeksyon na ang kaniyang mga sugat at baka lalo itong maging malubha." wika ko
Tumungo si ama sa pag-sangayon.
"Kayo, dalhin ninyo ang heneral sa pagamutan, madali!" utos ni ama
Bigla niyang sinabunutan ang kaniyang mga buhok. Ang mga mata niya at balisa at para bang may bumabagabag sa kaniya.
"Kailangang mahanap ang gumawa nito kay Nicolas! Magagalit ang kaniyang ama sa akin.. La mierda! (Kainis!)" sambit ni ama
"Ama sino po ba ang ama ni Nicolas?" tanong ko
Biglang natigilan si ama nang marinig ang tanong ko. Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking ulo.
"Anak, hindi mo na kailangang malaman ang mga bagay na iyon. Inutusan ko na ang ilan sa mga katulong upang linisin ka at bigyan ka ng maayos na damit. Magpahinga ka na pagkatapos. Baka mas lumala ang kalagayan mo, lalo na't hindi ka maaaring mapagod." sambit ni ama
Hinalikan ni ama ang aking noo at niyakap ko siya. Dumating na ang ilan sa mga katulong at yumuko sa akin.
"Binibini, halina po sa taas at nakahanda na po ang inyong paliliguan" sabi ng isang katulong
Tumungo ako at muling nilingon si ama.
"Ama, huwag niyo pong masyadong pagurin ang sarili niyo." sabi ko
Nginitian niya ako habang ako naman ay papaalis na. Nagsisimula na akong magtaka kung sino ang tinutukoy ni ama na ama ni Nicolas? Makapangyarihan din ba ang taong iyon? O kaya naman kaibigan ni ama.
Simundan ko ang mga katulong at pumanik kami sa taas. Napakahaba ng hangdan papuntang taas kaya naman napagod ako umakyat lang kami. Hiningal ako pagkatapos.
'Hayy.. Ito pala ang disadvantage ng may malalaking bahay! Sobrang taas ng hagdan!'
Nang marinig ng mga katulong ang paghingal ko ay agad nila akong inaaalayan.
"Ayos ka lang, binibini?" tanong ng isa
"Oo, huwag kayong mag-alala" tugon ko
Inalalayan parin nila ako hanggang sa makarating na ako sa kwarto. Binuksan nila ang pinto at namangha ako sa laki ng kwarto ko. May chandelier sa itaas, napakalaking higaan na kasya ang limang tao, may naglalakihang book shelves, may piano, may malaking study corner, may art corner at may pinto sa gilid, probably ay yun na ang cr. Hindi 3 in 1 ang kwartong ito kundi ALL IN ONE! Ang kwartong ito ay hindi kwarto! Bahay to ng tita kong mayaman!
Yes! Mayaman na ang tita ko pero kasing laki lang ng bahay niya ang kwarto ko! Grabe, feeling ko tuloy isa akong prinsesang naligaw sa Disney like Cinderella, Aurora and Snow White na nakatira sa isang palasyo. Ang yaman ko na!!! Kung may cellphone lang akong dala ngayon malamang ay pinainggit ko na sa picture ang kwarto kong ito.
"Binibini.."
Nabalik naman ako sa katinuan nang biglang may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko silang nag-aantay sa pintuan. Lumakad ako papunta sa kanila.
"Maaari niyo na pong hubarin ang inyong damit." sabi ng katulong
'What, no!"
Hinarang ko aking dalawang kamay sa dibdib ko at tinignan ko sila nang may pagtataka.
'Huwag mong sabihing minomolestya nila si Catalina!'
"A-Ayoko, hindi ko huhubarin ang damit ko" sambit ko
"Pero binibini, ginagawa naman natin ito kapag naliligo ah"
"Aaah!" tumili ako at tumakbo palayo sa cr.
'Ahhhh! Ayokong mamolestya!'
"Pero binibini, inutusan kami ng inyong ama napaliguan ka" sabi ng isang katulong habang hinahabol ako
"Ayoko! Ayoko, ayoko, ayoko!" sigaw ko habang tumatakbo papalayo
'Waahh! Ayaw nila akong tigilan huhu'
Imagination: "Hubarin mo na yan, hehe" -manyakis na katulong
Dahil wala naman talaga akong nagawa, sa huli ay pinaliguan na nila ako. Minsan talaga eh may pagka-oa ako. Akala ko minomolestya nila si Catalina, hindi pala. Natural lang sa kaniya na makita ang hubad niyang katawan dahil sila ang nagpapaligo may Catalina simula pagkabata niya.
"Maraming salamat" wika ko at yumuko sa kanila
Mababait sila actually, Mali ako na hinusgahan ko sila. Ayon sa ala-ala ni Catalina, sila ang mga tapat niyang tagapagsilbi. Lagi silang nandyan kapag kailangan ni Catalina ng tulong. Masaya ako dahil hanggang ngayon ay pinagsisilbihan nila ng tapat si Catalina.
"Walang anuman, binibini. Aalis na po kami. Inilagay narin po namin ang inyong lumang damit sa iyong higaan ayon sa utos niyo. Tawagin niyo lang po kami kung kailangan niyo po ng tulong" sabi ng isang katulong
Ngumiti ako at nginitian din nila ako pabalik. Sinarado na nila ang pintuan at iniwan na akong mag-isa sa tahimik na lugar na ito.
Nanatili akong nakatayo sa pintuan at sinubukang hindi gumalaw. Nilingon ko ang bawat sulok ng bahay at nung may nakita ko ang repleksyon ko at agad akong tumigil sa paglingon. Tinitigan kong mabuti ang salamin.
Dahan-dahan akong lumakad papunta rito at habang papalapit ako ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hinawakan ko ang aking mukha mula sa mga pisngi at hinaplos haplos ito.
'Hindi maari... Ako nga ang nasa repleksyon dahil nagagya nito ang aking mga ikinikilos. Ibig sabihin ay... ito ang mukha ni Catalina!'
Tumili ako pero hindi ko nilagyan ng boses at baka magsipuntahan ang mga katulong at akalaing baliw ako.
'Ang ganda ni Catalina!!! Mahaba at itim na buhok, mapupungay at kulay kayumangging mata, mahabang mga pilik-mata, makapal na kilay, clear skin at walang bahid tagyawat (hayy sana ol), at mapuputing kutis! At idagdag ko pa ang magandang hubog ng katawan niya! Oh gosh, ang perpekto niya. Hindi ko akalaing ganito kaganda si Catalina at ang gandang ito ay ang bumihag sa puso ni Andres Bonifacio. Totoo naman na ang ganda niya talaga. Natotomboy na nga ako eh! Huhu, sana ol talaga
Ilang oras narin akong nakatitig sa salamin at nagpopose-pose pa ako. Confirmed! Isa akong prinsesang nakakulong sa isang palasyo na nag-aantay ng prinsipeng sasagip sa akin. Pero dapat may stepmother and stepsister din ako para kumpleto!
Maya-maya'y nabaling ang atensyon ko sa may kumatok sa pintuan ko.
"Binibining Catalina, nandito na po ang inyong kapatid." sabi ng isang tinig sa labas
'Ano? May kapatid ako? Pero ako lang ang nag-iisang anak ng mga Lopez. Ang ibig sabihin lang nito ay... siya ang stepsister ko!'