"Pasok" tugon ko
Nang bumukas ang pinto ay biglang pumasok ang isang dalagang parang kasing edad ko lang. Naka-bun ang buhok niya. Maputi siya, may itim na mga mata, maganda pero nga lang, kinulang sa height. Hmm, iniisip ko tuloy kung paano ako binubully ng mga ito.
Napatitig ako sa mga mata niya at may mga ala-alang pumasok sa aking isipan.
"Aking ipinakikilala, si Samantha Velo Lopez. Ang ikalawang anak ng pamilyang Lopez!" masayang pagpapakilala ng aking ama
Simula nang ako'y nagkasakit noong syam na taong gulang ako, nagpakasal ang aking amang si Lorenzo Lopez kay Anastasia Velo na isang balo. Ang anak nilang si Samantha ang tanging nakakapuno ng ekspektasyon ni ama, ang tanging nakakapagpaligaya sa kaniya. Matalino at maganda, iyan ang mga katangiang meron siya.
Nasa kaniya ang atensyon ng ama, mayroon siyang ina. Sa tuwing nakikita ko silang magkakasama ay napapaluha na lamang ako sa sobrang lungkot. Bakit ang saya niya samantalang ako? Walang nagmamahal sa akin, walang nagmamalasakit.
Naisip kong kaya nagasawang muli si ama ay kung sakaling mamatay ako ay mayroon parin siyang pamilya. Simula noon ay hindi na ako pinapakialaman ni ama. Hindi na rin ako pinapagalitan. Pero sa tuwing ako lang mag-isa o wala si ama ay minamaltrato ako nilang dalawa.
Minsan ay hindi nila ako dinadalhan ng pagkain. Minsan ay pinatutulog ako sa labas. Sinubukan kong lakasan ang loob ko para isumbong sila ngunit hindi ako pinapakinggan ng ama. Buti nalang ay nandyan si Nicolas para alagaan ako. Para tulungan ako, pinapatahan niya ako lagi at binibigyan ng pagkain kapag nagugutom.
Si Samantha ang laging umaabuso sa akin. Kahit ang kaniyang mga katulong ay sinasaktan din ako. Dinadalhan naman nila ako ng gamot kahit papaano ngunit nagsususpetsa din ako kung gamot ba talaga iyon o lason? Kada araw ay nanghihina ako.
"Mamatay ka na! Hindi ka na kailangan ng pamilyang ito! Ako na ang bagong anak ni ama at wala ka nang karapatang manirahan pa dito, sa labas ka matulog!"
"Huh? At talaga namang nagsumbong ka pa huh? Akala mo pakikinggan ka ng iyong ama?"
"Inumin mo ang nasa basong iyan at gagaling ka"
Natapos ang mga ala-alang iyon at napatikom ang aking mga kamao sa galit. Hindi ko lubos na akalaing magagawa ng isang tao yun sa kapwa niya. Ngayong nandito ako, hindi niyo na pwedeng saktan pa si Catalina. Ang lahat ng ginawa niyo sa kaniya noon ay pagbabayaran niyo ng sampung ulit!
Marahan siyang lumakad sa harap ko. Binuksan ang kaniyang abaniko at ipinaypay-paypay ito malapit sa kaniyang mukha. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
'Kakaloka tong babaeng to ah, kung makatingin akala mo mas mataas ang posisyon sa akin. Ehem ako ang legal daughter, excuse me..'
"Magandang hapon, aking kapatid" bati ko sa kaniya at nag-bow habang nakakapit sa aking saya.
Ngumiwi siya at binigyan ako ng what-are-you-saying? look.
'Tignan mo, ang itsura parang pinagbagsakan ng langit at lupa! Ano bang problema nito?'
"Sinong nagsabi sa'yo na maaari mo akong tawaging kapatid?" pagtataray nito
Nag-cross arms siya tinaasan ako ng isang kilay.
"Oh? Eh ano naman?" sarkastikong sagot ko
Baka sa mukha niya ang pagkainis dahil sa iniasta ko sa kaniya.
'Oh girl, don't think so highly of yourself'
"Anong sinabi mo?" inis na wika niya
"Kailangan ko pa bang ulitin ang sabihin ko? Nakakahiyang isipin na ang isang madunong na katulad mo ay ipapaulit pa ang isang madaling tanong" pailing-iling kong sambit
Biglang humakbang ang kaniyang katulong. Galit na galit ito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
'Pfft, g na g putek!'
"Lapastangan! Bakit ganyan ka makasagot sa binibini?" sigaw nito
"Eh ano bang dapat kong gawin? Kailangan kong lumuhod, ano siya poon?" sagot ko
"Ikaw..."
Kinuha nito ang kaniyang pamatpat mula sa kaniyang likuran.
"Magsisi ka at humingi ng tawad sa binibini!"
"Paano kung ayoko?" tugon ko
Ngumisi ang katulong at itinaas ang pamatpat.
"Ikaw, babae--" naputol na sambit ni Samantha
"Huwag kang mag-alala binibini,ako ang bahala rito."
"Siguraduhin mo"
Tumungo siya at muling humarap sa akin
"Matigas ka ah, kung gayon ay gagawin namin ulit sa'yo ang parusang hindi mo makakalimutan"
Sa pagkakataong iyon, naging pula ang paligid at may nakita akong isang batang babaeng walang awang pinapalo. Puro dugo na ang kaniyang likuran dahil sa sobrang paghahagupit ng malaking pamatpat. Ang mga ala-alang iyon ni Catalina ang muling nag-udyok sa akin na maging demonyo.
Ihahampas na sana niya ang pamatpat nang pigilan ko ito ng aking kamay.
"Huwag niyong ulitin ang mga pagkakamaling nagawa niyo noon" wika ko
Nagulat sila dahil hindi nila akalaing manlalaban ako. Pwes, akalain niyo ang hindi mangyayari dahil sa huli, pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo.
Hinugot ko mula sa kaniyang kamay ang pamatpat at inihampas ko iyon sa kamay niya.
"Lapastangan! Bakit mo ginawa sa akin iyon?" galit niyang sambit at susugurin sana ako ngunit hinampas ko ulit ang kamay niya
"Bakit, sino ka ba?" tanong ko
Agad siyang natigilan at nanahimik sa sinabi ko. Tumawa ako ng sarkastiko at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Nakakatawa lang na ang isang katulong pa ang may lakas ng loob para saktan ako, anong yabang mo naman!" dagdag ko
Tahimik paring ang paligid at naiinip na ako dahil hindi man lang siya nagsosorry.
"Lumuhod ka" sabi ko
"Ha-Anong sinasabi mo, hindi ako susunod---"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinampas ko ang kaniyang tuhod dahilan para makaluhod siya.
"Ang sabi ko, lumuhod ka" sambit ko
"C-Catalina... papaano mong nagawa iyan sa katulong ko!" sambit ni Samantha
Napangisi ako sa kaniyang sinabi at humarap sa kaniya.
"So anong kailangan kong gawin sa kaniya? Hayaan niyang saktan ako, ano ako siraulo?" tugon ko
'Hay, napapa-so tuloy ako'
Kahit anong gawin niyo, nasa katwiran ako hinding hindi niyo ako mapagkakaisahan.
"Hindi ikaw si binibining Catalina! Hindi niya ito magagawa sakin!" sigaw ng katulong na talaga namang kumulo sa dugo ko
Humarap ako sa kaniya at binigyan ng do-I-know-you? look
"Oh? At ano naman ang ginagawa ko dapat? Dapat ba akong magpaapi sa inyo at umiyak ng dugo? Aba, ang kapal ata ng mukha mo" usal ko
Dahil marami nang mga katulong ang nakikiusyoso, tumawag ako ng isang gwardya at sinenyasang pumunta dito.
"Ano po iyon, binibini?" tanong niya
"Nais kong parusahan ang katulong na ito na ang lakas ng loob hamunin ako. Kumuha kayo ng isang bilao at paluhurin niyo siya sa labas." utos ko
"Ako luluhod sa munggo? Ang lakas ng loob mo!" hirit ng katulong
"Dalia, magpasalamat ka't munggo lang ang luluhuran mo" bulong ng isa pang katulong
"Munggo?"
Napatingin sila sa direksyon mo nang bigla akong nagsalita at natawa.
"Sinong may sabing sa munggo siya luluhod?" sabi ko
Napangisi ang katulong at ang nasa isip niya ay natatakot parin ako sa kaniya kaya naman sa unan lang siya luluhod.
"Kunin niyo ang makita niyong mga babasaging porselana at ibato sa kaniya. Tapos, likumin niyo ang mga bubog at doon siya paluhurin!" wika ko
Nalaglag ang panga nilang lahat sa narinig nila.
"Catalina! Hindi mo ito maaaring gawin! Isusumbong kita kay ama!" hiyaw niya
"Ah talaga, osige magsumbungan tayo para mailabas ko na rin ang lahat ng baho mo"
Hindi na siya nakapagsalita pa at nayuko nalang. Iwinasiwas ko ang kamay ko upang sabihing ialis na nila sa harap ko ang pesteng katulong na iyan.
"Sa susunod mahal kong Samantha, bigyan mo ng mabuting asal ang iyong mga katulong. Baka nakakalimutan mo kung sino ang tunay na anak ng mga Lopez. Tandaan niyo rin, kayong lahat..."
Tumindig ako at taas noong humarap sa kanila.
'Una, kailangan kong sabihin sa kanila na ako ang dapat sundin, ako ang may kapangyarihan at hindi si Samantha.'
"Nais ko lang na sabihin sa inyo na kahit na mahina ang katawan ko at may sakit, hanggat nabubuhay pa ako at ako parin ang tunay na tagapagmana ng mansyon. Ang sinong magmamataas ay patatalsikin ko, maliwanag." sabi ko
Pumasok na ako sa kwarto at agad na sinara iyon, iniwan si Samanthang walang masabi at hindi na nakapaglaban pa. Humiga ako sa aking malaki at malambot na higaan. Napansin ko ang lumang damit na galing pa sa nanay ni Andres na nakatabi sa akin. Kinuha ko ito at may inihugot sa bulsa.
Nakuha ko ang rosas na ibinigay sa akin ni Andres. Hinalikan ko iyon at ibinaling ang aking sarili sa kaliwang parte ng higaan. Tumulo ang mga luha ko sa tuwing naaalala ko si Andres.
'Andres, kamusta ka na? Namimiss na kita'