Chereads / Reincarnated in 1880 / Chapter 12 - KABANATA XII

Chapter 12 - KABANATA XII

Nakalipas ang ilang mga oras at biglang natigil sa pag-andar ang kalesa. Sa mga oras na ito ay napag-isip isip ko na nandito na ako sa aking tahanan, hindi, sa tahanan ni Catalina. Sa wakas ay makikita ko na rin kung anong klaseng pamilya ang mayroon si Catalina.

Ika-apat na lunes ng Agosto ako napadpad sa panahon ng Kastila, taong isang libo't walong raan at walumpu (1880). Tuwing ika-apat na lunes isinecelebrate ang araw ng mga bayani kaya naman hindi na nagatubiling idisscuss ng teacher namin sa AP ang tungkol sa mga bayani. Sa kasamaang palad, may pasok kami noon kaya naman nabangga ako, natigok and then napunta sa lugar na ito.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong papasok kami sa isang napakalaking gate at sa pagpasok nito ay napakalawak na hardin at fountain sa gilid nito.

'Grabe hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa isang napakalaking mansyon ako. Hindi, nasa palasyo ako! Sa sobrang laki ng bahay ay matatanaw mo na agad siya sa kalayuan.'

"Nagbabalik ang heneral at kasama niya si binibining Catalina!" may isang sumigaw sa harap ng isa pang gate papasok sa mansyon

Kaagad naman nilang binuksan ang gate at pinahintulutan kaming pumasok. Pagkatapos ay ipinark na nila ang kalesa sa tabi ng isang puno. Binuksan ng isang gwardya ang pintuan at inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Dahil naman kailangan kong kumilos maharlika, ipinatong ko ang aking kamay sa gwardya at hinayaan ko siyang i-escort ako palabas. Pagkalabas ko ay nasilayan ko ang harap ng malaking mansyong ito. Grabe para akong nasa isang enchanted place dahil napaka-fancy ng lugar na ito. Ultimo garden at fountain kabog na kabog ang modernong panahon.

'Ganito pala kayaman si Catalina? No wonder marami siyang tagapasunod at maraming natatakot sa kaniyang kapangyarihan.'

Maya-maya'y narinig ko ang mga bulungan ng mga taga-silbi sa paligid namin. Siguro ay napansin na nila ang mga malaking sugat sa likod ng heneral.

"Kaawa awa naman ang heneral!"

"Sinong gumawa niyan sa kaniya?"

"At ang binibini, kalunos-lunos ang kaniyang sinapit?"

"Sino ang walang pusong dumakip sa kaniya?"

Agad naman akong kinabahan at nanginig sa takot. Paano kung isumbong ako?

"Halika na binibini, naghihintay sa iyo ang iyong ama"

Lumingon ako at nakita ko si Nicolas na ihilahad ang kaniyang kamay upang i-escort ako. Umiling nalang ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi mo na ako kailangang samahan, huwag mong ipwersa ang sarili mo at baka mas lumala ang iyong sugat." sambit ko

Nakita ko naman siyang biglang naging pulado ang mukha.

"Ah... S-Sabi mo eh, pinunasan na ng binibini ang aking sugat kaya naman gagaling na ito kaagad." tugon niya

Tinapik ko ng marahan ang ulo niya at halata sa mukha niya ang gulat ng gawin ko ito. Ang cute niya kase eh di ko napigilan ang sarili ko.

"Magiging ayos din ang lahat" wika ko

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman napatigil ako sa pagtapik sa ulo niya. Ibinaba niya ang kamay ko at itinapat sa puso niya.

"Ako ang bahala sa'yo, hindi kita pababayaan." sabi niya

'Kyaahh! Malapit na sa pandesal!'

Blood in my nose, please don't overflow!

Inalis ko na agad ang kamay ko sa kaniya at lumakad ng mabilis papalayo. Nagbuntong hininga ako dahil sa ginhawa. Akala ko tutulo nanaman ang dugo sa ilong ko.

Sinamahan ako ng ilang mga gwardya at inalalalayan ako sa aking paglalakad. Pumasok na kami sa mansyon at laking gulat ko nang masilaw ako sa mga gintong kumikinang sa itaas.

'Oh my! It's a chandelier. Totoong ginto kaya ang mga yun?'

"Para aquí! (Tigil!)"

Tumigil ang lahat sa paglalakad nang marinig ang tinig na nagmumula sa itaas. Napatingin ako sa harap namin para makita kung sino ang nagsalita. Pagkaharap ko ay nakita ko ang isang maskuladong lalaki na mga kasing edad lang ni Papa na mga nasa 40's lang ang nakaharap sa amin ngayon. May mga kayumangging kulay na mga mata at may bigoteng pa-arko.

'Siya ba? Siya ba ang ama ni Catalina? Sobrang nakakatakot!'

Tumingin ako sa mga mata niya habang patungo siya samin. Bigla namang pumasok sa ala-ala ko kung sino nga ba ang ama ni Catalina.

"Ama, tignan mo ang iginuhit ko oh!"

"Victoria, itabi mo muna iyan at ako'y abala sa gawain na ibinigay ng Hari! Matuto kang maging matino!"

"Ama, sasabitan po ako ng medalya sa susunod na araw, sana po'y makadalo kayo."

"Tss--Victoria, hindi ba pinagusapan na natin ang tungkol diyan? May mga importante akong aasikasihin sa hukuman at isa pa, hindi naman ginto ang nakuha mo, isa lamang pilak! Ang pilak ay hindi karapat-dapat sa mansyon ng mga Lopez!"

"Ama, iiwan niyo nanaman po ako?"

"Kaya mo na namang mag-isa, Victoria."

"Mahal na hukom, ang inyong anak ay may sakit sa dugo. Paumanhin ngunit hindi na siya pwedeng makalabas ng mansyon at kailangan niyang manatili dito. Hindi na siya makakapag-aral pa. Mukhang hindi na rin magtatagal ang kaniyang buhay."

"Ama, ayoko pong manatili sa mansyon!"

"Victoria! Ayan ang napapala mo dahil sa katigasan ng iyong ulo. Diyan ka na"

"Victoria, ipapakasal kita sa anak ng gobernador-heneral. Ang inyong kasal ay magaganap sa isang linggo maghanda ka na----"

"Ayoko ama! Ayoko pang magpakasal."

"Victoria, kapag pinakasalan mo ang anak ng gobernador-heneral ay sa wakas mabibigyan mo nang dangal ang ating pamilya."

"Ama kahit ngayon lang... pakinggan mo ako saglit. Ayoko pa pong ikasal. Lalo na't hindi ko naman kilala ang papakasalan ko! Hindi iyon tunay na pag-ibig, maaaring mauwi lamang iyon sa isang malaking sugat sa aking puso"

"Ayan, kakabasa mo ng mga nobelang tungkol sa pag-ibig ay tumataliwas ka na sa aking nais! Kung gayon, ikukulong kita dito sa iyong kwarto, di ka maaaring lumabas hanggat hindi araw ng iyong kasal. Kahit kailan ay hindi mo ako binigyang dangal, puro ka reklamo. Ito ang parusa ko sa'yo"

"Pero ama! Ama!

'Grabe... Hindi ko lubos na maisip na ganito ang buhay ni Catalina. Napakalungkot ng kaniyang sinapit. Ngunit bakit Victoria ang tawag niya rito?'

Lumakad ito ng papalapit sa direksyon namin. Seryoso ang mukha niya at mukhang ayaw niya akong makita sa lugar na itong muli. Medyo kinakabahan ako dahil baka mamaya ay bigla akong pagalitan or sigawan. Nalaman ko rin na hindi kami masyadong malapit sa aking ama kaya naman kailangan kong mag-ingat.

Bigla naman akong nagulat dahil ang kaninang seryosong mukha niya ay naging mukha ng punong-puno ng pag-aalala.

"Victoria, anak. Anong nangyari sa iyo?" maluha niyang tanong habang marahan akong hinawakan sa aking mga balikat

Nakita ko ang pag-aalala ng isang ama sa kaniya. Anong nangyari sa ama niyang walang pakialam sa kaniya? Mabuting senyales ito. Kailangan kong tapusin ang masamang relasyon ng ama ni Catalina kay Catalina. Hindi ko hahayaang ang mga matang ito ay luluhang muli.

"Ama..." wika ko

"Ano yun, Victoria?" tanong niya

Inilahad ko sa bawat gilid ang aking mga braso nang parang yayakap at ngumiti ng mapait.

"Nagagalak po ba kayo sa aking pagdating o nagagalak kayo dahil matutuloy ang kasal?" tinanong ko sa harap niya

Narinig ko ang bawat pagsinghap ng mga tao sa paligid at halatang gulat na gulat sila sa tinanong ko. As expected, ganun din ang reaksyon ng aking ama. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi.

'Pagsisihan mo ang ginawa mo sa anak mo, maling tratuhin mo siya na parang hindi mo anak!'

"V-Victoria... hindi mo naiintindihan---"

"Ang ano, ama?" hindi ko siya pinatapos para hindi na siya magkaroon pa nang rason.

Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya at humakbang papaatras.

"Hindi mo ba alam kung gaano kasakit na lagi mo na lamang akong tinatanggihan? Hindi mo ba alam na pinipilit kong abutin ang ekspektasyon mo para manlang kahit sa isang beses ay mapuri mo ako at sabihin mong nagbigay ako karangalan sa pamilya?" dagdag ko

Mabilis na pumatak ang mga luha ko dahil sa mga ala-alang biglang pumapasok sa isip ko.

Si Catalina, lagi niyang ginawa ang best niya para maging top sa kaniyang klase. Kahit na magagaling naman talaga ang kaniyang mga kaklase ay hindi siya tumitigil at nagpapadaig. Kahit na nagkasakit siya nang malubha. Nagsikap siyang mag-aral ng piano, gitara at ano pa mang mga instrumento. Sinubukan niyang gumuhit at sumulat ng mga tula upang may ipagmalaki siyang nagawa niya kahit na nasa loob lang siya ng mansyon. Ngunit hindi siya napapansin ng kaniyang ama.

"Hindi mo ba naiiisip na minsan tinatanong ko kung bakit pa ako nabuhay? Ang nagiisang pamilyang inaasahan kong dadamay sa kalungkutan ko ang siyang tutulak pa sa akin upang maging impyerno ang buhay ko."

Nakita kong tahimik na nakayuko si ama habang tikom ang kaniyang mga kamay.

"Paumanhin ama, napagtaasan kita ng boses. Paumanhin din sa dahil hindi ako naging mahalaga sa pamilyang ito. Huwag po kayong mag-alala, naiintindihan ko kung papalayasin niyo na po ako tutal ay wala naman akong pakinabang."

"Binibini..." mahinang tugon ni Nicolas

Tumalikod ako at hinayaan si amang nakayuko. Hayss, gusto ko pa sanang magtagal sa mansyon. Pero dahil sa mga naaalala ko sa mansyon na ito, mukhang wala na talaga akong rason para bumalik pa rito. Ngayon ay maliwanag na sa akin kung bakit lumayas si Catalina sa kanila.

Aalis na sana ako nang bigla akong nakarinig ng bumagsak sa sahig. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang aking ama na nakaluhod at umiiyak.

"Mahal na hukom!"

"Huwag po kayong lumuhod!"

Hindi niya pinansin ang mga ito at hinawakan niya ang aking kamay.

"Anak, Victoria, patawad.. Patawarin mo ako dahil hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Pinagsisisihan ko na ang mga bagay na ginawa ko nang lumayas ka sa mansyong ito. Alam kong may sakit ka ngunit hindi man lamang kita binibisita at dinadalhan ng gamot mo. Ako dapat ang karamay mo kapag nalulungkot ka. Oo nga't sa unang dako ay nagagalit ako sa'yo dahil nang ipinanganak ka, namatay ang iniirog ko ngunit ikaw ang kaisa-isang anak namin. Ang kayaman ko, ang kayamanan namin ng iyong ina. Wala akong kwentang ama, anak. Patawarin mo sana ako.... Catalina.."

Nang bigla niyang sinambit ang pangalan ni Catalina ay bigla naman akong napahagulgol. Bigla akong lumuhod ako at agad na niyakap ang aking ama.

Nakakalungkot lang na hindi man lang ito narinig ni Catalina habang siyay buhay pa.

'Catalina... sana nandito ka.. Sana narinig mo ang pag-sisisi ng iyong ama. Sana masaya ka kung nasaan ka man, huwag kang mag-alala. Simula ngayon, magiging maayos ang lahat'