Chereads / Reincarnated in 1880 / Chapter 2 - KABANATA II

Chapter 2 - KABANATA II

'Walang hiya 'tong lalaking to! Ang lakas ng loob niyang iwan ako rito!'

Come to think of it, naka-baro't sáya ako at ang mga tao na narito ay ganun din. Di ako makapaniwalang nangyayare ito. At the same time, nagpapasalamat parin ako dahil buhay ako.

Sinundan ko naman ang kaninang lalaki na tumulong sa akin. Ano bang problema nun? Masyado ba akong pangit sa paningin niya?

"Saglit!" sigaw ko

Alam kong narinig niya yun pero nagpatuloy parin siya sa paglalakad. Hinabol ko siya at hinarang ang daanan niya ngunit sa kalampahan ko at alam niyo na, katangahan, natalisod ako. Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay ng impact ngunit naramdaman kong may sumalo sa bewang ko dahilan para di ako matumba. Binuksan ko ang mga mata ko nang marinig ko siyang magsalita.

"Wari ko kung bakit hindi ka umilag sa karumatang bumubugso. At ngayo'y umaasta kang isang mulalang magara"

'Gosh! Dinudugo na ang ilong ko sa mga sinasabi niya. Karumata?? Mulalang magara??? What the heck is that?'

*karumata- kalesa

*mulala- tanga

*magara- magarbo or mayaman

Sa sobrang lito ay natulak ko siya ng malakas. Marahil na masyadong magkalapit na ang mga mukha namin.

"Hoy, di ko yun sinasadya. Ikaw ang may kasalanan nito, ayaw mo akong pansinin. Feeling famous di naman kagwapuhan" namumula kong sambit

Tumingin ako sa kanya at namumula rin ang pisngi niya.

"Ikaw pa ngayon ang may ganang kalantiriin ako? Sa ibang dayo ay ako na nga ang nagmalasakit sayo" sagot niya habang naka-cross arms

*kalantiriin- inisin

'Ano bang problema nito?'

"Hindi na rin nakakapagsapantaha ang iyong magaslaw na kinikilos. Ang mga katulad mo ay walang modo at mukhang walang pinag-aralan" dagdag pa nito

*nakakapagsapantaha- nakakapaghinala

'Argh, ang lakas ng loob ng lalaking ito na pagsabihan ako ng walang pinag-aralan!'

"Eh ano naman ngayon? Di ko lang lubusang maisip na ang lalaking tulad mo ay parang walang magulang na nagtuturo sayo kabutihang asal." sagot ko

"Hindi porket anak-mayaman ka ay kaya mo nang linlangin ang mga dukha."

Nagsimulang lumungkot ang mukha niya at dahil doon ay nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. Dahil dito ay nagulat siya sa aking ginawa at naistatwa.

"Huwag kang magalala, hindi ako mayaman at hindi ko alam kung bakit ako nandito. Kailangan ko ng tulong mo." sabi ko

"K-Kung gayon... w-wala akong magagawa" utal-utal niyang tugon na dahilan para tumawa ako.

"H-Hoy! Huwag mo nga akong halakhakan!" pagrereklamo niya

Haha, namumula na siya sa kahihiyan.

"Sorry naman"

Binigyan niya ako ng nagtatakang reaksyon.

"Anong sori?"

"Ang ibig sabihin nun ay paumanhin o pasensya" paliwanag ko

'Hayss, nakalimutan kong anlalalim pala ng tagalog nila'

"Tanong ko lang"

"Ano yaon?"

'Tsk, anlalim talaga ng tagalog niya!!'

"Ahh--anong taon na nga pala ngayon?" tanong ko

"Isang libo't walong raan at walumpu"

Kinilabutan ako dahil sa narinig ko at dali dali kong hinawakan ang braso niya.

"Anong sabi mo? 1880?!" gulat kong tanong

"Maghunos-dili ka't hindi kaaya-ayang makitang ang isang dalaga't binata na magkahawak ang kamay at nagkakasagian ang anumang parte ng kanilang katawan"

"Paumanhin.." tugon ko at marahang inialis ang aking kamay sa braso niya.

'Shemay, biceps!'

"May bumabagabag ba sa iyo?" nagaalalang tanong niya

Ang kaninang parang leong mangangain ay parang isang maamong tupa ngayon.

"Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nawala ang aking memorya at di ko alam kung nasaan ang aking bahay"

"Heto"

Nagulat naman ako nang bigyan niya ako ng isang panyo. Anong gagawin ko dito?

"Eh?"

"Hawakan mo ang dulo ng borlas at ako naman sa kabilang dulo upang di maglandas ang ating mga palad. Sa tulong nito ay maihahatid kitá sa aming tahanan."

Ang ibig sabihin ba ng Borlas ay panyo? Agad ko namang kinapitan ang dulo ng panyo.

Tumungo ako at hinayaan siyang dalhin ako sa kanila. First expression ko sa kanya ay masungit pero di ko alam na mabait pala siya at maaalahanin. Siguro dahil ayaw niya sa mga mayayamang sakim kaya naman ay galit siya sakin noong nakita niya ako. Sino kaya ang lalaking ito? Ano naman ang ginampanan niya sa panahon ng 1880?

Pinagtataka ko rin kung bakit ako narito sa panahong ito. May mission ba akong kailangang gampanan? Bakit ako? Hayss, sadyang mapaglaro ang tadhana.

"Babae, babae!"

Bigla naman akong nanumbalik sa sarili nang tawagin ako ng bakulaw na ito. Akala ko ba magagalang ang mga lalaki noong unang panahon? Siguro maliban sa kanya. Pfft.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Nandito na tayo" inis na sambit niya

"Galet na galet? Gustong manaket?" asar ko

"Tsk" tugon nito at pumasok na sa isang maliit na silid.

Kaagad na rin akong sumunod sa kanya sa loob. Narinig kong tinawag siya ng kaniyang limang kapatid, (wow sipag ng magulang, jOokEe) Lumapit sila rito at niyakap siya.

"Kuya Andres!" tawag nito

'Andres? Hmm, kapangalan niya pa si Andres Bonifacio. Teka... 1880 ito so panahon to nina Andres Bonifacio at iba pang mga bayani! Kailangan makaisip ako ng paraan para makita sila ng personal hehe'

"Andres Bonifacio.." mahina kong sambit

Agad naman silang napatingin sa direksyon ko ng may kaba. Pfft, kung makikita mo ang sabay-sabay nilang paglingon at ang mga reaksyon nila, matatawa ka.

"P-Paano mo.." utal na wika nung lalaki

"Huh?" nagtataka kong tanong

'Sa panahon namin kapag nag-huh ka, hatdog ang isasagot sayo. Mga demonyo eh'

"Kuya sino siya?" takot na sambit ng isang batang babae

"Padala ba siya ng mámang pinagkautangan ni ina at ama?" takot sa sambit ng batang lalaki

"Baka di na nila paniwalaan ang mga alunig natin!"

*alunig- rason/dahilan

"Teka nga, teka nga. Unang una hindi ako anak ng bumbay na naniningil. Pangalawa, huwag niyo akong ituring na halimaw!" inilagay ko ang kamay ko sa bewang ko at nag-pout habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Teka lang saglit. Paano mo natalos ang aking ngalan?" tanong nito

*natalos- nalaman

'Ito nanaman tayo sa deep tagalogski ni kumpadreng Andres. Di ko mawari ang aking gagawin! Hindi ako isang makata, hay buhay!'

"Anong ibig mong sabihin?"

"Iyong isinambit, Andres Bonifacio, ang aking ngalan"

"Lol, Huwag mong sabihing ikaw si Andres Bonifacio"

Tumungo siya at tinignan ako gamit ang seryoso niyang mga mata.

'Teka..... Huwag mong sabihing---- Whhuuttt??!'

Hindi ito totoo, hindi ito totoo, hindi ito totoo, hindi ito totoo, hindi ito totoo, hindi ito totoo, please HINDI ITO TOTOO!

"Kuya anong nangyayari sa kanya, bakit tila kinakagat niya ang kaniyang kuko sa daliri." tanong ng Isa niyang kapatid

"Ang babaeng iyan ay nakasalubong ko lamang sa palengke at muntik nang masagasaan. Dahil sa kaniyang ka-mulalahan, muntik na siyang masawi ng rumaragasang karumata."

Lahat sila ay tumawa. At nakakatawa naman talaga yun. Pero dapat hindi nila pinagtatawanan ang mga katulad kong naaapi!

"Hoy, lalaki! Kahit na tinulungan mo ako, wala kang karapatan para pahiyain ako!" sigaw ko

"Hmm, hindi ko dinudungisan ang iyong ngalan babae. Sinasambit ko lamang ang purong katotohanan" sarkastiko nitong sambit

"Argh!"

Hindi na ako nakapagtaray pa nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Kuya, kuya, narito ka na ba?" Sabi nung kumakatok sa pinto

"Oo" tugon nito at binuksan ang pinto

Pumasok ang isang lalaking pawisan at hingal na hingal.

"Anong nangyari, Ciriaco? Bakit ka nababagabag? Maxima, bigyan mo ng tubig ang iyong kuya" sambit ni Andres

"Opo!" Sabi ni Maxima at tumakbo sa kusina

'Teka, Ciriaco at Maxima, mga kapatid sila ni Andres! Naku, si Andres ata talaga ang lalaking kaharap ko. Pero bakit ganun? Nabasa kong may-kaya sila at tinyente ang kanyang ama. Bakit naninirahan sila sa isang maliit na silid na ito? At isa pa, maliktad na baliktad ang sinabi sa Wikipedia na magalang, mabait, at magiliw si Andres. Maling mali, maling mali talaga!

"May alingasngas sa baryo na may isang maharlikang dinakip. May mga gwardya sibil sa paligid at lahat ng tahanan ay hinaluhog. Delikado tayo sa labas ngayon at baka dakpin tayo at mapagbinatangan." sabi ni Ciriaco

*alingasngas- usap-usapan

*hinalughog- pinasok

"Kuya ang tubig" binigay na ni Maxima ang baso ng tubig

"Maraming salamat" tugon ni Ciriaco at uminom ng tubig

"Sang-ayon ako. Ngunit kailangan ko ring kumita ng kwarta para may makain tayo. Lalo na't may bago tayong palamunin" sabi ni Andres at tumingin sa akin

'Abat!'

"Bakit may maharlika rito?" nagtatakang tanong ni Ciriaco

"T-Teka, hindi ako maharlika"

"Lapastangan! Tignan mo ang sarili mo. Punó ka ng diyamante at puti ang kulay mo. Walang malilinlang na ika'y isang indio. Sino ang nagdala ng babaeng Ito sa ating tahanan?" galit na wika nito

'Gosh, nakakatakot naman si Ciriaco. No wonder, naging kanang kamay siya ni Andres sa samahan noon'

Tinignan ko si Andres at binigyan ko siya ng iligtas-mo-ako look.

Huminga siya ng malalim at nagsimulang magsalita.

"Mukhang uulitin ko nanaman ang kwento ko kanina. Pero napagwari ko na rin kung anong mabuting gawin" Sabi niya

'Oh my, I have a bad feeling about this. Ilalaglag ba ako ng mokong na ito o ipapatapon?'