'Naiistres ako!'
Sa totoo lang hindi ko pa naranasang may nagtampo sakin ng ganito at magsorry ako ng masinsinan. Sa panahon ko kase, ang salitang sorry ay madali lang sabihin at madali lang ring tanggapin. Ang sorry rin sa panahon ko ay salitang sinasabi hindi dahil nagsisisi ka, kundi dahil uulitin mo pa. Hay, ang hirap!
Matagal na rin ako na nagkulong dito sa kwarto ko--I mean kwarto ng mga magulang ni Andres para makapagisip ng plano. Ano kayang maaari kong gawin?
Naisip kong kantahan ko nalang si Andres ng sorry na hahaha kaso di ko alam ang chords niya. Naisip ko rin na regaluhan ko siya kaso hindi ko alam kung ano! Wahh! Feeling ko masestress talaga ako ng lubusan. Pano ba magsuyo ng lalaki? Tell me please! Wala talaga akong alam sa mga bagay na 'to. Wala naman akong jowa. Sa panahon ko, LSM lang sa chat okay na. Sana ngayon pini-pm ko nalang siya para magkausap kami kahit ayaw niya akong makita. Ibalik niyo sakin ang internet!
Message... Chat...Text... Oo nga no! Magsusulat nalang ako ng letter para sa kanya! Bat di ko agad naisip? Sa panahon ngayon, walang text or chat kase wala pang cellphone. Letter or liham lang ang pwede mong gawin. Good thing kase marunong akong mag-calligraphy at magborder design. Kada activity namin sa school or mga assignments hindi mawawala ang border design at calligraphy. Syempre dahil tamad ako, sa mga classmate ako nagpapacallig. Drawing ako magaling lalo na sa mga sketches pero marunong naman ako. Isang font nga lang haha.
Kumuha ako ng papel na malinis at nagsimula nang gumuhit. Dahil walang ruler, nakita ko yung isang manipis na kahoy at iyon ang nagsilbi kong ruler. Nilagyan ko ng border design ang papel na may hugis rosas at mga dahon. May nakita naman akong pinturang pula at hinaluan ko ito ng maraming tubig para hindi matapang ang kulay at mukhang maging watercolor. Naging matagumpay nga ito at ang ganda ng kinalabasan!
Grabe siguro ako ang the greatest artist sa mundong ito! Isa itong masterpiece at ako lang ang makakagawa nito!
Pinagmasdan kong mabuti ang gawa ko at pinagisipan ang isusulat ko sa papel gamit ang isang scratch paper.
Andres' POV
Hindi ko maintindihan.. Hindi ko wari maisip ang aking bugsong nararamdaman.
*bugso- labis
Sa mga oras na ito'y hindi ko alintana ang ibang tao. Kahit na siya pa. Siya na nagpatibok muli ng aking puso. Hindi ko kayang mahawakan ang lasong may tinik ng sobrang tagal. Dahil sa huli, masasaktan lang ako at magdadalamhating muli.
*alintana- pansin o iniinda
*dalamhati- lungkot
Sa pagkakataong ito, baka hindi na kayanin ang aking puso. Binabalaan na ako ng aking isip ngunit ipinaglalaban ko parin ang taliwas sa katwiran. Pagkat di masupil ang aking nararamdaman. Buktot na buktot ako dahil alam kong imposibleng magkaroon ng tayo. Kabulaanan! Ang mamangmang ko naman para di lubusang maisip na kahit kailan, kahit anong sitwasyon, hindi kami para sa isat isa.
*taliwas- salungat
*di-masupil- di mapigilan
*buktot- takot
*kabulaanan- kalokohan
Napatingin naman ako sa durungawan at pinagmasdan ang kalangitan. Ang sinag ng araw ay tumama sa aking mga kamay nang aking itapat ito sa araw.
Isa siyang diwata habang ako nama'y isang dukha.
Anong laban ko sa isang labanang ang resulta'y nakalatha na?
Wala akong kakayahang tugunan ang magarbong buhay niya
Bagkus, baka siya pa ang bumuhay sakin kapag kami ay nagkapamilya.
Agad namang kumimi ang pisngi ko. Ano bang pinagiisip ko?
Kailangan ko nang umiwas sa kanya sa lalong madaling panahon. Malakas ang kutob ko na kapag naalala niya na lahat ay baka umalis na siya sa akin. Lalayo rin siya sa aking piling pagkatapos. Kailangan kong maging muog sa kanya.
*muog- pader
Gabi na pero nagkukulong pa rin ako sa bodegang ito. Para malibang ay gumagawa na rin ako ng mga ibebenta para bukas. Aksaya sa oras ang pagmumukmok lang at walang ginagawa.
Kalaunan ay bigla namang kumalam ang sikmura ko at ang katawan ko ay nanghihingi na ng pagkain sa akin. Tinapik tapik ko ang tiyan ko at saka dahan-dahang tumayo. Sa pagbukas ng pinto ay may biglang nalaglag na puting sobre. Kaagad ko itong pinulot at nagtaka kung bakit mayroong ganito na nakasingit sa pintuan.
Binasa ko ang nakalagay sa likod at napa-singhap ako dahil nagulantang ako
*napasinghap- gasped
"Para kay Andres, galing kay Via"
'Pa-Para s-sa akin?'
Namula na ng tuluyan ang aking mga pisngi at naramdaman kong umiinit ito.
Bakit naman siya magsusulat ng liham para sakin? Ang liham ay isinusulat at ibinibigay lamang sa mga taong mahalaga sa'yo na nasa malayong lugar. Ano naman ang pakay niya?
Binasa ko ng taimtim ang liham na binigay ni Biya sa akin.
"Paumanhin kung nasaktan kita,
Pasensya na hindi ko talaga alam kung may problema ka ba.
Paumanhin sa anumang nagawa ko sa'yo
Sana'y dinggin mo dahil ito'y totoo
Nagsisisi, anumang nagawa kong masama
Siguro napakalaki ng kasalanan ko at ako'y iniiwasan mo
Pero alam mo, ang hindi ko matatanggap talaga
Ay iyong iwasan mo at itaboy mo ako.
Sorry talaga, Andres. Kung handa ka nang kausapin ako, nandoon lang ako sa may lamesa. Inaasahan kong gutom ka na kaya naman, nandito ako sa mesa na may pagkain."
Pagkatapos na pagkatapos ko itong mabása, kumaripas ako ng takbo papuntang mesa. Hinabol ko ang hininga ko at tumigil nang masilayang nakatulog si Biya sa may mesa. Marahang tumulo ang aking mga luha at sumikip ang aking dibdib nang makita ko siya.
Hinaplos ko ang kanyang mukha at ngumiti ng mapait.
"Paumanhin dahil napabigat ko ang iyong kalooban..."
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at naharuyong sa kanyang karikitan.
"Binibini simula ngayon, hindi na kita aabalahin pa"
Marahan akong umupo ako sa mesa para hindi ko siya magambala sa kanyang pagkakahimbing. Binuksan ko ang natatakpang pagkain sa mesa at nahalina ako sa amoy pa lamang nito. Kinubyertos ko ang pagkain na iyon at napangiti ako dahil sa labis na sarap nito.
Salamat, binibini. Dahil sa'yo nagkaroon nanaman ako ng dahilan para mabuhay.