Tanghaling tapat pero nandito parin kami at nagtitinda. Nakakapagtaka naman, hindi nakakasunog sa balat ang araw. In fact, ang sarap niya sa balat. Nakakapanghinayang lang ang henerasyon namin. Ganito rin sana kalambing ang araw sa mga balat namin.
Ilang oras pa'y naubos na ang paninda namin. Kita ko naman sa itsura ni Andres ang pagkatuwa. Ngayon ko lang siyang nakita na ganyan kasaya. Siguro ngayon niya lang naranasang maubusan ng benta, hehe~
"Ay, wala na pala"
"Nakapinid na pala sila"
*nakapinid- nakasara
"Ubos na, nakakapanlumo naman"
"Huwag kayong mag-alala, may pag-asa pa kayo bukas. Pumunta kayo rito ng 10 ng umaga at makikita niyo kami dito. Mas maaga, mas malaking tsyansang makabili" Sabi ko sabay kindat sa kanila
Yumuko sila at nagpaalam.
"Hintayin namin kayo rito bukas. Alalahanin ninyo kami!"
"Oo naman!" tugon ko
Inayos na ni Andres and lagayan ng mga paninda namin at nagbilang ng pera. Huwaw naman, naaalala ko ang teacher ko sa kaniya!
"Oh" sambit niya
Tumingin ako sa kanya at nakita kong may nakahiwalay na pera sa supot na kanina lang ay bininilang niya.
"Ano yan?" tanong ko
"Ano pa nga ba, kung hindi ang iyong hati sa ating ipinagbili. Nakalimutan mo na bang isa ka sa mga gumawa nito? At ikaw rin ang dahilan kung bakit tayo dinumog ng mga mamimili."
'Hmm.. Naiintindihan ko siya pero di niya ba alam na ginagawa ko yun para sa ikabubuti ng lahat? Ayoko ng kapalit lalo na't may utang na loob ako sa kanya.'
"Sorry, pero di ko yan tanggapin" sagot ko
"Ano?!" sigaw niya sa gulat
Nakita ko namang umuusok ang ilong niya sa at pinipigilan kong tumawa.
"Alam mo Biya, ayaw kong magka-indulgencia sa iyo!" sigaw nito
'Indulgencia, ano nanaman yun?'
*indulgencia- utang na loob
"Pake ko sa indulgencia na yan! Basta di ko yan tatanggapin."
"Tsk, iiwan ko na lamang ito rito. Bahala ka sa buhay mo." Sabi niya at tumayo
Kinuha niya ang lagayan ng mga binenta at sa lumakad papalayo.
'Aba talagang!'
"Tandaan mo, hindi ako ang mawawalan" huling sabi nito
Iniwan nya lang talaga yung pera doon! Ganun na ba talaga kataas ang pride neto? Grrr..
Agad ko namang pinulot yung mga barya at hinabol siya.
"Sandali!" sigaw ko
Tumigil siya at binigyan akong ng malamig na titig.
"Samahan mo ako, may gusto lang akong bilhin"
Hinila ko ang braso niya dahilan para mahatak ko siya para wala na siyang maireklamo pa!
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya
Hinila ko si Andres papalayo at napadpad kami sa palengke. Masarap isipin na ang palengke noon ay parang naging bahay-kaibigan dahil nagbabaitan ang mga tao at masaya silang namimili.
"Kailangan nating hanapin ang mga sangkap na nasa isip ko at ako na ang bahalang magluto mamaya." sagot ko
"Ikaw ang bahala" tugon niya
Tinungo namin ang bawat sulok at tindahan na narito. Tinanong ko si Andres kung may sobrang kanin kahapon ang sabi niya marami pa raw na naaksayang kanin. Buti nalang hindi niya tinapon yun.
Nakapunta kami sa tindahan ng baboy at nagtanong ako kung magkano ang isang tasang giniling.
"6 piso" sagot ng nagtitinda
Ang mahal naman! Malaking bawas na rin iyan sa pera ko. Hmm, I think it's time for another show nanaman.
"Ah!" sabi ko sabay kunware ay nahimatay
Agad naman na kumaripas ng takbo si Andres upang saluhin ako. Sinuportahan niya ang aking likod upang hindi ako matumba.
"Ayos ka lang?" tanong nito
"Binibini, anong nangyari?" tanong ng nagtitinda
'Hehe~ Mukhang umeeffective nanaman ang plano ko.'
"A-Ayos lang ako" sagot ko habang nangingining
"Manong, kulang po ang aking dalang pera at apat na piso lamabg ang nasa bulsa ko"
Tinignan ako ni Andres at binigyan ng ano-nanamang-kalokohan-yan look. Nginisian ko na lamang siya upang maging tugon ko.
"P-Pero.." nag-aalinlangang tugon ng tindero
"Manong.. Ganito nalang." Iniabot ko sa kanya ang itinago kong gawa. Ito ay isang bulaklak na origami na nilagyan ko ng mga pampakinang.
Nakita ko sa mga mata niya na naaakit siya sa bulaklak. Aba dapat lang, ngayon lang siya makakakita niyan sa buong buhay niya.
'Dahil alam kong hindi naman káyamanan ang mga tao dito, kailangan may something ako na ipagpapalit sa kanya. Gaya ng sinaunang panahon, kung saan nakikipagkalakalan lamang ang mga tao sa isa't-isa.'
"Nais kong ipagpalit ang dalawang piso sa bulaklak na ito para mabuo ang anim na piso." sabi ko
"Si-Sigurado ka? Ang presyo nito... Mukhang mahal!"
Ikinaway-kaway ko ang kamay ko habang umiiling.
"Hindi po, wag nyong alalahanin 'yon. Basta ang mahalaga ay hindi kayo nalugi." tugon ko
"Ako'y narahuyong sa ganda ng bulaklak na iyong ibinahagi. At hindi lamang iyon, mayroon ka pang isang busilak na puso. Napakapalad naman ng iyong kasintahan sa iyo." sambit niya at tumingin sa gawi ni Andres
"Ah--Hindi po manong!" utal nitong sagot at tila sinampal sa sobrang pula
"Nagkakamali po kayo ng iniisip, manong. Kapatid ko po siya"
Tinignan ko si Andres at siniko. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng umoo-ka-na look. Napansin kong naging dismayado ang mukha niya at tumungo nalang.
"Paumanhin, *ehem* hindi ko napagtanto kaagad. Kung gayon ay mabuti, heto, narito na ang iyong binili. Maraming salamat, binibini"
Yumuko siya at ganun din ako. Kaagad na kaming umalis upang makauwi na. Napansin kong kanina pa tahimik si Andres at labis na nakakapagtaka! Ang maingay, warfreak at palasigaw na lalaking ito ay naging tahimik na rin sa wakas. Siguro sulitin ko muna ang pagkakataong ito. Tutal, malapit na kami sa bahay nila, mamaya iingay din yan.
Mga halos apat na metro nalang ang layo ng bahay nila ay may biglang sumalubong sa amin na isang babae.
"Magandang umaga, ginoong Andres!" bati niya
"Magandang umaga din, binibini" sagot ni Andres
Natagpuan ko ang sarili kong nakatitig sa kanya. May kayumanggi siyang balat, bilugan na mga mata at mapupulang labi. Masasabi kong maganda siya sa tipikal na mga babae. Yung natural na ganda ng mga dalagang pilipina. Kaso wala ako nun, saklap ng buhay.
Ibinaling niya ang tingin niya sa akin at nginitian ako.
"Mayroon ka palang isang magandang binibining kasama ngayon ah, maaari mo ba akong ipakilala sa kanya?" sabi ng babae
Nagbuntong hininga siya at saka nagsalita.
"Ang binibining ito ay si Viatiere Alonzo Bonifacio...." tugon ni Andres
Bigla namang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
'A-Ano??! Ano bang pinagsasabi nito? H-Hindi pa kami kasal at pinalitan niya na ng apelyido niya ang apelyido ko! Hindi makatarungan.'
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalitang muli.
"Kapatid ko" dagdag niya
sfx: cracked mirror
Hindi ko alam pero bigla akong nadismaya. Ah okay, di na sana ako nagexpect.
Nakita ko ang nagulat na ekspresyon ng babae.
"Ang ibig mong ipahayag ay kapatid mo siya sa ibang ina?" gulat nitong tanong
Nagkibit-balikat nalamang siya at tumalikod.
"Ikaw nang bahala sa kaniya." sabi nito habang lumalakad papalayo
'Ano nanaman bang problema non?'
"Ah, binibini. Ako nga pala si Monica. Ang kababatang kaibigan ni Andres. Nagagalak ako sa iyong pagdatal" sambit niya at hinawakan ang dalawa kong kamay
*pagdatal- pagdating
'Eh?'
"Hehe~ Ako rin binibining Monica" tugon ko
Maya-maya'y may sumigaw na babae sa pangalan ni Monica.
"Monica! Humayo ka't magsimula nang magluto." sigaw nito
"Ah, paumanhin ngunit kailangan ko nang bumalik." sabi niya at tumalikod
"Ingat!" wika ko at ikinaway ang kamay ko
Lumingon siya ng may ngiti ay kunaway rin pabalik. Huminga ako ng malalim at nagpagpasyahang magtungo na sa bahay.
'Okay lang kaya si Andres? Bakit parang iba ang kinikilos niya ngayon? Hayy, hayaan mo na magluluto naman ako mamaya. Bibigyan ko nalang siya ng marami.