"Ang mga ibon, na lumilipad~~" nagsimula akong kumanta at hinimig himig ang kantang 'Ang mga ibon' habang pumapasok sa bahay.
Pagkapasok ko, nakita kong masayang nagkukwentuhan ang mga magkakapatid pero napansin kong wala si Andres kaya nagtaka ako.
"Magandang tanghali, binibining Viatiere!" bati ni Troadio
Inilapag ko ang mga pinamili ko kanina at nginitian sila.
"Magandang tanghali din sa inyo." tugon ko
Si Ciriaco ay parang little version ni Andres, si Procapio naman ay tahimik at mahiyain at si Troadio naman ay ang tabachingching sa kanilang lahat. Pati na ang dalawang babae, Si Esperidiona ay mukhang matapang at si Maxima ang bunsong sobrang cute.
Yumuko ako ng kaunti para maabot ko sila at patuloy parin sa pagngiti.
"Nasaan ang kuya Andres niyo?" tanong ko
Umiling silang lahat na ikinalungkot ko. Ano bang nangyayare sa lalaking yun?
"Nakita ko po siyang nagkulong sa bodega. Nang kumatok po ako, nagalit po siya at pinaalis ako." nakangusong sambit ni Maxima
'Grrr, Andres naman! Pati bata pinapatulan.'
Tinapik ko ang ulo niya at nginitian siya.
"Marahil marami lang iniisip ang kuya Andres niyo kaya naman ganun ang naging ugali niya kanina." sambit ko
Humagikgik siya at niyakap ako. Ang cute niyaaa!
"Natatangi ka sa ibang mga dalagang maharlika. Salamat sa Diyos at nakilala po kita. Maaari po bang tawagin kitang ate Via?" tanong niya
"Oo naman" tugon ko
"Ako rin!" sambit ni Troadio
"*ehem* Maaari ba?" wika ni Ciriaco
"A-Ako rin.." nahihiyang sabi ni Procopio
"Hmmp, sige. Idagdag niyo rin ako sa tatawag" dagdag ni Esperidiona
Hehe~ Ang cute naman, andami kong kapatid. Alright, dahil diyan nabubuhayan ang dugo ko bilang ate.
"Dahil mga mababait at talaga namang mga masunurin kayo. Umupo kayo sa mesa at ipagluluto ko kayo ng pinakamasarap na pagkain." wika ko habang naka-pose na parang chef
Nakita ko ang mga kumikinang nilang mga mata. Mukha naman silang excited sa iluluto ko dahil narinig kong kumalam ang tiyan ni Troadio.
Nagtungo na ako sa kusina at inilapag ang mga pinamili ko kanina. Hiniwa ko na ang sibuyas at bawang at inihanda na ang carrots at green peas. Naalala ko nung binili ko yung green peas at nagtaka siya kung ano yun. Kita ko sa itsura niya na parang nadidiri siya sa itsura. Pinagtawanan ko siya ipinaliwanang ko kung ano ang iniaambang ng green peas sa mga putahe.
Nagtaka rin yung nagtitinda kung ano yung green peas kaya naman nagisip ako ng sobra sobra para maalala ko yung tagalog nun. May tagalog pa ba yun? Parang wala naman ata.
"Ah eh.. Ano po bang tawag diyan?" nahihiya kong tanong
Napakamot nalang ako ng ulo sa kahihiyan. May pa green peas, grean peas pa akong itinuro kay Andres pero di ko naman alam ang tagalog non. Pasimple namang tumawa si Andres, at kahit na tago nakikita ko parin ang nakakainis niyang mukha. Tinignan ko ang tindero na mukha ring natatawa sakin. Hays, this is not cool!
"Ang tawag dito ay tsitsaro---"
Di ko siya pinatapos at sumingit ako
"Ayun! Chicharo!" sigaw ko
Sa sobrang lakas ng boses ko, napatingin sakin lahat ng tao.
Kaagad naman akong yumuko at nagpaumanhin.
"Ayan ang napapala ng mga taong ka'y bulastog at mapanudyo!" asar ni Andres
'Konti nalang at masasapak ko na 'to. Kapag di ako nakapagpigil, magagawa ko talaga.'
"P-Pabili nga po ng isang basong tsitsaro" nanggigigil kong sambit
Dahil wala pang measurement sa panahong ito, ang kanilang pagtitimbang ay ginagamitan ng mga kagamitan tulad ng baso at kutsara. Wala pang wamport at wanhap (1/4 & 1/2).
Nagbabalik sa kasalukuyan, dinurog ko muna ang mga bahaw na kanin at isinantabi. Sinimulan ko nang igisa ang sibuyas at bawang. Pagkatapos ay inihalo na ang carrots at tsitsaro. Hinango ko ito at itinabi. Gamit ang parehong kawali, nagpainit ako ng mantika at ibinuhos ang dalawang itlog na ini-scramble ko. Hinalo-halo ko ito para maghiwahiwalay at hindi buo ang luto. Hinango ko ito at isinantabi. Sa parehong kawali uli, nagpainit ako ng mantika at ginisa ang giniling hangang sa maluto ito. Hinango at isinantabi.
Muli, gamit ang kawaling iyon ay iginisa ko ang tinira kong bawang at nung mabango na, saka ko inilagay ang kanin. Pagkatapos ay ibinuhos ko ang mangkok ng kaninang toyo at asukal na hinalo ko. Hinalo ko ito ng mabuti hanggang sa kumapit ang lasa nito. Feeling ko chef na ako! Inilagay ko na din yung carrots, tsitsaro, itlog at giniling sa kanin. Binunburan ko rin ito ng asin at paminta.
"Hmmm~ Anong amoy iyon?"
"Mukhang napakasarap nga talaga ng iluluto ni ate Via!"
Habang naririnig ko ang mga bulungan nila, di ko maiwasang mapangiti. Hinango ko na ang lahat ng niluto ko sa isang napakalaking pinggan. Dahan dahan akong naglakad sa kanila at inilapag ito sa mesa.
"Tikman niyo na ang specialty kong, "Chao fan ala Viatiere" taas noo kong sabi
Kaagad na silang kumuha at tumikim sa niluto kong Chao fan. Thank you, Chowking! Thank you sa idea. Sana naman ay magawa niyo rin sa bahay ito. Marasap siya promise.
"Waahh! Napakasarap!" usal ni Maxima
"Pagkain na nagmula sa langit!" dagdag ni Troadio
"Ngayon lang ako...nakatikim ng ganito...kasarap na pagkain" sabi ni Ciriaco habang ngumunguya
"Sige, kumain lang kayo ng kumain at tatawagin ko lang ang kuya Andres niyo." sabi ko
Kaagad naman akong nagtungo sa bodega kung saan kami gumagawa ng mga ipangbebenta. Nang nasa harao na ako ng pinto, huminga ako ng malalim saka kumatok.
"Andres, halika na't lumabas ka na diyan at kakain na tayo. May iniluto akong masarap sayang naman kung di mo matitikman." tugon ko
Ilang segundo pa'y wala paring sumasagot. Muli akong kumatok at sa pagkakataong 'yon ay mas nilakasan ko na.
"Andres, nariyan ka ba?"
"Umalis ka na!"
Natigilan ako sa pagkatok dahil sa tinig na narinig ko.
"Pfft, ikaw talaga. Sabihin mo kung masakit lang ang tiyan mo---"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko ay umalis ka na!" sigaw niya
Napatungo ako at nanlumo dahil sa mga sinabi niya. Kaya naman wala akong magagawa.
"O sige, kung sakali mang nagutom ka bumaba ka nalang. Magandang tanghali nga pala." huli kong sabi at kaagad na umalis sa pintuan ng bodega
Hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng loob ko, pakiramdam ko ay parang isang asar nalang ay iiyak na ako. Bumalik akong malungkot sa mesa kung saan sila kumakain. Nadatnan ko namang tapos na sila at nagliligpit na sila ng kanilang pinagkainan.
"Anong ganap?" tanong ni Ciriaco
Nagulat naman ako sa tanong niya, binigyan ko siya ng mapait na ngiti at sumagot.
"Ayaw niyang kumain. Mukhang masama ang loob niya" sagot ko
Napabuntong hininga siya at tumingin sakin.
"Hay, ano ba kasing ginawa mo?" muli niyang tanong
"Ako? Wala akong ginawang kahit ano sa kaniya. Siya nga itong palagi akong binabadtrip!"
"Binabadtrip?" nagtataka niyang tanong
'Ay shoot! Nakapag-english nanaman ako!'
"Ang ibig kong sabihin ay inaasar."
Tumungo naman siya sa pag-sangayon.
"Alam mo, ate.."
"Ano yun?"
"Ikaw lang ang babaeng tinuturing ni kuya na kapantay niya."
"Oh? At ano naman yun?"
'Di ko kase maintindihan yan minsan si Andres. May pagkakataong maayos at may pagkakataong may sira!'
"Hindi mo ata naiintindihan ang sinabi ko. Hindi mo ba nawawari, may mga taong mataas sa paningin natin, may mga tao rin namang mababa samakatuwid baga'y ang mga sa tingin mong kapantay mo ay isang mahalagang kayamanan."
"Anong ibig mong sabihin?"
'Bat di ko gets? What are you talking about dude?'
"Nakita ko na tanging ikaw lang babaeng hindi ginagalang ni kuya. Ang natatanging babaeng binigyan niya ng tunay na ngiti. Ipinapakita niya sayo lamang ang tunay niyang ugali. Ibig sabihin ay gusto niyang ipakilala ang tunay niyang ugali sa'yo. Simula nang namatay sina ama't ina ay nagbago ang ugali ni kuya. Ang dating masayahin at palangiting binata ay napalitan ng pekeng ngiti at kapighatian." tuloy niya
Napayuko naman ako sa lungkot. Kaya naman pala, pinahahalagahan niya lang ako kaya siya nagiging ganun. Siguro matagal na panahon rin ang lumipas bago siya ulit makahanap mg kaibigan. Yung hindi niya kailangang magpaka-plastik para lang kaibiganin siya nito. Ngayon naiintindihan ko na, kaya siya nalulungkot kase hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya!
"Napagwari mo na ba, a-ate?" tanong niya?
"Oo"
Tumayo ako at nag-pose na parang susubok sa gyera
"Kailangan kong humingi ng tawad sa kaniya"