"Nandyan ka lang pala ah!"
Nagulat ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko. Sa sobrang gulat ay nasampal ko ito ng malakas.
"Aray!" daing nito sa sakit
Pffft, rinig na rinig ko yung tunog sa lakas ng sampal ko sa kanya. Nakita ko ang kaniyang paiyak na mukha at talagang pinipigilan kong tumawa.
"Bakit mo naman nagawa sakin iyon?" naka-nguso niyang sabi
"Kasi--haha.. Sorry naman" sabi ko at tinapik-tapik yung ulo niya
Sa posisyon namin ngayon ay para siyang batang nahulugan ng ice cream habang ako naman ang ate niyang nagpapatahan sa kaniya.
"Sori-sori ka diyan, hmmp!"
"Haha, tignan mo nga yung sarili mo. Kanina umaasta kang siga ngayon eh para kang maamong pusa. Bipolar ka ba?"
"Mas hindi kita maintindihan." nakayuko niyang sambit
'Huh? Ano nanaman bang problema nito?'
"Teka, ano----" di niya ako pinatapos nang pahiran niya ang mukha ko ng pintura.
'Ayos ah, ayos na ayos talaga.'
"Hahahaha, halina't magsimula nang gumawa ng mga ipambibili" nakangiti niyang sabi at biglang hinila yung tali sa bewang ko dahilan para masundan ko siya.
Tama naman ang ginawa niya para di kami magkahawak ng kamay pero MALI YUNG HIHILAHIN AKO SA SAYA KO! Abnormal ba to o talagang di lang nagiisip? Di nagtagal ay nandito nanaman kami sa silid kung saan ko siya hinagisan ng pintura. Masinsinan niyang ginagawa ang mga abanikong gawa sa papel at mga paper crane. Sinabi niya sakin na siya nalang daw ang gagawa nito dahil di ko raw alam kung papaano.
"Uy tignan mo sila oh, ang tamis nilang tignan"
"Oo nga hihi, parang mga magkatipan"
"Si kuya talaga, napakaswerte niya dahil maganda ang binibini"
'Sus, enebe! Wag nyo namang palakihin ang ulo ko jusko dai.'
"Kung sa bagay ay may pagka-karinyosa si ate Via at si kuya naman ay gwapo"
*pagka-karinyosa -pagkamalambing
"Hihi, sana sila ang magkatuluyan sa huli"
Ang dadaldal din pala ng mga kapatid nitong si Andres. Bubulong na nga lang eh yung rinig ko pa. Sarap pingutin. Kinikilabutan tuloy ako sa mga sinasabi nila. Tinignan ko si Andres at namumula siya.
"Naririnig ko kayo" inis kong wika at lumingon ako
Sinamaan ko ng tingin ang dalawa dahilan para matakot sila sakin at kumaripas ng takbo papalayo.
Tinignan ko ang gawa ni Andres at nakita ko na ang ganda nito. Di ko akalain na magagawa na ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito. Yung inaakala kong pamaymay na gawa sa papel na tinupi-tupi lang at ini-scotch tape sa dulo, hindi pala ganon. Ang ganda niya.
Sa sobrang bored ko ay kumuha ako ng piraso ng papel at kumuha ng gunting. Dahil masyadong busy si Andres, di niya ako napansin na gumagawa. Binilinan niya din ako na wag magaksaya ng papel at wag ito gagalawin dahil mahalaga daw ang bawat piraso nito. At dahil mabait ako, di ko siya susundin. May alam naman ako sa mga origami. Nagawa na namin yun nung Grade 8 ako at naaalala ko pa ang mga steps.
Tinupi ko ang papel at nagsimulang ihugis ito na parang butterfly. Naalala kong dito ako nahirapang gumawa dahil napakarami niyang steps kaya naman nakabisado ko.
"Tapos na ako sa isa----Anong ginagawa mo!" gulat niyang sambit at lumapit sa kinaroroonan ko
'Tignan nalang natin kung di ka mamangha sa gawa ko. Ngayon mo lang ito makikita kaya naman wala kang karapatang magreklamo.'
Di ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtutupi.
"Ano iyan!"
Di ko parin siya pinansin at nagsimulang pinturahan yung gawa ko. Napansin ko namang para siyang batang sabik na sabik makita ang gawa ko. Sinisilip niya mg masinsinan kung paano ko ito kulayan. Nang matapos na, hinipan ko ito hanggang sa matuyo. Tinignan ko siya at para siyang asong nagaabang ng pagkain sa kaniyang amo.
'Ang cute niya naman~'
Ehem, pero kailangan kong magmukhang cool. Kailangan purihin niya ako ng lubusan.
*imagining*
"Wow, Via. Napaka-ganda naman!"
'Hehehe~'
Tumingin ako sa kaniya at ipinakita ang gawa ko. Kita ko naman sa mata niya ang mangha at kislap nito.
'Hehe~ Mukhang bilib na bilib siya sakin. Orayt, I'm so cool!'
"P-Paano mo nagawang---" utal niyang sambit
"Alam mo kase, hindi sa pagmamayabang pero nagaral ako ng arts at craftsmanship" pagmamayabang ko
"Ano naman yaon?"
'Crap! Ano ba yung tagalog ng arts?'
"Basta tungkol sa arts---- sining! Ayun, tungkol sa sining!" palusot ko
"Kahit pala isa kang mulala, hindi dapat kita nililipak. Sasabihin ko sayong napakaganda ng iyong ginawa." pagpupuri
*mulala- tanga
*nililipak- minamaliit
'Huwaw! Ngayon lang ako pinuri ng bakulaw na ito! Well, swerte niya dahil nagaaral talaga ako.'
"Hmmp, dapat lang. Ang tawag sa bagay na ito ay origami."
"Ori--gami?" namuo ang kunot sa kanyang noo sa pagtataka
"Oo, origami. Hindi mo ba alam?"
"Hindi, ngayon ko lamang ito narinig"
'Ehhh?? Hindi pa pala nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas! Hayss, bat ko nakalimutan? Ano nga ba ang maeexpect ko sa isang inosente at walang alam na lalaki?'
"Nevermind---Ang ibig kong sabihin ay..ay.."
'Ano nga ulit ang tagalog nun? Walang anuman? Wahhh! Nabobobo na akooo. This is not cool!'
"Ay.. Wala naman" wika ko sabay buntong hininga
"Maaari mo ba akong turuan kung paano gumawa niyan?" tanong niya
"Oo naman. Marami pa akong alam na origami hindi lang paru-paro" masaya kong sambit
Lumipas ang mga oras at nakagawa kami ng maraming maibebenta namin. Sulit naman ang pagod at laway ko katuturo kay Andres dahil napaka-fast learner niya. Hayss sana ol fast learner. Agad na kaming nagpahinga at hinatid ako ni Andres sa isang kwarto. Sabi niya, dito raw ang kwarto ng kanilang magulang. Nung una ay natatakot ako pero baka mamaya ay asarin ako ng mokong na yan na takot ako sa multo. Kaya no choice ako kundi dito na magstay.
Actually, hindi naging mahirap sa akin na sanayin ang sarili ko sa panahong ito. Pilipinas parin naman ito eh. Panahon nga lang ang pinagkaiba. Akala ko nga nasa China ako at nareincarnate ako bilang aping prinsesa or whatsoever. Pero nareincarnate ako sa Pilipinas, ano kaya ang mangyayare sa buhay ko? Una ay natupad ang pangarap ko na makasalubong ng harapan sng mga bayani pero di ko inexpect na si Andres ang una kong makita at ang nakakabaliw ay ang ugali niya. Sa susunod, ilan pa kayang mga makasaysayang tao ang makakasalubong ko?
Ipinikit ko na ang mga mata ko at nagsimulang matulog.
"Hoy, Biya! Gumising ka na riyan at magsisimula na tayong magbili!"
Nagising ako sa isang napakalakas at nakakairitang sigaw.
"You mean, magbenta?" tugon ko at kinusot ang aking mga mata
"Oo, at humayo ka na riyan. Huwag mong iwangis ang iyong sarili sa isang prinsesa. Ang sagwang iwari!" dagdag pa nito
*iwangis- itulad
*iwari- isipin
"Ikaw!" sigaw ko at inihagis ko sa kanya ang unan na may kasalong libro
"Aray!" daing nito
"Galitin mo na ang lasing huwag ang bagong gising!"
"At saan mo naman natalos yaong pahayag?!"
*natalos- nalaman
"Bakit mo kailangang malaman? Ano naman sayo?"
"Arrgh! Ikaw ang kauna-unahang babaeng kinalantiri ako ng ganito. Ang lakas ng loob mo!"
*kinalantiri- ininis
"Eh, kinalantiri? Kelan kita kiniliti? Asyumero, anak ng bolero!"
"Humanda ka, Biya!"
"Ho, at kinareer mo na ang pagtawag sa akin ng Biya. Kung ganon ay wala akong magagawa kundi tawagin kang mokong."
Actually, hubad sana ang itatawag ko. Kaso ang sagwa, yukks.
"Grrr! Etong sayo!" Sabi niya at hinampas ako ng unan
"Abat!" ginantihan ko siya at hinampas rin ng unan
Hanggang sa naghampasan na kami kesa mag-ayos at maghanda ng aming ibebenta.
"Hay, tignan mo sila. Ang aga aga nilang naga-agaso."
*naga-agaso- naghaharutan
"Kumikimi ako! Haha, sadyang bagay lang silang dalawa, hindi ba kuya Ciriaco?"
"Hay, oo. Kung iyan ang adhika ninyo"