Chereads / Reincarnated in 1880 / Chapter 5 - KABANATA V

Chapter 5 - KABANATA V

Kaagad na naming inayos ang aming sarili sa pagpuntang bayan. Ang bayan kung saan ako napadpad at nakita ni Andres. Marami akong tanong sa isip ko, ewan ko nalang kung masagot. Unang una ay bakit ako napadpad dito? May misyon ba ako? Kailangan ko bang makisali sa KKK para ipaglaban ang bayan? O kaya dahil alam ko ang kasaysayan ay makakatulong ako sa kanila? Maiiwasan ang maraming kamatayan at hangad ay makalaya ang Pilipinas sa sariling kamay.

Sa ilang minutong paglalakad ay narating na namin ang bayan. Tumigil kami sa isang sulok at umupo doon si Andres.

"Anong pakay mo?" tanong ko

"Dito ang puwesto natin, Biya. Halika't tulungan mo ako sa pagpitak ng mga ipagbibili sa lapag upang masilayan na ng mga tao."

*pagpitak- pagbahagi

"Osige" sagot ko

Tinulungan ko si Andres na ibahagi ang mga item sa lapag at inisipan sila ng magandang formation. Inilalagay ko ang ibang mga dekorasyon sa ibang bahagi pero pilit itong nililipat ni Andres.

"Ano bang ginagawa mo?" inis niyang sambit

Nagcross-arms ako sa kaniya at tumiktik kasabay ng pagiling.

"Sinasabi ko na nga ba at wala kang alam sa sining. Mas mabuti pang ipaubaya mo nalang iyan sa experto. Tabi nga!" tinulak ko siya papalayo at nagsimulang ayusin ang mga item.

"Oh? At iyong isinasambit na higit kang madunong kaysa sa magtutudlo sa mga unibersidad?"

*magtutudlo- propesor

'Magtutudlo? The heck, ano yun? Baka naman magsasaka.'

"Oo" sagot ko habang abala sa pag-aayos ang mga item

"Hmmm, at saan naman galing ang kabulastugan mong iyan?"

*kabulastugan- kayabangan

'Heto nanaman ako manghuhula nanaman kung ano ang mga ibig sabihin ng mga malalalim na tagalog niya. Susmaryosep!'

"Anong ibig mong sabihin?" -palusot ng mga di nakakaintindi ng deep words.

"Iyong nabanggit na mas madunong ka, hindi ba? Paano mo naman nasabi. Pangatawanan mo ang iyong katwiran."

'Ay ganun, tulfo lang? Ano this, Ipaglaban mo segment?'

"Nag-aaral ako ng mabuti. Wala nang hihigit sa talino ng mga nag-aaral ng mabuti kaysa nagsisipag. Aanhin mo ang diskarte kung hindi mo naman ito kayang gawin." sagot ko

"Paano naman ang mga matalino na tamad? Anong laban nila sa masipag?"

"Dumedepende yon sa sitwasyon. Ikaw na rin ang nagsasabing mas makatwiran ang mga masisipag mag-aral kaysa matalinong tamad."

"Sabagay... May baligho ka"

*baligho- laban sa katwiran

Tapos ko nang i-arrange ang mga items at tuwang-tuwa naman si Mokong pero hindi niya pinapahalata.

"Oh tapos? Ano nang gagawin?" tanong ko

"Maupo at maghintay ng mga bibili" sagot niya

"Ano? Nahihibang ka na ba?"

'Huwaw, big word. Nahihibang haha.'

"Anong gusto mong gawin ko?" malamig niyang tugon

"Alam mo, para kang si Juan Tamad!"

Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng matalim na tingin.

"At sino naman yaon?" wika niya

'Wew, mukhang kilala niya kung sino yun at kinokonfirm lang kung siya talaga. Well, di siya nagkakamali'

"Si Juan Tamad ay isang tamad na lalaking nagaantay na malaglag ang bayabas sa kanyang bunganga sa sobrang niyang katamaran, di niya man lang sinubukan na pitasin ito."

Napabuntong hininga siya na ikinataka ko

"Hay, akala ko kung sino. Kwento lang pala"

'Anong ibig sabihin niya!'

"Makinig ka! Sa sobra niyang katamaran, inilibing siya ng buhay ng mga unggoy sa pagaakalang patay na siya!"

Ang inaasahan kong matatakot na ekspresyon ay di ko nakita. Bagkus, ngumiti lang siya sa akin.

"Kay rikit naman ng kwentong yan, saan mo nanaman iyan natalos?" sarkastiko nitong sambit

'Tsk, kaasar!'

"Hoy, nagiging mabait ako rito at maniwala ka sa akin, hindi ito nangyayari palagi."

"Mukha nga" tugon ko

"Ano bang adhika mo?"

"Gusto mong kumita ng marami?"

"Oo naman"

"Kung gayon, panoorin mo ako" nakangisi kong sabi

Agad naman akong tumayo at huminga ng malalim. Akala mo hah, eksperto ata ako sa pagtitinda. Di mo alam na nagtitinda ako ng graham ball nung elementary ako. Wala rin naman akong magagawa kase utos yun sakin ng bwisit kong teacher. Grabe yun, ako ang nagbenta, ako ang hindi nakatikim!

*imagination*

"Hehehe~ Akin ang pera sa benta ng graham!"-demonyong teacher

"Hoy, mga suki. Bili na kayo ng mga paninda namin! Alam nyo bang ang mga produktong ito ay gawa sa mga kamay ko at hindi nyo pagsisisihang binili niyo ito" sigaw ko

Agad namang nakatawag pansin ang malakas kong boses at lahat ay nagsitinginan sa gawi ko. Well, effective kaya to!

Tinignan ko si Andres at mukhang gulat na gulat sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo! Nakakahiya ka" inis na bulong niya

"Huwag ka nang magreklamo. Tinuturuan kita kung paano magbenta. Isa sa mga teknik na dapat mong malaman ay ang... walang iba kundi sales talking" Sabi ko at kinindatan siya

'Bahala siya dyan! Ang mga inosenteng katulad niya ay walang alam sa negosyo! Kaya walang kinikita eh.'

Dahan-dahang lumalapit ang mga tao sa gawi namin. Sinasabi ko na nga ba at magtatagumpay ito!

"Binibini! Ang ganda mo naman ngayon pero..." sambit ko at binigyan ko siya ng nakakaawang look

"P-Pero---ano?" sagot nito

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at tinignan ko siya sa mata.

"Kaya lang hindi sapat ang maganda lang, kung sana ay may ganito kang abaniko, mas lalo kang gaganda at mapapansin ka ng iyong mahal!" sabi ko at ipinakita sa kanya ang kumikinang na abaniko

"Haaa~ Parang diyamanteng kumikinang sa kalangitan! Kawangis ng isang bituin, kay rikit! Magkano iyan?" tanong ng babae nang may kislap sa kanyang mga mata

Tinignan ko ang direksyon ni Andres at pinandilatan ko siya ng mata, tinatanong kung magkano yun. Ipinakita niya ang kaniyang kamay at itinaas ang kaniyang isang daliri.

'WHUUUTT?? Piso lang??? Anong makakain namin sa piso? Nagiisip ba tong mokong na ito? Hindi ko alam na naaapi siya sa sarili niyang kamangmangan'

Kaagad ko siyang sinagot ng seryoso-ka-ba? look. Tumungo siya dahilan para magalit ako ng lubusan. Anong ipambibili namin sa piso?

Maya-maya'y may isang ala-alang biglang pumasok sa aking isip.

"Nagrereklamo ka pa! Kami nga noon piso lang ang baon namin!" sigaw ng galit kong mama

"Ha? Eh anong nabibili niyo sa piso?"

"Marami!"

-Point of realization-

P-Paanong..... Ibig sabihin ay mataas pa ang halaga ng piso sa panahon ngayon! Hehe~ Bat ang bobo ko at hindi ko man lang naisip?

Huminga ako ng malalim. Kung ang piso ngayon ay malaking halaga na, why not lubusin at taasan ang presyo?

"Dos lang" tugon sa kanila ng may ngiti

Kita sa bakas ng mga mukha nila ang gulat. Oh yeah~ Nakita ko naman na napa-face palm si Andres.

'Watch and learn!'

"Pero, sa kabilang banda. Ipinapangako kong mas lalo kayong gaganda. Sayang naman kung hindi ito mapapasainyo, diba?" pang-aasar ko at nilapit sa kanila yung abaniko

"Waaahhh!" tugon nila at pilit na inaabot yung abaniko ngunit inilayo ko ito. Tapos nilalapit ulit, bago ilalayo nanaman.

"Gusto namin niyan! Pagbilhan mo kami!"

"Wala na akong pakialam sa presyo, basta pagbilhan mo na ako!"

'Hehe~ Bow down peasants! Bow to your queen!'

Isa itong effective na advertisement, dati may pa kain pa kami ng graham ball para mainggit sila at bumili. So sad at hindi ako ang kumakain! What a painful memory.

"Osige, dahil natutuwa ako at mahal ko kayo, kapag bumili kayo ng tatlo mabibili niyo nalang ito sa halagang limang piso." Sabi ko at nagsimula silang maghiyawan.

Pumili na sila ng mga abaniko at origami na ginawa namin at talagang marami kaming nabenta. Kaagad na dinagsa ang pwesto namin ng mga bata, dalaga, matanda at pati narin mga lalaki! Pero dahil raw ipangreregalo nila sa mahal nila. Hays sana ol. O baka naman tinatago nila ang kanilang pagkababae! Nako baka may samahang LGBTQ++ na noong 1880!

"Binibini, mayroon pa bang ibang kulay nito?"

"Ah oo naman, tumingin ka doon" sagot ko

"Maraming salamat!"

Hayss, sarap isipin na ganito ang kakalabasan ng paghihirap ni Andres. Kung may utak lang tong mokong na ito, edi sana mabenta ang paninda niya araw araw!

"Hoy"

Agad naman akong lumingon at nakita ko sa Andres na nakatingin sa mga namimili.

"Hmm?" tugon ko

"Akala ko nung una, balak mong pahiyain ang sarili mo para wala tayong mabenta..." wika niya

'Grrr! Ganun ba ang tingin sakin ng mokong na to!! Okay na sana eh! Okay na sana kase akala ko magpapasalamat siya sa akin at pupurihin ako pero hindi eh.. Hindi talaga'

"Kung aasarin mo nanama---" hindi niya ako pinatapos at nagsalita na siya agad

"Pero nung nasilayan ko ang detetminasyon mo sa iyong magaganda mga mata, nakita ko ang pag-asa. Maraming salamat, binibining Viatiere" Sabi niya at bigla siyang ngumiti

dugdug....

'Whaaat?'

dugdug...

'Eh? Anong nangyayari kay hart? What the heck is happening? Bakit parang ang amo ng mukha niya? At for the first time, he called my name'

Shemay feeling ko eh todo na ang pula ng mukha ko. Bat ang rupok mo, Via?

"Ayos ka lang, biya?" wika niya at mas lumapit pa sa akin

"D-Dun ka na! Ayos lang ako. Umalis ka muna sa harap ko!"

"Tsk, minsan na nga lang magmalasakit, sinusungitan pa" pagrereklamo niya

'Aahhhhh! Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito!'