Huminahon ka, Via, huminahon ka. Huwag mong sabihing magpapadaig ka sa mga taong 18's! Mas matanda ka sa kanila, mas marami kang alam! Bakit nagpapaalipin ka?
Napasabunot na lang ako sa aking buhok para maibsan ang kalitohang nararanasan ko. 1880 ngayon, ipinanganak si Andres noong 1863, nakalimutan ko kase yung exact date eh.
'Yan kase di ka nagaaral ng mabuti, Via! Yan ang napapalá mo.'
Oo na, oo na. Hindi ako nakikinig ng history noong elementary ngunit may alam akong kahit kaunti. 1880 minus 1863... Hmmm, 17! Disesyete ngayon si Andres at mas matanda siya sa akin ng isang taon. Sabi sa talambuhay niya ay naulila siya ng maaga. Ibig sabihin ay----- Ibig sabihin ay ulila na sila ngayon! Kawawa naman pala sila. Nawalan agad ng magulang. Siguro ay malungkot na malungkot sila ngayon at naghihirap sa sitwasyon. Samantala sa panahon ko ay wala nang pakialam ang mga kabataan sa kanilang mga magulang.
Minsan sa paglalakad ko sa paguwi ay aksidente kong narinig ang usapan ng mag-ama sa kanilang cellphone. Pinapauwi na ng tatay yung anak pero nagpupumilit yung anak na sa kaibigan niya nalang siya matutulog. Nakita ko sa mata ng tatay yung lungkot pero ano naman kaya yung nararamdaman ng anak? Sa totoo lang, nakakaawa na ang henerasyon namin.
Natigil ang aking pagmumukmok nang biglang dumating si Andres.
"Oh, bakit tila ang lalim ng iniisip mo at nakatulala ka sa durungawan?" wika niya at umupo sa harap ko.
*durungawan- bintana
Nakasandal parin ang aking bába sa palad at nakatingin sa bintana.
"Iniisip ko lang kung paano makakabangon ang Pilipinas sa pagiging alipin ng mga Espanyol"
Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Makabayan si Andres kaya alam kong naiintindihan niya ako. Not to mention, siya ang nagpasimula ng rebolusyon sa pamamagitan ng pagbuo ng KKK.
"Bakit mo naman naitanong?" tahimik niyang tanong
Tumingin ako sa kanya ng may mapait na ngiti.
"Dahil ayokong may nakikita akong Pilipino na nahihirapan sa kamay ng mga dayuhang Espanyol" sagot ko
Agad niya namang tinakpan ang bibig ko na naging dahilan kung bakit sobrang lapit na namin sa isat-isa.
"Shh! Isara mo ang iyong masatsat na bibig at baka may makaulinigan ng iyong mga pahayag"
*masatsat- madaldal
*makaulinigan- bahagyang makarinig
Marahan akong tumungo at binigyan ko siya ng pakawalan-mo-na-ako look.
Nang mapansin niya ito ay agad siyang namula at lumayo ng distansya sa akin.
"Humayo ka na at magsimulang magligpit ng bunton na plato. Nariyan ang ilan sa mga damit ni ina. Pumili ka ayon sa iyong kagustuhan." wika niya habang nakatalikod at papaalis
*bunton- tumpok
'Hays, sana ay makasabay ako sa pagtatagalog niyo'
"Opo, opo" tugon ko
Napa-buntong hininga na lang ako. Bigla ko namang naalala ang nangyare kanina.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung palayasin ako ni Andres sa lugar na 'to. Wala na akong ibang mapupuntahan dahil wala naman talaga akong kilala.
"Sa tingin ko ay mas mabuti kung manatili muna siya rito" tugon ni Andres
Nagulantang ang lahat pati na ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, ay akala ko papalayasin niya na ako.
"Pero kuya---" Hindi na pinatapos ni Andres si Ciriaco na magsalita nang bigla akong tinuro niya
"Hindi natin pwedeng hayaan lamang ang isang binibini na mag-isa at walang patutunguhan. Samakatuwid baga'y kahit na ang tingin natin sa maharlika ay bulastog at talampalasan at mapaniil, kailangan nating kilatisin ang bawat isa dahil iba-iba ang mga tao. Hindi tayo patas."
*bulastog- mayabang
*tampalasan- malupit
*kilatisin- uriin
*mapaniil- abusado
'Woah... Hindi ko ineexpect na ganito katuwid si Andres.'
Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik.
"Kung gayon, wala na akong masasabi pa" nakayukong sambit ni Ciriaco
"At syempre, magagamit natin ang mga diyamante niya para ipangsangla, hindi ba?" Sabi niya at binigyan niya ako ng umoo-ka-na look
'Yun talaga yun eh! Binabawi ko na talaga ang mga sinabi ko!'
Tumungo ako at tumalon sa sayá ang lahat maliban sakin. Well, ayoko rin namang maging Christmas tree dahil sa mga kwintas na 'to pero ngayon lang talaga ako nakaranas ng ganito karaming diyamante sa katawan.
"Teka, saglit. Aking nagunita, ano nga pala ang iyong ngalan?" tanong ni Andres
*nagunita- naalala
Sabagay, di pa pala ako nakakapag-introduce sa kanila haha.
"Ang ngalan ko ay Viatiere Alonzo. Nagagalak akong makilala kayo" wika ko
Lahat sila ay lumuhod sa harap ko.
'Waahh! Bakit may paluhod-luhod pa silang nalalaman?'
"Binibining Alonzo, tanggapin mo ang aming masigabong pagbati sa iyo. Ako si Andres, ang lalaking nasa gawing kanan ko ay si Ciriaco, ang katabi niya naman ay si Procopio sa tabi ni Procopio ay si Troadio. Sa gawing kaliwa ko naman ay si Maxima at Esperidiona." pagpapakilala niya
Tumayo na sila at tinignan ako sa mata.
"Nawa'y maging tapat tayo sa isat-isa. Mula ngayon ay nasa pangangalaga na kita."
Napangiti nalang ako sa kanila. Masarap isipin na ang mga tao noon ay bukas ang mga pinto sa mga taong nangangailangan. Kahit na mahirap lang sila at wala nang mga magulang ay di nila nakakalimutang tumulong sa mga nangangailangan ng tulong.
Nagbabalik sa kasalukuyan, hinarap ko ang kusina nila at nadatnan ang tumpok-tumpok na mga hugasin. Never in my life pa ako naghugas ng ganito! Anong klaseng pagpapahirap ito?
Ngayon ay alam ko na ang ibig sabihin ng bunton. Tumpok o tambak. Langya talaga oh.
Mahigit isang oras na akong naghuhugas ng pinggan at sa wakas ay natapos na rin ako.
'Isang linggo siguro bago sila maghugas ng pinggan. Don't tell me ako ang maglalaba ng mga damit nila? Shocks baka yung brief ni ano-----Ano ba Via! Ano ba yang mga pinagiisip mo?
"Bakit tila kumikimi ka?"
*kumikimi- namumula ang pisngi
Sa sobrang gulat ay nahagis ko ang hawak kong pinggan sa nagsalita.
"Diyos ko po!" sigaw nito sa gulat at nakailag sa pinggan
Dahil doon, napahalakhak ako ng sobrang lakas. Nabasag ang pinggan sa harap niya at sinamaan niya ako ng tingin.
"Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng babaeng ang laswa kung humalakhak" sarkastiko nitong sambit
"Buti di tulad sayo, anlaswa ng mukha hahaha" pang-aasar ko
"Kaya naman Viatiere ang ngalan mo dahil utak biya ka. Ngayon ko lang napagtanto, paumanhin. Hindi dapat ako nakikipagtalo sa maliliit ang utak" asar nito
*biya- isang uri ng maliit na isda
"Anong sinabi mo? Eh ikaw nga Andres ang pangalan ibig sabihin nakahubad! Gets mo? Andres at undress hahaha"
Binigyan niya lang ako ng ano-daw? look
'Hayss, nakalimutan kong di marunong mag-english ang mga nandito.'
Nagsimula na siyang pulitin ang mga bubog sa sahig.
"Tulungan na kita" Sabi ko at tumakbo papunta doon pero pinigilan niya ako
"Ako na ang bahala rito. Huwag mong lipakin ang binatang ito dahil matipuno ito" wika niya
*lipakin- hamakin/maliitin
Agad niyang itinapon sa basurahan ang bubog at lumapit sa akin.
"May importante akong ipababatid sa iyo. Nais kong ipagkatiwala sa iyo ang aking mga kapatid dahil aalis ako upang magbenta ng mga abanikong gawa sa papel at iba pa. Ikaw ang inaatasan kong magbantay sa kanila" sabi niya
"Hindi maari..." tugon ko
"At bakit naman? Bigyan mo ako ng alunig na hindi baligho"
*alunig- rason
*baligho- laban sa katwiran
"Gusto kong sumama sayo sa pagbebeta"
Nagulat siya sa sinabi ko kaya naman tinanong niya ako ng seryoso.
"H-Hindi ka nagbibiro? Sasama ka sa akin?"
"Oo nga, paulit ulit naman"
"*ehem* Kung gayon ay humayo na tayo at gumawa ng mga ibebenta. Iaatas ko na lamang kay Ciriaco ang mga kapatid ko."
"Sige ba!" tugon ko
Napapatingin nalang ako Kay Andres na gumagawa ng mga bagay na ito para may ipakain sa kanyang mga kapatid. Nakikita ko sa kanyang mga mata na determinado siyang maabot Ang kaniyang mga pangarap.
"Hoy, babae. Nahalili ka na ba sa aking kakisigan at nakatitig ka na sa akin ngayon?" naka-ngisi niyang sambit
"Ha--Aba! Ang kapal naman ata ng pagmumukha mo" tugon ko
"Hindi naman maipagkakailang makisig ako at matipuno"
"Buang! Sinong niloko mo?"
"Bakit ganyan ka, babae? Hindi kita nasilayan na gumawa ng mabuti sa akin!" pagrereklamo niya
"May nakapagsabi sa akin na hindi ko naman dinudungisan ang pangalan mo. Sinasambit ko lang ang purong katotohanan." naka-ngisi kong Sabi
"Ikaw, babae!" hinagisan niya ako ng isang basong tubig dahilan para mabasa ako. Tinawanan niya ako habang iniismiran ko siya
'Sinusubok talaga ng bakulaw na ito ang pasensya ko ah! Tignan nalang natin'
Dahil nakita ko ang pintura niya, kumuha ako ng paint brush at iwinisik sa mukha niya.
"Hahaha, ayan, naging mas pangit ka pa" pang-aasar ko
Kumuha rin siya ng pintura niya at ginaya ang ginawa ko. Pero di ako nagpahuli, sinaboy ko na sa kanya yung buong pintura. Akala niya ah.
Sa sobrang inis niya sa akin, ihahanda niya na yung isang batsang tubig kaya naman tumakbo na ako papalayo.
Hahaha, ansaya ko ngayon na nabadtrip ko siya. Akala niya ah. Pero, tanong ko lang. Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo? I mean hanggang kailan magtatagal ang mga panahong ito?
"Biya, nasaan ka na?" rinig kong tinig sa kalayuan
Naku, kailangan ko nang magtago bago pa man ako malunod!