Jared Dela Cruz
"You have got to be kidding me Red" galit na sabi sa akin ni Stephanie.
Sya ang babaeng naka-one night stand ko kagabi. Maganda sya. Pumasa nga sa taste ko. Foreigner. She's blond, beautiful and one hell of a partner in bed. Nakilala ko sya kagabi sa isang drinking game sa tapat ng bon fire.
Naging maayos naman ang takbo ng lahat, pero umasa sya na masundan pa ang gabing 'yon. Yeah, I slept with her last night, but I don't sleep with a woman twice (anymore) so I rejected her glorious offer. It's been done, can't she just get over it? It was just a one time thing for Pete's sake! Kaya nga foreigners ang madalas ko'ng maka-partner dahil mas open sila sa ganitong set-up.
"No baby, I'm actually seri—" she cut me off.
"You loved me last night! You said I was the best! So don't f*ck with me Red Dela Cruz!" galit na sabi nya.
Yeah, I said those things. She's not the best but it's hard not to praise her when I'm having my climax. Damn.
"I though I already did f"ck you," bulong ko.
"You DICK!!" narinig nya pala.
"Yep! And I'm big," ngumisi ako.
*SLAAAAAAPPPP!!!*
Nag-walk out sya matapos nya akong sampalin nang napakalakas. TAKTE!! ANG SAKIT!!
Napa-hawak ako sa pisngi ko. Namumula na 'to sigurado. Tsk! Ang bilis ng kamay, ni hindi ko napigilan. Bakit ang mukha ko pa? For all the glory in the world, bakit ang mukha ko pa ang napagbalingan nya ng galit?
Tsk! Makaalis na nga. May kakausapin pa ako. Si Omi, takteng D' Arrez 'yon.
Nasan na si Samantha? Ang babaeng 'yon hindi ako hinintay. Hinanap ko sya. Bakit nga ba hindi ko nasabi na hintayin nya ako? Ang bopols mo Red nasaan ang utak mo? Hindi mo nga naman sinabi malamang naman, syempre aalis 'yon. Tss! Nakita ko sya na naglalakad na pabalik sa direksyon ng hotel.
"Oh, ano'ng nangyari?" tanong ni Sam habang nasa malayo pa ako.
"Di ko naman sya girlfriend bakit nya ako sinampal?" reklamo ko. "Mga babae ang hirap pakisamahan!"
Nilapitan ko na si Samantha. Nakatingin sya sa pisngi ko. Naka-ngiwi sya nang konti. Malamang nakikita nya na namumula ang pisngi ko. Natutuwa ako dahil concerned sya sa akin.
"Eh? Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nya sinampal?" tanong nya ulit
"For fcking her last night," sagot ko. ASDFGHHKJ!!!! Takte bakit ko nasabi yon?! Ampupu Red!
"Oh..." naisagot nya nalang.
Mukhang naiilang sya. Bopols mo Red. Amp.
"That—It's just a one night stand." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
"Too much information, thanks" sarcastic na sabi nya.
Nauna syang naglakad. Sinundan ko sya at sinabayan. Wrong move naman oh! May Maliit na babaeng bumangga kay Sam. Inalalayan ko sya para hindi sya matumba. Ang payat kasi, hindi nataba. Ang dali tuloy matumba.
"Sorry! Sorry!" napatingin ako sa babaeng naka-bangga ni Samantha. "Naku sorry po talaga, nasaktan ko po ba kayo? Sorry po!"
Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko sya ngayon. Ano'ng ginagawa nya rito?
"Okay lang," narinig kong sagot ni Sam.
Hindi sya tumitingin sa direksyon ko. Hindi ba nya ako nakita? Namukhaan? Nakilala? O sadyang ayaw nya akong makita?
"ARIL!! Nakuha mo na 'yong bola?"
May mga kasama syang babae at naglalaro sila ng volleyball.
"Oo Kimmy! Nakuha ko na!" sagot ni Aril, tumingin ulit sya kay Sam. "Sorry po ulit."
Hindi man lang nya ako pinansin. Tumakbo na sya sa mga kaibigan nya.
"Aril..." hindi nya narinig ang tawag ko.
Sinundan ko sya ng tingin.
"Kilala mo ba sya?" narinig ko'ng usisa ni Samantha.
Nakatingin lang ako kay Aril. Tumatawa sya kasama ang mga kaibigan nya. Sya ba talaga 'yon? Kailangan ko'ng maka-sigurado kung sya nga.
"Samantha umuna ka na muna may gagawin lang ako," sabi ko.
Alam ko na sya talaga 'yon pero takte bakit hindi man lang nya ako pinansin? Galit ba sya? Galit pa rin kaya sya? Malamang naman. Iniwan ko sya. Hindi ko man lang nagawang mag-paalam bago ako biglang nawala ng dalawang taon para pumunta sa France. At hindi ko man lang sya nagawang kausapin nang makabalik ako.
Tumambay muna ako sa isang cottage doon, hindi malapit pero hindi rin malayo. Pinanood ko sya habang naglalaro sila. May nag-iba sa kanya. Mas naging babae. Isang bagay na wala sa kanya noon. Mas mahaba na ang buhok nya. Maayos na ang hitsura nya. At iniwan nya na ang pagiging mangkukulam nya. Hindi na sya nakabalot sa itim na tela na akala mo kasali sa kulto.
"HOY bakla ka saluhin mo ang bola!"
"Volleyball 'to hindi dodge ball, hwag mong iwasan ang bola Aril!"
"Ayoko madaya kayo bakit sakin nyo palagi pinapa-punta ang bola? Eh ang dami dami naman pwede tumira! Ang lawak ng space!"
"Syempre para panalo kami."
"Oo nga hahahaha!! Alam naman namin na di ka marunong nito eh! Hahahaha!"
"Ang sama nyo!! Kei!! Kimmy!! Tandaan nyo yan pinaggagagawa nyo sa'kin! Hindi ko kayo ilalakad kay Kuya!!"
"Biro lang!"
"Hindi ka naman ma-joke Aril!"
"Ayan na si water boy!!"
"Mga inumin nyo ladies!" sabi ng lalaki na kararating lang.
Pamilyar. Nakita ko na sya. Alam ko'ng nakita ko na sya dati. Uminit bigla ang dugo ko sa kanya. Parang ang sarap pag-tripan? Siguro may atraso sakin 'to. Di ko lang matandaan.
"REX!! Yung Pepsi ko, yung blue?!!" nakangiting sabi ni Aril sa lalaking nagbibigay ng inumin nila.
Ahh. Bakit ang lapit nila? Kailan pa natutong lumandi ng sadistang 'to? Naging babae lang at tinubuan ng kaunting dibdib. Tsk!
"O ayan na, blue! Pinahirapan mo pa ako sa paghahanap."
"Bleh!"
"Haha! Inumin mo na yan."
Rex 'takteng' Parco. Oo nga pala. Kaya pala pamilyar, kaya pala mainit ang dugo ko sa kanya. Sya nga iyong nakita ko na umakbay sa kanya noon. Kaya pala nag iba na si Aril ngayon. May naging dahilan para magbago sya.
Naalala ko noong nagtrabaho sya sa akin.
***
"Hoy babaeng Sadista!" tawag ko sa kanya.
"Bakit po Master?" monotone na sagot nya.
Nakasimangot na humarap sya sa'kin, may suot syang apron at yellow gloves. Naghuhugas sya ng pinggan.
"Heto isuot mo!" ihinagis ko sa upuan ang paper bag
Kumunot agad ang noo nya at kinuha ang paper bag.
"A-Ano po 'to Master?"
"Ano pa ba? Uniform mo," alangan naman sa'kin?
"Ano'ng uniform ang pinagsasabi mo dyan?! Eh damit 'to pang-cover sa Playboy Magazine eh!!"
Itinaas nya ang sexy bunny costume, kulay puti yon. Ang mahal ng bili ko don tapos ayaw nya? Kung itim kaya ang binili ko isusuot nya? Mmm. Bakit nga ba hindi ko naisip na itim ang mas gusto nya? Teka, ako ang MASTER dito. AKO ang masusunod. Maid ko lang sya. Tss!!
"Nagrereklamo ka na ba? Bagay yan sa'yo, babaeng kuneho" ngumisi ako.
"SINO'NG KUNEHO?!!"
"Nagtataas ka na ng boses sa MASTER mo?"
"Wala ako'ng pakialam!! Hindi ko isusuot yan!! MANYAKIS KA!!" sigaw nya at ibinato sa mukha ko ang damit.
"HOY BUMALIK KA RITO!!"
"Ayoko! Bleeehhh! Manigas ka dyan MANYAK!!" tumakbo sya.
"Matagal na kong matigas" hinabol ko sya.
"AAAAAHH!! ANG MANYAK MO TUMAHIMIK KAAA!!!"
"Ano naman ang manyak sa sinabi ko? Matigas naman talaga ang mga muscles ko gusto mong hawakan?" alok ko na mapang-asar.
"AAAAHHHH!! MANYAKISSS!!! Isusumbong kita kay KUYA!! UUPAKAN KA NILA!! Hwag kang lalapit sa'kin!!"
"Ang tinis ng boses mo tumahimik ka nga!"
"MANYAK!!"
"Babaeng walang dibdib!!"
"Ano'ng sinabi mo?!!"
"ELEMENTARY SIZE!!"
"SOBRA KA NA TALAGA!! HIYAAA!!" sinipa nya ako.
Doon naman talaga natatapos eh, sisipain nya ako o susuntukin tapos tatakbo na sya para tumakas. Ampupu.
~~~~~***~~~~~
Napailing ako. Pinilit ko sya na magtrabaho sa'kin noon. Si April Beatrice Barasque, ang kapatid nila Seven at Six. Sya ang tinutukoy ni Omi kagabi.
Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yon, unang pagkikita palang namin hindi na naging maganda. Sya ang unang babae na nanakit sa'kin, physically. Kaya sadista ang tawag ko sa kanya. Palagi nya akong sinasaktan, sinisipa nya ako o kaya sinusuntok.
Natutuwa ako kapag naiinis ko sya at natutuwa naman sya kapag nasasaktan ako. Napakaganda ng relasyon namin hindi ba? Pero nakaraan na yon, sa tingin ko nasaktan ko talaga sya noon sa mga naging desisyon ko. Higit sa lahat, sa mga masasakit na salita na nasabi ko sa kanya noon.