Jared Dela Cruz
"Red sigurado ka ba na magpapaiwan ka?" tanong ni Samantha.
Dumating na ang sundo nilang chopper na pagmamay-ari ng mga Perez. Nakasakay na rin don ang iba. Sina Audrey, Angelo at Samantha nalang ang kulang.
"Angelo magpapakabait ka, alagaan mo si Mommy habang wala ako ha? Ipagtanggol mo sya sa mga bad people," bilin ko kay Angelo.
Yumakap sya sa akin bago sumagot. "Yes Daddy," tumango sya.
Hinalikan ko sya sa ulo at ibinalik kay Samantha.
"Psh! Mukha kayong mag-asawa at anak nyo si Angelo" komento ni Audrey.
Itinago ko ang tuwa na naramdaman ko bigla dahil sa sinabi ng kapatid ko. Wala na nga siguro ako'ng ibang mahihiling pa kung totoo nga 'yon. Mabilis ko rin inalis ang isip ko roon. Hindi 'yon pwede.
"Audrey," saway ko, napaka-daldal.
"What? Just saying geez!" iritableng saad nya.
"Ingat ka kay Omi, hwag kang sasama sa hotel kasama sya. Kasal muna bago sex."
Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko. Gusto ko sana syang kuhanan ng litrato para itago at ipang-blackmail sa kanya. Kaso masyado ako'ng busy sa pagpigil ng tawa ko.
"AAAAAHHH!! KUYA ANO BA?! NAKAKADIRI!! YUUUCK!!" nag-martsa na si Audrey papunta sa chopper.
Natawa ako nang tuluyan. That shut her up.
"Hwag mo'ng ganonin si Audrey, alam mo naman na mas conservative pa 'yon sa'kin. Kahit rebelde kung umasta 'yon, inosente rin 'yon, pati na rin si Omi sa tingin ko mas inosente sya kay Audrey," saad ni Samantha.
Hindi inosente si Omi. Ang inosente talaga nitong isang 'to. Ngumiti ako at hindi na nakipagtalo. "Alam ko, inaasar ko lang sya. Trabaho ko 'yon bilang kapatid nya."
"Sigurado ka ba na magpapa-iwan ka dito?" tanong ulit nya.
Nakailang ulit na 'to ah. Hindi kaya mamimiss ako nito? Sige Red, umasa ka.
"Bakit Samantha? Mami-miss mo ba ako?" tanong ko sa kanya ng pabiro. Pero gusto ko talaga na sagutin nya 'yon ng oo. Dahil panigurado, mamimiss ko sila ni Angelo.
"Eh? Ha? H-Hindi ako! Si Angelo!" tanggi nya. Ah, such a ruthless woman.
"Tss! Hwag ka'ng mag-alala hindi naman ako magtatagal dito. Sa oras na maayos ko na ang dapat ko'ng gawin dito." Ipinatong ko saglit ang kamay ko sa tuktok ng ulo nya. "Uuwi na rin ako."
"Jared."
"Iiyak ka ba?"
"Hindi no!"
"Sige na sumakay ka na don, kayo na lang ni Angelo ang hinihintay. Bye Angelo."
"Bye-bye Daddy," kumakaway na paalam sa akin ni Angelo.
Binuhat ni Samantha si Angelo. "Hihintayin ka namin ni Angelo," sabi nya sa akin.
Nakangiti ako habang tumatango ako. Tumalikod na sya. Hindi nya alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ng sinabi nya. Parang pamilya talaga kami.
"Sam."
"Bakit?" lumingon sya.
Nilapitan ko sya. Hinalikan ko sya sa noo.
"Mag-iingat kayo," sabi ko.
"H-Ha? A-Ahh oo. I-Ikaw din bye!" Tumalikod na sya at tumakbo habang karga si Angelo.
Sumakay na sya sa chopper. Napangiti ako nang makita ko syang namumula. Kumaway sa akin si Angelo. Kinawayan ko rin sya. Lumipad na ang chopper. Pinanood ko hanggang sa maging parang tuldok nalang sila sa langit. Bumuntong hininga ako. Ngayon, ang problema naman namin ni Aril ang aayusin ko.