Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 57 - Chapter Fifty-Seven

Chapter 57 - Chapter Fifty-Seven

Miracle Samantha Perez

"Sandali lang nasaan si Red?" tanong ko kay Audrey.

Nag-iimpake na kami ng mga gamit, ngayon na kasi ang uwi namin. Umaga na at hindi ko parin nakikita ni anino ni Red. Nakakapagtaka dahil nakita ko naman sya kahapon at ayos naman sya. Hindi kaya nakipag-lampungan na naman sya sa blond na babaeng 'yon?

"Si kuya? Magpapa-iwan yata" matabang na sagot ni Audrey.

Eh? Ano'ng nangyari sa kanya? Tinignan nya nang matalim si Omi.

Parang tutang nasaktan naman si Omi. Nagpapa-awa ang mukha nya.

"Kasalanan mo 'to! Sabi ko ibalik mo rito si Kuya, baka kung ano na namang gawin non! Alam mo namang baliw ang kapatid ko'ng 'yon pagdating kay April! GRR!!" Audrey habang nakahawak sa hips ang dalawang kamay.

"Honey naman. Pabayaan mo na ang kapatid mo, malaki na 'yon," naka-pout na sabi ni Omi.

"Ano'ng pabayaan?! Hindi kasi marunong mag-isip ang lalaking 'yon eh! Alam naman nyang walang magandang maidudulot kung lalapitan pa nya ang babaeng 'yon. Lagot na naman sya kay Papa kapag nalaman na nilalapitan na naman nya ang April na 'yon." Nasapo ni Audrey ang noo nya.

Naiintriga na talaga ako sa mga nangyayari. Ano'ng lagot? Gusto ko'ng malaman!

"Uhh sino ba si April? At si Bea? At yung Bunny? Magkakaibang tao ba sila o iisa lang? Saka si Aril?" tanong ko.

Mabilis na tumingin sa'kin si Audrey. Binigyan nya ako ng SHARP LOOK!! UWAAAHH!!

"Hwag mo nang alamin!" mataray na sagot nya.

Napasimangot ako. Ang taray nya talaga! BUT CURIOSITY is KILLING ME!!

"Mommy," si Angelo hila-hila nya ang backpack nya.

"Angelo baby?" nakita ko na may hinahanap sya sa paligid.

"Daddy?" tanong nya with his BIG ROUND INNOCENT EYES.

"K-Kasi baby hindi yata sasama pauwi si Red."

Agad syang nag-switch sa ABANDONED PUPPY FACE. UWAAAAHHH!! Nag-teary eyes na sya.

"D-Daddy!! Want *huk* want Daddy!!" Angelo na may tumutulong luha.

"Come here baby," niyakap ko si Angelo. Hinaplos haplos ko ang likod nya para kumalma sya.

"Problema?" tanong ni Audrey.

"Wala may sumpong lang siguro, hindi kasi sanay nang hindi nakikita si Red eh," sabi ko.

"Pano 'yan kung hindi sasama si kuya sa atin?"

"Kawawa naman si Angelo." Lumapit si Omi. "Angelo gusto mo ba na ako muna ang kalaro mo?" binigyan nya nang malapad na ngiti si Angelo.

Tinignan sya ni Angelo nang matagal.

"Don't like," diretsong sagot ni Angelo at muling yumakap sa'kin.

Muling gumuho ang ngiti ni Omi. Naawa naman ako sa kanya. Mas sanay kasi na si Red ang nakikita ni Angelo kapag may sumpong sya. Kasi kapag may sumpong sya, si Red ang taga-alis non. Isa akong failure pagdating sa pag-aalaga sa kapatid ko.

"Ilang taon na ba si Angelo Samantha?"

"Actually malapit na syang mag-three, sa february," sagot ko, ilang months na lang ba? April ngayon so. Matagal pa pala. Kakadaan lang pala ng february, akala ko november na. Ang lungkot kasi.

"Two palang sya?! Bakit diretso na syang mag-salita? Akala ko four years old na sya. Ang laki na nya tignan," komento ni Audrey habang takang nakatingin kay Angelo.

"Sabi ng pedia gifted daw kasi si Angelo. Ang totoo nyan kulang ng two weeks si Angelo nang ipanganak ni Mama eh pero ang laki nya noong baby sya. Siguro dahil doon sa vitamins na palaging iniinom ni Mama," kwento ko.

"Wow gifted," sambit ni Omi.

"Kaya naman pala iyakin parin sya," sabi ni Audrey. Bumalik na sya sa pag-aayos ng gamit nya.

Nasaan na ba kasi si Red? May sumpong si Angelo eh. Kapag hindi nagpakita ang lalaking 'yon bago man lang kami umalis, MAGKALIMUTAN NA! Bumukas ang pinto ng kwarto.

"Red!" malakas na tawag ni Omi.

Mabilis akong lumingon sa kakaratin lang na si Red. Mabuti nalang dumating sya.

"Kuya! Saan ka na naman ba nag-punta?! Hindi ka na naman bumalik dito kagabi, kunin mo na ang mga gamit mo aalis na tayo bilis!" utos ni Audrey habang nakapamewang pa.

"Si Angelo may sumpong ba?" tanong ni Red sa'kin.

Tuloy tuloy lang si Red sa pagpasok sa loob. Agad nya kaming nilapitan ni Angelo.

"KUYA!" tawag ni Audrey nang hindi sya pansinin ng kapatid nya.

"Hwag kang maingay Audrey tinatakot mo si Angelo," saway ni Red. Kinuha nya si Angelo mula sa akin.

"ARG! Bahala ka nga kuya!" Nag-walk out si Audrey.

"Sandali Honey!" Sinundan sya ni Omi palabas ng kwarto, bitbit na nya ang mga gamit nila.

"Daddy." Yumakap si Angelo kay Red.

"May sumpong na naman si Superman?" itinaas nya si Angelo, itinaas baba sa ere na parang pinapalipad.

Todo naman sa paghagikgik ang kapatid ko. At ganon lang, nawala na ang sumpong ng kapatid ko. Ang bias nya talaga. Mas gusto nya si Red kaysa sa akin. Hindi talaga ako marunong mag-alaga ng bata. Haay.

"Kahapon ka pa nya hinahanap sa'kin. May kasama ka na naman bang blond kagabi?"

"Hindi. Samantha mauna na kayong umuwi ni Angelo. Magpapaiwan ako rito," seryosong sabi ni Red. Ibinaba nya si Angelo sa kama.

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan na gusto nyang magpa-iwan dito. "Bakit?" ang tanging nasambit ko.

"May aasikasuhin lang ako rito," matipid nyang paliwanag.

Nainis ako dahil ang tipid ng mga sagot nya. "Tungkol ba kay April?" diretsong tanong ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan na 'yan?" gulat na tanong nya. May bakas ng pag-aalala sa mukha nya.

"Narinig ko kay Audrey, sya ba ang dahilan kung bakit hindi ka makakasama pabalik?"

"Oo," tipid parin na sagot nya.

Hindi ko napigilan ang pagsimangot ng mukha ko. Bakit ko ba inaalala kung hindi sya makakasabay sa amin pag-uwi? Hindi rin naman sya makakasama sa hacienda ng Crazy Trios eh. Magkakahiwalay din kami. Kaso paano si Angelo kapag naghanap ng Daddy?