Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 55 - Chapter Fifty-Five

Chapter 55 - Chapter Fifty-Five

Jared Dela Cruz

"Ano ba yan Aril! Hindi ka talaga marunong!"

"YOU SUCK!!"

"CHE! Ang sakit nyo magsalita SUCK-TAN ko kayo dyan eh!"

Tumalsik ang bola malapit sa akin. Pinulot ko 'yon.

"Kunin mo nalang kaya yung bola—AY TEKA AKO NALANG PALA ANG KUKUHA KAY MR. NAKA-SHADES!!"

"AKO NA!!" sigaw ni Aril.

Napangiti ako. Ang tinis parin ng boses nya kapag nasigaw. Nakakabasag parin ng eardrums kahit nasa malayo. Tumakbo palapit sakin si Aril. Kasama nya yung ibang babae na kalaro nya ng volleyball.

"Kuya pwede ko po bang makuha yung bola?" inosenteng tanong nya.

Kung magtanong parang hindi ako kilala. Tss.

"Kung sabihin ko'ng hindi pwede?" tinanggal ko ang shades ko at nginitian sya. "Kumusta na bunny girl?"

Napasinghap sya. Nagulat sya na makita ako. Kung ganon hindi nga nya ako namukhaan kanina?

"Oh my gosh ang gwapo!"

"Oo nga kinikilig ako!"

"Picture-an mo dali!"

Nginitian ko ang mga kaibigan nya. Nakatingin sila sa'kin at nakangiti, namumula ang pisngi at kumikislap ang mga mata.

"Kuya artista po ba kayo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Aril.

"Hindi," natatawang tanggi ko.

"Pero ang gwapo nyo po! Sobra! Kyaaaa!!"

"Madalas ko ngang naririnig 'yan," ngumiti ako.

"KYAAAAAAAH!!"

"Hmp! Ang yabang" narinig kong bulong ni Aril.

Wala parin syang ipinagbago. Magaspang parin ang ugali.

"Kuya yung bola po?" Nilahad ni Aril ang isang kamay nya para sa bola.

Tinignan ko sya saglit.

"Kailan ka pa natutong tawagin ako'ng kuya?"

"Hindi ko naman po kasi kayo kilala kaya natural na kuya ang itatawag ko sa inyo. Kuya yung bola po amina."

"Ano'ng hindi kilala? Dalawang taon lang ako nawala hindi labingdalawa," pinaikot ko yung bola sa kamay ko.

"Eh hindi ko nga po kasi kayo kilala! Nababaliw na ba kayo? Amina ang bola!"

"Hoy babaeng kuneho, hwag kang umarte na parang may amnesia ka hindi na nakakatuwa 'tong larong 'to," sagot ko.

Kung ituring nya ako parang hindi sya nag-trabaho sa'kin ng isang bwan. Isang bwan din nya akong binugbog sa condo ko at pinakain ng mga sunog nyang luto ah. Babaeng 'to.

"Hindi nga kita kilala kuya ano ba?!"

"Kilala nyo po si Aril?" tanong ng isa nyang kaibigan.

"Oo, sobrang matagal na. Kaibigan ko ang mga kuya nya, sina Six at Seven."

"Uy Aril bakit naman hindi mo sinasabi na kilala mo pala si Mr. Shades? May number ka nya?"

"Hindi ko nga sya kilala eh!" bigla syang nag-walk out.

"Hoy! ARIL!!" tawag ko.

Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Ni hindi man lang lumingon.

"BABAENG SADISTANG KUNEHO!!" tawag ko ulit.

Bigla syang napahinto sa paglalakad, hindi sya lumingon. Nakatayo lang sya. Muli na ulit syang naglakad palayo. Nilapitan nya yung Parco na 'yon, Tss! Tinignan ako nung loko, ang sama makatingin ah. Sabay silang umalis.

Ano bang problema ng babaeng yon? Ganon ba sya kagalit sa'kin?

"Kuya single po ba kayo?"

Napatingin ako sa mga babaeng nasa harapan ko. Hindi pa sila umaalis. Ibinigay ko na sa kanila ang bola.

"Engaged na ako," sagot ko.

Biglang lumungkot ang hitsura nila.

"RED!!!" may tumawag sa'kin.

Humahangos ng takbo si Omi palapit.

"Isa pang gwapong nilalang!!" turo kay Omi ng isa sa mga babaeng kaibigan ni Aril.

"KYAAAAAAAHHH!!!"

Nagulat si Omi sa tilian ng mga babae.

"KUYA! MAY GIRLFRIEND NA PO BA KAYO?!!" sabay sabay na tanong ng mga kaibigan ni Aril kay Omi.

"Ah oo! Sinagot na ako ng nililigawan ko kagabi!" todo ngiting anunsyo ng loko.

"WAAAAAAAAAAAHHH!!!" umiyak sila.

"Tara Dude may sasabihin ako sa'yo," hinawakan nya ang braso ko.

Tss. Naglakad kami palayo sa mga babaeng kaibigan ni Aril. Tinabig ko ang kamay nya. Mainit parin ang dugo ko sa kanya. Pinatos ang kapatid ko ng gag*ng 'to. Potek subukan lang nyang buntisin nang maaga ang kapatid ko.

"Ano?" inis na tanong ko.

"Nagkita raw kayo ni Aril."

"Tss, ano naman?"

"Red!" Sumeryoso ang mukha nya. "May amnesia si Aril."

Natigilan ako sa sinabi nya. Si Aril may amnesia? Naaksidente ba sya? Kinwelyohan ko kaagad si Omi.

"Hindi nakakatuwang biro 'yan, bawiin mo 'yan," banta ko sa kanya.

"T-Totoo 'to, may temporary amnesia sya. Hindi rin namin alam kung paano nangyari 'yon."

"ANO'NG IBIG MO'NG SABIHIN NA HINDI NYO ALAM KUNG PAANO?!"

"Kung sa iba kailangan nang aksidente para magka-amnesia iba ang kaso nya."

Tinanggal ko ang kamay ko sa kwelyo nya. Shit! Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko.

"Six months ago lang nangyari 'yon, hindi parin namin alam kung ano ang nangyari. Pero may hinala ako kung ano ang naging dahilan non."

Tumingin ako sa kanya.

"Dude, hindi alam nina Sev kung ano ang namagitan sa inyo ng kapatid nila. Mas makabubuti kung hindi na nila malalaman pa," suhestyon nya.

Naikuyom ko ang kamao ko.

"Pinili ni Aril na kalimutan ka Red, hwag mo na syang guluhin ulit. Hindi mo alam na sobra syang nasaktan nang umalis ka papunta sa France. Sobrang lungkot nya non, napabayaan na nya ang sarili nya. Kung ano man ang ginawa nya para matanggal ka sa alaala nya, hindi na importante. Ang mahalaga nagawa na nya ang gusto mo, kinalimutan ka na nya at masaya na sya ngayon."

Tinignan ko sya nang masama.

"Paano'ng hindi importante? Paano mo nasasabi yan?!!"

"Ano ba talaga sya sa'yo Red?! Gusto mo ba sya? Si Samantha ganon din ba? Gusto mo sila pareho?! Hindi mo alam kung ano ang gusto mo! Hwag mo nang pahirapan pa si Aril! Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag naalala ka nya? Sa tingin mo ba magiging masaya sya?! Isipin mong mabuti ang ginawa mo noon Red! Iniwan mo sya at pinaasa sa wala at ngayon naman si Samantha ang hinahabol mo! Paano na si TOP?! Paano na ang kaibigan natin?! Paano na ang napakatagal nyong pinagsamahan na dalawa?!! Sisirain mo rin ba 'yon?!"