Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 51 - Chapter Fifty-One

Chapter 51 - Chapter Fifty-One

Natulog ako na ramdam parin ang weird na nangyari sa pagitan namin ni Red. Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya pagkatapos naming pumasok sa suite. Hindi sya natulog sa hotel. Hindi ko alam kung saan sya pumunta pagkatapos nya akong ihatid. Umalis sya at balita ko kay Omi ay hindi parin sya bumabalik. Silang dalawa ang magkasama dapat sa isang kwarto.

Kumain kami nang hindi sya kasama. Hinanap ko sya sa paligid ng hotel pero walang bakas nya. Nasaan kaya sya?

Ngayon naman ay nasa beach na kami. Nasa tubig ang Crazy Trios kasama si Angelo at masaya silang lumalangoy. Nakasakay sa likod ni China ang kapatid ko. Napangiti ako nang makita na ang saya saya nya.

Sina Omi at Audrey naman ay naiwan kanina sa restaurant. May balak yatang mamili si Audrey mamaya at kasama nya si Omi.

At ako, naiwan na nag-iisa. Namimiss ko na si Timothy. Namimiss ko na ang munting beach house namin. Namimiss ko ang mga oras na magkasama kami. Namimiss ko na syang kausap. Sana bumalik na ulit sya kaagad. Napabuntong hininga ako. Palagi akong napapabuntong hininga kapag naiisip ko sya.

Tumayo ako at tinignan si Angelo. Safe naman sya sa tatlong yon, kahit baliw ang mga 'yon, mapagkakatiwalaan.

Maglalakad lakad nalang muna ako.

Baka makita ko rin si Red sa paligid. Nasaan kaya ang lalaking 'yon? Ano kaya ang nangyari sa kanya kagabi? May mga naglalaro ng volleyball, frisbee, ang iba naman ay nagmumuni-muni. Puro sila mag-couple.

Tumingin tingin lang ako sa paligid.

May biglang nahagip ang mga mata ko. Oh My Gosh! May mga nag-jejet ski. Alam ko normal lang naman 'yon pero ngayon lang ako nakakita ng nag-eexhibition. Tipong buwis buhay. Nababaliw na siguro mga 'yon, iparada daw ba sa ere at pataubin? Paano kung malaglag sila don? Eeesshh!

"Go babe!! Whoo!!" sigaw ng blond na babae na nasa bandang likod ko.

May mga kasama syang ibang lalaki at babae. Iba Pilipino, iyong iba foreigners.

"Girl you're so lucky!" sabi ng friend ng babaeng blond, isang red-hair.

"You bet! Heard he's a billionaire," sabi ng blond girl.

"I know right? I saw his pictures all over the internet!" sabi naman ng red head.

"He's engaged though," may sumali na raven hair.

"And I care?" sagot ni blond hair sa kaibigan nya. "I slept with him last night remember? That means something right?"

Owkay too much information there. Makaalis na nga. Naglakad na ulit ako. Baka kung ano pa ang marinig ko.

Bigla naman nag-paradahan ang tatlong jet ski dalampasigan. Nagulat ako akala ko mabubunggo ako. Malapit kasi sa akin sila pumarada.

Nagtatawanan silang bumaba don.

"Show off!" comment ng isang blond na lalaki sa kaibigan nya.

Wait. Tinignan kong mabuti ang likod ng lalaking kausap ng lalaking blond. May tattoo sya na katulad ng kay Red! Anak ng patola! Kaya naman pala hindi ko makita ang lalaking ito.

"What can I say? I'm a natural" sagot ni Red sabay smirk.

"BABE!! THAT WAS GREAT!!" salubong ng blond na babae.

Inakbayan sya ni Red at naghalikan sila. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Ano sa tingin nya ang ginagawa nya?!

"I slept with him last night remember? That means something right?" naalala ko'ng sabi ng blond kanina.

So kaya pala wala sya kagabi? Kasama nya ang...mais con yelo na yan?! Ang manwhore na 'to! Hindi na talaga nagbago! Nakakainis!

Nang matapos nilang kainin ang mukha ng isa't-isa tumalikod na ako. EESSHH!! Nakakaasar ka talaga RED DELA CRUZ!!!

"Sam?" narinig ko yung boses nya.

Hala nakita nya pala ako! Hindi ko sya pinansin at nagmadaling lumakad. Shucks! Nakita nya pala ako. Ugh! Naiinis ako sa kanya! Akala ko nagbago na sya! Ganon parin sya!

"SAM!!" malakas na tawag nya.

Narinig ko ang mga mabibilis na yabag nya palapit sa'kin. Natakot ako bigla kaya naman tumakbo ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero basta... Bigla nalang... Bigla ko nalang naramdaman... Nagagalit ako... At higit sa lahat, nasasaktan.

"Samantha sandali!" biglang may humigit sa braso ko.

Napaharap ako sa kanya. Hiningal ako sa pagtakbo sa buhangin pero sya parang wala lang. Bigla akong na-conscious, ang lapit namin sa isa't-isa. Naka-topless pa sya. Ano ba 'to? Ano ba ang nangyayari sa akin? Kailan pa ako naging affected dahil kay Red? Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung sa pagtakbo o ano.

"Bakit ka tumakbo? Hindi mo ba ako nakilala kanina?" takang tanong nya.

Tumakbo ako dahil sa hiya. Tumakbo ako dahil nasaktan ako. Napatungo ako. Attracted ba ako sa kanya?