Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 34 - Chapter Thirty-Four

Chapter 34 - Chapter Thirty-Four

Hindi ko talaga kinaya ang nakita ko. Pakiramdam ko nanuod ako ng Final Destination sa 3D, kinilabutan ako. WAAAAAHH!! BAKEEEET? Bakit si Audrey pa?! Oh Lord? Bakit po sya? Palagi nalang ba syang pagkakaitan?

Hindi ko maimagine na si Audrey ay masisikmura na.... Oh Em Gee! Hindi ko maisip na mangyayari ito sa kanya! Bakit nya kailangan na mapariwara ng landas?! Bakit nya kailangan pumatol sa...hindi namin kauri?! Bakit?! Why oh why?

Kasalanan ko 'to. Dahil kinuha ko si Timothy ngayon wala na syang makitang matinong lalaki. At ang naisip nyang solusyon ay ang humanap ng isang panget? Para hindi na sya iiwan? Kailangan ko itong gawan ng solution. KAILANGAN KO 'YONG GAWIN! AAYUSIN KO ANG NAPARIWARA MO'NG BUHAY AUDREY!! TAMA! Tumango ako.

Pero kailangan ko rin ang Crazy Trios! TAMA!

"Samantha? SAMANTHA!"

Gulat akong napatingin kay Audrey. Nakataas ang isang kilay nya. "Ay! Ano 'yon?!" tanong ko.

"Ang sabi ko tatayo ka nalang ba dyan? Wala ka bang plano na pumasok sa loob?" mataray na tanong nya sa'kin.

Ooohhh Oo nga pala! "Ah may nakalimutan lang ako sa loob ng sasakyan sige umuna ka na ahahaha!"

"Weird," bulong nya. Pumasok na sya sa loob ng bahay na may ibinubulong parin.

"Audrey, I promise babawi ako sa'yo! At patutunayan ko na hindi solusyon ang mga pangit para sa magandang relationship!"

***Two Hours Later

"SAMMY!!" sigaw ng Crazy Trios nang magkita-kita kami. Kaway nang kaway si Michie habang nakangiti naman ang magkapatid. Nasa isang table sila na may hugis U na upuan. Tumayo silang tatlo.

"Langya kang bakla ka! Ni hindi ka man lang nagsabi na darating ka pala ng bansa!" saad ni China nang makalapit na ako sa kanila. Hinampas nya ako sa balikat.

"Oo nga! May inihanda pa naman kaming banner!" nakangiting anunsyo ni Maggie. Hinawakan naman nya ako sa balikat ko.

"Sammy!" Yumakap sa'kin si Michie nang mahigpit. "Na-miss kita! Bakit ngayon ka lang dumating?"

"Sorry na Crazy Trios kung hindi ko nasabi na dumating na ako." Niyakap nila akong tatlo.

"Okay lang Sam, sanay na kami sa'yo. Si TOP ang unang pinuntahan mo eh. Sya na ang number one sa buhay mo, huhu," biro ni China.

Tumawa nalang kaming apat. Grabe na-miss ko rin sila. At dahil sa sobra naming namiss ang isa't-isa... naiyak nalang kami. Nagtitinginan na sa amin ang ibang tao sa bar. Pero dahil Crazy Trios ang kasama ko, wala silang pakialam sa drama.

"Grabe ang tagal ng yakapan nyo ah," dumating na si Audrey. "Nasa bar tayo."

Naghiwa-hiwalay kaming apat ng yakap. Ipinatong ni Audrey ang pouch nya sa table.

"KJ talaga ni Audrey," nakapamewang na saad ni Maggie.

"Di! Baka nagseselos kasi nandito na ulit si Sam!" biro ulit ni China.

"We still love you Audrey!!" sigaw ni Michie na umamba ng yakap kay Audrey.

Umilag lang at lumayo si Audrey kay Michie. "Tsk! Tigilan nyo nga ako! Kukuha muna ako ng drinks, nasaan ba si Enzo?" umalis muna si Audrey sa table namin.

Nandito kami sa bar ni Enzo, natatandaan ko na ito rin ang bar na pinuntahan namin ni Red. Ganoon parin, medyo nagbago lang ang interior. Sikat talaga ang bar ni Enzo. Ang daming napuntang customer. Marami na rin ang nagsasayaw, malakas ang tugtog, may umuusok na dry ice at may mga ibat-ibang klase ng ilaw na sumasabay sa beat ng kanta.

Hinanap ng tingin ko si Audrey, may kasusap syang lalaki. Mukhang niyayaya syang mag-sayaw. Hmm. Naging close pala si Audrey at Crazy Trios? Ano kaya ang mga nangyari nang umalis ako? Parang ang dami kong hindi alam ah.

Humarap ako sa Crazy Trios. "Anyway, may kailangan tayong gawin." Mabuti nang maumpisahan ang plano para maagapan si Audrey.

"Sabi na eh! Sinasabi ko na nga ba kaya ka nakipagkita sa'min kasi may ipapagawa ka! Naku!" pahayag ni Maggie. Inabot nya ang baso sa lamesa at uminom.

"How could you Sammy? Friend ka ba talaga namin?" sumandal sa upuan si China nang nakahalukipkip. Bahagyang nakanguso sya habang nakatingin sa akin.

"Si Sammy ay isang username! Bad!" nakasimangot na sabi ni Michie.

"Hanggang ngayon ba naman ang hilig nyo parin sa drama? Hindi pa kayo nagbabagong buhay?" tanong ko. Tinignan ko sila isa-isa. Iniwasan nila ako ng tingin maliban kay Michie. "Michie, user lang 'yon, walang name. Kayo talaga hindi parin nagbabago."

Nagkatinginan silang tatlo.

"Nagbago na kaya kami!" saad ni Maggie.

"Korek!" gumuhit ng check mark si China sa hangin.

"Oo nga mas matured na kami," nakangiting sabi ni Michie.

At talagang si Michie ang nagsabi ng about maturity.

"O sige hwag na nga lang," buntong hininga ko saka tumingin sa mga nagsasayaw. "Sayang naman, gusto ko lang naman ng Truth or Dare eh, pero hwag nalang. Ayaw nyo naman kasi for sure. Kasi iba na kayo eh. Mas MATURED na haaayy sayang naman." Hinawi ko ang buhok ko saka tumingin sa kanila.

"T-Truth or Dare?" kumikinang ang mga mata ni Michie.

"Sigurado ka?" malapad na ang ngiti ni China habang nagtatanong.

"Hey guys, baka naman hindi si Samantha 'tong nasa harap natin!" saad ni Maggie. "Baka isa syang clone! Impostor!"

"Hindi ako impostor. Seriously, manlilibre pa nga ako eh kapag nagawa nyo ang lahat ng dares ko." Inilabas ko ang gift certificate para sa isang hotel sa Boracay. "Sayang naman 'to, Bora pa naman."

"BORACAY?!!" sigaw nilang tatlo. Kulang nalang ay ang maglaway sila.

"Yep!" ngiti ko.

"Bakit naman hindi mo kagad sinabi na gusto mo pala Sammy na mag-laro ng truth or dare? Game kami dyan eh! Di'ba?" tanong ni China sa dalawa.

"Oo nga, kanina pa nga dapat mag-uumpisa ang laro ng truth or dare eh," kumislap ang mga mata ni Maggie. "Ang daming hotties sa Bora!"

"Gusto ko magpa-tan! Ang puti ko kasi masyado eh haha!" masayang pahayag ni Michie.

Ngumiti ako. "Alright! Simple lang naman ang Dare ko eh."

"Para sa'ming tatlo?" usisa ni Maggie.

"Well yes, para lahat may chance makapunta sa Bora!" convincing na sagot ko.

Mas lumapad ang mga ngiti nila. Halatang excited na sila sa gagawin para makapunta ng Bora this summer.

"O sige!" payag ni Michie.

"Ano ba ang dare?" tanong ni China.

Tumingin ako sa paligid. Wala pa si Audrey. "Actually isa itong mission," sabi ko sa Crazy Trios.

"MISSION?" tanong nilang tatlo. Lumapit sila sa akin.

"Mission: Hanapan ng gwapong boyfriend si Audrey!"