Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 31 - Chapter Thiry-One

Chapter 31 - Chapter Thiry-One

Audrey Dela Cruz

Naglalakad na ako pauwi nang maramdaman ko'ng may sumusunod na naman sa'kin. Si Pangit na naman siguro. Hindi ko nalang pinansin at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Ang lakas naman ng yabag nya, parang hindi stalker. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon sya. Bigla syang tumakbo para magtago. May hawak syang sanga ng puno na may maraming dahon. Itinatago nya ang sarili nya gamit 'yon. Nakaupo pa sya sa may likod ng poste. Shit! Napaka-weirdo nya talaga.

"Romeo! Alam kong ikaw na naman 'yan, hwag ka ngang weirdo dyan!"

"Hindi ako si Romeo isa lang akong pangkaraniwang halaman!"

"Nasa likod ka ng poste."

"Isa akong halaman," pagmamapilit nya.

"Sementado dyan hindi tutubo ang halaman. Bwiset!" Naglakad na ulit ako.

Lecheng pilosopo. Nadaanan ko ang mamihan na palaging pinupuntahan namin ni kuya. Eeesh! Hindi na nya ako nadadala sa kainan na 'to. Kainis! Nasan na naman kaya ang lalaking 'yon? Nangako sya sa'kin na ililibre nya ako rito eh. Makakagastos pa yata ako. Manonood pa naman ako ng concert ng BIGBANG.

Kung titignan ito, isa lang naman itong pangkaraniwang kainan. Isang karindirya. Pero napakasarap ng beef mami nila rito. Matagal na rin akong hindi nakakakain dito. Matagal din akong nag-diet, siguro naman okay lang na kumain ako rito. Pumasok ako sa loob.

"Aba Sweety Pie nandito yung isa nating regular customer!" sigaw ni Mang Lito kay Aling Mila.

Nakita kong may hawak na tray ng mami si Aling Mila. Ngumiti sya sa'kin. "Aba'y oo nga, hija ang tagal mo na rin hindi nakaka-kain dito nakakatampo na tuloy."

"Abala lang po sa school," nakangiting sagot ko. Tinignan ko ang buong kainan, ang daming tao.

"Ay dito ka umupo hija," dinala nya ako sa isang bakanteng mesa.

"Isang order po ng special beef mami nyo, pati siomai," malapad ang ngiti na order ko.

"Ah 'yon parin pala haha okay, eh ikaw hijo?" tanong nya.

Napatingin ako sa kausap ni Aling Mila. Kailan pa umupo sa tapat ko ang Pangit na 'to?

"Ganon din po katulad ng order ng Honey ko!"

"Ay ke gwapong bata sandali lang ha, hahaha!" umalis na si Aling Mila

Lumingon lingon ako. Gwapo? Where? Nasaan ang gwapo? Wala naman akong nakikitang gwapo. Puro average lang na lalaki ang nandito.

"Honey! Ang exciting naman pala ng mga taste mong kainan!" sabi ni Pangit na halatang enjoy na enjoy sa lugar.

Iginala nya ang tingin nya sa buong paligid na parang manghang mangha.

"Oh bakit ka ganyan kung makatingin? Di'ba sa mga ganito ka rin naman nakain? Dukha."

"H-Ha? Ah! Oo nga! Ahahaha!" tawa sya nang tawa. Ano ba nakakatawa?

Ang panget nya talaga. Ang alam ko nakapasok lang sya sa University namin dahil sa scholarship. Hindi ko alam kung dahil ba sa'kin kung bakit sya pumasok doon. Ang alam ko lang mahirap sya.

Panget + Mahirap + Panget + Mahirap + Weirdo = Syntax Error

Nakatingin sya sakin. Kumikinang ang mga mata nya. Ergh! Ano na naman ba ang gusto nya?

"Hoy Pangit hwag mo nga akong titigan," mataray kong saway sa kanya.

"Ang ganda mo kasi Honey," umarte na naman sya na kinikilig.

Ay Leche!

"Pangit."

"Bakit Honey kooo?" abot magkabilang tenga na tanong nya.

Sumimangot ako. "Hwag mo akong tawaging Honey."

"Ano'ng gusto mo? Munchkin? Apple pie? Spinach? Chestnut? Cream-O? Butterscotch?"

"Shut up!"

"Ito na ang order nyo. Ingat ha, mainit 'yan, pakabusog kayo. Ang cute nyong tignan bagay na bagay kayo," sabi ni Aling Mila habang inilalagay ang mga in-order namin sa lamesa.

"Salamat po" sabi ni Pangit. Kainis.

"O sige," umalis na ulit si Aling Mila.

"Narinig mo 'yon Honey?" sayang saya na tanong nya. "Bagay daw tayo? Hahaha! Yieee! Kinikilig ka na no? Hahaha!"

"Baliw!"

"Yiiiieeee!"

"Tumahimik ka nga! Hindi ako makakain sa'yo, bwiset!"

"Ang cute mo Honey, sige na nga kumain na tayo" tinignan nya ang pagkain. "Yuum!"

Parang engot lang. Kumain na kami nang tahimik. Katahimikan! Sa wakas! Pero may gusto akong itanong sa kanya. Nangangati na talaga ang dila ko para mag-tanong. Tsk! Baka naman kasi iba ang isipin ng panget na to kapag nag-tanong ako. Leche bahala na nga.

"Close pala kayo ni Maddison no?" hindi tumitingin na tanong ko sa kanya.

Napa-ubo sya bigla at hinampas hampas ang dibdib nya. Ininom nya ang baso ko na may laman na tubig.

"Akin yan," sabi ko.

"Wooh!" hinga nya nang malalim. "K-Kami ni M-Maddison? C-Close? Pano mo naman n-nasabi 'yan? Ha-ha-ha!"

"Nakita ko kayong dalawa sa Library kahapon, ang lapit nyo nga eh," matabang na saad ko.

"W-Wala 'yon, nagpapaturo lang sya sa'kin Hahaha!"

"Siguraduhin mo lang," bulong ko sabay subo na ulit.

Geez! Bakit ba ako nabo-bother? Eh ano kung close sila? Alam ko naman na weird ang taste ni Maddison eh. Pero yung kanina kaya? Ano kaya yung pinag-uusapan nila kanina?

"Hoy Panget sabihin mo nga sa'kin, talaga bang susundan mo ako kahit saan?"

"Oo!" mabilis na sagot nya.

"Hindi ka ba napapagod? Wala kang pag-asa sa'kin. Di kita type at ang isa pa bumalik na ang kuya ko kaya kapag nalaman nya na may stalker ako sigurado ako na sa kangkungan ang bagsak mo," banta ko sa kanya.

Tinitigan na naman nya ako tapos ngumiti sya.

"O bakit?" tanong ko na naman. Napaka-weird. Bakit ba sya ngiti nang ngiti sa'kin?

"Concerned ka sa'kin? Ako ay kinikilig! Ahihihi!"

"Ay leche! Ewan ko sayo!"

"Honey naman. Hwag kang masyadong sweet!"

Binato ko sya ng binilog na tissue

"Asa ka pang pangit ka!"

"Mas lalo kitang minamahal kapag nagiging brutal ka sa'kin! Haha!"

Kumain na ulit sya. Nakakawalang gana naman to! Tsk!

"Hwag ka nang sumunod sa'kin, aalis ako, pupunta ako sa malayong malayo ngayong bakasyon."

Bigla syang napatingin sa'kin. "Saan?" Burado na agad ang ngiti nya.

"Kung saan wala ka."

"Susundan kita."

"Hwag."

"Kahit na ano'ng manyari susunod ako!"

Tigas ng ulo.

"Bakit ka ba sunod nang sunod sa'kin?"

"Ang sabi ng Lola ko sundan mo ang pangarap mo at hwag titigil hanggang sa makuha mo sya!" paliwanag nya. Dinamay pa nya ang lola nya.

"Narinig ko na yan. Been there, done that! Well guess what sunshine this is reality! Hindi lahat ng bagay makukuha mo dahil lang sa pagsunod mo. Better stop dreaming and suck it up!"

Matagal na naman nya akong tinitigan, nakakunot ang noo nya at medyo nakanguso. Alam ko na ang iniisip ng pangit na 'to.

"Ano ba ang masama sa pag-sunod sa taong mahal ko?"

Ay bwiset. Pabayaan ko na nga lang sya mapagod. Pero sa totoo lang, ako na ang napapagod kakatakbo palayo sa kanya. Wait. What?

Kumuha ulit ako ng tissue at binato sya sa mukha.

"Ang pangit mo na nga ang baduy pa ng mga linya mo," sabi ko sa kanya.

"Kinilig ka naman hahaha!"

"Tumahimik ka na nga, kapag hindi ka pa tumigil aalis na ako dito!"

"Hwag naman Honey, sige tatahimik na ako ubusin mo na 'yang pagkain mo. Masama ang nagsasayang lalo na kung biyaya ni God."

"Mas bagay sa'yo mag-pari." Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Magpapari lang ako kung magmamadre ka Honey!"

"Leche, sapak gusto mo? Kumain ka na nga!"

"Okay!"

Natapos din kami sa pagkain sa wakas. Ang kulit kulit kulit nya! At dahil mabait ako, sya na ang pinagbayad ko. Makikisabay na nga lang syang kumain sa akin eh. Sheesh.

"Grabe ang sarap naman nun! Bumalik ulit tayo dito ah Honey?" excited na sabi nya

"Ayoko nga. Napapasarap ka nang kasama ako ah. Swerte mo masyado."

"Eh masarap ka kasing kasama Honey eh!"

"Lahat nalang ba ng sasabihin ko palaging may sasabihin ka rin pabalik? Hindi ka ba nauubusan ng linya?"

"Nauubusan, speechless nga ako sa presence mo minsan eh."

Kinilig na naman sya sa sarili nyang line. The fudge!

"Bading ka ba?" tanong ko.

"Huh? Bading asan?" lumingon lingon sya.

"Ikaw. Bading ka ba? Ginagamit mo lang ba ako para maitago ang pagiging bading mo ah?" Naimagine ko syang nagbabasa ng yaoi sa internet.

"H-Honey! Pano mo nasasabi 'yan?" nanlalaki ang mga mata na tanong nya sa akin.

"Eh bakit ka kinikilig? Di'ba dapat babae lang 'yon?"

"Sino ang nagsabi nyan? Tao lang din kaming mga lalaki, nakakaramdam, ibig sabihin pwede rin kaming kiligin."

"Ewan ko sa'yo!"

"Eh ikaw Honey? Lesbian ka ba—ARAY!!"

Binatukan ko sya. "Subukan mo'ng itanong ulit sa'kin 'yan, hindi lang 'yan ang makukuha mo."

"Napaka—"

"Ano?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Ganda mo talaga Honey!" balik ngiti na naman sya.

"I know right?" Naglakad na ulit kami. Nakatingin sya sa'kin kaya binabatukan ko minsan. Nakaka-conscious eh.

"Bakit ka nga pala naglalakad Honey? Nasan ang kotse mo?" himas nya ang ulo nyang bugbog sa hampas ko.

Err. Nagulat ako sa tanong nya. "Nasa bahay."

"Huh? Bakit naman? Ayaw mo nang naglalakad di'ba?"

"Hwag ka na ngang matanong dapat ka pa ngang magpasalamat na iniwan ko 'yon eh."

"What do you mean Honey?"

"Sa tingin mo masasabayan mo ako kung may kotse ako?" mataray kong tanong sa kanya. Napaka-slow!

Napansin ko na tumigil sya sa paglalakad. Nilingon ko sya. Ano na naman ang problema nito?

"Oy Panget ano na naman—"

"Ang sweet mo talaga Honey! Iniisip mo ako!" Bigla syang lumapit at umamba ng yakap, syempre itinulak ko.

"Lumayo ka nga! Grabe ang pangit mo na nga sa malayo pati up-close ang panget mo parin!" sabi ko habang tinutulak sya.

"Honeeey!" sabi nya habang gusto parin yumakap sa akin.

"Yuuuuck!! Lumayo ka sabi eh!!"

"I love you Honey!!"

Grrr! Kainis! Sa huli nayakap din nya ako. Bwiset na pangit 'to. Sumimangot nalang ako. Pero ang bango nya pala. Nakakaadik ang amoy ng pabango nya. Amoy gwapo.