Chereads / Never Talk Back to a Gangster / Chapter 33 - Chapter Thirty-Three

Chapter 33 - Chapter Thirty-Three

Audrey Dela Cruz

Isinarado ko ang gate. Langyang pangit na 'yon napapasarap sa pakikipag-close, feeling nya! Nakakadiri talaga! Niyakap nya ako! Yuck! Kailangan ko'ng magsabon at maligo ng alcohol baka mahawa ako ng kung ano'ng bacteria dun! Eew!

May nakita akong sasakyan na umikot at huminto may fountain na nasa tapat ng bahay namin. Mabilis akong lumakad para makita kung sino sya. Bumaba sya ng sasakyan at nakita ko na isa syang babae. Kasing height ko sya, maputi, maiksi ang buhok at fashionista. Gosh! She's wearing the latest fashion from Paris! At parang pamilyar.

"So, may plano ka pa palang kunin ang kapatid mo rito sa'min," bati ko kay Sam.

Lumingon sya sa'kin na may tingin na hindi ko maipaliwanag. Parang kinaaawaan nya ako. The fudge?! What's she looking at?

"Audrey..." bigla syang yumakap sa'kin.

What is up with her?! Uso ba ang yakapan ngayon?! Pangalawa na syang nakayakap sa'kin ah! Hinayaan ko nalang syang yakapin ako kahit na hindi ako komportable. Hindi naman kasi kami ganon ka-close eh. Siguro kung mga twelve years ago, close talaga kami. Inseparable kaming dalawa, napagkakamalan nga kaming kambal. Pero iba na ngayon, hindi naman nya ako naaalala. Ang alam lang nya isa akong karibal... dati?

"Audrey! Huhuh! Ano'ng nangyari sa'yo?" humiwalay na sya sa'kin.

"Ano'ng 'Ano'ng nangyari sa'yo?' ang pinagsasabi mo dyan?" kunot noo na tanong ko sa kanya. Nawala lang sya ng dalawang taon naging ganito na. Geez.