Chereads / Self Healing Magic / Chapter 39 - Brutal

Chapter 39 - Brutal

Sa loob ng magandang akademya sa Engkantasya. Sampung mga kabataan naman ang nakapalibot sa parihaba na mesa habang nakatutok sa isang malaking monitor sa loob ng silid. Kasalukuyang pinapalabas ang naganap na kaguluhan sa public square ng Engkantasya.

"Tsk! Bakit kasi hindi pa hinuhuli ang mga yan?! Sinisira nila ang property ng kaharian!" Galit na saad ng isang lalaki na may blonde na medyo mahabang buhok.

"Oo nga! Kailan pa naging duwag ang ating mga kawal sa kaharian?" Dugtong naman ng isa pa'ng lalaki na may mahabang tenga at puting maikli na medyo spiky na buhok.

"Kumalma kayo! Hindi n'yo ba nakita na ginagawa na ng ating mga kawal ang kanilang magagawa," sabi naman ng isang magandang babae na may mahabang tenga rin. May straight na blonde itong buhok.

"Tama si President Hannah, mas malakas lang talaga ang mga taong naglalaban kaysa sa ating mga kawal. Kaya nahihirapan sila hulihin ang mga iyan," pagsang-ayon ng isa babae na katabi ng babaeng tinatawag niyang President Hannah.

"Tsk! Hindi nga nila magawang matalo ang mahinang level 4! Paano naging malakas ang mga yan!" Inis na sabi ng lalaking may blonde na mahabang buhok.

"Haha! Baka nga kahit ako lang mag-isa ay walang binatbat ang mga yan. Kahit isama pa yang nakaitim na level 4." Sabi naman ng lalaking may maikli na puting medyo spiky na buhok.

"Pag tinamaan ng bagong magic ni Nicholas mga yan ewan ko lang anong mangyari sa kanila. Pero dalawa lang ang sigurado... kung hindi sa pagamutan, ay sa kabilang buhay! Haha!" Sabi ng isa pang lalaking engkantado na katabi ni Nicholas.

Si Nicholas ay ang lalaking may maikli na medyo spiky na buhok at anak ng isa sa pinakamayamang noble ng kahariang Engkantasya. Habang si Elvis naman ay anak ng pinakamagiting na Heneral ng Hari, siya ang lalaking may blonde na medyo mahabang buhok.

HAHAHA!

Nagtawanan din yung iba sa sinabi ng engkantadong katabi ni Nicholas.

"Hah! Mabuti pa huwag na nating pag-aksayahan pa ng oras ang mga yan. Siguradong nagpapadala na ng marami pang sundalo ang mahal na hari para maresolba ang kaguluhan." Sabi naman ng isang mukhang strict na dilag na may shoulder length na buhok na kulay abo. Ang pangalan niya ay Sally at anak din ng isa sa pinakamayamang noble ng kaharian.

"Tsk! Mabuti pa nga!" Sabi ng lalaking nagngangalang Elvis.

Tumango naman ang iba.

"Hah!" Nagpakawala nalang ng buntong hininga ang magandang Engkantada na tinatawag na President Hannah. Alam ni Hannah na hindi ito ang unang may nangyari na ganitong kaguluhan sa kaharian. Dahil halos taon taon ay may mga labanan na nagaganap. Kung hindi mula sa pag salakay ng mga halimaw, ay mula naman sa mga kalabang kaharian o di kaya mula sa mga rebeldeng organisasyon. Si Hannah ay anak ng kanang kamay ng hari, at childhood bestfriend ng Prinsesa.

Click!

Matapos i-turn off ang malaking monitor. Ilang sandali ay... Creak! ...bumukas ang pinto ng silid.

Tap!....Tap!....Tap!

Dahan dahan naglakad ang isang napakagandang dilag. May matulis pero hindi mahaba siyang tenga. Ito ang palatandaan ng mga royalty sa Kaharian ng Engkantasya. Mayroon siyang mahabang buhok na kulay nyebe, may maputing balat na animoy kasing puti rin ng nyebe, kaakit-akit na mukha at may magandang katawan. Ang dilag na ito ay walang iba kundi ang lehitimong Prinsesa ng Kaharian ng Engkantasya, si Princess Suliyah or Princess Liya in short.

Biglang nagsitayuan ang mga kabataan sa silid at yumuko sa direksyon ni Princess Liya.

"Welcome Back! Princess Liya!!!" Sabay sabay nilang pagbati.

"Salamat! At pasinsya na sa inyo kung nahuli ako." Malungkot na sabi ni Princess Liya.

"Ok lang yun Princess." Sabi ni Elvis habang naglabas ng matamis na ngiti.

"Huwag mo na alalahanin yun Princess Liya alam namin na busy ka." Sabi naman ni Hannah habang ngumiti.

Ngumiti rin si Princess Liya kay Hannah. Si Princess Liya ang kasalukuyang Vice-President ng Student Council. Si Hannah naman ang kanilang Student Council President. Sila ngayon ay nasa loob ng student council room.

Nang makaupo ay sinimulan na nila ang kanilang pagpupulong kung saan tinatalakay ang mga activities sa susunod na mga buwan lalong lalo na ang paparating na kompetisyon.

"Ok naba ang ating mga mandirigma para sa kompetisyon?" Tanong ni Princess Liya.

"Huwag kang mag-alala Princess Liya. Basta nandito kami ni Elvis ay siguradong magkampeon ulit ang ating akademya." Taas noong sabi ni Nicholas habang sinuntok ng mahina ang kaliwang dibdib.

"Fufu. Mabuti kung ganon, may tiwala ako sa inyong dalawa. Sana tayo ulit ang magkampeon sa taon na ito." Pagkatapos sabihin ito ng Prinsesa ay biglang namula ang pisngi ng dalawang lalaki. Kapansin pansin din ang pagtaas ng kanilang determinasyon.

"Siya nga pala, may bago tayong estudyante mula sa Human City." Biglang sabi ni Hannah.

"Eh?! Human City ba? Siguradong isang mahinang magician lang yan." Sabi naman ni Nicholas habang pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.

"Haha. Ano pa ngaba ang aasahan sa mga talunang akademya." Sabi naman ni Elvis.

"Hannah. Ibig mo bang sabihin yung napabalitang exchange students?" Hindi na pinansin ni Princess Liya ang sinasabi ng dalawang lalaki at agad nagtanong kay Hannah.

"Yes Princess."

"Hmm. Gano'n ba."

"Bakit Princess?"

"Wala lang. First time kasi na may naganap na exchange students mula sa Human City at Engkantasya." Sabi ng prinsesa habang nilagay ang maputing hinlalaki sa ilalim ng labi.

"Hmm.Tama ka Princess Liya."

"Huwag kang mag-aalala Princess Liya. Kung may masamang binabalak ang isang ito, ako nang bahala sa kanya." Taas noong sabi ni Elvis habang naglabas ng matamis na ngiti kay Princess Liya.

"Tama si Elvis princess. Po-Protektahan ka namin." Dugtong naman ni Nicholas.

"Uhm. Kung pwede huwag sana kayong makipag away." Nakangiting sabi ng Prinsesa.

Sa lugar naman ng labanan...

Tuluyan na ngang nagbago ng anyo si Snowbber. Tumubo ang dating putol na braso. Ngunit, naging parang mga braso ng halimaw ang kanyang mga braso. Naging kasing laki rin ang mga ito ng poste ng kuryente at nababalutan ng mapuputi na mahahabang balahibo. Kapansin pansin din ang matutulis na puting mga kuko. Tinanggal ni Snowbber ang maskarang suot sa mukha. Nang matanggal na ito ay bumulagta ang mahabang mga pangil sa kanyang bibig. Makikita rin ang mapulang mga mata na gaya ng sa halimaw.

Gaya ng mga kamay, ay nagbago rin ang kanyang mga paa. Tanging ang katawan lang nito ang hindi mapansin kung nagbago dahil sa telang suot nito. Ngunit, naglalabas ang buo niyang katawan ng pulang enerhiya kagaya ng sa halimaw. Kapansin pansin din ang pagtangkad at paglaki ng bahagya ng kanyang katawan. Ang lupa naman na kanyang kinatatayuan ay biglang nabalutan ng nyebe.

Ilang sandali...

Woosh!

Kasabay ng tunog ay biglang naglaho ang imahe ni Snowbber sa kinatatayuan.

Nagulat ang grupo ni Captain Borg sa biglaang paglaho ng taong nagmukhang halimaw. Pinagpawisan naman ang noo ni Gorr dahil kinuyog ng husto ang Dominion Shield. Kahit na mula lang ito sa pressure ng biglang pagtalon ni Snowbber ay damang dama ni Gorr ang lakas nito lalo na at siya ang may ari ng shield na kinuyog ng husto. Mas lalo pa nilang kinagulat nang lumitaw ito sa unahan. Akala nila magwawala ito gaya ng mga normal na halimaw. Pero mali ang akala nila dahil...

*Bang!* sinipa nito ang Earth Pillar na gawa ni Yman. Bigla namang nagliparan ang mga butil nito at durog na bahagi.

Nanlaki ang mata ni Yman nang biglang nadurog at nagsitalsikan ang mga butil na bahagi ng Earth Pillar. Hindi rin mapigilan na mapaatras siya ng ilang hakbang dahil sa lakas ng pressure na dala ng sipa nito. "Shit! Anong klaseng halimaw ito? Hindi ko manlang masundan ng tingin ang bago niyang bilis. Hindi lang yun, isang sipa lang ang limang metro kwadrado na Earth Pillar ko? Delikado ang isang to! Teka!...(Biglang natigilan si Yman sa pag-iisip dahil hindi niya inakala na siya parin ang target nito)... May sariling pag-iisip parin siya? Isa ba itong skill or Talent?!" Biglang na alarma si Yman dahil sa bagong lakas at bilis na taglay ni Snowbber. Hindi rin niya lubos akalain na kahit nagmukha na itong halimaw ay may kakayahan parin itong mag-isip ng tama.

Kinagat ni Yman ang kanyang mga labi hanggang dumugo. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papalayo. Ngunit, *Woosh!* sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ang bagong Snowbber.

Nagsitakbuhan naman ang mga magician na nasa kalayuan at nanonood. Dahil sa lakas ng pressure at pagbaba ng temperatura ay hindi na nila kinaya pa'ng mananatili sa lugar. Dahil dito naputol lahat ng pagbi-video.

"Anong nangyari bakit nawala?!" Sigaw ng isang boses lalaki sa loob ng silid kung saan tanging lampara lang ang nagbibigay ilaw. Sampung upuan naman ang nakapalibot sa bilog na mesa na may labing isang nakaupo. Ang taong sumigaw ay walang iba kundi ang may pangalang Dragon sa kaliwang dibdib.

"Kalma lang Dragon baka natakot lang ang nagbi-video dahil sa lakas ng pressure na dala ni Snowbber." Paliwanag naman ng may pangalang Chimera sa kaliwang dibdib.

"Tsk! Bakit kasi ang tagal nila napaslang ang mga batang yun!" Galit na tugon ni Dragon.

"Ufufufu. Mukhang humihina na ang mga bata mo Chimera." Sabi naman ng may pangalang Gorgon. Base sa boses nito ay nasa 30+ ang nasa loob ng telang nakabalot.

"Heh~ Kaysa naman sa mga bogok mong alaga na hindi pa kayang kontrolin ang kanilang Talent." Sabi naman ni Chimera.

"Ahaha! akala mo lang yun Chimera. Ngayon ay kayang kaya na ng aking mga alaga na kontrolin ang malakas nilang kapangyarihan. Sayang lang at hindi ang aking mga alaga ang napili ni Dragon. Siguradong kanina pa sana natapos ang misyon." Sarkastikong tugon naman ni Gorgon.

"Tsk! Puro yabang." Naiinis na sabi ni Chimera.

"Huwag na kayong magtalo. Maghintay hintay muna tayo para sa magandang ibabalita ng grupo ni Fayatzu." Sabi naman ni Unicorn.

"O s'ya nga pala, kailangan ko nang bumalik sa kaharian. Pakibalitaan nalang ako kung may magandang resulta sa mga misyon." Sabi ni Phoenix habang dahan dahan na tumayo.

"Yes Lady Phoenix!!!" Tugon naman ng iba.

Sa loob naman ng silid sa pinakataas na palapag ng freshmen high school ng EMRMHS...

"Hah! Mukhang hanggang dito lang ang kinaya ng mga nagbi-video." Mahinahong sabi ni Leon.

"Ano yun? Bakit biglang nawala yung parang halimaw."

"Dahil siguro sa sobrang bilis."

"Sa tingin n'yo isa kaya yung transforming skill?" Tanong ni Night Slayer.

"Hindi tayo sure. Pero parang ganun na nga."

"Mukhang hindi magiging madali itong maresolba ng taga Engkantasya."

Lihim naman natuwa si Necromancer. Dahil alam niya na nandun ang lalaking inaalala ni Mina. Sa isip niya, sana masali sa kaguluhan ang isang yun. At mapaslang ng hindi sinadya.

"Kukuku! Sayang naman mukhang masasawi ang nakaitim sa laban na yun. Gusto ko sana makita kung paano niya iligtas ang kanyang kasintahan."

Biglang sumimangot ang mukha ni Mina sa sinabi ni Lady Curse.

"Mina! Tara sabay na tayo." Biglang pagyaya ni Kesha.

Isa isang nagsi-alisan ang mga kasamahan sa loob ng silid.

Lumingon muna si Mina sa monitor na walang naka-display bago sinabing... "Tara"

Sa iba ibang lugar naman ng mundong ito ay

napabuntong hininga nalang ang mga nanonood nang biglang naputol ang koneksyon. Mukhang hindi na kinaya ng mga magician na nagbi-video at nagsitakbuhan narin sila. May iba ibang reaksyon naman ang nakapanood.

"Nag-aalaga ba ng halimaw ang Engkantasya?"

"Anong klaseng kapangyarihan yun?"

"Sino-sino ang mga taong yun?"

"Bakit naging halimaw ung isa?"

Iba ibang katanungan at reaksyon ng mga nakapanood.

"Hehe mukhang magiging masaya ang regional competition ngayong taon." Isa namang lalaki ang natuwa ng makakita ng malalakas na mandirigma. Nakasuot siya ng uniporme pang magic highschool. May maganda siyang mukha at kapansin pansin din ang naka 'X' na piklat sa kanyang noo. Pero hindi manlang nabawasan ang kagwapuhan nito. Tila dumagdag pa ito sa kagwapuhan niya. Ang lalaking ito ay mula sa NORTH UPPER REGION MAGIC HIGH SCHOOL or NURMHS in short.

Marami pang iba ang may iba ibang reaksyon sa naganap na laban sa Engkantasya. Hindi nila alam kung paano maresolba ito ng Engkantasya pero wala silang paki kung maresolba o hindi.

Sa lugar naman ng paglalaban...

"Har! Har! Akala mo makakatakas ka pa?!" Malamig na boses halimaw na sabi ni Snowbber habang nanlilisik ang mapulang mata nito. Makikita rin ang mga matutulis na ngipin habang nagsasalita.

"Hahaha katapusan mo na hayop na dagaaaa!!!" Sigaw naman ni Fayatzu na nasa 70meters ang layo mula kina Yman.

Ice Javelin!

Malamig na boses ng pagbigkas sa pangalan ng Skill ni Snowbber habang nakataas ang kanang kamay. Halos isang daan na matutulis at mahahabang javelin na gawa sa yelo ang lumitaw sa likod ni Snowbber. Ilang sandali pagbaba ng kanang kamay ni Snowbber mabilis na patungo ang mga javelin na gawa sa yelo kay Yman at Ria. Halos hindi makapaniwala si Yman na pati ang magic niya ay nagbago. "Paano naging yelo ang elemento niya?"

"Yman!"

"Rea!!"

"Ron?!"

Dumating narin sila Ron pero nasa isang daang metro pa ang layo nila. Sa tingin ni Yman, bago pa umabot sila Ron sa kanya ay siguradong punit punit na katawan nila ni Rea.

Kumunot ang mga noo ng limang dumating nang masilayan ang kakaibang nilalang na nasa sampung metro sa harap ni Yman. Kanina nang papunta palang sila dito ay bigla silang nakadama ng malakas na enerhiya ng halimaw. Lalo na at biglang natakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Ngunit lalo silang nagulat pagdating nila rito. Napakalamig ng paligid na para bang nasa taglamig ang klima. Nababalutan din ng yelo ang mga parte ng lupa.

Nakita rin nila Ron ang mga kawal na walang malay sa unahan. May mga nakafull-plated armor ng kulay ginto naman sa likod ng malaking transparent na shield. Kung hindi siya nagkakamali ay mga personal na sundalo ito ng hari. Nasulyapan din nila ang gumuhong tunnel. At mga butas butas na lupa. Hindi maisip ni Ron kung paano humantong sa ganito ang paglalaban.

"Leader salo!" Biglang may ibinigay na itim na tela si Nine sa mga kakampi.

Pagkatapos masuot ay sumigaw si Ron "Nine ngayon na!"

"Okay!"

Mabilis na nagpakawala ng purple na enerhiya si Nine.

Isang sigundo nalang ay tatamaan na si Rea at Yman ng mga javelin na gawa sa yelo. Ngunit,

Bang! Bang! Bang!

Tunog ng pag bangga ng mga javelin sa humulmang shield sa harap nila Yman.

WideRange!

Floating Shield!

Ang Wide Range ay isang skill kung saan pinapahaba ang layo na pwedeng maabot ng skill. Ang Floating Shield naman ay pwede gamitin sa lupa o sa ere. Limang metrong layo lang ang distansya ng Floating Shield pero dahil sa effect ng Wide Range ay kaya nito umabot ng isang daang metro.

Kaso ngalang, hindi basta bastang halimaw ang kalaban. Dahil may tamang pag-iisip ito. "Harhar!Backup? Hurli na karyo! Gwahahahar!" Biglang nawala nanaman ang imahe ni Snowbber at lumitaw sa likod nila Yman.

"Tapusin mo na Snowbbeeeeeeer!" Sigaw ni Fayatzu.

"Tapusin mo na ang pasaway na yan." Mahinang sabi naman ni Shrewter.

"Gwaaar!"

Itinaas ulit ni Snowbber ang kanyang kanang kamay.

Giant Javelin!

Isang napakalaking javelin na gawa sa yelow ang biglang humulma sa ibabaw ng kanyang kanang kamay. May dalawang metrong radius ito at dalawampu't limang metro ang haba. Ilang sandali ay mabilis niyang inihampas sa direksyon nila Yman ang kanyang mga kamay. Agad naman sumugod ang higanteng javelin.

Biglang nagdilim ang mga mata ni Ron at mga kasama niya. Sinubukan ni Nine gumamit ulit ng skill pero nasa cool down na ang kanyang floating shield. At hindi aabot sa isang daang metro ang iba pa niyang skill.

Umiling iling naman ang ulo nila Captain Borg. Sa isip nila ay... sayang mukhang dito na matatapos ang nakaitim.

BAAAAAANG!

Malakas na pagsabog nang tumama sa lupa ang higanteng javelin. Biglang napalibutan ng alikabok at usok ang buong paligid dahil sa lakas ng impact nito.

Wooooosh!!

Kakaibang tunog ng pag-agos ng maraming dugo naman ang sunod na maririnig.

"Hahaha! Yan napala mo! Hayop na daga!!!" Malakas na sigaw ni Fayatzu.

"Sa wakas na-kompleto rin ang misyon." Malamig na sabi ni Shrewter.

Bigla namang nanlumo ang grupo ni Ron dahil nahuli sila sa pagdating. Napaluhod si Ron at malakas na sinuntok suntok ang lupa. Sa isip niya ay.. nawalan na naman kami ng kasama. Habang tumutulo ang luha sa mga mata.

"Reaaaaaaaaaaa!"

Hindi mapigilang sumigaw ni Jesa habang umagos ang luha sa mga mata.

Ilang sandali ay...

Unti-unti na ngang nawawala ang usok at alikabok na nagkukulay pula dahil sa dugo. Halos hindi makatingin ang grupo nila Captain Borg at Grupo nila Ron dahil sa posibleng napaka brutal na nangyari sa dalawa.

Nang luminaw na ang paligid at nawala na ang usok at alikabok nasaksihan ng lahat ang napaka brutal na nangyari.

"Wha—t?!!!!"

Nanlaki ang kanilang mga mata sa nasaksihan. Dahil nawala ang dalawang braso ng napakabilis na taong halimaw. Nawala rin ang ibabang parte ng bibig nito. Habang sa kanyang dibdib ay may mahahabang itim na mga kuko ang nakabaon.

Halos hindi makapaniwala ang lahat sa nangyari.

Ilang sandali...

"B-Black Magician" Mahinang nabanggit ni Alyssa.